You are on page 1of 42

mKABANATA I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Panimula

Ang Accountancy and Business Management (ABM) ay isa sa mga strand

na inaalok sa Academic Track ng Senior High School, buhat ng inilunsad ng

pamahalaan ang kurikulang K-12. Layunin nitong mabigyan ng sapat ng kaalaman

mga mag-aaral na kukuha ng Accountancy, Management, at iba pang business-

related na mga kurso sa kolehiyo. Bukod sa pagkakaroon nito ng mga espesyal

na mga asignatura gaya ng Fundamentals of Accounting, Organization and

Management, Business Math at iba pa, nakatutulong din ito sa mga mag-aaral

upang malaman ang iba’t ibang kakailanganin kung kanilang ipagpapatuloy ang

ganitong kurso pagdating ng kolehiyo. Isa rin sa mga malaking pakinabang ng pag-

aaral ng ABM ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga mag-aaral na makilahok sa

mga propesyonal na proyekto at makaranas ng work immersion.

Ang mga paksang kasangkot sa strand na ABM ay idinisenyo ng at ginawa

ng Department of Education para mapaunlad ang mga kasangkapan na

magagamit sa mundo ng korporasyon. Sa pamamagitan ng ABM, ang mga mag-

aaral ay sasanayin sa mga kasanayan na kakailanganin sa mga kursong kanilang

ninanais na may kaugnayan sa Accountancy, Business at Management. Hinihimok

din nito ang mga mag-aaral sa mga pamamaraan ng pagpapatakbo ng isang

negosyo. Isinasanay din sa ABM ang mga mag-aaral na umangkop sa mga

kasanayan sa komunikasyon. Hindi lamang gagamitin ang mga kasanayan sa

1
komunikasyon, maging ang mga kasanayan sa pamumuno ay mahahasa rin.

Matututunan nila kung paano maayos na mahawakan ang isang negosyo, ang

sariling mga pondo at paano gumagana ang pagpapalitan ng pera.

Ayon kay Nucum (2018), kalimitan na pinipili ng mga mag-aaral na

nagtapos sa ABM ay ang kursong Bachelor of Science in Accountancy, sapagkat

isa ito sa mga kurso na mayroong maraming oportunidad at may licensure

examination. Marami ding mga kumpanya ay nangangailangan ng mga

accountants upang maisaayos ang mga talaan ng mga transaksyon ng negosyo.

Suliranin ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay para malaman kung ano ang mga kalamangan sa

pag-aaral sa kursong Bachelor of Science in Accountancy ng mga nagtapos ng

senior high school strand na Accountancy, Business and Management (ABM) sa

New Era University. Gayundin ay upang malaman ang mga tiyak na mga sagot sa

mga sumusunod na katanungan:

1. Ano-ano ang demograpikong propayl ng mga mag-aaral ayon sa:

1.1. Kasarian

1.2. Edad

1.3. Block

2. Ano-ano ang mga kaalamang natutunan at natatandaan ng mga mag-aaral

ayon sa:

2.1. Kaalaman sa Accounting

2.2. Kaalamang Pangkalahatan (General Knowledge)

2
3. Ano-ano ang mga kasanayang natamo ng mga mag-aaral mula sa ABM

strand?

4. Ano-ano ang mga pagpapahalagang moral ang natamo ng mga mag-aaral

mula sa ABM strand?

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na isinagawa ay nakapokus sa pag-alam kung ano ang

kalamangan sa pag-aaral sa kursong BS Accountancy (BSA) ng mga nagtapos sa

Accountancy, Business and Management (ABM) strand sa New Era University.

Ang mga resulta sa gagawing pag-aaral ay makakatulong sa mga sumusunod:

Mga Mag-aaral. Ang mga mag-aaral na planong kumuha ng kursong BSA ay

malalaman ang kahalagahan at kalamangan ng pagkuha ng ABM strand sa senior

high school (SHS).

Mga Guro. Ang magiging resulta ng pag-aaral ay makakatulong sa mga guro ng

ABM at ng BSA kung papaano pa nila mas mapapayabong ang kanilang pagtuturo

sa mga mag-aaral.

Mga Susunod pang Mananaliksik. Ang pag-aaral ay maaaring maging batayan

at gabay sa mga susunod pang mga mananaliksik na magsasagawa ng kaparehas

o kalapit na paksa.

3
Saklaw at Limitasyon

Ang sakop ng pag-aaral na ito ay ang mga mag-aaral ng New Era University

sa unang taon ng kursong Bachelor of Science in Accountancy, at nakapagtapos

ng Senior High School sa ilalim ng kursong Accountancy, Business and

Management (ABM) sa NEU. Ang pag-aaral na ito ay naglalayong malaman ang

mga kalamangan sa pag-aaral ng kursong BS Accountancy ng mga nagtapos sa

ABM Strand. Ang pag-aaral na ito ay gagamit ng random survey questionnaire

para sa mga respondente.

Depinisyon ng mga Termino

Accountancy, Business and Management o ABM ay isa sa mga strand na

inaalok sa Academic Track ng Senior High School. Layunin nitong mabigyan ng

sapat ng kaalaman ang bawat mag-aaral na kukuha ng Accountancy,

Management at iba pang business-related na mga kurso sa kolehiyo.

