Professional Documents
Culture Documents
Mga Tiyak Na Layunin 2
Mga Tiyak Na Layunin 2
1.) Matukoy ang mga saloobin ng mga mag-aaral kung tatanggalin ang senior high
school sa buong Pa-aralan ng Pilipinas.
2.) Ma isa-isa ang mga kadahilanan nang mga mag-aaral sa Pag-tanggal ng senior
high school.
3.) Malaman ang mga resulta Sapag tanggal ng senior high school.
DISENYO NG PANANALIKSIK
Ang mga mananaliksik ay gumagamit ng kwalitatibong disenyo dahil tinukoy ang
mga saloobin ng mga mag-aaral ng mga senior high school kayat gumamit kami
ng kwalitatibong desinyo dahil para malaman namin ang kanilang mga saloobing o
mga desisyon sa galing sa kanilang opinyun kung papayag ba silang tanggalin ang
senior high school sa buong paaralan ng Pilipinas.
PAG-AANALISA NG DATOS
Tanong #1) Ano ang iyong opinyon sapag tanggal ng senior high school sa
buong pilipinas?
Sagot:
Mag-Aaral #1: Para saakin ay hindi dapat hindi na tanggalin ang Senior high
school sa buong pilipinas dahil ang Pilipinas ay may pinaka mababang kalidad sa
larangan ng edukasyon.
Mag-aaral #2: Dapat na hindi tanggalin ang Senior high dahil importante ito dag
dag kaalaman.
Mag-aaral #4:Sa akin, ang pagtanggal ng senior high school sa lahat ng paaralan
sa Pilipinas ay isang napaka-risky na desisyon na dapat pag-aralan ng mabuti.
Mag-aaral #5: Para sa akin, ang pagtanggal ng senior high school sa lahat ng paaralan sa
Pilipinas ay isang mahalagang usapin na dapat pag-aralan dahil napaka importante ito sa
kalidad ng edukasyon.
Question #2.) Paano nakaka apekto ang pag tanggal ng senior high school sa
mga mag-aaral ng senior high school
Mag-aaral #1: Ang pagtanggal ng senior high school ay maaaring magdulot ng pangamba sa
mga mag- aaral dahil mawawalan sila ng pagkakataon na magkaroon ng karagdagang
kasanayan at kaalaman bago sila magkolehiyo.
Mag-aaral #2: Sa mga mag-aaral ng senior high school, ito ay maaaring magdulot ng
kalituhan dahil sa biglang pagbabago sa kanilang plano para sa edukasyon.
Mag-aaral #3: Para saakin ay maaaring maging sanhi ito ng kawalan ng direksyon at
oportunidad, lalo na para sa mga nasa rural na lugar na hindi masyadong nabibigyan ng pansin
sa edukasyon.
Mag-aaral #4: Para saakin ang pagtanggal nito ay maaaring magdulot ng kawalan ng
oportunidad at kawalan ng direksyon sa kanilang mga plano para sa trabaho
Mag-aaral #5: Para saakin ay ang pagtanggal nito ay maaaring magdulot ng kawalan ng
oportunidad at pag-aalinlangan sa kanilang mga plano para sa edukasyon at hinaharap.
Question #3.) Sa iyong palagay, ano ang mga posibleng epekto sapag tanggal ng senior
high School sa buong paaralan ng Pilipinas?
Mag-aaral #1) Para saakin ay ang Posibleng positibong epekto nito ay ang pagbabawas ng
financial burden sa mga pamilya na hindi kayang suportahan
Mag-aaral #2.) Para saakin ay ang Posibleng positibong epekto nito ay ang pagkakaroon ng
mas maagang pagtutok sa kolehiyo o sa trabaho.
Mag-aaral #3.) Para saakin ay mas madali makapag trabaho at maka tulog sa pamilya.
Question #4.) Ano naman ang iyong mga pangamba o negatibong epekto sapag tanggal
ng senior high school sa buong pilipinas?
Mag-aaral #1.) Para saakin ay ang pagtanggal ng senior high school ay maaaring humantong
sa mas mababang kalidad ng edukasyon.
Mag-aaral #4.) Maari itong mag dulot nang mas mababang antas nang edukasyon sa buong
Pilipinas.
Mag-aaral #5.) Marami ang hindi makapag trabaho dahil sa pag dami at kakulangan ng
kaalaman.
Question #5.) Sa iyong panig, papayag kaba na tanggalin ang senior high school sa buong
paaralan ng Pilipinas?
KONKLUSYON
Sa kabuuan, nalaman na ang resulta ay “Hindi” sila papayag na tanggalin ang
senior high school sa buong paaralan ng pilipinas, Dahil ang pilipinas ay may
mababang kalidad pagdating sa edukasyon kaya ang senior high school ay
nakakatulong na ihanda ang mga mag-aaral para sa koliheyo at sa kanilang
mga kurso na gusto nila, madadag-dagan ang kanilang mga kaalaman sa
Senio High dahil sa mga lesson nito.
Para naman saamin ay mas nakakabubuti narin na Hindi tanggalin ang Senior
high school sa buong paaralan ng pilipinas para mas maging handa ang mga
mag-aaral sapag dating nang panahon kapag tu-tungtung na sila sa Koliheyo.
Dahil Madadag-dagan ang kanilang mga kaalaman at mas mapahusay ang
kanilang mga kaalaman sa kanilang kurso na gusto nilang kukunin.