You are on page 1of 40

Aralin 2

Mga Talento at Kakayahan


Layunin
• Nakikilala ang sariling talentong pangkaisipan,
pansining, at pampalakasan
• Naipapaliwanag kung bakit hindi pare-pareho
ang talento ng mga tao
• Naipahahayag ang mabubuting bunga sa
tamang paggamit ng mga talento at kakayahan
• Nakapagmumungkahi ng dapat gawin upang
mapaunlad ang aking talino at talento
Pangunahing Tanong
Bakit mahalaga ang
pagtuklas at pagpapaunlad
ng angking talino at
kakayahan?
Gawain
Panuto:
Ang guro ay magpapakita ng mga larawan,
aalamin ng mga mag-aaral ang mga
salitang nais ipabatid ng mga ito.
DUH!
Ano ang unang pumapasok sa
isip mo kapag narinig mo ang
salitang matalino?
Naniniwala ka ba na lahat ng
tao ay matalino?
Ang Paglinang ng mga Talino at Talento
Isang napakahalagang teorya ang binuo ni Dr.
Howard Gardner noong 1983, ang teorya ng Multiple
Intelligence. Ayon sa teoryang ito, ang mas angkop na
tanong ay “Ano ang iyong talino” at hindi, “Gaano ka
katalino?” ayon kay Gardner, bagama’t lahat ay may
angking likas na kakayahan, iba’t-iba ang mga talino o
talent. Nasusukat ang ganitong uri ng talino sa
paggamit ng gma pagsusulit na pasulat o intelligence
tests.
Habang lumalago ang
mga pananaliksik o pag-aaral sa
sikolohiya, nagbabago o
nadaragdagan ang mga
kaalaman tungkol sa konsepto
ng talino. Isa si Dr. Howard
Gardner ng Harvard University
sa mga sikolohistang
naniniwalang mayroon pang
ibang pamamaraan ng
pagpapahayag ng talino ng tao.
VERBAL-LINGUISTIC INTELLIGENCE
Talinong Pangwika
Ito ang kahusayan sa
paggamit ng isang wika
pasulat man o pasalita.
Ang taong may taglay na
ganitong talino ay Manunulat, editor,
mahusay sa pagbabasa, makata, nobelista o
pagsulat, pagkukuwento, scripwriter, voice-
at pagmememorya ng over artistes,
mga salita at petsa. speakers, translators
LOGICAL-MATHEMATICAL INTELLIGENCE
Talinong Lohikal o
Pangmatematika
Mahusay sa kaeksaktuhan
sa numero, sa organisasyon
sa pag-iisip, at galing sa mga
konsepto na abstrak. Ang
taong may ganitong talino
Mathematician,
ay mabilis natututo sa
inhinyero, siyentista, o
pamamagitan ng
pulis-imbestigador,
pangangatwiran at paglutas
accountants, bankers,
ng suliranin.
compurer experts
VISUAL - SPATIAL INTELLIGENCE
Talinong Pang-
espasyo o Biswal
Mahusay sa magandang
paggamit sa mga espasyo
sa pamamagitan ng
sukat, linya, iba’t ibang
kulay, at mga bagay-
bagay. Ang taong may
ganitong talino ay mabilis Pintor, eskultor, manlalaro
natututo sa ng chess, make-up artist,
pamamagitan ng cartoonist, designers,
paningin. photographers
MUSICAL INTELLIGENCE
Talinong Pangmusika

Sensitibo sa pitch,
ritmo, tema, at maling
tunog o kombinasyon
ng mga tunog ang may
talinong pangmusika.

