You are on page 1of 21

Epekto ng Online Class sa

kalusugang Pang Kaisipan ng


mga Mag-aaral sa Batangas
State University

Balderama, Rose
Ann C.
Bonado, Jeny A.
Bregonia, Laica M.
De Leon, Jobelle B.
Dula, Edzil Jhon M.
PANIMUL
A
Nagkakaroon ng epekto sa kalusugang pangkaisipan ang online classes dahil sa
pagiisip ng mga estudyante ng kanilang mga gawain, sumabay pa ang mga araw na
dapat nang isumite ang mga gawain dahil sa ganitong sistema ng pagpasok
nagkakaroon at namumuo ang ‘pressure’ sa isipan ng mga estudyante na maaaring
mag dulot at maging sanhi ng depresyon. Maaaring nagagawa ng ilang mga
estudyante ang tanggapin at sumabay sa sistema ng edukasyon na impluwensya ng
makabagong teknolohiya, ngunit may iilang mga estudyante ang hindi nakakaya ang
obligation at responsibilidad sa online classes lalo na yoong mga karaniwang
pumasapasok sa paaralan at hindi bihasa sa ganitong sistema.

Sa kabilang banda, ang pag kakaroon ng online classes ay isa sa


pinakamagandang implementation na ginawa ng ng pamahalaan sapagkat ito ang
nagiging tulay sa patuloy na pag daloy ng mga kaalaman at karunungan kahit na
nasa sitwasyon tayo na sinusubok ang ating kakayahan at katapangan sa pag harap
sa pagsubok na nararanasan natin sa kasalukuyan.
Dahilan kung bakit iyon ang napiling paksa:

Sa pandemenyang ating nararanasan madaming bagay ang nagbago. Ang


pag-kakaroon ng online class ay isang malaking pagsubok hindi lamang sa
mga istudyante pati na rin sa mga guro at kanilang mga magulang. Sa
panahon ngayon dapat bantayan ang Mental health ng mga estudyante dahil
madami sa kanila ang nakakaranas ng stress at maari pang-mauwi sa
depression na nagigiging sanhi para sila ay mag pakamatay.

Ito ang napili naming paksa dahil ito ay napapanahon at isa kami sa
nakakaranas ng epekto nito. Hindi dapat ipawalang bahala ang estado ng
Mental health ng bawat mag aaral dapat silang bigyan ng pansin at gabayan
para malampasan nila ito.
PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Layunin ng mga mananaliksik na masagot ang mga


sumusunod na tanong:
1. Anu-ano ang mga Positibong Epekto ng Online class sa
kalusugang pang kaisipan ng mga Mag-aaral?
2. Anu-ano ang mga Negatibong Epekto ng Online class sa
kalusugang pang kaisipan ng mga Mag-aaral?
3. Ano ang maaaring paraan upang makaiwas sa
negatibong epekto nito sa kalusugang pangkaisipan?
SAKLAW AT LIMITASYON

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa pananaw at saloobin ng mga piling


mag-aaral na nasa kolehiyo ng Batangas State University hinggil sa epekto ng
online class sa kalusugang pangkaisipan ng mga mag-aaral. Binibigyan nito
ng higit na pansin ang mga taong direktang naapektuhan ng nasabing usapin.

Nakabatay din ang mga impormasyon sa mga naunang pag-aaral na


ginawa sa loob at labas ng bansa. Batay sa kanilang pag-aaral napapanahon
ang isyung ito upang mabigyang linaw kung ano ang nagiging dulot ng online
class sa kaluasugang pang-kaisipan ng mga mag-aarala sa kolehiyo.
MGA KAUGNAY NA
LITERATURA AT PAG-
AARAL
Ayon sa pag-aaral nina Andi Wahyun Irawan, Dwinosa, at Mardi Lestari, sa unang lingo
ng pagbabago ng sistema ng edukasyon sa India, ang mag-aaral ay naging komportable pa
sa ganoong sitwasyon sapagkat mas napadali sa kanila ang pakikipagusap sa ibang tao
kahit pa nasa kani-kanilang tahanan lamang sa pamamagitan ng teknolohiya. May kakambal
din itong hirap para sa iba dahil hindi naman lahat ay may kayang magkaroon ng internet sa
kani-kanilang tahanan kaya ang ginagamit ay ang mga telepono ng mga magulang na may
subskripsiyon ng internet o kaya ay pakikipagkomunikasyon gamit ang WhatsApp o
Messenger.

