You are on page 1of 7

I.

Konsteksto At Makatwirang Pagpapaliwanag

Ang pagkakaroon ng dekalidad na edukasyon ay tanging hanga

natin sa institusyong ating pinag-aaralan. And dekalidad na edukasyon ay

makakamtan lamang kung malalaman ang mga salik na makakatulong upang

mapaunlad ang pagganap ng mga mag-aaral. Ang gawain na ito ay ang

responsibilidad ng guro na dapat matugunan at magawan ng agarang aksiyon

para sa kinabukasan ng mga mag-aaral. Dapat malaman kung ano-ano ang

mga salik para makapagplano ang guro ng estratehiya na makapagbibigay daan

tungo sa maas maunlad at produktibo na resulta sa pagganap ng mga mag-

aaral.

Ang edukasyon ang daan upang malaman ang mga bagay-bagay mula sa

simula hanggng katapusan n gating buhay. Ito ay ang humuhubog para maging

isa tayong produktibong indibidwal. Ito ay kayamanang hindi maaagaw

ninuman.Napakahalaga ng edukasyon sa bawat indibidwal, nakakatulong ito sa

pagpapa-unlad ng sarili at maging kinabukasan. Nagpapalakas ito ng loob ng

isang tao para maikipagsapalaran sa buhay. Nagpapatatag sa pagkatao para

harapin ang mga pagsubok at matutong lumaban at tumayo sa sariling mga paa

sa buhay. Madalas nating marinig sa ating mga magulang na mag-aral tayong

mabuti dahil para sa ating kinabukasan na marami na ang nagpatunay.

Napakahalaga ang pagkakaroon ng edukasyon sa buhay ng isang tao.

Nakakatulong ito sa pagpapaunlad ng sarili at maging ang kinabukasan.

Nagpapalakas ito ng loob ng isang tao para harapin ang mga pagsubok at

1
matutong lumaban sa buhay. Ang edukasyon ang pamanang kailanman ay hindi

mawawala sa tao at hindi mananakaw ninuman.

Sa daming pagsubok na kinakaharap ng bawat mag-aaral kailangan

balansihin ng tama ang kaniyang oras at responsibilidad lalo pa’t dapat hindi

pabayaan ang edukasyon. Marami mang balakid huwag sa ating-aaral huwag

tayong susuko dahil hindi lahat ng bagay ay nakukuha sa madaling paraan

kailangang magsakripisyo at maging masigasig sa nais makamtan.

Ang pag-aaral na ito ay isasagawa upang malaman kung ano ang mga

salik na nakakaapekto sa akademikong pagganap ng piling mag-aaral sa UEP

Laboratory High School lalo pa nagyong panahon dahil dalawang taong natigil

ang pisikal na pag-aaral ng mga mag-aaral at siguradong maraming bagay ang

naging balakid sa pag-aaral na nakaapaketo sa akademikong pagganap ng mga

mag-aaral. Alam naman nating ang akademikong pagganap ay isa sa mga

batayan ng institusyon sa pagkuha ng mga aplikante at pagbibigay ng trabaho.

Kaya dapat huwag pabayaan ang ganitong mahahalagang bagay dapat bigyang

pansin at gawan nang agarang aksyon kung hindi maganda ang pundasyon ng

akademikong pagganap ng mga mag-aaral.

2
II. Mga Katanungan Ng Aksiyong Pananaliksik

1. Ano ang mga salik na nakakaapekto sa akademikong pagganap ng mga

mga-aaral (a) Antas pang-ekonomiko, (b) Kasarian at (c) Edad ?

2. Mayroon bang makabuluhang pagkakaiba sa akademikong pangganap

ayon sa katergorya (a) Antas pang-ekonomiko, (b) Kasarian at (c) Edad ?

3. Ano ang mga ginagawang paraan ng mga mag-aaral upang mapaayos ang

kanilang akademikong pagganap?

III. Iminungkahing Inobasyon, Interbensyon, At Istratehiya

Sa pag-aaral na ito ang mananaliksik ay gagamit ng talatanungan na kung

saan sa bawat set ng talatanungan ay nahahati sa dalawang bahagi. Ang

unang bahagi ay para ay sa propaly ng mga respondent, ang ikalawang

bahagi naman ay likert-type scale upang malaman kung ano ang mga salik

na nakakaapekto sa akademikong pagganap ng mga piling mag-aaral sa

ikaw-7 baitang sa UEP Laboratory High School. Sa pangangalap ng mga

datos na kailangan sa pananaliksik na ito ay kalakip ang pormal na kasulatan

ng mga mananaliksik sa paghingi ng pahintulot sa respondente. Sa pag-aaral

na ito ang sampol na gagamitin ay ang random sampling na kung saan ang

mga mag-aaral na nasa ika-7 baitang ng UEP Laboratory High School. Sa

pamamagitan ng sampling na ito ay malalaman ng mananaliksik kung ilan

lamang ang kanyang magiging tagatugon sa kanyang pag-aaral.

