You are on page 1of 7

Kabanata 2

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Ang kabanatang ito ay naglalahad ng mga pag-aaral at literatura na may


kaugnayan sa isinagawang pag-aaral. Malaki ang naitulong ng mga konseptong
nakapaloob sa mga pag-aaral na ito na nagsilbing batayan upang makamit ang
pinakalayunin ng kasalukuyang pag-aaral.

Mga Kaugnay na Literatura

Ayon kay Adrian Evangelista (2016), Isang salik sa madalas na pagkakamali ng


mga mag-aaral ay ang kulang at sobra sa pag-aanalisa kung kaya’t mahalaga ang
pagkakaroon ng matatag at malawak na pundasyon ng analisasyon. Hindi biro ang
pinagdaanan ng mga estudyanteng kumukuha ng kursong accountancy , bago pa man
nila marating ang kanilang kinalalagyan ngayon ay dumaan muna sila sa maraming
pagsubok at paghihirap. Pagot, puyat, at oras ang kanilang nagiging kalaban bago pa
nila makamit ang kaginhawaan. Kaya naman kinakailangan na maging determinado
upang malagpasan ang mga suliranin na maaaring humadlang sa pag-aaral.

Madaming problema ang pagiging isang Accountancy students, lalo na sa


kanilang major subjects kaya dito talaga nahihirapan ang karamihan. Hindi madaling
pag aralan ang kurso na ito, kulang nalang lumuha ka ng dugo. Sa kursong ito,
nangangailangan ang isang estudyante ng sipag at tiyaga, lalo na ang pang-unawa ata
pasensya, dahil sa kursong ito masusubok ang determinasyon ng isang estudyante.
Mahirap tandaan ang mga formula at i-analyze ang isang problem dahil hindi naman
lahat ay nakukuha nila pero ang mga iba talaga ay naiintindihan nila. Minsan kasi, ang
ilan sa mga Accountancy students ay kinuha lang ang kursong ito dahil wala silang
mapili o hindi talaga nila alam kung anong kurso ang husto talaga nila, kaya kung
minsan hindi na nila naiisip kung ano ang kahihinatnan nila kapag pinasok na nila at
sinimulaan na ito. Mahalin mo lang ang kurso at bigyan ito ng pansin at tiyak na
makukuha mo ito, madami lang talagang tamad sa mundo at hinahayaan na lang kung
saan sila dalhin ng panahon. Wala namang madaling kurso, lahat ay mahirap, ngunit
kung aaralin at iintindihin itong mabuti, ito ay magiging madali. Sa kahit anong kurso,
sipag, tiyaga, at determinasyon ang kailangan upang masolusyonan ang problema sa
isang kurso (Triciategio626, 2016).

Ayon sa coursehero.com, ilan sa mga dahilan ng pagbagsak ng mga estudyante


sa klase ay ang kawalan ng interes sa pag-aaral, maagang pagpasok sa isang
relasyon, mga problemang kinakaharap sa buhay. Sa panahon ngayon marami ng
estudyante ang nawawalan ng gana mag-aral minsan ay dahil sa mga problemang
kinakaharap nila sa buhay. Maaaring ito ay problema sa pamilya, problema sa
pinansyal at marami pang iba. Ang maaga naming pagpasok sa isang relasyon ay kung
minsan nakakaapekto rin sa pag-aaral dahil may mangilan-ngilang estudyante na mas
inuuna pa ang pakikipagkita sa kanilang mga karelasyon kaysa gumawa ng mga
projects at kung ano ano pa na kailangan sa eskwelahan.

“Ang isa pang sinabi nilang nakapagpapukaw ng aking pansin ay ang barkada.”
Nakakaapekto din ang barkada sa pag aaral. Hindi maiiwasan ang mga barkada na
maaaring magdulot ng masamang impluwensiya. Mayroong mga barkada na tuturuan
kang magcut ng klase na maaaring ikababa ng grade mo, kung minsan naman ay
barkada din ang dahilan kung bakit natututo ang isang kabataan magkaroon ng
masamang bisyo. Ngunit hindi lahat ng barkada ay masamang impluwensiya, may mga
barkada naman na mabuti ang naidudulot. Halimbawa ay sila ang tutulong sayo pag
nahihirapan na sa akademiks. (Rizal Science HighSchool Section C Survey, 2009)

Mga Kaugnay na Pag-aaral

Ayon kay Alexander Cason, Jr. (2017), "Sa henerasyon ngayon, madaming
nagsabi na lubos na nakaapekto sa kanilang pag-aaral ang computer at iba pang mga
gadyets, o sa madaling salita, ang makabagong teknolohiya." Tungkulin ng mga
kabataan ang mag-aral. Sa katunayan, ang teknolohiya ang isa sa mga pangunahing
paraan kung bakit ang pag-aaral ay nagiging madali, mabilis, at mabisa. Kung kaya
nama’t napakaraming mag-aaral ang sumasangguni sa teknolohiya para sa kanilang
pag-aaral. Ang teknolohiya rin ay nagbibigay hindi lamang ng kaalaman sa mga mag-
aaral kundi pati na rin ang kalibangan at kaligayahan.

