You are on page 1of 15

7

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalaw ang Markahan - Mod yul 1 :
Tunguhin ng Isip at Kilos -Loob

AIRs - LM
LU_Q2_EsP7_Module 1
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7
Ikalawang Markahan - Modyul 1: Tunguhin ng Isip at Kilos-Loob
Ikalawang Edisyon, 2021

Karapatang sipi © 2021


La Union Schools Division
Region I

Ang lahat ng karapatan ay ibinibigay sa may akda. Anumang paggamit o pagkuha ng


bahagi ng walang pahintulot ay hindi pinapayagan.

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Rosenda G. Gubatan


Editor: SDO La Union, Learning Resource Quality Assurance Team
Content Reviewer: Norma B. Paneda
Language Reviewer: Allan V. Lais Tagaguhit:
Ernesto F. Ramos Jr.
Tagalapat: Maricar F. Lee

Tagapamahala:

Atty. Donato D. Balderas Jr.


Schools Division Superintendent
Vivian Luz S. Pagatpatan, PhD
Assistant Schools Division Superintendent

German E. Flora, PhD, CID Chief

Virgilio C. Boado, PhD, EPS in Charge of LRMS


Lorna O. Gaspar, EPS in Charge of Edukasyon sa Pagpapakatao
Michael Jason D. Morales, PDO II
Claire P. Toluyen, Librarian II

Inilimbag sa Pilipinas ng: _________________________


Department of Education – SDO La Union
Office Address: Flores St. Catbangen, San Fernando City, La Union
Telefax: 072 – 205 – 0046
Email Address: launion@deped.gov.ph

7
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan - Modyul 1:
Tunguhin ng Isip at Kilos-Loob
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para
sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t
ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at
malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga
magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga
magaaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang


nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang
magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o
sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang
masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita
kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan
namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito


upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o
mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay
na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa


kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga
aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga


tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala
sila sa paaralan.
Sapulin

May nakapagsabi na ba sa iyo na ikaw ay espesyal? Na ikaw ay kakaiba sa


lahat ng nilikha ng Maykapal? Na ikaw ay natatangi at walang katulad?
Pagmasdang mabuti ang iyong sarili sa salamin. Ano ang mayroon ka na
nagpapabukod-tangi sa iyo sa ibang nilalang dito sa mundo?
Sa modyul na ito, inaasahang maipapamalas mo ang mga sumusunod na
kaalaman, kakayahan at pag-unawa:
1. Natutukoy ang mga katangian, gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob EsP7PS-
IIa-5.1 (Aralin 1)
a. Naihahayag ang mga katangian, gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob;
b. Naipaliliwanag ang tamang gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob.
2. Nasusuri ang isang pasyang ginawa batay sa gamit at tunguhin ng isip at kilos-
loob EsP7PS-IIa-5.2 (Aralin 2)
a. Naitatala ang mga pasyang ginawa batay sa gamit at tunguhin ng isip at
kilosloob;
b. Natutukoy kung tama o mali ang mga pagpapasyang nagawa batay sa
gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob;
c. Naisasagawa ang isang mabuting pagpapasiya batay sa gamit at tunguhin
ng
isip at kilos-loob; at
d. Nakabubuo ng mga paraan upang maitama ang mga maling

pagpapasyang nagawa sa buhay.

LU_Q2_EsP7_Module 1
Simulan

Panuto: Pagmasdan at pag-aralang mabuti ang mga larawan sa ibaba. Pagkatapos


ay sagutin ng TAMA o MALI ang mga sumusunod na pahayag upang
maipakita ang kaibahan ng tao sa aso o sa iba pang nilalang. Isulat ang
iyong sagot sa sagutang papel. Maligayang pagsisimula! ☺☺☺

1. Mas matalino ang aso kaysa tao.


2. Ang tao ay nilikha ng Diyos upang pamahalaan ang iba pang nilalang.
3. Gaya ng aso, ang tao ay pwede ring umihi o dumumi kahit saan.
4. Ang tao ay pinagkalooban ng Diyos ng isip upang makapag-aral.
5. Ang tao ay may sariling isip at kilos-loob upang makapagdesisyon nang tama.
6. Ang aso ay may sarili ding kakayahan kaya hindi na dapat alagaan.
7. Ang bawat estudyante ay may sariling isip at kilos-loob kaya hindi dapat
nangongopya sa pagsagot ng modyul.
8. Ang tao ay may kakayahang makisalamuha sa kapwa tao dahil sa taglay nitong
isip at kilos-loob.
9. Ang tao ay marunong mag-isip at magsulat.
10. Ang aso ay magaling makipag-usap sa tao.

