You are on page 1of 11

Modyul 2

Talento
Mo,Tuklasin,Kilalanin at
Paunlarin
Talentado ka ba?
TALENTO ay ginagamit kasingkahulugan ng BIYAYA at KAKAYAHAN.
Ito ay isang LIKAS na kakayahang kailangang KILALANIN at
PAUNLARIN (Webster Dictionary)
Isang BIYAYA (Google)

THORNDIKE at BARNHART (Sikolohista,The Beginning Dictionary)


TALENTO ay isang pambihira at likas na kakayahan
Ito ay may kinalaman sa GENETICS o namamana.

KAKAYAHAN ay kalakasang intelektuwal (intellectual power) upang ma-


kagawa ng isang pambihirang bagay.
Tinataglay ng tao dahil sa kanyang intelek o kakayhang mag-
isip.
Brian Green, isang atleta, ay niniwalang ang pagtutuon ng atensiyon nang marami sa
talento sa halip na kakayahan ay isang hadlang sa pagtatagumpay,mas mahalagang
bigyan ng tuon ang kakayahang magsanay sa araw araw at magkaroon ng komitment sa
pagpapahusay sa taglay na talent

Sean Covey sa kanyang aklat na 7 Habits of Highly Effective Teens, bawat tao ay may
talento at kakayahan. Ang bawat tao ay may kani-kanyang panahon ng pagsibol. Ang iba
ay ang tinatawag na late bloomer. Iyong tandaan, espesyal ka, dahil ikaw ay likha ng
Diyos.
Ayon kay Michaelangelo na kilala bilang isang mahusay na manlililok, ang obra ay nasa
bato mula pa sa simula, kinailangan lamang niyang ukitin ang mga labis na bahagi nito.
Tulad ng obra , ang ating mga kakayahan at talento ay taglay na natin mula ng tayo ay
isinilang. Tayo ang gagawa ng paraan upang tuklasin ang mga ito.Kailangan mag - buhos
ng atensyon,panahon,lakas at talino,matutuklasan natin ang ating mga kakayahan at mga
talento.
Dalawang bagay na natuklasan sa pagsusuri nila Professor Ericson at ng kanyang
grupo

Una, kadalasan di sapat ang likas na kakayahan upang maging bihasa at


matagumpay sa anumang larangan,kailangan ang masusi at matamang pagsasanay.
“Practice makes it perfect”

Ikalawa, bukod sa talento o kakayahan, mahalaga rin na tayo ay may interes o hilig
sa larangang pinasok
Kailangang malampasan ang ating mga kahinaan

Ang tiwala sa sarili ay ang paniniwala sa sariling kakayahan.

Dapat malaman tungkol sa tiwala sa sarili:


a. Ang tiwala sa sarili ay hindi namamana, ito ay natututuhan.
b. Hindi ito pangkalahatan, bagkus ay may iba’t ibang antas tayo ng
tiwala sa sarili sa iba’ ibang sitwasyon.
c. Nagbabago ito sa paglipas ng panahon. Maaari itong tumaas o
bumaba ayon sa ating karanasan sa buhay.
d. Hindi ito nakasalalay sa mga bagay na labas sa ating sariling plano sa pagpapaunlad
ng sarili.
Isang mabisang paraan upang masimulan ang daan sa pagpapaunlad ng sarili ay ang
paggawa ng plano o hakbang sa pagkamit nito.

Plano sa pagpapaunlad sa sarili:


1. Dapat nating tukuyin kung nasaan na tayo ngayon:Ano-ano ang ating mga kalakasan at
kahinaan.

2. Tukuyin kung saan natin nais o kailangang tumungo. Anong aspeto ang kailangang paunlarin,
alin ang dapat unahin.

3. Kailangang lapatan ito ng mga paraan kung paano isasagawa ang mga pagbabago.
Maaaring ang pinakamahirap na bahagi nito ay ang pagtukoy at pagtanggap sa ating mga
kahinaan. Kung magagawa natin ito. mas magiging madali na ang iba pang bahagi.

You might also like