Senior high school ay karagdagang dalawang taon ng pag-aaral sa hayskul na

may kinalaman sa ispesipikong kurso na tatahakin upang magsilbing

paghahanda sa kolehiyo.

Bachelor of Science in Accountancy ay isang kurso sa kolehiyo na binubuo

ng mga asignatura sa accounting kasama na rito ang pananalapi, pangangasiwa,

pag-odit, batas ng negosyo at pagbubuwis. Ang pangunahing pokus nito ay hindi

limitado sa mga paksa ng negosyo tulad ng pagbabangko at pananalapi,

pamahalaan, mga serbisyong panlipunan, edukasyon, at iba pa.

4
Licensure examination ay isang panglisensyadong pagsusulit para sa mga

nakatapos sa kursong Accountancy.

Kurso ay tumutukoy sa isang pagsasanay at pag-aaral sa isang particular na

propesyon.

Kolehiyo ay sumusunod sa pangsekondaryang pag-aaral na kung saan ang

mag-aaral ay pumipili ng kursong lilinangin at paghahandaan sa hinaharap na

trabaho.

Mag-aaral ay taong nag-aaral at maaaring bihasa sa talino.

5
KABANATA II

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Sa panahon na ipinatupad na ng Department of Education ang K-12 na

kurikula na kung saan ay mayroong karagdagang dalawang (2) taon sa hayskul,

isa sa mga nais tiyakin ng mga mag-aaral at ng mga magulang ay kung ito ba ay

lubos na nakatutulong sa kanila sa kolehiyo. Ang pag-aaral na ito ay sinisikap na

alamin ang mga kalamangan ng mga mag-aaral na nagtapos sa senior high school

strand na ABM (Accountancy, Business at Management) sa kanilang pag-aaral sa

unang taon ng kursong Bachelor of Science in Accountancy.

Ayon sa isang website na Enderun Colleges, inilahad nito ang kalamangan

ng mga kumuha ng strand na ABM. Kabilang na rito ang pagtaas ng kumpiyansa

sa isang mag-aaral na makipaghalubilo sa iba’t-ibang mga tao at ang pagkahasa

ng kanilang isip sa mga accounting techniques. Dahil dito, nabigyan din ang mga

mag-aaral ng ABM ng pagkakataon na tumahak sa kursong BS Accountancy at

madagdagan pa lalo ang kanilang kaalaman.

Ayon naman kay J. Cordinal, mas mahalagang piliin ang strand na ABM sa

kadahilanang maaaring matuto ang mag-aaral na magpatakbo ng negosyo.

Kasama na rito ang pag-aaral ng mga estratehiya kung paano lumago ang

negosyo. Mas malaki rin ang magiging kalamangan nila sa pagkuha ng BS

Accountancy dahil napag-aralan na nila ito sa strand na ABM. Ang propesyon na

ito (ang accountancy) ay sinanay na ng mga mag-aaral. Dagdag na oportunidad

din ng pagkuha ng kursong ito ay ang mas malaking porsyento ng mga BS

6
Accountancy na kinukuha ng mga nasa ibang bansa upang doon ay mag-aral at/o

magtrabaho.

Sa kabilang banda, ayon kay R. Morillo (2019), may mga kadahilanan na

pinili ng mga mag-aaral ng senior high school ang strand na ABM. Dahil dito mas

lalo nilang nabigyan ng atensyon ang pag aaral ng mga asignatura na nakatala sa

ABM strand kabilang na ditto ang fundamentals of accountancy, business and

management 1 & 2 (FABM) na kung saan tinatalakay dito ang iba ibang mga

hakbang sa pag-aaral ng mga accounting problems. Isa rin sa kanilang asignatura

ay ang marketing na kung saan sila ay tinuturuan kung paano makakapagpatayo

ng sariling negosyo at ang mga problema na kakaharapin nito.

Inisaad naman ni Usec. D. Ocampo, ang mga asignatura ng ABM Strand

na kung iisipin ay malaki ang pagkakaiba kaysa sa ibang asignatura ng ibang

strand, dahil dito nagkaroon din ng paliwanag na ang kaalaman na maaaring

malaman ng mga estudyante ay pwedeng maging dahilan ng pagkalamang nila sa

kaalaman kapag sila ay tumungtong sa kursong BS Accountancy. Ilan sa mga

asignaturang nabanggit ay ang Applied Economics, Business Ethics and Social

Responsibility ,Fundamentals of Accountancy, Business and Management 1,

Fundamentals of Accountancy, Business and Management 2, Business Math,

Business Finance, Organization and Management, Principles of Marketing at Work

Immersion/Research/Career Advocacy/Culminating Activity i.e. Business

Enterprise Simulation.

7
Ayon sa Edukasyon.ph, ang Accounting and Business Management strand

ay nagpokus sa mga basic na konsepto ng Financial Management, Business

Management, Corporate operations. Ang ABM ay patungo sa mga careers sa

management at accounting na maaaring maging sales manager, human

resources, marketing director, project officer, bookkeeper, accounting clerk,

internal auditor at iba pa.

Ayon sa ciit.edu.ph (March 11,2019), ang Accounting Business and

Management o ABM graduate ay maaaring kumuha ng mga kursong gaya ng

Bachelor of Science in Accountancy at Bachelor of Science Business

Administration Majors.

