You are on page 1of 26

Department of Education

PHILIPPINE COLLEGE OF CRIMINOLOGY


Academic Department
High School Division

BAKIT KARAMIHAN SA MGA ESTUDYANTE AY MAYROONG MABABA


AT BAGSAK NA MARKA SA ESKWELAHAN.

Isang Konseptong Papel na Iniharap sa Kaguran ng Departamento g Filipino, Dibisyong


Pansekundarya, Philippine College of Criminology

Bilang Pagtupad sa isa sa mga Pangangailangan ng Asignaturang FILI 1101: Pagbasa


at Pagsuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

MGA MANANALIKSIIK:

NAMUMUNO : Dela paz Mark Gil, V.

KAPANGKAT:

Crisanto Galura Johnlyn Picache

Chiquito Kenjie Hinlo Kenneth

Torreon Charls Dave Felizardo Arvinjade

De guzman Eljeene Dela rapa Joseph

BAITANG AT PANGKAT

11 Honesty

BUWAN ARAW AT TAON

ABRIL 04, 2021


Department of Education
PHILIPPINE COLLEGE OF CRIMINOLOGY
Academic Department
High School Division

TALAAN NG NILALAMAN
KABANATA 1 “ANG SULIRANIN O SALIGAN NITO”
A. INTRODUKSYON
B. LAYUNIN NG PAG-AARAL
C. PAGLALAHAD NG SULIRANIN
D. MGA SULIRANIN
E. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
F. SAKLAW AT HANGGANAN NG PAG-AARAL

KABANATA 2 “MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL O LITERATURA”

KABANATA 3 “DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK”


A. DISENYO NG PANANALIKSIK
B. METODOLOHIYA
C. INSTRUMENTONG PAMPANANALIKSIK
D. MGA RESPONDENTE
E. TRITMENT NG DATOS

KABANATA 4 “PRESENTASYON, PAGSUSURI AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS”

KABANATA 5 “KONKLUSYON”
A. KONKLUSYON
BIBLIOGRAPIYA
Department of Education
PHILIPPINE COLLEGE OF CRIMINOLOGY
Academic Department
High School Division

KABANATA I
ANG SULIRANIN O SALIGAN NITO
Department of Education
PHILIPPINE COLLEGE OF CRIMINOLOGY
Academic Department
High School Division

A. INTRODUKSYON

Ang kaalaman tungkol sa iba’t-ibang bagay, personalidad, at kaganapan, sa


ating kapaligiran ay mahalaga. Kahit na ang impormasyon ay tumatalakay sa isang
simpleng bagay, ito pa rin ay binibigyang importansya.
Kadalasan, ang mga nakakalap nating impormasyon ay nag-mumula sa mga
libro, dyaryo, telebisyon, radyo, at mga sulating pananaliksik tulad na lamang nito.
Ang sulating pananaliksik, ay isinasagawa upang bigyang patunay at palawakin
ang isang napiling paksa. Sa ganitong paraan ay mas naliliwanagan ang kaisipan ng
isang mambabasa at natututo sa nasabing paksa. Makatutulong din ito upang bigyang
linaw at itama ang ilang paksa, kung saan ang nalalaman lamang ng mga tao tungkol
dito ay mga maling sabi-sabi lamang.
Ang sulating pananaliksik na ginawa ko ay may layuning bigyan ng kaalaman
ang mga mag-aaral tungkol sa mga suliranin ng isang estudyante sa kanyang pag-
aaral. Nakasaad sa loob ng pananaliksik na ito ang mga kaalaman tungkol sa ilang
suliranin ng mga estudyante.
Ang pokus ng sulating pananaliksik na ito ay ang tinatawag na, “Bakit karamihan
sa mga estudyante ay may mababa na marka o grade sa eskwelahan?” Ito ay mga
dahilang kadalasang nagagawa ng mga mag-aaral kapag sila’y nasa eskwelahan.
Ang mga impormasyong mababasa sa loob ay base sa mga impormasyong
nakalap namin sa internet at sa sarbey na aking ginawa.
Bakit karamihan sa mga estudyante ang bumabagsak sa mga Major subjects?
Anu-ano ba ang mga dahilan kung bakit nangyayari ito? - ang lahat ng kasagutan ay
nasa nilalaman ng pananaliksik na ito.
Halina’t tuklasin ang mga bagay na ito sa pananaliksik na ito.
Department of Education
PHILIPPINE COLLEGE OF CRIMINOLOGY
Academic Department
High School Division

B. LAYUNIN NG PAG-AARAL

Ang mga pangkalahatang layunin ng pag-aaral na ito ay:


1.  Mahikayat ang mga kabataang gumawa ng mga bagay na nakakabuti sa kanila
sa pag-aaral sa loob man o labas ng paaralan.
2.  Maging mapili sa lipunang papasukan dahil maaring makaimpluwensiya ito sa
mga kabataan na nag-aaral. Maaring ang mga impluwensya na ito ay masama o
makakabuti.

