You are on page 1of 14

EPEKTO NG PAGLIBAN SA KLASE NG MGA ESTUDYANTENG

NASA UNANG BAITANG NG BSCRIMINOLOGY

Isang Pamanahonang papel ang ipinasa kay:

Ginang. Pilipina Cagurangan, Fil- 2

Departamento ng CRIMINOLOGY 1A

QUIRINO STATE UNIVERSITY

Bilang pagtugon sa pangangailangan sa Kurso ng Filipino 2

(Pananaliksik sa kounikasyon)

Ipinasa nina:

Eduardo J. Laroya Jr.

Edgar Piojo

Jerick Resurrecion

Ika-2 Semester

MAY 2019

DEDIKASYON
Ang napapanahong papel na ito ay buong puso na ibabahagi namin sa puong may kapal

dahil sa kanyang walang sawang pagbigay sa amin ng kalakasan at katalinuhan na siyang

ginamit namin upang matapos ang gawaing ito. Ganoon narin sa aming pamilya at sa mga mahal

namin sa buhay. Sa kapwa naming mag-aaral sa Departamentong aming kinabibilangan.

Ang napapanahong papel na ito ay buong puso naming ibabahagi sa Departamentong

CRIMINOLOGY na kinabibilangan namin. Sa aming mga guro sa Departamento ng

Criminology, lalo na sa aming guro na si Ginang Pilipina Cagurangan sa Asignaturang Filipino-

2 ( Pananaliksik sa Kounikasyon) sa walang sawang pagtuturo sa amin at siyang naging daan

para sa aming kinabukasan.


PAGKILALA

Nagpapasalamat kami lalo na sa Panginoon na patuloy na nagbigay sa amin ng lakas at

kahusayan upang magampanan ang aming responsibilidad bilang isang estudyante.

Buong puso't kaluluwa rin naming ibinabahagi ang proyektong ito lalo na sa mga mahal

namin sa buhay. Sa aming magulang na walang sawang pagpapayo, paggabay at patuloy na

sumusuporta sa aming pag-aaral . Sa pagbibigay ng pinansyal sa amin sa pang araw-araw at

pagbibigay ng payo sa bawat araw na kami’ay tatahak patungo sa paaralan.

Ang gawain naming ito ay ibabahagi din namin sa lahat ng aming mga guro sa

Departamento ng Criminology lalo na sa aming guro ng Filipino-2 (Pananaliksik sa

Komunikasyon) na si Ginang Pilipina B. Cagurangan, sa patuloy na pagtuturo sa amin,

pagbabahagi ng kaniyang kaalaman at karanasan sa aming mga estudyante.

Sa aming mga kaibigan at kasintahan na patuloy na sumuporta, tumulong sa amin at

nagpatibay ng aming loob. Sa pagtulong at pagbigay ng kanilang ideya upang matapos ang

aming mga gawain.


TALAAN NG NILALAMAN

Pahina
Dedikasyon………………………………………………………………………………..
Pagkilala……………………………………………………………………………………
KABANATA I: ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO
Panimula……………………………………………………………………………………
Layunin ng pag-aaral………………………………………………………………………
Saklaw at Delimitasyon…………………………………………………………………….
Metodolohiya……………………………………………………………………………….
Disenyo……………………………………………………………………………………..
Mga Respondente……………………………………………………………………………
Instrumento………………………………………………………………………………….
Interpretasyon ng mga Datos……………………………………………………………….
KABANATA II: PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS
KABANATA III: KONKLUSYON AT REKOMENDASYON
Paradima…………………………………………………………………………………….
Sanggunian………………………………………………………………………………….
Apendiks…………………………………………………………………………………….
Liham…………………………………………………………………………………………
KABANATA I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

PANIMULA

Sa panahon ngayon, maikukumpara natin na ang pag-aaral ngayon ay malayo na sa

kinagisnan ng mga mag aaral noon. Marami na ang nagbago lalo na sa pag-aaral ng mga

estudyante. Isa na dito ang pagtaas ng mga kaso tungkol sa pagliban sa klase ng mga mag-aaral.

Nagiging problema ito sa paaralan dahil ang mga estudyante ay timatamad pumasok at ayaw

nilang nakikisalamuha sa ibang estudyante sa paaralan. Ang iba naman ay hindi nila pinapasukan

ang kanilang ibang asignatura dahil sa ayaw nila ang nagtuturo o tinatamad lang pumasok. Dahil

dito, bumabagsak ang kanilang mga grado at ang nagiging bunga nito ay tuluyan ng hindi sila

pumasok at nagtatambay na lamang sa kanto kanto. kaya ang ibang kabataan ay hindi na

nakakapag aral dahil wala na silang kumpyansa sa sarili na makapag tapos ng pag aaral.