LU_Q2_EsP7_Module 1
Aralin
Katangian, Gamit at Tunguhin ng
1 Isip at Kilos-Loob

Lakbayin

Unawain at pagnilayan ang mga sumusunod na babasahin. Magkaroon ng


masayang pag-aaral at ikintal sa puso’t isipan ang mga mensaheng taglay. Simulan
nang maglakbay at ang Poong Maykapal ang sa iyo ay gagabay!

Bilang isang nilalang, mahalagang maunawaan mo ang mga katangiang


iyong taglay na nagpapabukod-tangi sa iyo. Ang isip at kilos-loob ay mga katangian
na siyang dahilan kung bakit pinili ng Diyos ang tao na mamahala at mag-aruga sa
iba pang mga nilikha.

Isip. Ang isip ay ang kakayahang alamin ang buod at diwa ng mga bagay, at
mag-isip. Ito ay ang kapangyarihang maghusga, mangatuwiran, sumuri, umalala at
unawain ang kahulugan ng mga bagay-bagay. Sa pamamagitan ng isip, natututong
kilalanin ng tao ang masama at mabuti, totoo at hindi, mahalaga at walang
kabuluhang mga bagay. Ang tunguhin ng isip ay katotohanan.

Kilos-loob. Ang kilos-loob ay ang kapangyarihang magpasya, pumili, at


isakatuparan ang kanyang pinili. Ayon kay Santo Tomas de Aquino, ang kilos-loob
ay ang makatuwirang pagkagusto o rational appetency dahil ito ay isang pakultad o
faculty na nalulugod sa mabuti at umiiwas sa masama. Ito ay nakasalalay sa mga
impormasyong ibinibigay ng isip.

Ang gamit ng kilos-loob ay upang kumilos o gumawa. Kapag ginagamit ng tao


ang kanyang kapangyarihang pumili at gumawa ng tama, ipinapakita lang niya ang
kanyang pananagutan o responsabling pagkilos. Ang tunguhin ng kilos-loob ay
kabutihan.

Samakatuwid, ang isip at kilos-loob ay kailangang sanayin at linangin upang


magampanan ng mga ito ang kani-kanyang layunin. Kung hindi, magagamit ang
mga ito sa maling paraan na maaaring makahadlang sa pagkamit ng kaganapan ng
tao na siyang bukod-tanging nilalang.

LU_Q2_EsP7_Module 1
Galugarin

Magdikit ng sariling larawan sa isang malinis na bond paper at pagkatapos


ay isulat sa palibot nito ang iyong magagawa na hindi kayang gawin ng ibang
nilalang. Gawing maganda at malinis ang iyong output. Gawing gabay sa paggawa
ang sumusunod na pamantayan.

Rubrik sa Pagtataya
Pamantayan Deskripsyon Puntos
Nilalaman Angkop sa hinihinging gawain 5
Pagkamalikhain Nagpapakita ng pagkamalikhain sa
pamamagitan ng disenyo at iba pang art 5
materials
Kaayusan/Kalinisan Maayos at malinis ang pagkakagawa 5
Kabuuan 15

Palalimin

Tunay na katangi-tangi at kahanga-hanga ka dahil sa bigay ng Diyos na


natatanging antas ng pag-iisip at likas na talino. Bilang pasasalamat, sumulat ng
liham para sa Kanya. Ipagpatuloy ang nasimulang dalangin. Isulat ito sa isang
malinis na papel.

Mahal kong Panginoon,

Ako po ay lubos na nagpapasalamat sa Iyo dahil nilalang mo akong


katangitangi. Salamat sa aking isip at talino dahil sa pamamagitan nito ay
__________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________.

Maraming salamat po O Diyos at ako ay may kalayaang matuto at piliin


kung ano ang tama. Dahil dito, ako ay ___________________________________________
_________________________________________________________________________________.

Salamat po sa aking katawan at espiritu na magkatuwang sa paggawa ng


kabutihan. Dahil sa kalikasan kong ito ay ________________________________________
_________________________________________________________________________________.

Lubos na nagpapasalamat,
_________________________
4

LU_Q2_EsP7_Module 1
Rubrik sa Pagtataya
PAMAN Napakahu Mahusay Katamta Nangangaila May
TAYAN say man ngan pa ng Panimulang
Kasanayan 4- Kasanayan
13-15 10-12 7-9 6 1-3
NILALA Napakahusay Mahusay May Maligoy ang May ilang
MAN ng ang kahusayan sagot. naisulat na
pagkakabuo pagkakabuo ang Nakalilito at salita ngunit
ng sagot. ng sagot. pagkakabu hindi tiyak walang diwa.
Malawak at Malinaw at o ng sagot. ang mga
tiyak ang
marami ang Tiyak ang punto.
pahayag at
angkop na mga
paliwanag.
pahayag at pahayag at
elaborasyon. paliwanag.

