You are on page 1of 3

Deskripsiyon

Ang Bionote ay isang talatang naglalaman ng maikling deskripsiyon


tungkol sa may-akda sa loob ng karaniwa’y dalawa hanggang tatlong
pangungusap. Dito itinalaga ang pagkakakilanlan sa
pinakamahahalagang katangian ng isang tao. Ang bionote ay isinusulat
upang madaling matandaan ang tala ng buhay ng isang tao sa sandaling
panahon ng pagbasa. Ang Salitang Bionote ay nagmula sa salitang
griyego na “bio” na ang ibig sabihin ay “buhay”, ang “note” naman ay
nangangahulugang “dapat tandaan”, kaya kung pagsamahin, ang ibig
sabihin ng Bionote ay “buhay na dapat tandaan”.
Repleksiyon
Sa pag-aaral naming sa aralin tungkol sa Bionote, napagintindi ko na
napakahalaga nito sa pagpapakilala ng manunulat o sinumang
kailangan pangalanan. Para sa akin, lubos na kailangan ang Bionote lalo
na kong maraming impormasyon ang maaaring ibinabahagi na
maaaring makaubos ng oras. Ang bionote ay nagsisilbing susi ng
tagapagsalita para payak na maihayag sa mga tagapakinig o delegado
ang mga impormasyon.
Deskripsiyon
Ang talumpati ay sining ng pagsasalita na maaring nanghihikayat,
nangangatwiran, o tumatalakay sa isang paksa para sa mga tagapakinig.
Ito ay dapat nakapagbibigay-impormasyon, nakapagpapaunawa,
nakapagtuturo, at nakahihikayat ng mga konsepto at paninindigan sa
mga manonood at tagapakinig.
Repleksiyon
Ilang-ulit na naming natalakay ang talumpati simula palang
elementarya, pero nang italakay ulit ito sa aming aralin,
napagpahalagahan ko pa ang tama at maayos na paggamit nito. May
mga gabay na dapat isaalang-alang sa paggawa ng talumpati, isa na rito
ang uri ng wikang dapat kong gamitin na dapat ay maging kaaya-aya sa
mga tagapakinig. Sunod naman ay dapat ko munang gumawa ng
balangkas na dapat sundin sa aking isusulat na talumpati. Panghuli ay
dapat kong iayon ang mga salita, tayutay, kasabihan, o salawikaing
gagamitin sa pagpapahayag ng mga ideya sa talumpati. Para sa akin,
ang talumpati ay lubos na napakamahalaga sa atin, lalong lalo na sa
aming mga kabataan nangsa ganoo’y, naipapahayg naming ang aming
mga opiniyon at saloobin sa iba’t-ibang paksa.

Deskripsiyon
Ang posisyong papel ay isang sanaysay na naglalahad ng opiniyon na
naninindigan hinggil sa isang mahalagang isyu patungkol sa batas,
akademiya, politika, at iba pang mga larangan. Ito ay karaniwang
isinusulat sa paraang mapanghimok sa mambababsa upang
mauunawaan at sangayunan nito ang paninindigan ng nagsusulat
hinggil sa isyung pinaksa. Ang layunin ng posisyong papel ay
mahingkayat ang mga mambabasa na magkaroon ng kamulatan sa
argumentong inihain sa kanila.
Repleksiyon
Napakahalaga ng posisyong papel lalong-lalo na sa aming mga mag-
aaral. Sa pamamagitan kasi nito nagkakaroon ng isang mabuting
pagsasanay ang mga mag-aaral sa pagpapatibay ng paninindigan,
pagtimbang ng opinion at katotohanan, paglalahad ng mga suportang
ideya, at pagsanggi sa mga ideya mula sa paninindigan ng mga mag-
aaral upang magdepensa. Napagalaman ko na hindi ganoon kadaling
gumawa ng isang posisyong papel sapagkat maraming mga dapat
isaalang-alang sa pagsulat nito.
Pagkakakilanlan sa Gumawa
Si Florante C. Garcia, PhD ay tubong Gapan, Nueva Ecija na
nakapagtapos ng Doctor of Philosophy in Education at Master of Arts in
Filipino sa Manuel L. Quezon University. Nakapagtapos rin siya ng
Master of Arts in Educational Management, at Bachelor in Elementary
Education bilang isang Government Scholar. Isa siyang awtor sa higit
labing-dalawang aklat sa Filipino sa antas elementarya, sekundarya, at
tersarya. Siya ay accreditor ng Philippine Association of Colleges and
Universities Comission on Accreditation. Kasalukuyan siyang
tagapangulo ng Deparmento ng Edukasyon sa ilalim ng Kolehiyo ng
Edukasyon at Malayang Sining sa Adamson University.

You might also like