Ang mga tiyak na layunin ng pag-aaral na ito ay:


1. Malimitahan ng mga mag-aaral ang ibang bagay sa pag-aaral sa tamang oras.
2. Mamulat ang kanilang (mga mag-aaral) mga mata sa mga maaaring masamang
maidulot ng mga bagay, kaibigan, lipunan, at marami pang iba sa kanilang pag-
aaral.
3. Malaman ng mga mag-aaral ang masama at mabuting naidudulot ng mga
ginagawa nila habang sila ay nag-aaral sa kanilang sarili.

C. PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Isa sa mga posibleng maging kahalagahan nito ay ang mahikayat an gang mga
estudyante na mag-aral ng mabuti. Mahalagang malaman din nila ang ilang mga
kasagutan nila katulad ng:

 Ano nga ba ang pag-aaral?


 Ano ang kahalagahan ng pag-aaral?
 Paano ko masisimulan muli ang mabuting pag-aaral?
 Paano ko mapapataas ang aking mga marka?
 Anu-anong mga bagay ang nararapat kong gawin para hindi na ako
bumagsak pang muli?
 Paano ko mababago ang sarili ko?

Ilan lamang yan sa mga posibleng masagot ng pananaliksik na ito.


Ang isa pang posibleng kahalagahan ng pananaliksik na ito ay ang mahubog ang mga
mag-aaral na panatilihing maging maayos ang kanilang pag-aaral.
Department of Education
PHILIPPINE COLLEGE OF CRIMINOLOGY
Academic Department
High School Division

D. MGA SULIRANIN

1. Di pagseseryoso ng estudyante sa kanyang pag-aaral

Ilan lamang sa mga mg-aaral ang nag seseryoso sa kanilang pag-aaral, ang
iba naman ay hindi. Ilan sa kanilang dahilan: “tinatamad”, maraming humahadlang
sa kanila katulad ng computer games, panliligaw, walang interest sa pag-aaral,
interesado sa ibang bagay, may problema sa pamilya at kung anu-ano pa.
Madalas itong nangyayari sa mga pampublikong paaralan na mas mababa pa
sa section 5 (lima), ngunit hindi lamang ito nangyayari sa mga pampublikong
paaralan dahil nararanasan din ang ganitong suliranin sa mga pribadong paaralan.
Sa pampubliko isa sa mga dahilan ay ang pagkakaroon ng mga bagay na
umaagaw sa kanilang atensyon sa kanilang pag-aaral at sa parehong pribado at
pampubliko ang dahilan nila ay katamaran.

2. Katamaran sa Pag-aaral

Karamihan na nga sa mga mag-aaral o sa mga estudyante ang tamad at isa sa


kanilang dahilan ay ang mahirap na subject.
Ayon sa mga nakalap kong impormasyon sa mga eskwelahan (4 th year) ang
pinakamahirap na subject sa kanila ay ang Math.
Department of Education
PHILIPPINE COLLEGE OF CRIMINOLOGY
Academic Department
High School Division

P in akam ah irap n a su b ject

10 % 1 0%
F ilip in o
10 %
Math
Scie nce
En glish
MAPEH/MSEP
TLE
AP/Histo ry
40 %
CLE
30 %
Comp uter

Hindi na lingid sa kaalaman ng mga guro sa Math ang ganitong sitwasyon. Sa


aking palagay, wala namang mahirap na subject kung pagbubutihan lang ng mga
estudyante ang kanilang pag-aaral at kung pagtutuunan natin ng pansin ang mga
subject na nahihirapan tayo.

---

Isang artikulo mula sa “Ang Blag ni Sarimau”

WALANG TAONG BOBO… TAMAD, MERON

Marahil ay kahit papaano’y nabuhayan kayo ng loob sa nabasa ninyong pamagat


lalo na iyong mga taong hindi biniyayaan ng angking talino, sabihin na rin nating iyong mga
taong natutulog noong nagsabog ang Diyos ng mga talento, galing at karunungan sa
mundo. Iyong mga taong hindi pinapansin ng karamihan, mga taong hindi masyadong
pinahahalagahan. Iyong mga taong ni minsan sa buhay nila ay hindi nagkamit ng
karangalan dahil sa nakamamanghang kakayahan. At daqhil saw ala silang natatanggap na
kahit na ano, at puro kapalpakan na lamang ang kanilang natatamo, naweawalan na sila ng
pag-asang tumayo sa pinagkakalagpakan nilang putik na madikit at may amoy na animo’y
luom ng kabiguan. Pilit nilang isinasara ang kanilang mga isipan sa mga bagay na hindi nila
aakalaing kaya at magagawa nila, mga bagay na magagawa nila para sa sarili nila. Ayaw na
nilang pilitin pang alisin ang dikit ng putik sa kanilang katawan at ang amo’y na hindi
matanggal-tanggal at magpursiging abutin ang mga pinapangarap nilang magawa at upang
makuaha ang karangalan na lagi nilang pinagdarasal.
Department of Education
PHILIPPINE COLLEGE OF CRIMINOLOGY
Academic Department
High School Division