Ayon kay Belle O. Mapa (2018), karamihan sa mga tao ang tingin sa

Accounting Business and Management strand ay tungkol lamang sa salapi. Subalit

ang kursong ito ay nilalayon na ma-improve pa ang kaalaman ng mga mag-aaral

tungkol sa finance, accounting, at corporate strategies maging ang negosasyon

na kaalaman.

Ayon kay Lis Fortun (2018) Ang ABM track ay ang skills mo ay umiikot sa

mundo ng Accountancy at Business Management ang mga kursong 4 years

degree na bagay sa kanila ay Bachelor of Science in Accountancy at Bachelor of

Science in Accounting Technology.

8
KABANATA III

DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

Disensyo ng Pananaliksik

Ang disenyo ng pananaliksik na isasagawa ay Deskriptib-Analitik. Ang

Deskriptib-Analitik ay isang disenyo ng pangangalap ng mga datos at

impormasyon hinggil sa mga salik o factors na kaugnay ng isinagawang

pananaliksik.

Respondente

Ang mga napiling tumugon sa pag-aaral na ito ay mga piling mag-aaral ng

New Era University Main Campus sa taong akademiko 2019 – 2020. Ipinamahagi

nang random ang sarbey kwestyuner sa limampung (50) mag-aaral sa unang taon

ng kursong BS Accountancy ng New Era University Main Campus.

Instrumento ng Pananaliksik

Sarbey-kwestyuner ang ginamit sa pagkalap ng mga impormasyon.

Ipinasagot ito sa mga piling respondenteng mag-aaral, dahil ang impormasyong

kailangang makalap ay maibibigay lamang ng sariling pananaw ng bawat

respondent. At ang tanging paraan upang malaman ito ay sa pamamagitan lamang

ng interbyu o di kaya ng surbey. Dahil sa kaiklian ng oras, sarbey ang napiing

gamitin ng mga mananaliksik sa pamamagitan ng Google Forms App.

Ang sarbey-kwestyuner ay may apat (4) na bahagi. Ang unang bahagi ay

naglalaman ng propayl ng respondente gaya ng kasarian, edad at antas (block).

9
Ang ikalawang bahagi naman ay naglalaman ng kaalaman ng respondente sa

accounting at kaalaman sa pangkalahatan, na may scale mula bilang lima (5) ang

pinaka mataas at isa (1) naman ang pinakamababa. Ang ikatlong bahagi ay

naglalaman ng kasanayang intelektwal, kasanayang teknikal, kasanayan sa

komunikasyon at kasanayang interpersonal. Ang ika-apat at huling bahagi naman

ay naglalaman ng pagpapahalagang etikal na natamo ng mag-aaral mula sa ABM.

Tritment ng mga Datos

Sa pagkalap ng mga datos mula sa mga sagot ng mga respondente, ito ay

pantay na nasukat. Sa pamamagitan ng “Google Forms App”, ang mga resulta ay

awtomatikong nailagom at nakalkula agad ang mga porsyento o bilang ng mga

pumili sa bawat aytem sa talatanungan. Naging madali para sa mga mananaliksik

ang pagkuha ng porsyento ng mga datos dahil sa mabilis na pagproseso nito mula

sa Google Forms.

10
KABANATA IV

PRESENTASYON, INTERPRETASYON AT ANALISIS NG MGA DATOS

Sa kabanatang ito, ang mga nakalap na mga datos tungkol sa mga

kalamangan sa pag-aaral ng kursong BS Accountancy ng mga nagtapos

Accountancy, Business and Management (ABM) strand sa New Era University, ay

naipresenta, ininterpreta at naianalisa upang masagot ang mga katanungan sa

Kabanata I. Ang mga talakayan sa mga natuklasan ay nailahad sa ibaba.

1. Propayl

1.1. Kasarian

Graf Blg. 1 Kasarian

Batay sa pie chart, ipinapakita rito na mas marami ang babaeng

respondente na umaabot sa 70.8% habang ang mga lalake naman ay nasa

29.2% lamang.

11
1.2. Edad

Graf Blg. 2 Edad

Batay sa pie chart, ipinapakita rito na ang mga respondenteng nasa

edad 18 ay ang pinakamarami na umaabot sa 48.0%. Pangalawa naman

ay ang nasa edad 19 na umaabot sa 38.0%. Ang pangatlo ay ang nasa

edad 17 na umaabot sa 12.0% at ang panghuli o ang pinakamababa sa

lahat ay ang edad 20 na umaabot lamang sa 2.0%.

12
1.3. Block

Graf Blg. 3 Block

Batay sa pie chart, ipinapakita rito na ang pinakamaraming

respondente ay nagmula sa block 7ABM na nasa 20.0%. Pangalawa ang

block 2ABM na nasa 16.0%. Pangatlo ay ang 1ABM, 5ABM (Reyes), 6ABM

at 8ABM na pawang pantay pantay ang porsyento na nasa 12.0%. Pang-

apat ang 3ABM na nasa 10.0% at ang panghuli o ang pinakakaunti ay ang

5ABM (Dean) na umaabot lamang sa 6.0%.