LU_Q2_EsP7_Module 1
Aralin Pagpapasya Gamit ang Isip at Kilos-
Loob
2

Lakbayin

Ang tao ay tunay na kakaiba at natatangi sa lahat ng uri ng nilalang. Siya ay


kawangis ng Diyos at may taglay na kaisipan at kilos-loob na siyang batayan sa
pag-iisip niya ng paraan upang mapaunlad ang kanyang sarili at kapwa at sa
pagtuklas kung ano ang tama at mali.
Kawangis ng Diyos ang tao dahil sa kakayahan niyang makaalam at magpasya ng
malaya. Ang kapangyarihan niyang mangatuwiran ay tinatawag na isip. Ang
kapangyarihang pumili, magpasya at isakatuparan ang pinili ay tinatawag na kilos-
loob.
Sa pamamagitan ng isip, ang tao ay naghahanap ng katotohanan; kaya’t
patuloy siyang nagsasaliksik upang makaunawa at gumawa nang naaayon sa
katotohanang natuklasan. Ang pandamdam ng tao ay nakatutulong upang
makamit ang katotohanang ito. Sa pamamagitan ng kaalamang natuklasan,
maaari siyang gumawa para sa ikabubuti ng kanyang kapwa. Dahil ang isip ng tao
ay may limitasyon at hindi ito kasing perpekto ng Maylikha, siya ay nakadarama
ng kakulangan. Kaya’t ang paghahanap ng isip sa katotohanan ay hindi
nagtatapos; ang katotohanan ang tunguhin ng isip.
Sa pamamagitan ng kilos-loob, maaaring piliin ng tao na gawin ang mabuti.
Ngunit hindi lahat ng mabuti ay magkakapareho ng uri. Nakasalalay sa tao ang
pagsaliksik at pag-alam kung alin ang higit na mabuti upang ito ang kanyang
piliing gawin. Samakatwid ang isip at kilos-loob, tulad ng katawan, ay kailangang
sanayin at linangin upang magampanan ng mga ito ang kani-kanyang layunin.
Kung hindi, magagamit ang mga ito sa maling paraan na makahahadlang sa
pagkamit ng kaganapan ng tao.
Ang bawat tao ay may tungkuling sanayin, paunlarin at gawing ganap ang isip at
kilos-loob. Mahalagang pangalagaan ang mga ito upang hindi masira ang tunay na
layunin kung bakit ipinagkaloob ang mga ito sa tao. Inaasahang magkasabay na
pinauunlad ng tao ang kanyang isip at kilos-loob. Habang marami siyang
natutuklasang kaalaman at karunungan sa pamamagitan ng pag-aaral o
pagsasaliksik, inaasahan ding naipamamalas sa kanyang pagkatao ang
mapanagutang paggamit ng mga ito. Sa gayon, higit siyang magiging mabuting
nilalang na may mabuting kilos-loob.

LU_Q2_EsP7_Module 1
Galugarin

Bilang isang kabataan, marami kayong mga nagawa o pagpapasya na hindi


tama at hindi naaayon sa inyong kalooban. Bumuo ng graphic organizer o kaya
nama’y talahanayan na nagpapakita ng pasyang ginawa, kinahinatnan nito at mga
paraang ginawa upang maitama ang mga ito. Gawin ito sa isang malinis na papel
at sikaping isaalang-alang ang sumusunod na pamantayan sa paggawa.

Pamantayan sa Pagtataya
Pamantayan Deskripsyon Puntos

Nilalaman Angkop ang nilalaman sa 10


hinihingi ng gawain
Kalinisan Malinis ang pagkakagawa 5

Kabuuan 15

Palalimin

Ilagay ang iyong sarili sa mga sumusunod na sitwasyon. Isulat mo ang iyong
makatotohanang gagawin o sasabihin at ang dahilan ng pagpili ng desisyong
gagawin. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

