You are on page 1of 2

Sagutin ang mga sumusunod ng mga tanong.

1. Tungkol saan ang pananaliksik? Ano-ano ang layunin nito?

*Lahat ng bagay na ating gagawin ay may kaniya kaniyang layunin. Ang layunin namin sa pananaliksik na ito
ay ang malaman kung gaano nakatutulong ang social networking site sa pamumuhay.

2. Paano nangalap ng kinakailanganang datos ang mananaliksik? Ipaliwanag ang proseso o hakbang na
isinagawa niya.

*Ang unang hakbang na ginawa naming sa aming pananaliksik ay gumawa muna kami ng mga survey form
upang ibigay namin ito sa mga partisipante. Kami ay inatasan na magsaliksik ng 20 na tao sa pangkat ika
sampu, sampung babae at sampung lalaki.

3. Ilarawan ang mga respondent na kabilang sa pag-aaral.

*Ang mga respondent na kabilang sa pag-aaral na aming isinagawa ay mga estudyante sa ika sampung
baitang. Sila ay determinado sa kanilang pag-aaral at malimit silang gumagamit ng social networking site
dahil alam nilang makakasira ito sa kanilang pag-aaral.

4. Ano ang natuklasan ng mananaliksik sa kaniyang isinagawang pag-aaral?

*Sa pananaliksik na aming isinagawa, natuklasan naming naging parte na ng kanilang buhay ang social
networking site. Sa aming pananaliksik, ang iba ay nag dedepende na sa social networking site dahil
nagagamit nila ito sa kanilang pag-aaral at pati na sa paglilibang sa kanilang sarili.

5. Sa iyong pananaw, mabisa bang nagamit ang wika upang ilahad ng mananaliksik ang mga datos?
Gumamit ba siya ng mga grapikong representasyon gaya ng graph? Naging epektibo ba ito? Ipaliwanag ang
sagot.

*Mabisa naming nagamit ang wika sa pananaliksk na aming ginawa. May pagkakaunawaan ang nangyari
dahil tagalog ang wika na aming ginamit na kung saan madaling maiintindihan sa mga partisipante. At may
grapikong representasyon kaming ginawa base sa mga panayam naming sa Sampung Baitang

Grapiko sa Oras na Ginugugol


Oras na Ginugugol
0-2 na Oras 2-4 na Oras 4-6 na Oras

20% 20%

60%
Sa grapikong nakaulat, may 20% na taong ginugugol nila ang sarili sa 0 hanggang 2 na Oras,60% naman na
tao ang gumugugol sa 2 hanggang 4 na oras at 20% na tao naman sa 4 hanggang 6 na oras. Nakita naman
nating may pinaka malaking bahagi ang 2 hanggang 4 na oras kaysa sa 0 hanggang 2 at 4 hanggang 6.

Grapiko sa Estado sa Pag-aaral


Estado sa Pag-aaral
Pinakamataas Mataas Katamtaman Mababa Pinakamababa

5%
10%
25%

15%
45%

Sa grapiko, makikita naman nating may malaking bahagi ang Katamtaman. Sapagkat naging malaki ang
katamtaman dahil kadalasan anng iba ay nalulong na s social networking site na kung saan na hahati na
ang kanilang oras sa paggamit ng social media at sa kanilang pag-aaral.

6. Ano ang nabuong kongklusyon ng mananaliksik sa kaniyang isinagawangn pag-aaral?

*Ang nabuo naming kongklusyon ay hindi naman masama ang paggamit ng social networking site kung
gagamitin ito sa tama at maayos na pamamaraan. Lalo na panibagong henerasyon ngayon na
nagdedepende ang mga Gawain sa teknolohiya. At kailangang hindi umabot sa punto na malululong na sa
social networking site dahil makakadudulot sa pagbagsak sa pag-aaral na pwedeng makasira sa
kinabukasan.

You might also like