13
2. Kaalamang Natutunan

2.1. Kaalaman sa Accounting

Graf Blg. 4 Kaalaman sa Accounting

Sa graf na ito, ipinapakita rito ang kaalamang natutunan ng mga

nagtapos ng ABM strand noong Senior High sa New Era University. Sa

limampung (50) respondente, dalawampu’t anim (26) ang nagsabing sila

ay sobrang natuto sa basic accounting equation. Parehong labing-anim

(16) naman ang nagsabing medyo natuto at nagsabing may natutunan

naman.

Sa ikalawang pahayag naman, na ang pag-intindi ng Accounting

Cycle, labing dalawa (12) ang nagsabi na sila ay sobrang natuto,

14
dalawampu’t tatlo (23) naman ang nagsabing medyo natuto at labinlima

(15) naman ang nagsabing may natutunanan naman sa accounting cycle.

Sa ikatlong pahayag sa sarbey na pag-aanalisa ng mga Accounting

Problems, parehong labinlima (15) ang nagsabing sobrang natuto at ang

nagsabing medyo natuto. Samantalang labing siyam (19) naman ang

nagsabing may natutunan naman at isa (1) lang ang nagsabing hindi

gaano natuto.

Sa ikaapat na pahayag na ang Pagbubukod ng mga Accounts,

pinakamarami ang labing siyam (19) na ang nagsabing sobrang natuto rito.

Pumapangalawa ang labing walo (18) naman na nagsabing medyo natuto.

At labing tatlo (13) ang may natutunan naman.

Sa ikalimang pahayag na ang pagsulat ng Journal Entry,

pinakamarami ang dalawampu’t tatlo (23) na ang nagsabing sila ay

sobrang natuto. Parehong labing tatlo (13) naman ang nagsabing medyo

natuto at ang nagsabing may natutunan naman. Samantalang isa (1)

lamang ang nagsabing hindi gaano natuto.

Sa mga datos na ito ipinapakita lamang na ang mga nagtapos ng

ABM strand ay may mga kaalaman na natutunan na magagamit nila sa

unang taon ng kursong BS Accountancy.

15
2.2. Kaalamang Pangkalahatan

Graf Blg. 5 Kaalamang Pangkalahatan

Ipinapakita sa graf na ito ang Kaalamang Pangkalahatan na

natutunan ng mga mag- aaral sa New Era University na nagtapos sa strand

na Accountancy, Business and Management (ABM) na kasalukuyan pa

ring nag-aaral sa New Era University na may kursong BS Accountancy.

Batay sa resulta sa unang katanungan ipinapakita na 21 ang sobrang

natuto pagdating sa kaalamang pang komunikasyon, 23 naman ang

medyo natuto, at 6 ang nagsasabing medyo natuto naman walang

sumagot ng hindi gaanong natuto at hindi natuto, kaya mahihinuha na ang

mga mag-aaral na nakapagtapos sa ilalim ng stand na ABM ay natuto

16
pagdating sa kaalamangang pangkomunikasyon. Sunod ay sa

kaalamangang hinggil sa Organization ang management, 17 ang

nagsasabing sila ay sobrang natuto, 21 sa medyo natuto at 12 sa natuto

naman, tulad ng una ay wala ring sumagot ng hindi gaanong natuto at hindi

natuto pagdating sa kaalamangan hinggil sa Organization and

management. Sa kaalamangan hinggil sa Principles of marketing, 13 ang

nagsasabing sila ay sobrang natuto, 24 naman ang medyo natuto, at 13

ang nagsasabing sila ay may natutunan naman. Tulad ng dalawang

naunang kaalamangan, wala ring nagsasabing sila ay hindi gaanong

natuto at hindi natuto pagdagting sa kaalamangan ukol sa Principles of

Marketing. Sa huling kaalamangan ukol sa Statistics and Applied

Economics, 11 ang nagsasabing sila ay sobrang natuto, 18 ang medyo

natuto, 18 na katao rin ang nagsasabing sila at may natutunan naman.

Hindi tulad ng tatlong naunang kaalamangan, 2 ang nagsasabing sila ay

hindi gaanong natuto at 1 naman ang nagsasabing hindi natuto.

Sa resulta ng mga datos na ito maipapakita na ang mga

estudyanteng nagtapos ng ABM strand sa New Era University na

kasalukuyang may kursong BS Accountancy ay may kaalaman pagdating

sa kaalamangang pangkalahatan.

17
3. Kasanayang Natamo

3.1. Kasanayang Intelektwal

Graf Blg. 6 Kasanayang Intelektwal

Ipinapakita sa graf na ito ang Kasanayang Intelektwal na natamo ng

mga mag-aaral sa BSA na nagtapos sa NEU SHS na ABM. Batay sa mga

resulta, 25 na respondente ang lubos na sumasang-ayon na inaanalisa

muna nila ng mabuti ang mga accounting problems sa pagsasagot. 25 na

respondente naman ang sumasang-ayon na kaya nilang sagutin ang mga

accounting problems at 22 na respondante naman ang sumasang-ayon na

mas madali nilang nasasagutan ang mga katanungan.