1. Madalas mong hindi natatapos ang pagsagot ng modyul dahil sa paglalaro ng


mobile legends. Dahil dito, mababa ang nakukuha mong marka kapag
ibinabalik ng guro ang iyong mga papel. Hinihingan ka ng paliwanag ng iyong
mga magulang.
Ang aking gagawin:__________________________________________________________
Dahilan/batayan ng kilos:___________________________________________________
2. Nag-aaral ka nang biglang tumawag ang isa mong kamag-aral at may ibinigay
na link sa internet. Niyaya ka niyang manood ng malalaswang eksena sa site na
ito. Ano ang sasabihin mo?
Ang aking sasabihin: ________________________________________________________
Dahilan/batayan ng kilos:___________________________________________________
3. May usapan kayo ng iyong mga kaibigan na magbibisikleta tuwing araw ng
Linggo bilang bahagi ng inyong physical fitness exercises pero biglang tumaas
ang kaso ng Covid-19 sa inyong lugar. Susunod ka pa rin ba sa inyong
pinagusapan o mananatili na lang sa bahay? Ano ang nararapat mong gawin?
Ang aking gagawin: __________________________________________________________
Dahilan/batayan ng kilos: ___________________________________________________

LU_Q2_EsP7_Module 1
Sukatin

A. Iguhit ang happy face (☺) kung ang desisyong ipinapakita ay tama at sad face
() naman kung mali. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

1. Gusto mong tumulong kaya ninakawan mo ang mga mayayaman para


matulungan ang mga mahihirap.
2. Hangad mong magkaroon ng mataas na marka kaya lagi kang nangongopya
sa katabi para marami kang makuha.
3. Gusto mong magkaroon ng magandang kinabukasan kaya lagi mong
sinusunod ang mga mabubuting payo ng iyong mga magulang.
4. Nagtitiwala ka sa Diyos na walang bahid ng pagdududa.
5. Naging masipag ka sa pagsagot sa modyul at hindi mo ito ipinagawa sa mga
nakatatanda.
6. Hindi mo binigyang halaga ang pagsagot sa modyul dahil inisip mong
makakapasa sa panahon ng pandemya.
7. Sinikap mong sagutan ang lahat ng modyul kahit wala sa iyong nakakakita
dahil gusto mong maging bihasa.
8. Laging taimtim na nagdarasal kapag nagigising sa bawat umaga.
9. Ipinanganak kang mayaman kaya binibili mo lahat ng iyong maibigan.
10.Mag-aaral ka nang mabuti para maging modelo at inspirasyon sa kapuwa
kabataan.

B. Suriing mabuti ang mga pahayag. Tama ba o mali ang iyong desisyon? Isulat
ang TAMA kung ang desisyon ay wasto at MALI naman kung hindi wasto.

1. Mag-iisip ako ng maraming beses bago magpasya.


2. Upang maipakita ko na ako ang lider, dapat ako ang masusunod.
3. Magkukusa akong magbantay sa tindahan namin upang makakupit ng pera
para sa paglalaro ng kompyuter.
4. Tinatamad akong magsagot ng modyul kaya maglalaro na lang ako ng
cellphone.
5. Susunod ako sa mga health protocols para makaiwas sa pagkalat ng Covid-19
virus.

LU_Q2_EsP7_Module 1
LU_Q2_EsP7_Module 1
9
Sanggunian
na rubriks.
Gawing gabay sa pagwawasto ng ibang mga gawain ang mga nakapaloob
Sukatin: Simulan:
1 .  6 .  11 . Tama 1 . M ali 6. Mali
2 .  7. ☺ 12 . Mali 2 . T ama 7. Tama
3 . Mali 8. Tama
3. ☺ 8 . ☺ 13 . Mali
4 9 . T ama . Tama
4 . ☺ 9 .  14 . Mali
5 . Tama 10. Mali
5 . ☺ 10 . ☺ 15 . Tama
Susi sa Pagwawasto
Aklat

Esteban, Esther J. Education in Values: What, Why and for Whom. (Manila:
Sinagtalan Publishers Inc. 1990)

Kawanihan ng Edukasyong Sekundarya. Kagawaran ng Edukasyon. Gabay sa


Pagtuturo sa EP para sa 2010 Kurikulum ng Edukasyon Sekundarya (SEC)
Pasig City: Awtor

Pascua, E.M. et,al. Sanayang Aklat sa Edukasyon sa Pagpapahalaga I. Makati:


Eureka Scholastic Publishing Inc. (2010)

10

LU_Q2_EsP7_Module 1
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – SDO La Union


Curriculum Implementation Division
Learning Resource Management Section
Flores St. Catbangen, San Fernando City La Union 2500
Telefax: 072 – 205 – 0046 Email Address:
launion@deped.gov.ph lrm.launion@deped.gov.ph

11

LU_Q2_EsP7_Module 1

You might also like