Ayon kay pambansang bayani na si Dr. Jose P. Rizal na “Ang kabataan ang pag-asa ng

bayan.” Ngunit, paano magiging pag-asa ng bayan ang mga kabataan kung sila mismo ay

napupunta sa mga maling landas at mas pinipili pa ang kanilang kagustuhan kaysa sa kanilang

magandang kinabukasan.

Isama narin ang may problema sa paaralan o tahanan. O di kaya naman ay naaakit sa

mga masasamang bisyo, pag lalaro ng online games, nahuhumaling na maglaro ng outdoor

games, at ang iba naman ay pinipili nalang na maghanap buhay kesa mag aral dahil sa

kakulangang pinansyal.

Kinakailangang maipakita ang mga epekto ng pagliban sa klase upang makagawa ng iba’t
ibang solusyon at nang matuldukan na ang problema tungkol dito.

LAYUNIN NG PAG-AARAL

Ang layunin ng papel na ito ay malaman ang epekto ng pagliban sa klase ng mga

estudyanteng nasa unang baitang sa BSCRIMINOLOGY Quirino State University

CABARROGUIS CAMPUS.

Upang masagot ito pinagsikapang sagutin ang mga sumusunod na katanungan:

1. Ano- ano ang mga nakakubling dahilan bakit laging lumiliban sa klase ang mga

estudyante ng BSCriminology-1?

2. Ano-ano ang nga magiging epekto kung laging lumiliban ang mga estudyante sa

klase?

3. Paano mabibigyan ng solusyon ang problemang ito para matigil na ang laging

pagliban sa klase ng mga estudyante ng Bscriminology-1?

SAKLAW AT DELIMITASYON

Sakop lamang ng pag-aaral na ito ang pangkalahatang pananaw ng dalawampung estudyante

(20) na nasa unang taon ng BSCriminology.


METODOLOHIYA

Risertser Lokal:

Isinagawa ang pag-aaral na ito sa mga estudyanteng nasa unang taon ng BSCriminology

Quirino State University, Cabarroguis Campus.

Ito ay isang pag-aaral na isinagawa ng BSCriminology. Sa pamamagitan ng pagbigay

alam o liham at paghingi ng kanilang konting oras sa mga mag-aaral ng nasabing departamento

ay pinasagot ang sarbey-kwestyoner na akma sa pinupunto ng nasabing pamanahunang papel.

Ayon na rin sa pagkilatis ng guro ng nasabing aralin.

DISENYO

Ang paraan ng pangangalap ng mga datos na ginamit sa pag-aaral na ito ay qualitave na

disenyo sa paraang deskriptibong analitik.

MGA RESPONDENT

Mga mag-aaral na kahit anong kasarian na nasa unang baitang ng BSCriminology ng

QUIRINO STATE UNIVERSITY CABARROGUIS CAMPUS. Sa pagpili ng mga respondante

binigyan konsiderasyon ang pagiging magka-ibigan ng mga respondante at mananaliksik. Sa

kondisyong iyon, mas naging madali ang paghingi ng kanilang konting oras upang sagutin ang

mga sarbey-kwestyoner ng buong katapatan.

INSTRUMENTO

Ang instrumentong ginamit sa pangangalap ng datos ay sarbey-kwestyoner.


INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Ginawan ng tabyular na presentasyon ang mga nakalap na datos na sinundan ng tekstwal na

analisis at interpretasyon. Bilang istatistikal na instrumento, ginamit ang frequency count na may

formula na.

P=Dalas ng Bilang/Nx100
KABANATA II:

PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

I.

1. Propayl ng mga Respondante

Kasarian Taon Bilang ng Respondente Porsyento


Babae 18 gulang 2 10 %
19 gulang 6 30 %
KABUUAN 8 40 %
Lalaki 19 gulang 9 45 %
20 gulang 3 15 %
KABUUAN 12 60 %
KABUUAN NG LAHAT 20 100 %

2. Ikaw ba ay lumiban na sa klase?

Bilang ng Respondente Porsyento


Oo 13 65 %
Hindi 4 20 %
Bihira 3 15 %

Bakit?

Mga Dahilan Bilang ng Porsyento


Respondente
Masipag mag- aral 4 20 %
Tamad pumasok 11 55 %
May importanteng lakad 4 20 %
May karamdaman 2 10 %

3. Sa iyong palagay, makatutulong ba sa iyong buhay ang pagliban mo sa klase?


Bilang ng Respondente Porsyento
Oo 3 15 %
Hindi 17 85 %
Bakit?
Mga Dahilan Bilang ng Respondente Porsyento
Gawaing bahay o paghahanap buhay 3 15 %
Walang maidudulot na maganda 3 15 %
Naaapektuhan ang mga grado 12 60 %
Mahirap ang buhay 2 10 %

4. Alam mo ba ang mga magiging bunga ng madalas na pagliban sa klase?

Bilang ng Respondente Porsyento


Oo 20 100 %
Hindi 0 0%

5. Sa tuwing ikaw ay lumiliban, nagagawan mo ba ng paraan para maka habol ka sa pinag aaralan o
hinahayaan mo nalang ito?
Bilang ng Respondente Porsyento
Oo 17 85 %
Hindi 2 10 %
Bihira 1 5%

II.