Mang-aawit, kompositor,
tagakumpas, DJ’s, music
producers, Entertainers
BODILY-KINESTHETIC INTELLIGENCE
Talinong Pangkatawan
Mahusay sa pagkontrol ng
katawan at mga bagay-bagay
na hinahawakan. Mahusay
rin sa wastong tiyempo o
kailangang pagkakataon ang
may talinong ito.
Mananayaw, atleta, aktor sa
entablado, mga siruhano,
karatista at mga
nagpapatakbo ng kabayo,
soldiers, fire fighters
INTERPERSONAL INTELLIGENCE
Talinong Interpersonal
Sensitibo sa damdamin ng
kapwa ang may talinong
interpersonal. Nababasa nila
ang mga intensiyon, balak,
pangamba, at ambisyon mula
sa kanilang mga kilos, salita,
at gawi.
Politiko, guro, pinuno ng iba’t
ibang relihiyon, social worker,
guidance counselor,
psychologist, therapists
INTRAPERSONAL INTELLIGENCE
Talinong Intrapersonal
Ito ay talinong kaugnay ng
kakayahang magnilay at
masalamin ang kalooban.
Karaniwang ang taong may
ganitong talino ay malihim at
mapag-isa o introvert. Mabilis
niyang nauunawaan at
natutugunan ang kanyang
nararamdaman at motibasyon.
Malalimang pagkilala niya sa
kanyang angking talent, kakayahan
at kahinaan.
NATURALISTIC INTELLIGENCE
Talinong Pangkalikasan
Ito ay tumutukoy sa
kakayahang magpahalaga sa
ganda ng kalikasan at
kapaligiran at ang kakayahan
ng isang tao na iugnay ang
kaniyang sarili sa lahat ng
nilalang ng Diyos lalong-lalo
na sa mga likas na yaman ng
mundo. Botanist, farmers,
environmentalist
EXISTENTIAL INTELLIGENCE
Talinong Eksistensiyal
Ang talinong ito ay ang
pagkasensitibo at kakayahan
sa pangangasiwa ng
malalalim na katanungan
tungkol sa pagkatao, gaya ng
kahulugan at katuturan ng
buhay, pagkalalang at
kamatayan.
Mga pilosopo, theorist, mga
pari o pastol
Gawain
Panuto:
Ang guro ay magpapaskil sa loob ng silid-aralan ng mga
larawan na nagpapakita ng multiple intelligences ni
Howard Gardner. Ang mga mag-aaral ay aatasang suriin
ang kanilang sarili sa kung ano ang sa tingin nilang
pinaka-angkop sa kanila. Pagkatapos ay mananatili sila
sa espasyong kinalalagyan ng napili nilang larawan.
Gawain
Panuto:
Ang guro ay magpapasagot ng isang multiple
intelligence test sa mga mag-aral upang
mapatunayan na kabilang nga sila sa mga napili
nilang larawan.
Ano ang dapat na gawin
upang mapaunlad ang iyong
angking talino?
Paano mo mapapaunlad
ang iyong angking talino?
Mayroon bang mga taong
walang aking talino?
Patunayan.
Mga Paraan ng Paglinang ng Talento
• Tuklasin ang iyong iba’t ibang talino at potensiyal.
Ang mga gawain sa tahanan, paaralan, simbahan,
at pamayanan ay maaaring pagkakataon upang
matuklasan ang iyong kakayahan o talino.
• Sanayin ang sarili sa pakikibahagi ng talino sa mga
gawain o proyektong makapagpapabuti ng
kalagayan ng kapwa, lalo na sa mga
nangangailangang kababayan na labis na
naghihirap sa buhay.
Mga Paraan ng Paglinang ng Talento
• Maging mapagkumbaba sa pagtanggap ng
mga karangalan o papuri ng ibang tao o
samahan.
• Lumahok sa mga palighasan na makatutulong
upang lalong mahasa ang mga talento.
Gawain
Magsasagawa ng palatuntunan na magtatampok
ng talino o talento ng bawat mag-aaral. Ito ay
pamamagatan “Palatuntunan ng mga Kahusayan
at Talento.” Ang bawat mag-aaral ay pipili mula
sa siyam na uri ng talino ayon kay Howard
Gardner at magtatampok sa harap ng klase.

You might also like