Habang ako’y nag-i-internat sa aming bahay, may nabasa akong


mga blogs sa isang forum site tungkol sa talino ng isang tao. Nasasabi doon na lahat ng
tao’y matalino, nakukuha ang talino ng tao depende sa kung paano niya ito gagamitin. Sabi
ng mga matatanda noon, kumain dawn g mani during exams para pumasa. Meron namang
naniniwala na kapag ipinagbubuntis ka pa lang at alaga ka na habang nasa tiyan ka pa
lamang, lalabas din daw ang katalinuhan pag isinilang. Meron namang likas talaga ang
talino o tinatawag na gifted child. May naniniwala din na sa genes ng angkan nanggagaling
ang talino na tao kaya swerte mo kapag ang pamilya mo’y matatalino at mga nakatapos na
at professionals na ngayon. Pero tunay nga ba ang mga ito o sadyang pamahiin lang nating
mga Pilipino dala ng sarili nating kultura?

Sa mga nalaman kong iyonj, ang tao na rin ang nagsabing walang taong bobo,
mayroon tayong angling mga talino. At kahit sa genes man o sa kinakain o sa kahit ano pa
mang pamahiin nating pinaniniwalaan nanggagaling ang katlinuhan nating tinataglay, tayo
pa rin ang mgasasabi kung kaya ba natin ang isang bagay o hindi. Nasa sa ating mga
kamay kung patuloy tayong magbubulag-bulagan o magigising na sa katotohanan na kaya
din natin yan.

Kilala mo ba iyong batang estudyante sa third year na kasama sa honor roll ng


section 1? Siya ay isang mag-aaral na puro talento ang napapaloob sa kanyang pagiging
isang indibidwal. Marunong siyang mag-sketch at mag paint gamit ang kanyang maliit na
lapis. Kasama siya sa mga pumupunta ng school tuwing Miyerkules ng umaga sa principal’s
office upang mag-ensayo ng mga awitin sa kadahilanang miyembro siya ng choir.
Nakasama na rin siya minsan sa mga quiz bees gaya ng Science Quiz Bee noong Riprisa
Meet noong second year siya, First Angono Quiz Bee tungkol sa History nito at sa iba’t-
ibang kumpetisyon na idinaraos sa magkakaibang lugar. Ngayon ay nagsusulat siya sa
school paper na hindi niya malaman kung marereject ba ang gawa niya. Marunong din siya
sa pagbuo ng rubik’s cube at konting pitik lang aybuo na niya ito kaagad . ANo pa? Lahat na
ay abot kamay na niya sa dami ng kaya niyang gawin. Maiisip nating isa siya sa mga gising
na nakakuha ng maraming perlas ng kahusayan noong nagsabog ang Diyos nito mula sa
kanyang paraiso.

At ngayon, natutuhan na niya ang ilang mga bagay dahil sa mga naranasan niyang
pagsubok sa buhay na kung saan siya sumuko at natikman ang kalupitan ng kabiguan.

Minsan na siyang nawalan ng ganang magpursigi sa tanging yaman na


maipapamana ng kaniyang magulang sa kanya.

“Ayoko na..puro kamalian ang aking nakukuha. Ang hirap naman kasi…”

Nawalan na siya ng ganang mag-aral dahil sa alam niyang nagagawa naman niya
ang mga bagay-bagay ngunit nagkakamali pa siya. Ang mga tao ay ganyan, nagkamali
lang, umaayaw na. Nbigo lang, ayaw nang ipagpatuloy ang nasimulan. Diyan niya
natutunan na isa lamang iyang pagsubok para mas lalo pa niyang maintindihan ang halaga
ng buhay.
Department of Education
PHILIPPINE COLLEGE OF CRIMINOLOGY
Academic Department
High School Division

Minsan na siyang nawalan ng pag-asa at bumangon ulit gamit ang


sarili niyang mga paa.

“Bahala na nga kung ano ang kalalabasan niyan. Ewan. Wala na siguro kong magagawa
pa…”

Ganyan ang mga tao. Madaling sumusuko, Kapag nakaramdam na siya ng


pagkareject, pang-aapi at kamalasan, hindi na niya magawa pang tapusin ang mga bagay
na dapat niyang matutuhan. Kaya humahantong tayo sa mga sitwasyong ito, hindi bukas
ang ating mga isipan sa mga bagagay na kayang gawin Diyos. Hindi kasi tayo nagdadasal.
Magpasalamat tayo sa kaniya at lagi natin siyang unahin sa lahat ng bagay at puro
tagumpay an gating matatamo. Effective yan.

Minsan na siyang nabigo at nalungkot dahil sa resulta ng kanyang pagsisikap na


nauwi lamang sa wala.

