You are on page 1of 5

ABHS Radyo-Sikat Subject: ESP Grade Level: 9 Quarter 4 Week 3

104.4 FM
Lesson Title: Mga Pansariling Salik sa Pagpili ng Track o Kursong Date: May 25, 2022
Akademiko, Teknikal-Bokasyonal, Sining at Disenyo, At Isports
Teacher Broadcaster: IAN EDUARD C. ADRIANO

Lesson Objectives:
1. Napapatunayan na ang pagiging tugma ng mga personal na salik sa mga pangangailangan
(requirements) sa napiling kursong akademiko, teknikal-bokasyonal, sining at isports o negosyo ay
daan upang magkaroon ng makabuluhang hanapbuhay o negosyo at matiyak ang pagiging
produktibo at pakikibahagi sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa. (EsP9PK-IVb.13.3)
GREETINGS
SNEAK IN “ RBI JINGLE” THEN SEQUEL TO
MUSIC THEME FADE UP…ESTABLISH…FADE UNDER FOR
1. TEACHER BROADCASTER: Magandang magandang Umaga
2. Ito ang inyong school on Air ABHS RADYO SIKAT sa 104.4 FM.
3. Ako ang inyong guro si sir Ian Eduard Adriano
4. para sa programang ESP 9 pa-HALAGA-han!
SNEAK IN TO HAPPY/UPBEAT MUSIC THEME FADE UP…ESTABLISH…FADE UNDER FOR

CHECKING OF ATTENDANCE
7. TEACHER BROADCASTER: Komusta na kayo mga giliw naming mag-aaral?
8. Sana ang bawat isa ay malusog at nasa maayos na kinalalagyan.
9. Ako ay natutuwa na marinig na ang bawat isa ay mabuti.
10. Samahan nyo ako ngayon para sa ating aralin sa ESP 9.
11. Bago tayo magsimula, hayaan nyo muna akong batiin ang lahat ng mag-aaral sa Grade 9 (SFX
:CLAP/CHEER)
12.Ngayon ay humanap nang pwesto kung saan kayo ay makakapakinig ng kumportable para sap ag-aaral
natin sa inyong module (PAUSE) (SFX PAY ATTENTION)
13. handa na ba kayong making at matuto? (PAUSE)
14. Sigurado ako na handa at excited na kayong matuto.
15. Kunin na ang mga modules, lapis o ballpen at ang sagutang papel. (CHEERS)
16. Simulan na natin ang ating talakayan sa ESP 9 – Pa-Halaga-han. (SFX SONG 1)
REVIEW OF PREVIOUS LESSON
17. TEACHER BROADCASTER:
18. Madalas natin marinig sa mga magulang ang katagang: “Anak mag-aral kang mabuti dahil tanging ang
edukasyon lamang ang maipamamana namin sa inyo na hindi maaagaw ng iba”. Ang makapagtapos ng pag-
aaral ay daan tungo sa maganda at masaganang pamumuhay sa hinaharap. (PAUSE)
20. Ngayon umaga tatalakayin natin ang “Tamang Pananaw sa Sekswalidad ng Tao.” Magsimula na tayo
MSC UP AND UNDER HAPPY SONG BACKGROUND
OVERVIEW OF LESSON / SPRINGBOARD
21. Pagkatapos ng gawaing pampagkatutong ito, ikaw ay inaasahang:
1. Naipaliliwanag ang batayang konsepto sa mga pansariling salik sa pagpili ng track o kursong akademiko,
teknikal-bokasyonal, sining at disenyo, at isports;
2. Natutukoy ang mga hakbang na gagawin sa pagpili ng track o kursong akademiko, teknikal-bokasyonal,
sining at disenyo, at isports; at
3. Nakagagawa ng mga hakbang upang paghandaan ang pagpili ng track o kursong akademiko, teknikal-

Page 1 of 5
bokasyonal, sining at disenyo, at isports. (PAY ATTENTION)

LESSON PROPER
1. TEACHER BROADCASTER: Natalakay na natin sa unang bahagi ng ating aralin ang limang panloob na
salik na maaaring makaapekto sa iyong pagpapasiya sa pagpili ng track o kurso. Ito ay ang mga sumusunod:
talent, kasanayan (skills), hilig, pagpapahalaga, at mithiin

2. Mahalagang maunawaan mo ang iyong mga pansariling salik sa pagpili ng track o kurso ngunit hindi
lamang ang mga ito ang dapat na iyong batayan. Marapat lamang na alam mo rin ang mga panlabas na salik
na maaaring makaapekto sa iyong pagpapasiya..