Sa resulta ng mga datos na ito maipapakita na ang mga

estudyanteng nagtapos ng ABM strand sa New Era University na

18
kasulukuyang may kursong BS Accountancy ay may kaalaman pagdating

sa kasanayang intelektwal.

19
3.2. Kasanayang Teknikal

Graf Blg. 7 Kasanayang Teknikal

Makikita sa graf na ito na sa unang pahayag ay may 16 na

respondente ang lubos na sumasang-ayon na kaya nilang gumawa ng mga

asignatura nang mag-isa. Sumunod naman ang 15 na sa mga sumang-

ayon lamang na nakakakagawa sila ng asignatura ng mag-isa. 18

respondente ang nagsasabing medyo kaya nilang gumawa ng asignatura

sa accounting mag-isa at isang respondente na nagsasabing hindi nila

kayang gawin ang asignatura ng mag-isa.

20
Sa ikalawang pahayag naman pinapakita na 16 na respondente ang

lubos na sumasang-ayon na sila ay may kayang tapusin ang mga

pinapagawa sa takdang panahon. 18 namang respondente ang nagsabi

na kaya nila itong tapusin at 14 naman na respondente ang nagsasabing

medyo hindi nila ito kayang tapusin sa takdang panahon at 2 respondente

ang nagsasabing hindi nila ito kayang tapusin

Sa ikatlong katanungan naman 22 na respondente naman ang

nagsasabing lubos silang sumasang ayon na may kasanayan sila sa

paggamit ng kompyuter, 19 na respondente naman ang nagsasabing sila

ay sumasang-ayon na may kasanayan sila sa kompyuter at 9 na

respondente ang nagsasabing medyo may kasanayan sila sa kompyuter.

Ipinapakita sa graf na ang mga kasanayang natamo ng mga mag-

aaral ng BS Accountancy sa New Era University ay mas malaki ang

porsyento ng mga mag-aaral mas nasasagutan nila ang mga takdang

aralin sa accounting sa kadahilanang naituturo ito sa kanilang dating strand

na ABM. Kalakip nito ay ang ilang porsyento ng mga mag-aaral na

nahihirapan pa rin magsagot ng takdang aralin na konektado sa accounting

na asignatura.

21
3.3. Kasanayan sa Komunikasyon

Graf Blg. 8 Kasanayan sa Komunikasyon

Ipinapakita sa graf na ito ang Kasanayan sa Komunikasyon na

natamo ng mga BSA students na nagtapos sa NEU. Batay sa resulta, 20

na respondente ang lubos na sumasang-ayon na mas naiintindihan nila

ang aralin sa pamamagitan ng pagbabasa. 18 na respondente naman ang

sumasang-ayon na mas naiintindihan nila ang aralin kapag ito ay isinusulat

at 20 na respondente naman ang hindi sigurado kung mas naiintindihan

nila ang aralin kung ito ay dinidikta.

Sa resulta ng mga datos na ito maipapakita na ang mga

estudyanteng nagtapos ng ABM strand sa New Era University na

22
kasulukuyang may kursong BS Accountancy ay may kaalaman pagdating

sa kasanayan sa komunikasyon.

23
3.4. Kasanayang Interpersonal

Graf Blg. 9 Kasanayang Interpersonal

Sa graf na ito ay ipinapakita ang Kasanayang Interpersonal ng mga

respondente. Ayon sa resulta, parehong 18 na respondente ang sumagot

na lubos silang sumasang-ayon at sumasang-ayon lang na kaya nilang

mapangunahan ang kanilang mga kagrupo sa mga aktibidad na ginagawa.

12 na respondente naman ang hindi sigurado at parehong isa na sumagot

na hindi siya sumasang-ayon at lubos na hindi siya sumasang-ayon sa

pangunguna sa grupo. Sa pangalawang pahayag, lumalabas sa resulta na

24 na respondente ang sumasang-ayon na makipagsapalaran sa kanilang

mga kasama at ang pinakamababang sagot ay parehong lubos na

24
sumasang-ayon at hindi sigurado na may bilang na 13 na respondente.

Panghuli, 19 na respondente ang sumagot na lubos silang sumasang-ayon

na kaya nilang makipagkumpetensiya sa mabuting paraan, 16 na

respondente naman ang sumasang-ayon lang at 15 na respondente ang

sumagot na hindi sila sigurado kung kaya nilang makipagkumpetensiya.

Gayunpaman, sa kabuuang resulta ng graf ito na halos lahat ng

respondente na nagtapos ng ABM strand sa NEU ay may kalamangan sa

pag-aaral ng kursong BS Accountancy hinggil sa kasanayang

interpersonal.

25
4. Pagpapahalagang Etikal na Natamo

Graf Blg. 10 Pagpapahalagang Etikal na Natamo

Ipinapakita sa graf ang pagpapahalagang etikal na natamo ng mga

Accountancy student ng New Era University. Batay sa unang pahayag, ang

pinakamataas ay ang 39 na respondent ang lubos na sumasang-ayon na tapat

sila sa paggawa at pagsagot ng mga problema at hindi sila nandaraya. Sa

ikalawang pahayag, 29 na respondente ang nagsasabi na lubos na sumasang-

ayon na lagi nilang sinusunod ang instruksyon ng mga guro at sa ikatlong

pahayag ay 39 na respondente naman ang lubos na sumasang-ayon na

binibigyan nila ng mataas na paggalang at respeto ang kanilang mga guro.

