You are on page 1of 9

Title: Polangui Radyo Eskwela sa ALS2.

0
Topic: Pagpaplano, Mahalaga sa Negosyo
Format: School-on-the-Air
Length: 60 minutes
Scriptwriter: Cristine Joy Lyka O. Sablayan
Objective: Malinang ang pagpapahalaga sa pagpaplano lalo na kung magtatayo ng maliit
na negosyo

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------

INSERT SOA PROGRAM ID

ALS ADVOCACY VIDEO

INTRO MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

1. RADIO HOST :

2. Magandang hapon po sa inyong lahat.

3. Ngayon, nagbabalik muli ang ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM,

4. broadcasting live mula sa RADYO ESKWELA 107.9 LGU POLANGUI

5. RADIO & INTERNET TV, Uswag Polangui, kaagapay ninyo sa pagkatuto,

6. walang mahuhuli, lahat matututo.

7. MSC UP FOR 5 SECS & UNDER

8. Ako po ang inyong lingkod na si Sir REY MARK A. ALCOY

9. Community ALS Learning Implementor ng BALINAD CLC Polangui North District

10. Kasama ko ngayon ang inyong magiging radio teacher si

11. Ma’am CRISTINE JOY LYKA O. SABLAYAN,

12. na Community ALS Learning Implementor naman ng NAPO CLC

13. MSC UP FOR 5 SECS & UNDER

14. Nagagalak akong makasama kayong muli mga ALS learners

15. Sa isa nanamang makabuluhang pagkatuto sa pamamagitan ng radyo at internet tv

16. MSC UP FOR 3 SECS & UNDER


17. Humanda na para sa isang masayang talakayan sa araw na ito,

18. Mga magulang, ate o kuya, taga pag-alaga, lolo o lola, tito o tita, kayo po ang siyang

19. magsisilbing gabay sa ating mag-aaral ng ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM

20. Makinig ng mabuti sa sasabihin ng guro upang marami

21. kayong matutunan sa araw na ito.

22. MSC UP FOR 5 SECS & UNDER

23. Excited na ba kayong matuto ngayong araw?

24. MSC UP FOR 3 SECS & UNDER

25. Mabuti naman kung gayon (PAUSE)

26. Bago magsimula, magkaroon muna tayo ng maiksing balik-aral

27. sa nakalipas na aralin.

28. Ano ang titulo ng nakalipas na aralin?

29. MSC UP FOR 5 SECS & UNDER

30. Magaling kayo!! Pinag-aralan natin sa nakaraang episode ang tungkol sa

31. Panayam

32. MSC UP FOR 3 SECS & UNDER

33. Ano ang panayam?

34. Ang panayam ay isang pag-uusap sa pagitan ng dalawang tao.

35. Isa rin itong paraan upang mapabuti natin ang pakikipag-ugnayan sa isang tao.

36. Naranasan mo na bang makipanayam?

37. Sino-sino ang kalahok sa panayam?

38. Ang taong kumakalap ng impormasyon ay tinatawag nating interviewer

39. Habang ang taong sumasagot naman sa mga tanong ay tinatawag na interviewee

40. MSC UP FOR 5 SECS & UNDER

41. Alam kong marami kayong natutunan sa nakaraang episode

42. Nawa’y magamit niyo ang inyong mga natutunan sa inyong


43. pang-araw-araw na pamumuhay

44. MSC UP TO 3 SECS & UNDER

45. Ngayon, alamin naman natin kung ano ang dapat mong isaalang-alang kapag

46. nagpaplano ng itatayo mong negosyo. (PAUSE)

47. Sasabihin din dito ang mga kinakailangan mo sa pagsisimula ng negosyo

48. gayundin ang lahat ng dapat mong malaman kapag nagsisimula na

49. ng sarili mong negosyo.

