You are on page 1of 2

Mga Paraan sa Tamang Pagpili ng Strand sa Pagpasok ng

Senior High

Ang edukasyon ang tanging daan patungo sa ating magandang


Kinabukasan dahil sabi nga nila “education is the key to success” ngunit
paano ba natin mapaghahandaan ang ating kinabukasan? Paano ba tayo
makakapili ng kursong angkop sa atin sa koheliyo?

Ang pagpili ng strand sa pagpasok ng grade 11 ay mahalaga dahil ito na


ang paghahanda natin sa kolehiyo, dapat nating piliin ang strand na
konektado ayon sa ating interes, paboritong libangan o hilig dahil ito ang
tamang paraan sa pag pili ng kurso. Ito ang magbibigay daan at tamang
direksyon patungo sa ating mga pangarap kapag sinabing kurso kailangan
sundin natin kung anu talaga yung nasa puso natin hindi dahil sa sinabi ng
mga magulang natin, hindi dahil sa gusto ng mga kaibigan natin at higit sa
lahat, hindi dahil sa marami ang kumukuha ng kursong ito kundi dahil ito
yung gusto nating makamit sa buhay or goal.

Kailangan nating tandaan mga kapwa ko mag-aaral na ang pagpili ng


kurso ay mahalaga kaya kailangan nating maging mahusay, magaling at
matalino sa pag pili ng kurso.Kailangan piliin natin yung kung saan ka
masaya, kung anu yung gusto mong maging sa hinaharap. Kayat ang
magkaroon ng pagkakataong makapag-aral sa Senior High at pumili ng
strand na kukunin ay hindi dapat ihalintulad sa pagpili ng bibilhing damit na
susuotin para sa isang espesyal na okasyon at kapag hindi mo
nakursunadahan ang damit na nabili ay pupuwede mong hubarin at ibalik
sa pinagbilihan o di kaya ay bawiin ang perang ipinang-bili, hindi ito maari,
dahil ang oras na iyong nagamit ay alam naman nating hindi na maibabalik
kung sakaling nagunita mo sa kalagitnaan ng taon na hindi pala ito ang
nais mong strand. Ang pag-aaral ng isang strand sa Senior High ay hindi
lang ginagastusan ng salapi kundi pinagugulan din ito ng lakas at oras. Ang
salapi, lakas at oras ay ang mga importanteng yaman sa buhay ng isang
tao at hindi na naibabalik kapag nagamit kayat kung sasayangin mo ang
mga ito dahil lamang sa iyong pagwawalang-bahala ay maaring sagad sa
iyong buto ang madadamang pag-sisisi pagdating ng panahon. Ang mga
nakasulatd dito sa talumpati kung ito ay base sa aking pan-sariling
karanasan at obserbasyon sa mga taong aking kakilala at malapit sa aking
puso. Maaring ang mga ito ay taliwas sa karanasan na inyong narinig mula
sa inyong mga kakilala at ito naman ay aking inaasahang mangyari dahil
naniniwala ako sa kasabihang “Everybody is unique”.

You might also like