You are on page 1of 5

1

KABANATA IV

MGA RESULTA AT DISKASYON

Tinatalakay sa bahaging ito ang resulta ng isinagawang pananaliksik. Makikita


ang paglalahad ng mga datos, paraan ng pagsusuri nito at pagbibigay interpretasyon.

A. Suliraning kinahaharap ng mga estudyanteng nasa unang taon ng kursong


Accountancy sa Laguna University.

Talahanayan 1. Distribusyon ng mga suliraning kinakaharap ng mga mag-aaral na nasa


unang taon ng Accountancy sa Laguna University.

Suliranin Lalaki Babae Kabuuang bilang Bahagdan Rank


1. Problema sa
pamilya. 7 9 16 53% 5

2. Pinansyal 12 11 23 77% 3

3. Barkada 10 7 17 57% 4

4. Teknolohiya 11 14 25 83% 2

5. Asignatura 15 15 30 100% 1
6. Iba pang
suliranin 0 0 0 0% 6

Ang talahanayan na ito ang nagpapakita ng distribusyon ng mga suiranin na


nararanasan ng mga estudyante. Ang mga baryabol na nakalahad ay nagmula sa
2

talatanungan na ginamit sa pananaliksik. Dito ay hinanap ng mga mananaliksik ang


bahagdan ng estudyanteng naaapektuhan ng bawat suliranin kalakip na rin ang mga
epekto ng mga ito. Ibinase ito mula sa sample na populasyon na may kabuuang bilang
na tatlumpung estudyante ng Accountancy na kasalukuyang nasa unang taon ppa
lamang.

B. Epekto ng mga suliraning kinahaharap ng mga estudyanteng nasa unang taon


ng Bachelor Of Science In Accountancy sa Laguna University.

Talahanayan 2. Distribusyon ng epekto ng mga suliraning kinakaharap ng mga mag-


aaral na nasa unang taon ng Accountancy sa Laguna University.

Kabuuang
Suliranin Lalaki Babae bilang Bahagdan Rank
1. Mababang
performance 12 11 23 77% 1

2. Pagliban 2 4 6 20% 4
3. Kawalan ng
pokus 8 7 15 50% 2
4. Kawalan ng
pag-asa 7 5 12 40% 3
5. Kawalan ng
interes 3 2 5 17% 5
6. Iba pang
epekto 0 0 0 0% 6

Batay sa mga suliraning naihain na maaaring nagsisilbing sagabal sa mga


estudyante, ang kalikasan ng pangunahing asignatura ang nangungunang suliranin na
kinakaharap ng mga estudyante. Dahil ang kursong ito ay nangangailangan ng maigting
3

at lohikal na analisis at pag-iisip, hindi kataka-takang magkaroon ito ng kabuuang


bahagdan na 100%. Sa puntong ito, napag-alaman ng mga mananaliksik na may mga
suliranin ngang nagsisilbing hadlang sa mga estudyante.

Sumunod ang suliranin na kinakaharap ng mga mag-aaral ay ang impluwensya


ng makabagong teknolohiya na may bahagdan na 83%. Hindi naman lingid sa
kaalaman nila na naaapektuhan na sila ng mga bagay na hatid ng teknolohiya gaya ng
social medias at mobile games. Dahilan upang mawala ang kanilang pokus sa pag-
aaral at makaranas ng katamaran dahil sa pagiging komplikado ng bawat asignatura.
Nagdudulot ito ng pagbaba ng kanilang kakayahang umunawa at kritikal na makapag-
isip sa kanilang mga pangunahing asignatura.

Ikatlong suliranin na kinakaharap ng bawat estudyante sa kolehiyo ay ang


pinansyal na suporta sa kanilang pag-aaral. Kaya naman, dalawampu’t tatlong
estudyante ang nagsabing nahahadlangan sila nito. Di maikakailang magastos ang
pagkokolehiyo dahil nangangailangan ito ng mas malaking suportang pinansyal sa
paagpasa ng mga proyekto at pamasahe sa pang araw-araw. Dahil hindi lahat ay
nakagagaan sa buhay, may mga sitwasyon pa rinna bumababa ang marka ng
estudyante dahil sa kakulangan ng pambili gaya ng aklat na lubhang napakahalaga
para sap ag-aaral ng Accounting.

Ang ikaapat na may pinakamataas na bahagdan ay ang impluwensya ng


barkada. Kadalasan nga itong nangyayari dahil ang bawat estudyante ay hindi naman
nagtataglay ng pantay-pantay na level ng disiplina. Dahil marunong makipagkapwa ang
bawat isa, may mga panahong mas nahihikayat silang lumabas kasama ang barkada
kaysa pag-aralan ang mga leksyon. Sa ganitong sitwasyon ay nawawala sa pokus at
naiiba ang mindset ng mga estudyante. Isa itong suliranin dahil hinahadlangan nitong
magkaroon ng tamang direksyon ang pag-aaral ng mga estudyante.

Ang huling suliranin na nakakaapekto sa mga estudyante ng Accountancy sa


Laguna University ay ang problema sa pamilya. Gayunpaman, Malaki pa rin ang
bahagdan ng estudyante na apektado nito. Lubhang maapektuhan ang emosyonal na
4

aspeto ng isang estudyante lalo na kung ang mga taong malalapit dito ang
magkakaroon ng problema. Kadalasan ay nagreresulta ito ng pagkawala ng pokus,
kawalan ng pag-asa, madalas na pagliban na nagdudulot ng mababang marka sa
larangan ng Accounting. Kung kaya’t nararapat na napupuno ng motibasyon ang bawat
estudyante anumang suliranin ang kanilang kaharapin.
5

You might also like