50. MSC UP TO 5 SECS & UNDER 2X

51. Siguraduhing hawak na ninyo ang mga worksheet, papel, at ballpen

52. para sa ilang mga katanungan na ating sasagutin maya-maya lamang. (PAUSE)

53. Handa na ba kayo, mga ALS learners?

54. MSC UP TO 3 SECS & UNDER 2X

55. Alam kong handang-handa na kayo, kaya tara na…

56. Simulan na natin ang talakayan kasama si Ma’am Lyka

57. MSC UP TO 5 SECS & UNDER

58. RADIO TEACHER:

59. Magandang hapon sa inyong lahat ALS learners.

60. Ikinagagalak ko na makasama kayo para sa isa nanamang

61. makabuluhang talakayan.

62. Ako po si Ma’am CRISTINE JOY LYKA O. SABLAYAN

63. ang Community ALS Learning Implementor ng NAPO CLC Polangui North District

64. Welcome po, dear ALS learners!

65. MSC UP TO 3 SECS & UNDER 2X

66. Sa ating talakayan tungkol sa pagpaplano ng isang maliit na negosyo.

67. Sa panahon ngayon na maraming tao ang nawalan ng trabaho dahil sa pandemya,

68. maraming sa atin ang nagdesisyong ilaan ang kanilang oras sa pag-nenegosyo.
69. Online man o offline nakita natin ang diskarte at galing ng mga pinoy sa larangang

70. ng pagnenegosyo.

71. MSC UP TO 3 SECS & UNDER 2X

72. Isa ka rin ba sa tumututok at nakiki-mine sa live sa selling sa Fb?

73. O isa ka naman sa tumatangkilik sa home-made halo-halo ng kapitbahay mo.

74. MSC UP TO 3 SECS & UNDER 2X

75. Gusto ba ninyong maging isang magaling na negosyante?

76. May ideya ka na ba kung anong negosyo ang magtatagumpay?

77. Kung gayon ay tayo na’t making sa maikling dulang serye sa radio na pinamagatang…

78. (PAUSE)

79. “PAGPAPLANO, MAHALAGA SA NEGOSYO.”

80. ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM AUDIO EPISODE 15

81. “PAGPAPLANO, MAHALAGA SA NEGOSYO” (14 minutes and 41 seconds)

82. RADIO TEACHER:

83. Nagustuhan niyo ba ang dula? (PAUSE)

84. Magaling! Alam ko na marami kayong napulot na mga impormasyon sa dula.

85. Ihanda na ninyo ang inyong sarili sa pagsagot sa mga tanong.

86. Kumuha ng sagutang papel at sagutin ninyo ang mga sumusunod

87. na katanungan ukol sa ating leksyon ngayong araw. (PAUSE)

88. Sa mga nanunuod naman sa FB live, isulat sa comment box

89. ang inyong sagot sa mga katanungan.

90. Sige nga, sagutin ninyo ang mga katanungan ito.

91. MSC UP TO 3 SECS & UNDER

92. Una, bakit naka-isip ang mag-anak na magtayo ng isang maliit na negosyo? (2x)

93. MSC UP TO 3 SECS & UNDER 2X

94. Pangalawa, ano ang unang hakbang na ginawa ng mag-anak


95. pagkatapos nilang mapagkasunduan ang negosyong kanilang itatayo? (2x)

96. MSC UP TO 3 SECS & UNDER 2X

97. Pangatlo, bakit mahalaga ang pagpaplano sa pagpapatayo ng isang negosyo? (2x)

98. MSC UP TO 3 SECS & UNDER 2X

99. Pang-apat, ano-ano ang dapat isaalang-alang sa pagpapatayo ng negosyo? (2x)

100. MSC UP TO 3 SECS & UNDER 2X

101. Pang-lima, anong mga hakbang ang dapat gawin na nauukol sa

102. pamamahala ng isang negosyo? (2x) (PAUSE)

103. Maya-maya lamang ay ating aalamin ang tamang sagot

104. sa mga katanungang aking nabanggit

105. MSC UP TO 3 SECS & UNDER 2X

106. Upang lubos nating maunawaan ang tungkol sa pagpaplano ng negosyo,

107. palalimin natin ang pag-aaral nito …

108. MSC UP TO 3 SECS & UNDER 2X

109. Ang pagpaplano ng negosyo ay pag-iisip at pagsasagawa ng mga dapat gawin,

110. at pagpapabuti ng iyong kakayahang kumita sa hinaharap.