Ang mga lockdown o quarantine ay kinakailangan bilang mga proteksiyon para hindi
dumami ang kaso ng Covid-19, ngunit ang matagal na pagpapataw ay maaaring
makapinsala. Ito ay isang masamang karanasan na maaaring maging sanhi ng matinding
stress sa pananalapi dahil sa pagkawala ng trabaho, cyberbullying, maling pag kakaroon ng
bisyo, at pagkagumon; at mga isyu sa kalusugan ng isip tulad ng mga pagtatangka sa
pagpapakamatay (suicide) at pagkalungkot (depression).
"Kailangan inoobserbahan natin ang mga bata. Kailangan
kinakausap natin sila," ani Wilma Banaga, advisor for child
protection ng Save the Children Philippines. Dagdag pa niya, “Ang
pagdidisiplina ay pagtuturo sa mga bata ng tamang asal, ng skills,
ng values, at pagpapakita sa kanila ng pagmamahal. Mahalagang
may kaakibat na disiplina at paggabay sa ganitton sistema ng
edukasyon upang maging epektibo.
METODOLOHIYA NG PAG-
AARAL
Disenyo at Pamamaraan ng Pag-aaral
Ang mga mananaliksik ay naglalayong malaman ang Epekto ng Online Class sa
kalusugang Pang Kaisipan ng mga Mag-aaral sa Batangas State University ngayong panahon
ng pandemya kung saan online class ang ginagamit na paraan sa pag tuturo sa mga mag-
aaral. Upang maisagawa ang pag-aaral, ang mga mananaliksik ay nagsagawa ng isang
surbey.
Sa pag-aaral na ito, gumamit ang mga mananaliksik ng pamaraang deskriptibong pananaliksik
sa kadahilanang naniniwala ang mga mananaliksik na ito ang pinakamainam na pamamaraan
upang masuri at masiyasat ang ganitong uri ng pag-aaral.

Ayon kina Manuel at Medel, deskriptibong pananaliksik na naglalarawan kung ano ang Kasama
dito ang paglalarawan, pagtatala, pagsusuri, at interpretasyon ng kasalukuyang kalikasan,
komposisyon o proseso ng mga phenomena. Ang pokus ay sa mga umiiral na kundisyon, o
kung paano kumilos o gumana ang isang tao, pangkat, o bagay sa kasalukuyan. Ito ay
madalas na nagsasangkot ng ilang uri ng paghahambing o pagkakaiba. Ayon kay Aquino, ang
naglalarawang pagsasaliksik ay paghahanap ng katotohanan na may sapat na interpretasyon.
Kasangkot sa Pag-aaral
Ang mga tagatugon o respondent sa pag-aaral na ito ay binubuo lamang
ng tatlongput-isang mag-aaral mula Batangas State University.

RESPONDENTE BILANG
Mag aaral mula sa Batangas  
State University

Babae 22

Lalake 9

Kabuuan 31
Estadistikang Ginamit
Pagkaraang malikom at maipon ang mga datos mula sa pagsusulit ay sinuri at isinalin sa
talahanayan at binigyan ng kaukulang interpretasyon. Ginamit ng mananaliksik ang frequency,
ranggo at bahagdan upang malaman ang Epekto ng Online Class sa kalusugang Pang Kaisipan ng
mga Mag-aaral sa Batangas State University.
Frequency- ay isang representasyon ng isang hanay ng datos ng surbey na ginamit upang ayusin
at ibuod ang data.
Pagbabahagdan – ito ay ginagamit upang malaman ang relasyon o kaugnayan ng isang bahagi sa
kabuuan.
Ranggo – ito ay ginagamit upang mailarawan ang kahalagahan ng isang bagay na may kaugnayan
sa iba pang bagay.

Narito ang pormulang ginamit:


P=F/n*100
Kung saan:
P = Percentage
F = Frequency
n = bilang ng respondent
PAGLALAHAD, PAGSUSURI
AT
PAGPAPAKAHULUGAN SA MGA
DATOS
Mga Positibong Epekto ng Online class sa
kalusugang pang kaisipan ng mga Mag-aaral

Bilang ng mga
Mga Batayan Bahagdan Rango
mag aaral

Nagkakaroon ng 6 19.4% 2
disiplina sa sarili

Nadadagdagan ang 4 12.9% 3


motibasyosyon ng mga
mag-aaral.

Natututong linangin ang 21 67.7% 1


sariling kaalaman

Kabuuan 31 100%
Mga Negatibong Epekto ng Online class sa kalusugang pang
kaisipan
ng mga Mag-aaral
Bilang ng mga mag
Mga Batayan Bahagdan Rango
aaral
Nababawasan ang Kasiglahan 3 9.6% 3
sa Pag-aaral.

Hindi maka-pokus o nawawala 6 19.4% 2


ang konsentransyon sa aralin.

Mababawasan ang kakayahan 0 0% 4.5


mag isip.
Nawawalan ng kompyansang 0 0% 4.5
makilahok sa mga aktibidad.

