You are on page 1of 35

Ama namin

Ama namin sumasalangit ka,


Sambahin ang pangalan mo.
Mapasaamin ang kaharian mo.
Sundin ang loob mo dito sa lupa para nang sa langit.
Bigyan mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw araw;
At patawarin mo kami sa aming mga sala,
Para nang pagpapatawad namin sa nagkakasala sa amin;
At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso,
At iadya mo kami sa lahat ng masama.
Amen
Mga Talento at Ika-7
Baitang

Kakayahan ating
Tuklasin at
Paunlarin
EsP 7: Q1 - Aralin 2
Mga kasanayang pagkatuto:
1. Natutukoy ang kanyang mga talento at kakayahan.
2. Natutukoy ang mga aspekto ng sarili kung saan
kulang siya ng tiwala sa sarili; at
3. Nakikilala ang mga paraan kung paano lalampasan
ang mga ito.
01
Pagganyak
Ang tao mula sa kaniyang kapanganakan ay binigyan
ng Diyos ng angking talino. Natutuklasan ito sa tulong
ng kaniyang mga magulang, guro, at iba pang tao.
Subalit, habang siya ay lumalaki, ang pagtuklas at
pagpapaunlad nito ay tungkulin na niya sa kaniyang
sarili. Kasabay nito ang pagkakamit ng kakayahang
bunga ng pag-aaral at pagsasanay.
Ang pagtuklas sa iyong sariling talento at kakayahan
ay sinasabing isang malaking hakbang upang ang
mga ito ay mas lalong mapabuti at malinang. Bilang
isang indibidwal na nakapagtapos sa elementarya,
mas inaasahan ang iyong kakayahan na tumuklas at
luminang ng talento at mga kakayahan.
Mahahalagang Tanong

Bakit mahalaga ang ppagtuklas


at pagpapaunlad ng angking
talent at kakayahan?
02
Pagtatalaka
y
Mahahalagang Tanong

Ano ang kaibahan ng


talento at kakayahan?
Ang talento ay isang
pambihira at likas na
kakayahan. Ito ay may
kinalaman sa genetics o mga
pambihirang katangiang
minana sa magulang.
Ang kakayahan ay kalakasang
intelektuwal (intellectual power) upang
makagawa ng isang pambihirang bagay
tulad ng kakayahan sa musika o sining.
Ito ay likas o tinataglay ng tao dahil na
rin sa kaniyang intellect o kakayahang
mag-isip.
Ang Teorya Ng Multiple
Intelligences
Ayon kay Gardner,
(Teorya Ng Multiple
Intelligences) mayroong
walong uri ng talento ang
tao, at ito ang sumusunod:
01
Visual/
Spatial
1. Visual/Spatial
Ang taong may talinong
visual /spatial ay mabilis
matututo sa pamamagitan
ng paningin at pag-aayos
ng mga ideya. Ang
larangan na angkop sa
talinong ito ay sining,
arkitektura at inhinyera.
02
Verbal/
Linguistic
2. Verbal/Linguistic
Ito ang talino sa pagbigkas
o pagsulat ng salita. Ang
larangan na nababagay sa
talinong ito ay pagsulat,
abogasya, pamamahayag
(journalism), politika,
pagtula at pagtuturo.
03
Mathematical/
Logical
3. Mathematical/Logical
Taglay ng taong may talino ang
mabilis na pagkatuto sa pamamagitan
ng pangangatuwiran
at paglutas ng suliranin (problem
solving). Ito ay talinong kaugnay ng
lohika, paghahalaw at numero. Ang
larangan na kaugnay nito ay ang
pagiging scientist, mathematician,
inhinyero, doctor at ekonomista.
04
Bodily/
Kinesthetic
4. Bodily/Kinesthetic
Ang taong may ganitong talino ay
natu-tuto sa pamamagitan ng mga
kongkretong karanasan o interaksiyon
sa kapaligiran. Mataas ang tinatawag
na muscle memory ng taong may
ganitong talino. Ang larangang
karaniwang tinatahak ng talinong ito ay
ang pagsasayaw, isports, pagiging
musikero, pag-aartista, pagiging doctor
(lalo na sa pag-oopera), konstruksyon,
pagpupulis at pagsusundalo.
05
Musical/
Rhythmic
5. Musical/Rythmic
Ang taong nagtataglay ng talinong ito
ay natututo sa pamamagitan ng pag-
uulit, ritmo, o musika. Hindi lamang ito
pagkatuto sa pamamagitan ng pandinig
kundi pag-uulit ng isang karanasan.
Likas na nagtatagumpay sa larangan
ng musika ang taong may ganitong
talino. Magiging masaya sila kung
magiging isang mucisian, kompositor o
disk jockey.
06
Intrapersonal
6. Intrapersonal
Sa talinong ito, natututo ang tao
sa pamamagitan ng damdamin,
halaga, at pananaw. Karaniwang
ang taong may ganitong talino ay
malihim at mapag-isa o introvert.
Ang larangang kaugnay nito ay
pagiging isang researcher,
manunulat ng mga nobela o
negosyante.
07
Interpersonal
7. Interpersonal
Ito ang talino sa interaksiyon o
pakikipag-ugnayan sa ibang tao.
Ang taong may mataas na
interpersonal intelligence ay
kadalasang bukas sa kaniyang
pakikipagkapwa o extrovert.
Kadalasan siya ay nagiging
tagumpay sa larangan ng
kalakalan, politika, pamamahala,
pagtuturo at social work.
08
Naturalist
8. Naturalist
Ito ang talino sa pag-uuri,
pagpapangkat at pagbabahagdan.
Madalas niyang makilala ang
mumunti mang kaibahan sa
kahulugan (definition). Kadalasan ang
taong mayroong ganitong talino ay
nagiging environmentalist, magsasaka
o botanist.
09
Existential
9. Existential
Ito ay talino sa pagkilala sa
pagkakaugnay ng lahat sa daigdig.
Ang talinong ito ay naghahanap ng
paglalapat at makatotohanang pag-
unawa ng mga bagong kaalaman sa
mundong ating ginagalawan.
Kadalasan ang taong mayroong
ganitong talino ay masaya sa pagiging
philosopher, theorist, mga pari o
pastor.

You might also like