Ang di pagseseryoso ng estudyante sa pag-aaral, katamaran sa pag-aaral at


paggamit ng makabagong teknolohiya ay kabilang sa mga salik na nakakaapekto sa
grado ng mga estudyante. Dahil nga sa mga makabagong teknolohiya, naaagaw nito
ang atensyon ng mga estudyante kaya naman nawawala sa pokus ang mga estudyante
sa kanilang pag-aaral. Maaaring sila ay naglalaro ng online games o kaya ay
nagbababad sa facebook, twitter, instagram at iba pang social media sites. (Mga Salik
na Nakakaapekto sa Pagbaba ng Grado ng mga Estudyanteng may kursong Bachelor
of Science in Accounting Technology sa Far Eastern University- Makati)

Ayon kay J. Dioneda (n.d.) "Ang pagkakaroon ng bisyo ng mga mag aaral ay
malaking factor na nakakaapekto sa pagkamit ng magandang edukasyon sa Pilipinas."
Sa panahon natin ngayon parami na ng parami ang mga kabataan na may bisyo,
paggamit ng droga, sigarilyo, alak at iba pa. Ito ay nakakasama lalo na't nasa murang
edad pa lamang ang mga kabataang ito at tiyak na kapag napabayaan sila, baka ito ay
ikamatay nila o magkaroon pa sila ng hindi magandang kinabukasan. Malaking epekto
ito sa pag-aaral ng mga estudyante dahil ika nga nila “oras na masimulan mo na ang
bisyo, mahirap ng tigilan”. May oras na hindi pumapasok ang mga estudyante sa
paaralan sa kadahilanang sila ay puyat o kaya di naman ay nagcucutting classes para
magawa nla ang kanilang bisyo.

Ayon kay Education Secretary Armin Luistro (2014) "Ilan naman umano ang
nagda-drop out dahil sa mahinang katawan sanhi ng malnutrition, paghihikahos sa
buhay, at maging matinding problema sa pamilya tulad ng paghihiwalay ng magulang."
Ang kakulangan pampinansyal ay masasabing isa sa mga pinakamahirap na
problemang makakaharap ng sinuman. Maging mga gastusing pampaaralan at iba
pang aspetong sumasakop sa pag-aaral. Maraming pinaglalaanan at
pinagkakagastusan ang mga mag-aaral. Kasama dito ang mga maliliit na gastusin tulad
ng pagpapa-photocopy ng mga leksyon maging ang mga maliliit na kontribusyon sa
pondo ng organisasyong sinalihan. Kung susumahin ang lahat-lahat, malaki-laki rin ang
magagastos. Isa pa riyan ang pang-araw-araw na gastusin sa transportasyon, pagkain,
school project at school supplies tulad ng bolpen, yellow pad at kung anu-ano pa. Isa rin
sa dahilan ng kanilang pagtigil sa pag-aaral ay ang pagkakaroon ng problema sa
pamilya. Maaaring mas pinipili na lang nila ang tumigil sa pag-aaral upang magtrabaho
para may panggastos sa kanilang pamilya.

Sintesis

Masasabi ngang ang kolehiyo ay isa sa mahirap na pagdesisyunan ng isang


estudyante, lalo na ang pagpili ng tatahaking kurso. Dapat lang na sa pagpili ng kurso
ay yung talagang nais o gusto ng estudyante. Mahirap tumahak ng isang kurso na hindi
mo gusto o napilitan ka lang kuhanin. Isa sa mahihirap na kurso ay ang accountancy,
sa kabila ng pagiging mahirap nito ay marami pa rin angkumukuha ng kurso na ito dahil
sa maraming oportunidad ang makukuha dito. Sa pagiging estudyante, hindi maiiwasan
ang mga suliranin na maaaring kaharapin.

Ayon kay nmaeguinto (2016), “Isa o higit sa mga dahilan kung bakit
bumabagsak ngayon sa kursong ito dahil sa kakulangan sa time management.” Ang
social media ay isa ngayon sa pangunahing dahilan kung bakit nawawala ang atensyon
ng mga estudyante sa pag-aaral, oo maaari itong gawin bilang panglibangan, ngunit
oras na gumamit na sila ng internet, nakakalikdaan na nila ang kanilang pag-aaral.
Kung minsan nagiging negatibo na din ang gamit ng internet sa panahon ngayon dahil
masyado nang nakadepende dito ang mga estudyante. Bilang isang Accounting
student, isa sila sa mga naghahanap ng mapaglilibangan dahil na din minsan sa stress
na kanilang nararanasan dahil sa pag-aaral, kaya kung minsan kapag may kailangan
silang gawin na may kinalaman sa kanilang pag-aaral iniaasa na lamang nila ito sa
internet.