“Wala na.. Natalo na ako kaya next time na lamang ako babawi…”

Ang pagkabigo ay hindi hudyat ng pagsuko bagkus ay hudyat ng mas malaki pang
tagumpay. Noong nasa gradeschool pa lamang siya ay hindi siya nagkamit ng kahit anong
posisyon sa outstanding pupils ng Angono Elementary School. Pero sa kasalukuyan, ay pilit
niya ngayong ginagawa ang lahat ng kanyang makakaya upang mapanatili niya ang mga
karangalan na kaniyang natatamo. Tandaan natin na ang kabiguan ay pinaparanas sa atin
upang tayo’y maging matatag sa pagharap ng mas matindi pang mga problema at upang
mas lalo pa nating maintindihan ang buhay at ang mga bagay-bagay na sumusunod dito.

Minsan na niyang naramdaman na wala na siyang magagawang tama sa lahat ng


oras. Naging sarado ang isip niya katulad ng mga taong wala ng pakialam dahil sa tingin
nila ay wala na silang kayang gawin. Ito ang pinakamasaklap na pwedeng mangyari sa
isang tao. Kapag isinara na niya ang kanyang isipan sa lahat ng bagay, hindi na niya
maiintindihan ang kahulugan ng mga ito. Lalo pa niyang makakalimutan ang nasa taas at
hindi rin niya malalaman ang dahilan kung bakit nangyayari iyon.

Ngayong kasalukuyan, naintindihan na ng batang iyon ang mga bagay na hindi niya
lubusang matanto kung papaano niya natutuhan ang tunay na kahulugan niyon. Mga bagay
na dapat nating isaisip, isapuso at higit sa lahat, isagawa. Mga bagay na nagdala sa atin sa
isang kaliwanagan na pilit Niyang ipinapamukha. Ang batang iyon ay masaya na sa
kanyang buhay kahit sa kung ano lamang ang mayroon siya at kuntento na siya sa kung
anon a siya ngayon. Maraming kaibigan. At ikaw, sana’y kahit papaano ay maintindihan mo
ang tunay sa buhay ng tao. WALANG TAONG BOBO…TAMAD LANG!!! Nawawalan lang
ng ganang mag-aral, parang baril, nauubusan din ng bala. Iba na kasi kapag tinablan ka na
ng katamaran. Nadadamay na ang lahat ng bagay. Kaya ang maipapayo ko sa iyo, kapatid,
at sa mga taong nawawalan ng pag-asa at sa mga taong sumusuko na, mag-aral ka lang ng
mabuti. Kung walang dumarating na achievements, ibig sabihin lamang ay kulang pa ang
pagpupurisgi sa pag-aaral.
Department of Education
PHILIPPINE COLLEGE OF CRIMINOLOGY
Academic Department
High School Division

Kilala niyo ba ang batang iyon? Hindi niya nais na magyabang


bagkus ay gusto niyang ipaalam sa inyo ang pinagdaan niya sa pagtahak sa buhay at
magsilibi na rin aral sa mga kabataan ngayon.

---

Mga bagay na pinagkaka-abalahan ng mga estudyante na walang kinalaman sa


pag-aaral

Isang artikulo mula sa mga estudyante:

EPEKTO NG IPOD, LAPTOP, CP, AT PSP SA


KABATAANG PILIPINO
  Marami sa mga kabataan ngayon ang may mabababang marka. Hindi ito dahil
sa hindi nila maintindihan ang mga itinuturo sa klase. Ito ay dahil marami silang
pinagkakaabalahan bukod sa pag-aaral. Talagang napakalayo na ng narating ng
teknolohiya sa paggawa ng mga makabagong kagamitan. Ang mga makabagong
kagamitang ito ay ang mga kinalolokohan ngayon ng marami sa mga mag-aaral ng
Pilipinas. Ito an gaming o ang paglalaro sa computer na piniling pagtuunan ng pansin
sa kadahilanang kapansin-pansin, lalo na sa klase, na imbes libro at bolpen ang dala
ng mga mag-aaral, ang mga dala nila ay PSP, iPod, Laptop at Cellphone.

Ang K-Zone ay isang pambatang magasin. Sa loob ng magasin na ito


malalaman ang mga makabagong kagamitan na mabibili sa mga malls ngayon. Ang
magasin na io ay may buwanang sipi na may titulong “What’s Hot?” na nagpapakita ng
mga sikat na makabagong kagamitan ngayon at mga nalalaos na. Mapansin na kung
maglilibot tayo sa bilhan ng mga magasin, maraming kabataan ngayon ang bumibili ng
K-Zone dahil na rin sa “What’s Hot?” naiimpluwensyahan ang mga kabataan na
makiuso sa kung anung bagong kagamitan ngayon. Ang mga naunang pag-aaral
patungkol sa mga kadahilanan kung bakit mabababa ang mga grado na nakukuha ng
mga mag-aaral sa eskwelahan ay may kinalaman lamang sa problema sa pamilya,
lugar kung saan nakatira ang mag-aaral, ang tinatawag na study habit, etc. Ngunit
dahil ngayon lamang lumabas ang PSP, iPod, Laptop at Cellphone, wala pang pag-
aaral ang naglayong alamin ang mga epekto ng mga makabagong kagamitang ito sa
mga mag-aaral.
 