3. Ilan sa mga panlabas na salik ay:


a. Impluwensiya ng pamilya.
Ito ay ang mga suhestiyon o gustong kurso ng mga magulang, kapatid, o mga kamag-anak.

Halimbawa: Dahil isang engineer ang ama ni Joshua ay gusto rin nitong maging engineer siya kung kaya’t
hinihikayat niya ito na kumuha ng STEM para maging magkatulad sila.

b. Impluwensiya ng barkada.
Ito ay ang mga suhestiyon o gustong kurso ng mga kaibigan o barkada. Madalas sa pag-uusap ng
magkakaibigan na kukuha ng parehong kurso para magkakasama.

Halimbawa: Mahilig maglaro ng Mobile Legends (online games) ang magkakaibigan na sina Pocholo,
Jefferson, Lourine, at Rheibel. Kaya napagpasiyahan nilang magkakaibigan na mag-academic track at
kumuha ng STEM na strand para sama-sama sa Information Technology Course pagtungtong ng kolehiyo.

c. Gabay ng Guro o Guidance Advocate.


Sa mga nahihirapang magpasiya sa kukuning kurso ay madalas na hinihingi ang payo ng kanilang guro na
makatutulong sa pagbibigay-payo. Dahil kilala ka ng iyong guro alam niya ang iyong mga kakayahan kaya
mapapayuhan ka niya sa track o kurso na nababagay sa iyo.
(PAUSE)

Halimbawa: Nahihirapang magpasiya si Cassandra kung anong track o kurso ang kaniyang kukunin sa Senior
High School kung kaya’t pinuntahan niya Bb. Maricel na naging guro niya noong nasa Ikawalong Baitang
siya. Dahil alam ni Bb. Maricel na mahusay siya sa pakikiharap sa mga tao at public speaking, pinayuhan siya
nito na kunin ang kursong HUMSS.

4. d. Kakayahang pinansiyal.
Ito ay ang kalagayan ng inyong pamumuhay at kakayahan ng mga magulang mo na pag-aralin ka sa kursong
nais mo.

Halimbawa: Gustong maging doctor ni Mark, ngunit dahil sa mahirap lamang ang kanilang buhay ay hindi
siya kayang pag-aralin ng kaniyang mga magulang. Kung kaya’t kumuha na lamang si Mark ng kursong
Bokasyonal sa TESDA.

5. e. Lokal na Demand
Ito ay ang mga trabaho na kinakailangan sa loob ng bansa.

Halimbawa: Dahil sa malapit tayo sa Clark Freeport and Special Economic Zone (CFEZ), iba’t ibang
industriya ang nakapaloob dito. In-demand sa panahon ngayon ang mga call center agents, mananahi,
machine operator at mga production staff. In-demand din ang mga health workers kagaya ng doctor at nurse
dahil na rin sa pandemya na dulot ng CoVid19. (PAY ATTENTION)

6. Kung magagawa mo ngayon na pumili ng tamang track o kurso para sa Baitang 11, kailangan mo ang mga
layuning ito:

Page 2 of 5
1. Ang pagkakaroon ng makabuluhang hanapbuhay
Dito, hindi lamang makatutulong na maiangat ang antas ng iyong buhay dahil sa magandang kita o sweldong
kalakip nito kundi ang halaga ng pagkamit ng iyong kaganapan mula sa kasiyahang nakukuha at
pagpapahalaga sa iyong paggawa.

7. 2. Tataglayin mo ang katangian ng isang produktibong manggagawa


Ang produktibong manggagawa ay masasabing isang asset ng kaniyang kompanya o institusyong kaniyang
kinabibilangan. Katulong siya sa pagpapaunlad ng mga programa at adhikain ng kaniyang pinagtatrabahuhan
tungo sa sama-samang paggawa. (SFX CHEER)

3. Kung masisiguro ang pagiging produktibo sa iyong mga gawain, ikaw rin ay nakikibahagi sa pagpapaunlad
ng ekonomiya ng bansa
Naipamamalas ito sa pamamagitan ng tamang pamamahala ng oras sa pagtapos ng gawain, pagpapasa ng mga
proyekto sa takdang-araw, paggamit ng teknolohiya para sa mabilis na produksiyon, at maayos na
pakikitungo sa iba at naaabot mo ang iyong itinakdang layunin.

