You are on page 1of 3

Ang Accountancy, Business, and Management (ABM) ay isang strand sa

Senior High School na naka pokus sa layunin na hasain ang mga


kasanayan ng mga bawat estudyante. Ito ang aming napiling kurso
sapagkat ang mga programa na nakapaloob sa strand na ito ay madalas
na konektado sa mga kursong may kaugnayan para sa kolehiyo lalo na sa
realidad ng buhay ngayong panahon. Itinuturo rito ang mga konsepto sa
financial management, accounting, corporate operations, at lalo na ang
pagtayo ng Negosyo kung saan makakatulong sa isang studyante sa
pagtustos ng mga gastusin sa kolehiyo.

Layunin ng mga strand sa Senior Hugh School ay maging handa ang


mga studyante sa mga kukunin na kurso sa kolehiyo at sa ABM ang
layunin nito ay mapabuti ang bawat kakayahan ng mga estudyante na pinili
itong aralin. Ginagamit dito ang pamamagitan ng tamang kaalaman at
kasanayan, katulad sa pag pokus o ang madaling pagintindi patungkol sa
negosyo o pagtatayo ng negosyo. Itong kurso na ito din ay may malaking
pakinabang para sa katulad namin na ninanais magtayo ng negosyo
balang araw o magtrabaho sa banko sapagkat nakapaloob dito ang mga
bagay na dapat malaman ng isang tao tungkol sa negosyo, paghawak ng
pera, at kung paano papatakbuhin sa isang industriya upang into ay
gumana. Kasama na din dito ang mga proseso, pagsisimula, pag-aayos, at
iba pa. Dahil dyan, ang kursong ABM ay maraming magandang maidudulot
na kaalaman para sa kursong kukunin namin sa kolehiyo lalo na at ito ay
ang bagong tatahakin namin sa buhay. Napapalawak nito ang kaisipan
namin pagdating sa iba’t-ibang bagay, natulungan ako nito na mag-isip
nang mabilis para sa panibagong ideya, at pagdedesiyon nang maayos at
pinag-iisipan ang ginagawa. Hindi lang naman ito tungkol sa matematika,
marami itong tulong sa pagpapabuti at paghasa ng intelektwal na abilidad
ng isang tao. Kinakailangan din nito ng alerto sa mga binabasa at
ginagawa mo, at mahalaga rin ang pag-aanalisa lalo na at ang pera ay isa
sa mga bagay kung saan ito nakapokus. Kasama na din rito ang pag-ayos
ng mga gawain mo sa tamang oras, mahalaga na dapat marunong ka na
ayusin ang oras mo at tapusin agad ang mga gawain, kung saan masasabi
namin na lahat ng ito ay may magandang epekto sa pagtapak namin sa
kolehiyo, dahil bukod sa kami ay may kaalaman dito, ay kami rin ay
naranasan ito at alam paano ang tamang gawain. Ngunit idinadagdag pa
ang pakikipag komunika bilang isang mahalagang matutunan habang
nagaaral ng ABM sapagkat ito ay may malaking tulong lalo na kapag
nagsimula kang pasukin ang kolehiyo o ang negosyo, katulad ng marami
ka makakasalamuha sa industriya kung saan ikaw ay makakagawa ng
koneksyon na saiyo ay makakatulong habang ikaw palang ay nagaaral.

Sa kabuuan masasabi namin na ang tulong ng mga natutunan namin


sa strand na ABM ay makakapagbigay ng magandang epekto sa amin
balang araw katulad ng kapag kami ay nasa kolehiyo at makakapagtayo na
ng Negosyo. Ipinakita din nito na sa sarili mo lang ang nakasalalay ang
kinabukasan ng negosyo mo, ang kolehiyo mo at ang pagaaral mo kung
saan nakadepende ito sa kung paano mo hahawakan at bibigyan ng
maganda o mabuting bunga sa paligid mo. Ngunit, dalawa lang ang
pwedeng mangyari, ang magtagumpay o matalo, ngunit sa bawat
pagkatalo ay may lagi kang pwedeng matutunan. Kaya naman malaki ang
gampanin ng mga natutunan mo pati na ang mga kaalaman, kakayahan, at
abilidad dahil ito ang magiging pundasyon sa mga bagong bagay na iyong
tatahakin sa buhay.
References:

Antonio, Y., & Antonio, V. A. P. B. Y. (2018, November 24). ADVANTAGE

OF TAKING AN ABM STRAND IN SHS. Jumbo Hakdog’s Daily

Blogs. https://jumbohakdogs.home.blog/2018/11/24/advantage-of-

taking-an-abm-strand-in-shs/

You might also like