1. Personal na dahilan

Unang Dahilan Bilang ng Respondente Porsyento


Walang gana mag- aral 1 14 70 %
2 5 25 %
3 1 5%
4 0 0%

Ikalawang Dahilan Bilang ng Respondente Porsyento


May sakit 1 4 20 %
2 2 10 %
3 13 65 %
4 1 5%

Ikatlong Dahilan Bilang ng Respondente Porsyento


Bisyo 1 20 100 %
2 0 0%
3 0 0%
4 0 0%

Ikaapat na Dahilan Bilang ng Respondente Porsyento


Walang baon 1 5 25 %
2 8 40 %
3 7 35 %
4 0 0%

2. Kaligiran na dahilan

Unang Dahilan Bilang ng Respondente Porsyento


Ayaw ang gurong nagtuturo 1 11 55 %
2 7 35 %
3 1 5%
4 1 5%

Ikalawang Dahilan Bilang ng Respondente Porsyento


Hindi natutuwa sa asignatura 1 7 35 %
2 11 55 %
3 2 15 %
4 0 0%

Ikatlong Dahilan Bilang ng Respondente Porsyento


Gumagawa ng project (rush) 1 6 30 %
2 7 35 %
3 6 30 %
4 1 5%

Ikaapat na Dahilan Bilang ng Respondente Porsyento


Inaantok sa klase 1 6 30 %
2 8 40 %
3 5 25 %
4 1 5%

TALATANUNGAN

I. Sagutin ng tapat ang mga sumusunod na tanong tungkol sa pagliban sa klase ng mga
estudyante sa BSCriminology-1A.
1. Propayl ng mga respondante
Pangalan(opsyunal): __________________________
Taon: ______
Kasarian: ______
2. Ikaw ba ay lumiban na sa klase? Bakit?
_____________________________________________________________________
3. Sa iyong palagay, makatutulong ba sa iyong buhay ang pagliban mo sa klase? Bakit?
_____________________________________________________________________
4. Alam mo ba ang mga magiging bunga ng madalas na pagliban sa klase?
_____________________________________________________________________
5. Sa tuwing ikaw ay lumiliban, nagagawan mo ba ng paraan para maka habol ka sa pinag
aaralan o hinahayaan mo nalang ito?
_____________________________________________________________________

II. Ang mga sumusunod ay iba’t ibang dahilan ng pagliban sa klase. Lagyan ng tsek (√) kung ito
ay iyong naging dahilan sa pagliban sa klase. Kung mayroon pang ibang mga dahilan na gustong
idagdag, isulat ito sa patlang na nakalaan.

1 hindi sumasang ayon 3 sumasang ayon


2 Hindi gaanong sumasang ayon 4 higit na sumasang ayon

Personal na dahilan 1 2 3 4
1. Walang gana mag-aral
2. May sakit
3. Bisyo (maninigarilyo,mag susugal)
4. Walang baon

Kaligiran na dahilan
1. Ayaw ang gurong nag tuturo
2. Hindi natutuwa sa asignatura
3. Gumagawa ng project (rush)
4. Inaantok sa klase

LIHAM
QUIRINO STATE UNIVERSITY
CABARROGUIS CAMPUS
BSCRIMINOLOGY-1

May 24 2019

Mahal na respondante:

Magandang araw po!

Kami po ay mga estudyante ng BSCriminology na kumukuha ng Filipino 2 (Pananaliksik sa


Komunikasyon). Bilang pam-pinal na pangangailangan, gumawa po kami ng pamanahong papel
na pinamagatang “EPEKTO NG PAGLIBAN SA KLASE sa mga mag-aaral na nasa unang
baiting sa BSCriminology. Layunin po ng aming papel na malaman ang epekto ng pagliban sa
klase sa kanilang pag-aaral, kung ano ang dahilan ng pagliban sa klase at kung ano ang magiging
solusyon sa problemang ito.

Kaugnay po nito, hinihiling po naming na inyo pong sagutan ang talatanungan kalakip ng
liham na ito. Tatanawin po naming utang na loob ang inyong pakikilahok sa proyektong ito.
Ipinapangako po naming na maging konpidensyal ang imporasyong inyong ibabahagi ukol rito.

Maraming salamat po.

Lubos na gumagalang,

Eduardo Laroya Jr
Edgar Piojo
Jerick Ressurecion

Binibigyang pansin ni:

Gng; Gilipina Cagurangan


Guro Filipino 2

You might also like