26
KABANATA V

LAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON

Lagom

Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa kalamangan sa pag-aaral ng kursong

BS Accountancy ng mga nagtapos ng Accountancy, Business and Management

(ABM) strand sa New Era University. Napili ang paksang ito upang mapalawig ang

kaalaman sa nasabing paksa para sa mga estudyante, guro at mga susunod pang

mananaliksik. Ginamit ng mga mananaliksik ang deskriptib-analitik upang

mangalap ng mga datos at impormasyon hinggil sa mga salik o factors na kaugnay

ng isinagawang pananaliksik. Limampung (50) respondente ang tumugon sa mga

katanungang ipinamahagi ng mga mananaliksik at ang resulta ay ang mga

sumusunod:

1. Karamihan sa mga respondente ay babae na may kabuuang bilang na

tatlumpu’t apat (34), katumbas ng 70.8 porsyento.

2. Karamihan sa mga respondente ay nasa edad na 18 taon na may

kabuuang bilang na dalawampu’t apat (24), katumbas ng 48.0

porsyento.

3. Karamihan sa mga respondente ay nagmula sa block 7ABM na may

kabuuang bilang na sampu (10), katumbas ng 20.0 porsyento.

4. Karamihan sa mga respondente ay tumugon na sila ay sobrang natuto

sa basic accounting equation na may bilang na dalawampu’t anim (26),

katumbas ng 52.0 porsyento. Sa ikalawang pahayag naman,

27
dalawampu’t tatlo (23) naman ang tumugon na medyo natuto na ang

pag intindi ng accounting cycle, katumbas ng 46.0 porsyento. Sa

ikatlong pahayag, labing siyam (19) naman ang tumugon na may

natutunan naman sa pag-aanalisa ng mga accounting, katumbas ng

38.0 porsyento. Sa ikaapat na pahayag, labing siyam (19) ang tumugon

na sobrang natuto sa pagbubukod ng mga accounts, katumbas ng 38.0

porsyento.

5. Karamihan sa mga respondente ay tumugon na sila ay medyo natuto

pagdating sa kaalamangang pang komunikasyon na may bilang na

dalawampu’t tatlo (23), katumbas ng 46.0 porsyento. Sa ikalawang

pahayag naman, dalawampu’t isa (21) ang tumugon na sila ay medyo

natuto sa kaalamangang hinggil sa organization and management,

katumbas ng 42.0 porsyento. Sa ikatlong pahayag naman, dalawampu’t

apat (24) naman ang tumugon sa kaalamangan hinggil sa principles of

marketing, katumbas ng 48.0 porsyento. Sa huling pahayag, labing walo

(18) ang tumugon na medyo natuto sa kaalamangan ukol sa statistics

and applied economics, na may katumbas na 36.0 porsyento.

6. Karamihan sa mga respondente ay lubos na sumasang-ayon na

inaanalisa muna nila ng mabuti ang mga accounting problems sa

pagsasagot na may bilang na dalawampu’t lima (25), katumbas ng 50.0

porsyento. Sa ikalawang pahayag naman, dalawapu’t lima (25) rin ang

sumasang-ayon na kaya nilang sagutin ang mga accounting problems,

katumbas ng 50.0 porsyento. Sa ikatlong katanungan dalawampu’t

28
dalawa (22) na respondante naman ang sumasang-ayon na mas madali

nilang nasasagutan ang mga katanungan, katumbas ng 44.0 porsyento.

7. Hinggil sa Kasanayang Teknikal, karamihan sa mga respondente ay

hindi sigurado na kaya nilang gumawa ng asignaturang mag-isa na may

bilang na labing-walo (18), katumbas ng 36.0 porsyento, sa ikalawang

pahayag naman, karamihan sa mga respondente ay sumasang-ayon na

kaya nilang tapusin ang mga asignatura sa takdang panahon o mas

maaga pa na may kabuuang bilang na labing-walo (18) na may

katumbas na porsyento na 36.0, sa panghuling katanungan naman,

karamihan sa mga respondente ay lubos na sumasang-ayon na sila ay

may kasanayan sa paggamit ng kompyuter na may kabuaang bilang na

dalawampu’t dalawa (22), katumbas ng 44.0 porsyento.

8. Ukol sa Kasanayan sa Komunikasyon, karamihan sa mga respondente

ay lubos na sumasang-ayon na naiintindihan agad nila ang aralin sa

pagbabasa na may bilang na dalawampu (20), katumbas ng 40.0

porsyento. Sa ikalawang katanungan naman, labing-walo (18) na

respondente ang sumasang-ayon na mas naiintindihan nila ang isang

aralin kung ito ay isinusulat, katumbas ng 36.0 porsyento. Sa ikatlong

katanungan naman, karamihan sa mga respondente ay hindi sigurado

na nauunawaan ang isang aralin kapag ito ay idinidikta, na may bilang

na dalawampu (20), katumbas ng 40.0 porsyento.