111. MSC UP TO 3 SECS & UNDER 2X

112. Ang unang bagay na dapat mong isaalang-alang sa pagpapatayo ng negosyo

113. Ay ang mga kalakasan, mga kahinaan, mga oportunidad at mga banta

114. na maaari mong kaharapin sa aktuwal na proseso

115. MSC UP TO 3 SECS & UNDER 2X

116. Bigyan kahulugan muna natin ang mga terminong kalakasan, kahinaan,

117. oportunidad, at banta na may kaugnayan sa pagpapatayo ng negosyo. (PAUSE)

118. Ang kalakasan ng negosyo ay ang mga malalakas na katangian

119. o mga likas na kapakinabangan. Ito ang mga bagay na maaaring

120. makapagbigay-tagumpay sa iyong negosyo. Sila ay karaniwang napagpapasiyahan


121. sa pamamagitan ng mga kagustuhan at pangangailangan ng mga tao.

122. MSC UP TO 5 SECS & UNDER

123. Ang kahinaan ng negosyo, sa kabilang dako ay tumutukoy sa mga

124. kahinaang katangian o mga likas na di kapakinabangan.

125. Maaaring may kinalaman sila sa mga bagay na maaaring makaapekto

126. sa isang negosyo gaya ng lokasyon ng tindahan o maling pamamalakad.

127. MSC UP TO 5 SECS & UNDER

128. Ang mga oportunidad ay tumutukoy sa mga magagandang pagkakataon

129. para sa pagsusulong o paglago. Maaaring kabilang dito ang pagmamay-ari ng

130. piraso ng lupa sa isang pangunahing lokasyon para sa negosyong iyong itatayo.

131. MSC UP TO 5 SECS & UNDER

132. Sa kabilang dako, ang mga banta ay tumutukoy sa mga bagay na maaaring

133. makaapekto sa iyong iminumungkahing negosyo gaya ng matinding kompetisyon

134. mula sa mga establisadong kumpanya.

135. MSC UP TO 5 SECS & UNDER

136. Ngayon naman ay ating talakayin ang mga hakbang sa pagpaplano sa negosyo.

137. (PAUSE)

138. Una, alamin ang layunin ng pagpapatayo ng negosyo

139. Bakit ka magtatayo ng negosyo?

140. Mahalagang isipin din kung kailan mo makakamit ang iyong mga layunin

141. MSC UP TO 3 SECS & UNDER 2X

142. Ikalawa, alamin kung magkano ang kapital

143. Gaano kalaking puhunan ba ang kailangan mo?

144. Saan mo ito kukunin?

145. Dito kailangan mo ng proper budgeting

146. MSC UP TO 3 SECS & UNDER 2X


147. Ikatlo, alamin kung sino ang magiging kostumer

148. Anong produkto o serbisyo ba ang iyong iaalok at

149. Sino ang target mong bibili ng iyong serbisyo o produkto?

150. Kailangan mong malaman kung sino ang iyong mga kakompetensiya

151. Pati ang pagpepresyo ng mga produkto at serbisyo

152. Suriin mo rin kung paano ia-advertise sa publiko ang iyong produkto o serbisyo

153. MSC UP TO 3 SECS & UNDER 2X

154. Ika-apat, alamin kung sino ang magpapa-lakad ng negosyo

155. Sino-sino ba ang kailangan mo sa iyong negosyo?

156. Alamin din ang mga pangangailangan ng iyong mga empleyado

157. MSC UP TO 3 SECS & UNDER 2X

158. Ngayon naman, alamin natin kung tama ang inyong mga sagot

159. sa mga katanungang aking inihayag kanina

160. (PAUSE)

161. Para sa una nating tanong, bakit naka-isip ang mag-anak na magtayo

162. ng isang maliit na negosyo?