Ayon din sa brainly.ph, “Ang mga maaaring salik na nakakaapekto sa pag-aaral

ng mga estudyante ay ang mga sumusunod:


1. Akademya o ang pormal na edukasyon nito

2. Teknolohiya lalo na ang social media

3. Impluwensya ng mga panoorin sa telebisyon at sinehan

4. Pagbabasa ng mga libro at kung ano pang mga materyal na basahin

5. Pakikipagkapwa tao lalo na ang mga pinipiling makasama't maging kaibigan

6. Kultura at tradisyon ng kinalakihang lipunan lalo na ang mga norm nito

7. Mga ligal na patakaran at mga isinasagawa ng Pamahalaan lalo na ng


pampublikong ahensya ng edukasyon

8. Paglinang sa kakayahan at talento ng mag-aaral

Balangkas na Teoretikal

Ayon kay Ak Blanco (2014) Ang kakulangan sa oras sa pag-aaral at katamaran


ang pangunahing dahilan kung bakit nakakaranas ng suliranin ang mga estudyante
Marahil ay kung ano- anong bagay ang kanilang ginagawa sa halip na mag-aral, tulad
na lamang ng paggamit ng social media, paglalaro ng online games at marami pang
iba. Gayundin binanggit din niya na ang kawalan ng estudyante ng interes sa kanyang
kurso ay isa ring suliraning kinakaharap ng mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral. Sa
oras na mawalan ng interes ang isang estudyante sa kaniyang kurso ay mawawalan na
siya ng gana mag-aral at mawawalan na rin ng pokus. Ito ay maaaring magdulot ng
pagbaba ng grado, maraming liban sa klase at kung minsan ay ang pagddrop ng
estudyante.

Ayon kay Charl Lozano (2016) sa kaniyang “Mga Dapat na Malaman bago ka
kukuha ng accountancy-accountancy starter pack”, kung nais mong maging
matagumpay sa pag-aaral ay ugaliin ang mga sumusunod:

 Determinado/disiplinado
 Time management
 Pagkamatyagain/kasipagan
 Stress management

Dapat lang na taglayin ang mga nabanggit ni Charl Lozano dahil una kung hindi
ka determinado sa pagkuha o pag-aaral ng accountancy ay hindi mo ito matatapos.
Dapat rin na mayroon kang time management sa iyong sarili, ilaan sa mas
makabuluhang bagay ang oras upang di maaksaya. Hindi naman masamang gamitin
ang oras sa paglilibang pero dapat ay huwag sosobra. Sa aking opinyon, mas maigi na
gawin mo na ng maaga ang mga gawain at una mong asikasuhin ang accounting
subject bago ang lahat. Kailangan ding may tiyaga sa pag-aaral, ito ay kailangang
kailangan ng mga estudyanteng kumukuha ng accountancy dahil ang kursong ito ay
sadyang mahirap. Maaaring gawin ng mga estudyante ay ang “advance reading” upang
hindi na mahirapan sa susunod na ituturo ng guro. At ang huli ay ang stress
management, maraming estudyante ang nakakaranas ngayon ng stress dahil sa dami
at bigat ng gawain, dapat lang na ang mga estudyante ay marunong kung paano
mawawaksi ang stress na nararanasan upang hindi ito maging balakid sa kanilang pag-
aaral.

Balangkas na Konseptwal

Ang pag-aaral na ito ay isinasagawa upang malaman ang mga suliraning


kinakaharap ng mga estudyanteng kumukuha ng kursong accountancy sa Laguna
University at kung ano ang mga nagiging epekto nito sa kanilang akademikong
pagganap, gayundin upang malaman ang mga hadlang sa pag-aaral ng mga
estudyante.

Upang maisakatuparan, magsasagawa ng sarbey sa mga estudyanteng nasa


unang taon sa Laguna University. Ito ay malaking tulong upang mapatibay sa
pananaliksik ukol sa suliranin, hadlang sa pag-aaral ng mga estudyante at epekto nito
sa kanila.
Pinagbabatayan Proseso Kinalabasan ng Pag-
aaral
A. Pagsasagawa ng A. Matutukoy ang
sarbey mga suliraning
Alamin ang mga B. Paghahanap ng kinakaharap ng
suliraning kinakaharap mga kaugnay na mga
ng mga estudyanteng literatura at pag- estudyanteng
kumukuha ng kursong aaral kumukuha ng
accountancy sa C. Paggamit ng kursong
Laguna Univesity internet accountancy
D. Paggamit ng B. Malalaman ang
elektronikong mga hadlang sa
aparato pag-aaral ng
mga estudyante
C. Mababatid ang
mga epekto ng
suliranin at
hadlang sa
akaemikong
pagganap ng
mga estudyante

Pigura 1. Balangkas na Konseptwal ng Pag-aaral

Palagay

Ang mga kaugnay na literatura at pag-aaral na nabanggit sa pananaliksik ay may


mga kaugnayan sa pag-aaral na isinasagawa sapagkat ang mga impormasyon o datos
na nakalap ay may malaking tulong sa pagpapalawak ng pananaliksik na ito.

You might also like