9. Sa kasanayang interpersonal, karamihan sa mga respondente ay

pantay na lubos na sumasang-ayon at sumasang-ayon na kaya nilang

29
pangunahan ang mga kagrupo sa isang aktibidad na may parehong

bilang na labingwalo (18), katumbas ng 72.0 porsyento. Sa ikalawang

pahayag naman, karamihan sa mga respondente ay sumasang-ayon na

kaya nilang makipagsapalaran sa kanilang mga kasama na may

kabuuang bilang na dalawampu’t apat (24), katumbas ng 48.0

porsyento. Sa ikatlong pahayag naman, karamihan sa mga respondente

ay lubos na sumasang-ayon na kaya nilang makipagkumpetensya sa

mabuting paraan na may kabuuang bilang na labing-siyam (19),

katumbas ng 38.0 porsyento.

10. Karamihan sa mga respondente ay tumugon na sila ay lubos na

sumasang-ayon na tapat sila sa paggawa at pagsagot nga mga

problema at hindi sila nandaraya na may kabuuang tatlumpu’t siyam

(39), katumbas ng 78.0 porsyento. Sa ikalawang pahayag naman,

dalawampu’t siyam (29) ang tumugon na sila ay lubos sa sumasang-

ayon na lagi silang sumusunod sa instruksyon ng kanilang mga guro,

katumbas ng 58.0 porsyento. Sa oikatlong pahayag naman, tatlumpu’t

siyam (39) ang tumugon na binibigyan nila ng mataas na paggalang at

pagrespeto ang kanilang mga guro at iba pang propesyunal, katumbas

ng 78.0 porsyento.

Konklusyon

Ang mga sumusunod na konklusyon ay nabuo base sa mga nakalap na

impormasyon sa isinagawang pananaliksik

30
1. Ang mga mag-aaral sa unang taon ng BS Accountancy sa New Era

University na nagtapos sa Accountancy, Business and Management

(ABM) strand ay mayroong sapat na kaalaman tungkol sa

accounting at sa kaalamang pangkalahatan (general knowledge) na

kanilang natamo mula sa ABM strand.

2. Ang mga mag-aaral ay mayroong taglay na mga kaukulang

kakayahang intelektwal, teknikal, interpersonal at sa komunikasyon.

3. Bukod sa mga kaalaman at kakayahan, ang mga mag-aaral ay may

taglay na mga pagpapahalagang moral at etikal na magiging

makabuluhan sa kanilang pag-aaral.

4. Mayroong mga kalamangan at handa ang mga mag-aaral ng New

Era University na nagtapos sa ABM para sa kanilang pag-aaral sa

kursong BS Accountancy.

31
Rekomendasyon

Base sa mga nakuhang impormasyon, ang pananaliksik na ito ay

nagrerekomenda ng mga sumusunod:

1. Para sa mga Mag-aaral. Ang pagpili ng strand sa SHS ay bigyan at

paglaanan ng oras dahil ito ay magkakaroon ng malaking impak sa mga

kursong kukunin sa kolehiyo.

2. Para sa mga Guro. Alamin ang limit ng kaalaman at kakayahan ng mga

mag-aaral at alamin ang tamang paraan ng pagtuturo sa mag-aaral.

3. Para sa mga Susunod pang Mananaliksik. Sa mga susunod pang

mananaliksik na nais din manaliksik sa kaparehas na paksa,

inirerekomenda na palawakin ang saklaw ng respondate katulad ng mga

nasa ikalawang taon na ng BSA na nagtapos din ng ABM strand.

32
TALASANGGUNIAN

1. https://www.enderuncolleges.com/abm-strand/

2. https://www.academia.edu/31715806/ABM_Bakit_dapat_kunin_ng_mg

a_kabataan_ngayon

3. https://www.academia.edu/40847751/THE_FACTORS_AND_REASO

N_OF_GRADE_12_ABM_STUDENTS_IN_THEIR_CHOSEN_STRAN

4. https://s3.amazonaws.com/academia.edu.documents/57794446/6th-

TID-Usec.-Ocampos-Presentation-on-K-to-12.pdf?response-content-

disposition=inline%3B%20filename%3DThe_K_to_12_Curriculum_The

_K_to_12_Phili.pdf&X-Amz-Algorithm=AWS4-HMAC-SHA256&X-Amz-

Credential=AKIAIWOWYYGZ2Y53UL3A%2F20191110%2Fus-east-

1%2Fs3%2Faws4_request&X-Amz-Date=20191110T053640Z&X-

Amz-Expires=3600&X-Amz-SignedHeaders=host&X-Amz-

Signature=e776a386ed114581c3ec7c81d2f281abcc8d9191a63e8234

84924010e47027e3

5. https://blog.edukasyon.ph/job-hunting/career-paths-abm-students-can-

choose-from/

33
APENDIKS

BIYAYA P. CANTOR

202 Faculty Condo, 2B Central Ave, Brgy. New Era, Quezon City

09453390856

yabi.cantor@gmail.com

EDUKASYON

Senior High School New Era University (2017-2019)

Accountancy, Business and Management (ABM)

Junior High School New Era University (2013-2017)

Elementary New Era University (2007-2013)