3
IV. Metodo Ng Aksiyong Pananaliksik

A. Mga Kalahok

Ang mga tagatugon ng pag-aaral na ito ay ang piling mag-aaral sa UEP

Laboratory High School. Ang napiling taga utogn ay mula sa ika-7 baitang.

B. Paraan ng paglikom ng Datos

Ang mananaliksik ay gagawa ng liham sa kinauukulan tungkol sa pagkuha

ng mga datos na kakailanganin sa pag-aaral na ito kalakip ang pangalan at lagda

ng mga mag-aaral na nagpapahintulot na kunin ang kanilang mga grado at

propayl ng mga tagatugon na gagamitin sa pag-aaral. Ibabahagi ang

talatanungan sa mga respondent at bibigyang panahon para sagutan ang mga

hinihinging katanungan . Kapag nalikom na ang mga talatanungan ay kasunod

na gagawin ng mananaliksik ay ang paghahanay at pagpapakahulugann ng mga

datos na nakuha., Sa pamamagitan ng descriptive correctional design ay

maaaring gamitin ng mananaliksik sa pagbibigay pagpapakalulugan sa datos.

Gamit ang descriptive survey masusuri at matutukoy ang mga salik na

nakakaapekto sa akademikong pagganap ng piling mag-aaral sa Ika-7 Baitang

sa UEP Laboratory High School.

C. Paraan sa pag-aanalisa ng datos

Upang magkaroon ng malalim na pagsusuri sa mga nakalap na datos ay

kinuha ang antas pang-ekonomiko edad, at kasarian ng respondent ng pag-aaral.

4
Itinala ang mga salik na nakakaapekto sa mga mag-aaral simula sa mas mataas

hanggang mababang bilang na nalikom mula sa datos.

V. Plano ng Aksyong Pananaliksik

Gawain DISYEMBRE Enero

1st 2nd 3rd 4th 1st 2nd 3rd

Week Week Week Week Week Week Week

1. .Paggawa ng 

talatanungan

2. Oryentasyon 

ng mga kalahok

3. Pagpapasagot  

ng survey

questionaire

4. Paglikom ng 

mga datos

5. Pag-analisa 

ng mga datos

6.Konklusyon at 

Implementasyon

5
VI. Pinansyal Na Ulat

Item Halaga Bilang Kabuuang

Halaga

Bondpaper 200 1 200

Folders 5 15 75

Ink 200 2 400

Communication Expenses 500 500

Travel Expensess 500 500

Miscellanous 1000 1000

Kabuuan 2,675

VII. Plano sa Pagpapalaganap at Paggamit ng Result ng Pananaliksik

Ang mananaliksik ay ibabahagi ang resulta sa guro, magulang, at principal

sa pamamagitan ng meeting para malaman kung ano ang mga dapat gawin

para maaksiyunan ang mga salik na nakakaapekto sa akademikong

pagganap ng mga mag-aaral.

6
VIII. Sanggunian

Edelyn L. Janaya, Karen J.Ledesma, Angelie L. Menor et.al Salik sa

nakakaapekto sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral na nagmamayorya

sa Filipino

Peter Joshua Racca Titco 2017 Mga Estilo ng Pag-aaral at Epekto nito sa

Akademikong Pagkatuto ng mga Mag-aaral ng Baitang 12 sa mga strand ng

ABM,HUMMS….

https://www.academia.edu/40185208/

MGA_SALIK_NA_NAKAKAAPEKTO_SA_KAWALAN_NG_INTERES_SA_PAGP

ASOK_SA_PAARALAN_SA_ALEGRIA_STAND_ALONE_SENIOR_HIGH_SCH

OOL

https://www.termpaperwarehouse.com/essay-on/Salik-Na-Nakakaapekto-Sa-

Pag-aaral-Ng-Algebra/245041

https://www.scribd.com/document/444068429/Mga-salik-na-nakakaapekto-sa-

pagliban-sa-klase

You might also like