Ang kanilang atensyon at oras sa paglalaro o paggamit ng makabagong
kagamitan imbis sa pag-aaral. Dati ay sinasabing ang edukasyon lamang ang hindi
mananakaw sa isang tao. Ngunit sa pagsulpot ng mga makabagong kagamitan
ngayon, hindi ba’t ninanakaw na nito ang oras na dapat sana’y sa edukasyon
nakalaan?
Department of Education
PHILIPPINE COLLEGE OF CRIMINOLOGY
Academic Department
High School Division

KABATAAN ---> ORAS SA PAG-AARAL---> PAGPAPAHINGA


|
TEKNOLOHIYA
|
MAKABAGONG KAGAMITAN
|
MASAMA AT MABUTING NAIDUDULOT
 
Tungkulin ng mga kabataan ang mag-aral. Kapag ang kabtaan
ay napagod na sa kanilang pag-aaral, sa pagrerebyu halimbawa sa
kanilang pagsusulit, dalawa ang maaaring gawin nila. Una ay ang
magpahinga o matulog para may lakas sila upang ipagpatuloy ang
kanilang pag-aaral. Sa kabilang banda, maaari silang maglaro gamit
ang PSP, Laptop at Cellphone o di kaya’y makinig ng musika sa iPod.
Ang mga makabagong kagamitang ito na hatit ng teknolohiya ay
maaaring magdulot masama at mabuting epekto. Ang laptop at
cellphone ay maaaring magdulot ng mabuting epekto dahil ang laptop
at cellphone ay magagamit pandagdag sa kaalaman ng mga mag-
aaral. Maaari namang magdulot ng masamang epekto ang iPod at
PSP sa kadahilanang maaari itong maging sanhi ng pagkatamad ng
mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral ang maglaro na lamang sila
buong hapon imbis na mag-aral.

Sa pag-aaral na ito, kami ay nagsagawa ng sarbey sa tatlong


institusyon sa Metro Manila. Sa Mataas na Paaralan ng Ramon
Magsaysay, Espaňa. Dahil ito ay pampblikong paaralan, nais
malaman ng pag-aaral na ito kung naaapektuhan ba ang pag-aaral
nila ng mga makabagong kagamitan. Sa St. James College of QC. Isa
itong probadong paaralan at nais malaman ng pag-aaral na ito kung
ano ang epekto ng mga makabagong kagamitan sa mga mag-aaral ng
hayskul. At ang huli naming pinagkuhanan ng sarbey ay ang mga
mag-aaral ng Unibersidad ng Santo Tomas, Kolehiyo ng Komersyo sa
seksyon ng 1H-am. Dahil karamihan ng mga mag-aaral sa seksyong
ito ay nagdadala ng mga makabagong kagamitan sa mismong
paaralan.

Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw lamang sa mga mag-


aaral ng Mataas na Paaralan ng Ramon Magsaysay, Espaňa, St.
James College of QC, at Unibersidad ng Santo Tomas, Kolehiyo ng
Komersyo sa seksyon ng 1H-am na may edad 13 hangang 19. Mga
nasa ikalawang taon sa hayskul hanging unang taon sa kolehiyo.
 
Isa sa mga patok na gamit teknolohiya ngayon ay ang
cellphone. Ito ang isa sa mga maraming bagay na napapabilis ang
mga gawain kapag ginagamit. Marami rin itong modelo na mas lalong
naghihikayat sa mga kabataan upang bilhin at tangkilikin. Isa sa mga
Department of Education
PHILIPPINE COLLEGE OF CRIMINOLOGY
Academic Department
High School Division