Pag-kabalisa o nakakaranas 22 71% 1


ng pagka-stress dahil sa
sunod sunod na mga Gawain.

Kabuuan 31 100%
Mga Paraan upang makaiwas sa negatibong epekto nito sa
kalusugang pangkaisipan
Mga Batayan Bilang ng mga mag aaral Bahagdan Rango
Pahalahagan ang Sarili. 1 3% 7
Makipag-usap sa mga kaibigan o 5 16% 2.5
pamilya pagkatapos ng klase.
Magpresentang tumulong sa iba 2 6.5% 5
upang gumaan ang pakiramdam.
Pag-aralan kung paano maghandle ng 5 16% 2.5
stress.
Iwasan ang uminom ng mga alak o iba 0 0% 8
pang hindi maganda sa kalusugan.
Huwag mahiyang humingi ng tulong 2 6.5% 5
kung kinakailangan.
Pag-aralan ang time management 14 45.5% 1
upang di mabuntunan ng mga
Gawain.
Magmasid-masid sa paligid upang 2 6.5% 5
mawala ans stress.
Kabuuan 31 100%
Konklusyon
Positibong Epekto ng Online class sa kalusugang pang kaisipan ng mga Mag-aaral.

Base sa isinagawang pag aaral ng mga mananaliksik upang malaman ang mga positibong
epekto ng online class sa kalusugang pang kaisipan ng mga mag aaral. Katulad ng pagkatutong
linangin ang sariling kaalaman at pagkakaroon ng disiplina sa sarili. Ang mga ito ay ilan lamang sa
mga positibong epekto ng online class sa mga mag aaral. Ang pag aaral sa panahon ngayon ay
higit na kailangan ng mas malalim na pagpupursigi. Napatunayan ng datos na ito na hindi hadlang
ang online class para sa mga estudyanteng may pag pupursigi sa pag aaral.

Negatibong Epekto ng Online class sa kalusugang pang kaisipan ng mga Mag-aaral.

Sa aming pag aaral, masasabi naming nakakaapekto ang online sa kalusugan ng mga mag aaral.
Nakakaranas sila ng stress sa mga gawain at nagiging balisa. Minsan ay hindi sila maka pokus sa
kanilang mga gawain at aralin. Ang iba naman ay nawawalan ng ganang mag aral at nawawalan
din sila ng interes sa pag aaral.
Paraan upang makaiwas sa negatibong epekto nito sa kalusugang
pangkaisipan.

Sa aming pananaliksik patungkol sa paraan kung paano maiiwasan ang


negatibong epekto ng online class sa kalusugang pang kaisipan ng mga mag-
aaral sinasabi na ang time management ang pinaka mabisang paraan upang di
mabuntunan ng mga gawain upang makaiwas sa mga negatibong epekto ng
online class sa kalusugang pangkaisipan ng mga mag-aaral.
Rekomendasyon
Positibong Epekto ng Online class sa kalusugang pang kaisipan ng mga Mag-
aaral.

Sa isinagawang pag aaral ng mga mananaliksik ipinapakita dito ang mga positibong epekto ng
online class sa kalusugang pang kaisipan ng mga mag aaral. Nag aaral ang mga estudyante
ngayon sa pamamagitan ng online class. Ito ay mayroong mabuti at masamang epekto sa mga
mag aaral. Ang mga magaaral ay kailangan natututong linangin ang kanilang sariling kaalaman
dahil ito ay makatutulong upang mas lubos nilang maintindihan ang kanilang mga aralin at
upang makaiwas sa mga negatibong epekto ng online class sa kalusugang pang kaisipan ng
mga mag-aaral.
Negatibong Epekto ng Online class sa kalusugang pang kaisipan ng mga Mag-
aaral.

Kailangan dahan dahanin ng mga guro ang pagbibigay ng gawain sa mga mag aaral dahil
hindi pa sila handa sa bagong sistema ng pag aaral. Kailangan nilang intindihin ang mga
estudyante para hindi mapahamak ang mga ito at hindi magkaroon ng epekto sa kanilang
kalusugan.

Paraan upang makaiwas sa negatibong epekto nito sa kalusugang pangkaisipan.

Mahalaga sa mga mag-aaral ang pagkakaroon ng disiplina at pagpapahalaga sa oras at


panahon ay makakatulong ng labis sa mga magaaral. Isa pa sa kaugnay na paraan niyan ay
ang pag kakaroon ng “chart” or “timeline” na naglalaman ng mga “schedule” ng mga gawain kung
kailan ito dapat simulan at kailan dapat maisumite. Sa pagkakaroon nito mahahawakan natin ang
ating oras at panahon at magiging disiplinado tayo sa pagpapahalaga at paggamit sa oras.

You might also like