Kung ang isang mag-aaral na katulad mo ay may paghahanda sa hinaharap, hindi malayo na taglayin mo ang
mga kahanga-hangang gawi na ito at maging bahagi ka ng lumalaking bilang ng mga magagaling na
manggagawa ng ating bansa.

Ang pagsusuri nang maigi at pagbabalanse ng kahalagahan at epekto sa iyo ng mga pansarili at panlabas na
salik ay higit na makapagbibigay ng tamang pasiya na makatutulong upang maging produktibo bilang isang
mamamayan. Mahalaga sa kukunin mong hanapbuhay o negosyo sa hinaharap ay maibalik mo sa Diyos kung
ano ang mayroon ka bilang tao.

Naging maliwanag ba sa lahat ang aralin natin ngayon patungkol sa pagpili ng inyong kurso o track sa senior
high school??

Palakpakan natin ang bawat isa sa matagumpay na aralin. (SFX CLAP/CHEER)


SNEAK IN TO HAPPY/UPBEAT MUSIC THEME FADE UP…ESTABLISH…FADE UNDER
ASSESSMENT
13. TEACHER BROADCASTER: Para sa tayain ng ating aralin upang lubos na makita ang inyong
natutunan subukan natin ang gawaing ito.

B. Panuto: Isulat sa patlang ang “Tama” kung ito ay nagsasaad ng tamang pahayag at
“Mali” kung ito ay mali.
________1. Ang produktibong manggagawa ay masasabing isang asset ng kaniyang kompanya
o institusyong kaniyang kinabibilangan.

________2. Ang pagkakaroon ng makabuluhang hanapbuhay. Dito, hindi lamang


makatutulong na maiangat ang antas ng iyong buhay.

________3. Ang panloob at panlabas na salik ay hindi isinasaalang–alang sa pagpili ng track o


kurso.

________4. Ang panloob at panlabas na salik ay ang unang isinasaalang-alang sa pagpili ng


track o kurso.

________5. Kung ang mag-aaral na tulad mo ay pinaghahandaang mabuti ang kaniyang


pagpili ng track o kurso, malaki ang posibilidad na magkaroon ng maayos na track o kurso sa
hinaharap.

Page 3 of 5
1. tama
2. tama
3. mali
4. tama
5. tama

SNEAK IN TO HAPPY/UPBEAT MUSIC THEME FADE UP…ESTABLISH…FADE UNDER


WRAP-UP
22. TEACHER BROADCASTER: Magaling mga giliw naming mag-aaral sa matagumpay na pagsagot sa
ating tayain. (CHEERS)
*REMEMBER: (VALUES INTEGRATION) (PAUSE)

SNEAK IN TO HAPPY/UPBEAT MUSIC THEME FADE UP…ESTABLISH…FADE UNDER


ASSIGNMENT
23. TEACHER BROADCASTER: Para sa inyong Performance task

SNEAK TO HAPPY/UPBEAT MUSIC THEME FADE UP…ESTABLISH…FADE UNDER


CLOSING BOARD
10. TEACHER BROADCASTER: Sana ay may pagpapahalaga akong naibahagi sa inyong lahat mga
magiliw naming mag-aaral sa Grade 9! (SFX CLAP)
11. hangang sa muli nating talakayan sa ESP 9 Pahalagahan CLAP),
12. Ako ang inyong guro si Sir Ian Eduard Adriano (PAUSE)
13. Nag sasabing : “Gawin mo sa kapuwa mo, Ang nais mong gawin nila sa iyo.”
14. Kung may karagdagang katanungan ay maari nyo akong I-PM sa king messenger (PAUSE)
16. Muli ito ang ESP 9 Pahalagan para sa paghubog ng inyong pakaTAO.
17. Thank you and keep safe everyone! CLAP), (PAUSE)
“ RBI JINGLE”
MSC FADE UP … ESTABLISH … FADE TO BED
-END-

Prepared by:

IAN EDUARD C. ADRIANO


ESP – HT DESIGNATE

Checked by: Reviewed by:

RENELYN M. SAPON DULCE M. RIGOR


RBI Focal Person LRMDS Coordinator

Approved:

Page 4 of 5
ISMAEL S. DELOS REYES
School Head

Page 5 of 5

You might also like