features ng cellphone ay ang usong-usong text messaging. Sa ngayon


kasi ito na ang pinaka-mabilis na komunikasyon. Naipapadala
sapamamagitan nito ang lahat ng gusto mong sabihin sa iyong kausap
kahit saan at kahit kailan. Ang cellphone din ay mayroon na ngayong
multimedia. Na kung saan pati litrato ng mga tao ay pwede na rin
maipadala sa kausap nito. Talagang marami nang magagawa ngayon
kapag mayroon kang cellphone. Lalo na ngayon na kung anu-ano ang
mga nauuso na features ng mga lumalabas na mga bagong modelo
nito. Nandyan na ang tv phone na kung saan live mong mapapanood
ang bawat palabas sa telebisyon. Ang I-Phone na kung saan all in one
cellphone na ang gamit. Mayroong i-pod, internet, at telepono sa
iisang modelo. At video phone na kung saan magagamit mo ito na
parang video camera. Ito ang mga ilang positibong bagay na
naidudulot ng pagkakaroon ng cellphone. Pero mayroon din naming
negatibo itong dala sa bawat isa sa atin. Dahil sa hirap ng buhay
ngayon, nagiging dahilan o mitsa na ng buhay natin ang cellphone.
Marami na kasi ang mandurukot na gagawin ang lahat makuha lang
ang kagamitan na ito. Madali kasing mabenta. Isa pa sa mga
negatibong bagay ay ang pagkasira ng kinabukasan ng mga
kabataan. Sa cellphone kasi lagi napupunta ang halos lahat ng oras
nila na sana’y sa pag-aaral na lang. ginagamit kasi ang cellphone sa
hindi mabuting paraan kagaya na lamang ng panliligaw. Madali kasi na
paraan ang naidudulot nang paggamit ng cellphone. Ang pangalawang
patok na gamit teknolohiya ay ang kompyuter. Halos lahat ata ng mga
tahanan ay mayroong kompyuter. Marami kasing gamit ang isang
kompyuter lalo na sa mga kabataan ngayon. Isa sa mga gamit nito ay
ang pagbibigay ng internet. Alam naman nating lahat na halos lahat ng
impormasyon ay nakukuha na ngayon sa internet. Bukod sa mga libro
na ginagamit ng mga estudyante, dito rin sila kumukuha ng dagdag ng
impormasyon. Ang kompyuter din ay mayroong mga Microsoft Word,
Powerpoint, Excel at marami pang iba na tumutulong sa paggawa ng
mga research work, reports sa eskwelahan o trabaho. Mas napapabilis
kasi ang paggawa ng mga sulatin kapag kompyuter ang ginamit. Ang
kompyuter din ay nagagamit sa mga paglalaro ng mga video games.
Ito’y patok na patok lalo na sa mga kabataan. Nadadownload na kasi
ang halos lahat ng mga laro sa kompyuter kaya maraming kabataan
ang nahihikayat na maglaro nito. Ngunit, may masamang epekto rin
ang paggamit ng kompyuter. May mga kabataan na masyadong
nalululon sa mga gamit nito kaya madalas ay puro laro na lamang sila
at nakakalimutan na ang pag-aaral. Ang iba din naman ay masyado na
ring dumedepende sa pagkuha ng impormasyon sa internet kaysa sa
mga libro. Na nagdudulot minsan ng plagiarism o pagkopya ng ibang
gawain.

Ang PSP o Portable PlayStation ay isa pa sa mga gadgets na


nauuso sa mga kabataan ngayon. Malamang ay maraming kabataang
katulad ko na pilit kinukulit ang mga magulang na bilhin ito. Marahil
isang dahilan kung bakit marami ang nagkakamit na magkaroon nito
Department of Education
PHILIPPINE COLLEGE OF CRIMINOLOGY
Academic Department
High School Division

dahil sa marami itong “features” na nakakaakit sa mga kabataan. Ang


ilang “features” nito ay ang Multimedia Playback kung saan ay
maaaring makapanood ng mga pelikula. Audio Player kung saan ay
may maaaring makinig ng mga musika. Camera kung saan ay
maaaring makakuha ng litrato. Wireless Networking dahil ang PSP ay
nakakakonekta sa “wireless network” sa pamamagitan ng W-IFI na
kung saan ay nagagawa nitong magkaroon ng network para sa isang
“multiplayer gameplay”. Maaari rin itong makapagpadala ng mga litrato
mula sa isang PSP papunta pa sa isa pang PSP. Internet Connectivity
na kung saan ay nagagawa nitong makagamit ng internet sa
pamamagitan ng wireless connection at maaaring makapanood ng live
television broadcast. At Games kung saan maaaring makapaglaro ng
iba’t- ibang klase ng laro. Ito rin ay nagbibigay aliw sa mga gumagamit
nito at nakakatangal ng pagkabagot. Halimbawa nalamang kung ikaw
ay isinama ng magulang mo sa isang selebrasyon na wala kang
kainteres interes ay maaari mo itong gamitin. Ang PSP ay
napakadaling dalhin kung saan saan. Napaka user-friendly nito kaya
madaling gamitin. Hindi rin naman mawawala na may mga
magaganda at masasamang dulot ang gadget na ito. Ang isa sa mga
mabuting naidudulot nito ay nagiging responsable at maingat ang
may-ari sa kanyang kagamitan dahil ayaw nitong mawala at alam
nitong mahal ang kagamitan na ito. Natututo na magipon at magtipid
para makabili nito. Sa ngayon ay hindi natin maikakaila na maraming
kabataan ang mayroon ng PSP, tulad na lamang sa mga eskwelahan
at unibersidad. Dahil sa madalas na paglalaro ng PSP ay masasabi
din nating may naitutulong ito. Tulad ng pagpapatalas ng isip sa
pagiisip ng mga estratehiya na gagamitin upang matapos ang laro.
Ang isang halimbawa ay ang mga RPG games. Magandang tulong din
ng PSP ay nakakabuo ng pagkakaibigan dahil sa kaalaman sa gadget
na ito o dahil sa mga bagong lagay na laro, kanta o pelikula sa PSP.
At higit sa lahat ay nakakaiwasang mga kabataan sa impluwensiya ng
droga dahil mayroon silang pinagkakaabalahan. Kung mayroong
magandang dulot… Malamang ay may masama rin ito. Tulad ng dahil
sa sobrang paggamit ng mga kabataan ay nagiging adik ang mga ito.
Adik sa paraan ng lubos na paggamit ng kagamitan na ito. Maaaring
kalabasan nito ay magkaroon ng malaking posibilidad ng maging
obese ang mga kabataan. Nakakasira sa kalusuagan lalo na sa mata.
Alam nating maraming kabataan ang nagaasam at naghahangad na
magkaroon nito… Dahil dito ay nagdudulot ito ng sakit sa ulo sa mga
kabataan sapagkat sa kagustuhan nilang magkaroon nito ay minsan
nagiging dahilan ito ng pagnanakaw. At higit sa lahat ay naisasantabi
nila ang kanilang pagaaral. Halimbawa nalamang na mas inuuna nila
itong gawin kesa sa paggawa ng kanilang takdang aralin o kaya
naman magaral para sa mga pagsusulit. Isa pang gadget na patok sa
mga kabataan ay ang IPOD na tila ay hindi nila maiwan iwan sa bahay
kapag umaalis o bumabyahe. Tulad ng PSP ay may magagandang
“features” ito kaya sobrang lakas ng hatak nito sa kabataan. Ang mga
“features nito ay Games na kung saan ay nakakapaglaro ng iba’t-
Department of Education
PHILIPPINE COLLEGE OF CRIMINOLOGY
Academic Department
High School Division