163. MSC UP TO 3 SECS & UNDER

164. Tama. Dahil nawalan ng trabaho ang kanilang ama

165. kaya nag-isip sila ng ibang mapagkakakitaan

166. MSC UP TO 5 SECS & UNDER

167. Ikalawa, Ano ang unang hakbang na ginawa ng mag-anak

168. pagkatapos nilang mapagkasunduan ang negosyong kanilang itatayo?

169. MSC UP TO 3 SECS & UNDER

170. Magaling! Sila ay nagplano para sa maliit na negosyong kanilang itatayo.

171. MSC UP TO 5 SECS & UNDER 2X

172. Ikatlo, bakit mahalaga ang pagpaplano sa pagpapatayo ng isang negosyo?


173. MSC UP TO 3 SECS & UNDER

174. Tama. Mahalaga ang pagpaplano sa pagpapatayo ng isang negosyo

175. upang maging maayos ang daloy ng nito.

176. Magiging matagumpayang negosyo

177. kung ito’y napagplanuhan ng maayos.

178. MSC UP TO 5 SECS & UNDER

179. Ika-apat, anu-ano ang mga dapat isaalang-alang sa pagpapatayo ng negosyo?

180. MSC UP TO 3 SECS & UNDER

181. Ang mga dapat isaalang-alang ay ang mga kalakasa, mga kahinaan,

182. mga oportunidad, at mga banta

183. MSC UP TO 5 SECS & UNDER

184. Anong mga hakbang ang dapat gawin na nauukol sa

185. pamamahala ng isang negosyo?

186. MSC UP TO 3 SECS & UNDER

187. Una, alamin ang layunin ng pagpapatayo ng negosyo

188. Ikalawa, alamin kung magkano ang kapital

189. Ikatlo, alamin kung sino ang magiging kostumer

190. Ika-apat, alamin kung sino ang magpapa-lakad ng negosyo

191. MSC 5 SECS & UNDER

192. Sa napakinggang dula napatunayan natin na hindi ganoon kadali

193. ang pagkakaroon ng isang negosyo,

194. kailangan ng masusing pagpaplano upang ito ay umunlad at umasenso

195. MSC UP TO 3 SECS & UNDER 2X

196. Magagamit mo ba sa iyong buhay ang mga impormasyong natutunan mo?

197. Kung oo, paano mo ito magagamit?

198. MSC 3 SECS & UNDER


199. Naging produktibo ba ang inyong oras sa pakikinig sa ating aralin ngayon?

200. (PAUSE)

201. Sanay marami kayong natutunan sa ating leksyon

202. tungkol sa pagpaplano para sa negosyo.

203. MSC 3 SEC & UNDER 2X

204. Hanggang sa mga susunod nating aralin, ako po muli si

205. Ma’am CRISTINE JOY LYKA O. SABLAYAN

206. Community ALS Learning Implementor ng NAPO CLC

207. ang inyong guro sa hapong ito.

208. Maraming salamat po sa pakikinig.

209. RADIO HOST :

210. Para sa ating mga ALS Learner, nawa’y marami kayong

211. natutunan sa araw na ito.

212. MSC 3 SEC & UNDER

213. Abangan lagi ang ating mga ALS Teachers para sa mga susunod na leksyon.

214. sa radyo, tuwing Martes at Huwebes sa ganap na

215. alas kwatro hanggang alas singko ng

216. hapon dito sa 107.9 LGU POLANGUI RADYO AT INTERNET TV.

217. MSC 5 SEC & UNDER

218. Mahalagang Paalala: Tayo’y sumunod sa mga health protocols,

219. ng sa gayon palagi tayong ligtas sa anumang sakit, gaya ng COVID-19

220. Yun lamang po at maraming salamat!

221. GOD BLESS!!!

------- END -------

You might also like