PERSONAL NA IMPORMASYON

Edad 19

Araw ng kapanganakan April 16, 2000

Lugar ng kapanganakan Perpetual Succor Hospital Manila

Pagkamamamayan Filipino

Kasarian Babae

Relihiyon Iglesia Ni Cristo

34
CHRISTINE JANE BULAQUENA

4184 diam st. Gen. De Leon Valenzela City

09399401882

cristinejanebulaquena12@gmail.com

EDUKASYON

Senior High School Our Lady Of Lourdes College

Accountancy, Business and Management (ABM)

Junior High School Gen. T. De Leon National High School

Elementary Sta. Cruz Elementary School

PERSONAL NA IMPORMASYON

Edad 20

Araw ng kapanganakan January 21, 1999

Lugar ng kapanganakan Sampaloc, Tanay Rizal

Pagkamamamayan Filipino

Kasarian Babae

Relihiyon Born Again, Christian

35
JEFFREY F. FERNANDEZ

102 Imperial St. Brgy. E. Rodriguez, Cubao, Quezon City

09175541069

fernandezjeffrey841@gmail.com

EDUKASYON

Senior High School New Era University (2017-2019)

Accountancy, Business and Management (ABM)

Junior High School Malasiqui Agno Valley College (2013-2017)

Elementary Talospatang Elementary School (2007-2013)

PERSONAL NA IMPORMASYON

Edad 18

Araw ng kapanganakan October 21, 2001

Lugar ng kapanganakan San Carlos City, Pangasinan

Pagkamamamayan Filipino

Kasarian Lalake

Relihiyon Iglesia Ni Cristo

36
MA. CHRISTINA S. HEMENTERA

Unit 2 #59 Pantabangan St. NPC Village, Tandang Sora, Quezon City

09172008710

christina.hementera@gmail.com

EDUKASYON

Senior High School New Era University (2017-2019)

Accountancy, Business and Management (ABM)

Junior High School Sauyo High School (2013-2017)

Elementary Diliman Christian Academy (2007-2013)

PERSONAL NA IMPORMASYON

Edad 18

Araw ng kapanganakan August 5, 2001

Lugar ng kapanganakan Quezon City

Pagkamamamayan Filipino

Kasarian Babae

Relihiyon Born Again

37
ILONAH DAN S. HIZON

98 Naga St. Pael Subdivision Culiat Q.C

09260469014
ilonahdanhizon@gmail.com

EDUKASYON

Senior High School New Era University (2017-2019)

Accountancy, Business and Management (ABM)

Junior High School Quezon City Academy(2013-2017)

Elementary Proj 6 Elementary School (2001-2013)

PERSONAL NA IMPORMASYON

Edad 18

Araw ng kapanganakan August 22, 2001

Lugar ng kapanganakan Quezon City

Pagkamamamayan Filipino

Kasarian Babae

Relihiyon Roman Catholic

38
CAMILA ICAWAT

94 Saint Francis Street Pook Dagohoy UP Diliman, Quezon City

09774964396

camila.icawat19121@gmail.com

EDUKASYON

Senior High School New Era University (2017-2019)

Accountancy, Business and Management (ABM)

Junior High School New Era High School (2013-2017)

Elementary New Era Elementary School (2007-2013)

PERSONAL NA IMPORMASYON

Edad 19

Araw ng kapanganakan August 06, 2000

Lugar ng kapanganakan Quezon City

Pagkamamamayan Filipino

Kasarian Babae

Relihiyon Roman Catholic

39
ALLEVANZ B. MALLANAO

205 Soliven St. Greenheights Phase 3 Nangka, Marikina City

09455648432

allevanzmallanao@gmail.com

EDUKASYON

Senior High School New Era University (2017-2019)

Accountancy, Business and Management (ABM)

Junior High School Sta. Elena High School (2013-2017)

Elementary Hermogenes Bautista Elementary School (2007-


2013)

PERSONAL NA IMPORMASYON

Edad 18

Araw ng kapanganakan January 07,2001

Lugar ng kapanganakan Marikina Citys

Pagkamamamayan Filipino

Kasarian Babae

Relihiyon Iglesia Ni Cristo

40
JAZZLYN R. NIPAL

202 Faculty Condo, 2B Central Ave, Brgy. New Era, Quezon City

09453390856

yabi.cantor@gmail.com

EDUKASYON

Senior High School Our Lady of Fatima University (2017-2019)

Accountancy, Business and Management (ABM)

Junior High School Commonwealth High School (2013-2017)

Elementary Manuel L. Quzeon Elementary School (2007-2013)

PERSONAL NA IMPORMASYON

Edad 19

Araw ng kapanganakan February 11,2001

Lugar ng kapanganakan Quezon City

Pagkamamamayan Filipino

Kasarian Babae

Relihiyon Catholic

41
NICEL ANNE MARIE U. PANGAN

22 Herrera st., Project 8 Quezon City

09325596026

nicelpangan@gmail.com

EDUKASYON

Senior High School New Era University Lipa City branch (2017-2019)

Accountancy, Business and Management (ABM)

Junior High School New Era University Lipa City branch (2013-2017)

Elementary New Era University Lipa City branch (2007-2013)

PERSONAL NA IMPORMASYON

Edad 18

Araw ng kapanganakan April 23, 2001

Lugar ng kapanganakan Sampaloc, Manila

Pagkamamamayan Filipino

Kasarian Babae

Relihiyon Iglesia Ni Cristo

42

You might also like