You are on page 1of 4

Tiwala sa Sarili para sa

Pag-unlad ng Talento at Kakayahan

TALENTO AT KAKAYAHAN

Talento
- kasingkahulugan ng biyaya at kakayahan na kung saan ito ay likas na kakayahan
na kailangang tuklasin at paunlarin (webster Dictionary)

Thorndike at Barnhart,
- mga sikolohista, mula sa kanilang “Beginning Dictionary”, ang talento ay isang
pambihira at likas na kakayahan
- ang talento ay may kinalaman sa genetics o pambihirang katangiang minana sa
mga magulang
- ang kakayahan ay kalakasang intelektuwal (intellectual power) upang makagawa ng
isang pambihirang bagay gaya ng kakayahan sa musika o sa sining
- ang kakayahan ay likas o taglay ng tao dahil sa kaniyang intellect o kakayahang
mag-isip

Sean Covey
- nagbahagi tungkol sa pagtuklas ng talento sa kaniyang aklat na Seven Habits of
Highly Effective Teens, naniniwala siya na bawat tao ay may talento at kakayahan.
Magkakaiba nga lamang ng paraan ng pag-usbong ng talento sapagkat bawat tao
ay may kaniya-kaniyang panahon ng pagsibol, ang iba ay tinatawag na late
bloomer. Kaya dapat tandaan, espesyal ka dahil ikaw ay likha ng Diyos.

Dr. Howard Gardner


- ay bumuo ng teorya noong 1983, ito ang Theory of Multiple Intelligences. Ayon sa
teoryang ito, ang mas angkop na tanong ay “Ano ang iyong talino?” at hindi ang
“Gaano ka katalino?” Ayon kay Gardner, ang bawat tao ay may iba’t-ibang talino o
talento.

THEORY OF MULTIPLE INTELLIGENCES (Dr. Howard Gardner)


1. Visual/Spatial
2. Verbal/Linguis tic
3.Mathematical/Logical
4 . Bodily/Kinesthetic
5 . Musical/Rhythmic
6 . Intrapersonal
7. Interpersonal
8. Existent ial
9. Naturalist

1. VISUAL/SPATIAL - mabilis matuto sa pamamagitan ng paningin at pag-aayos ng


mga ideya.
Larangang tinatahak: sining, arkitektura at inhinyero

2. VERBAL/LINGUISTIC - talino sa pagbigkas o pagsulat ng salita. Kadalasan ang mga


taong may taglay na talinong ito ay mahusay sa pagbabasa, pagsusulat,
pagkukuwento, at pagmememorya ng mga salita at mahalagang petsa.
Larangang tinatahak: abogasya, pamamahayag, politika, pagtula at pagtuturo

3. MATHEMATICAL/LOGICAL – mabilis na pagkatuto sa pamamagitan


pangangatuwiran at paglutas ng suliranin (problem solving).
Larangang tinatahak: scientist, mathematician, inhinyero, doktor at ekonomista

4. BODILY/KINESTHETIC - natututo sa pamamagitan ng mga kongkretong karanasan


o interaksiyon sa kapaligiran. Mas natututo siya sa pamamagitan ng paggamit ng
kaniyang katawan, tulad ng pagsasayaw o paglalaro
Larangang tinatahak: pagsasayaw, isports, pag-aartista, pagiging doktor (lalo na sa
pag-oopera), konstruksyon, pagpupulis at pagsusundalo

5. MUSICAL/RHYTHMIC - natututo sa pamamagitan ng pag-uulit, ritmo o musika. Hindi


lamang ito pagkatuto sa pamamagitan ng pandinig kundi pag-uulit ng isang
karanasan. Larangang tinatahak: musician, kompositor o disc jockey

6. INTRAPERSONAL - natututo sa pamamagitan ng damdamin, halaga at pananaw. Ito


ay talino kaugnay ng kakayahang magnilay at masalamin ang kalooban. Larangang
tinatahak: researcher, manunulat ng nobela o negosyante
7. INTERPERSONAL - talino sa interaksiyon o pakikipag- ugnayan sa ibang tao.
Larangang tinatahak: nagiging matagumpay sa kalakalan, politika, pamamahala,
pagtuturo o edukasyon at social work

8. EXISTENTIAL - talino sa pagkilala sa pagkakaugnay ng lahat sa daigdig. “Bakit ako


nilikha”? “Ano ang papel na ginagampanan ko sa mundo?”
Larangang tinatahak: masaya sa pagiging philosopher o theorist

9.NATURALIST - talino sa pag-uuri, pagpapangkat at pagbabahagdan.

Larangang tinatahak: environmentalist, magsasaka, botanist at zoologist

GAWAIN I
PANUTO: Gawin ang mga sumusunod na gawain sa iyong sagutang papel.

1. A. Magtala ng isa sa iyong mga talento at isulat sa loob ng bituin.


Anong Teorya ng Multiple Intelli
gence ang
talentongtaglay mo?

______________________________
_____

1.B. Magtala ng isa sa iyong mga kakayahan.

TAGLAY MONG KAKAYAHAN

______________________________________________________________
______________________________
________________________________

Anong Teorya ng MultipleIntelligenceang kakayahan mo?


___________________________________________________

You might also like