ibang klaseng laro. Contacts kung saan ay maaaring mailagay ang


mag numero ng mga tao. Notes kung saan maaaring ilagay ang mga
importanteng gawain. At ang iba pa ay Calendar, Alarm Clock/Clock,
Photos kung saan ay makikita ang mga ilang larawan na inilgay at
Stopwatch. At ang pinakamahalagang feature nito ay ang Music, dito
nakalagay ang madaming genre ng musikang pinapakinggan ng mga
kabataan. Hindi natin matatanggal sa mga Pilipino na kung mayroon
kang kagamitan na ganito ay masasabi nilang sunod ka sa uso kaya
marami din ang naghahangad na magkaroon nito. Nakakaalis din ito
ng pagkabagot at nagsisilbing libangan. Napakadali din nitong dalhin
at gamitin. Madalas ay ginagamit ito upang magsilbing paraan ng
pagpapahinga, pantanggal ng stress at magkaroon ng oras ang mga
kabataan sa kani-kanilang sarili. Ang mga kabataang mayroon nito ay
naaappreciate ang mga iba’t-ibang genre ng musika at sila ay
lubusang nahihilig sa musika kaya nakakatulong sa pagangat at
pagpapaunlad ng industriya ng musika. Masasabing isa yan sa mga
magandang dulot sa mga kabataan. Tulad ng PSP ay natututong
magipon ang mga kabataan upang makabili ng ganitong kagamitan o
nagiging dahilan ng pagnanakaw ng mga kabataan at nagiging
maingat at responsable ang mga kabataan sa pagaalaga ng gamit.
Nakakabuo ng pagkakaibigan at nakakadagdag sa paghahalubilo sa
iba’t-ibang tao. Ang mga masamang dulot naman ng IPOD sa mga
kabataan ay nagdudulot ito ng pagkabingi sa dahil sa malakas na
volume. Nagiging adik din ang mga ito sa sobrang paggamit. Hindi
alam ng mga kabataan na dahil sa paggamit ng IPOD ay lumiliit ang
kita ng mga Flipino at Foreign artist dahil imbes na bumili ng orihinal
na album o cd’s ay nagdadownload nalang ang mga kabataan sa
limewire o itunes.
  
Bilang konklusyon, masasabi natin na napakarami ng
naitulong ang teknolohiya sa ating buhay. Lahat ng sektor sa ating
komunidad ay madarama ang kahalagahan ng makabagong
teknolohiya sa pang araw-araw na pamumuhay. Kahit na ang mga
trabahador na nasa ibang bansa ay madali lamang makausap ang
kanilang mahal sa buhay, at madali ding makaratingang pera para
sakanilang mga pamilya. Ang mga imposible dati ay kaya nang gawin
ngayon. Ang mga sakit na dati ay napaka hirap gamutin ay madali
lamang mapagaling dahil sa sobrang bilis ng teknolohiya sa medisina.
Kailangan lamang ay magkaroon ng disiplina ang bawat isa upang lalo
tayong umunlad. Sa ngayon ay marami pa tayomg gusting gawin na
teknolihiya kagaya ng kloning. Nagawa na natin ito sa hayop subalit
gusto pa natin magkloning ng tao mismo. Kung magtatagumpay ang
paggawa ng tao sa pamamagitan ng cloning, ano nalamang ang mga
mangyayari sa mundo. Kaya ang Vatican ay nagsabi na ito ay
malaking kasalanan sapagkat ang mga tao ay para nang gusting
lampasan ang Diyos. Kaya ang tao ay kailangan magkaroon ng
hangganan ang pagiisip ng mas abgong teknolohiya, isipin natin kung
ito ay may itutulong bas a ating kapwa at sa ating mga kapaligiran.
Department of Education
PHILIPPINE COLLEGE OF CRIMINOLOGY
Academic Department
High School Division
Department of Education
PHILIPPINE COLLEGE OF CRIMINOLOGY
Academic Department
High School Division

E. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral na ito ay kinakailangan ng mga estudyante, lalo na sa mga


estudyanteng hindi alam ang kanilang ginagawa.
Sa pananaliksik na ito maaring malaman nila ang dapat gawin sa kanilang pag-aaral.
Ang edukasyon ay ang tanging makakapagbigay sa atin ng karununang sa araw-
araw na pamumuhay.
Mahalagang mapag-aralan nating ang mga bagay na nasa paligid natin lalo na
sa ating mga paaralan o eskwelahan.
Ang kahalagahan din nito ay ang maipa-intindi sa bawat mag-aaral na hindi biro
ang pag-aaral.
Isang posibleng kahalagahan nito ay ang maipaalam sa bawat estudyante na
hindi dapat nila bale walain ang pag-aaral, dahil para sa akin, bilang isang mag-aaral
ang edukasyon ay ang pundasyon ng ating buhay kaya tayo nakakapag-isip at
nakakagawa ng kung anu mang kaya nating gawin.

F. SAKLAW AT HANGGANAN NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw sa mga bagay na may kaugnayan sa pag-


aaral na ito katulad ng mga pangyayari sa eskwelahan at sa estudyante.
Ang hangganan nito ay sa mga estudyante, sa mga magulang at mga taong
hindi matanto ang tunay na kahulugan ng edukasyon.
Ang hangganan nito ay pumapaligid sa paaralan at tahanan ng bawat mag-aaral.
Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa mga estudyanteng hirap sa pag-aaral kaya sila
bumabagsak. Ang pinakapunto o ang sentro ng pag-aaral na ito ay ang mga bagay na
pumapaligid sa mga mag-aaral.
Limitasyon na nito ay ang buhay na kinakaharap ng estudyante habang sila ay
nasa paaralan o nasa eskwelahan.
Department of Education
PHILIPPINE COLLEGE OF CRIMINOLOGY
Academic Department
High School Division

KABANATA II
MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL O LITERATURA
Department of Education
PHILIPPINE COLLEGE OF CRIMINOLOGY
Academic Department
High School Division

KABANATA III
DISENYO AT METODOLOHIYA NG
PANANALIKSIK
Department of Education
PHILIPPINE COLLEGE OF CRIMINOLOGY
Academic Department
High School Division

A. DISENYO NG PANANALIKSIK

Ang pag-aaral o pananaliksik na ito ay gumamit ng deskriptibong metodolohiya


ng pananaliksik. Napili ng mga mananaliksik na gamitin ang Survey Research Design,
na gumagamit ng talatanugan (survey questionnaire) para makakuha ng mga datos.
Naniniwala nag-aaral ng pananaliksik na ito na angkop ang disenyong ito para dito dahil
mas mapapadali ang pagkuha ng datos mula sa mga naging respondent o sa mga
sumagot ng sarbey na isinagawa. Sa ginawa kong sarbey nagtanong ako sa mga
estudyante ng Flos Carmeli, Sta. Lucia High School, at sa ilang estudyante na nasa
kolehiyo na.

B. METODOLOHIYA

Nagbigay ako ng sampung (10) tanong sa bawat tao para sa isinasagawang


pananaliksik.  Sa 100 talatanungan,hindi lahat ay umangkop sa aking pag-aaral. Ang
talatanungan ay nagpokus sa pananaw ng mag-aaral tungkol sa mga marka ng mga
estudyante.  Unang tanong nito ay tungkol sa mga mababang grado ng mga estudyante
at sa kung anong subject sila merong ganitong grado o marka.  Nagtanong din ako
kung sa anong paraan nakakaapekto ang pagiging mababa ng grado ng estudyante,
kung sa paaralan, sa pamilya at mga kaibigan o sa lipunang kanyang ginagalawan, at
ang kanilang dahilan kung bakit nila nasabing naapektuhan ang mga bagay na ito.  Huli,
tinanong ko kung may ginagawa bang hakbang ang mga estudyante upang
masmapabuti pa nila ang kanilang pag-aaral.

C. INSTRUMENTONG PAMPANANALIKSIK

Isinagawa sa pamamagitan ng mga gabay na tanong ang pag-aaral na ito.


Naghanda ng sarbey ang mananaliksik na naglalayong din makangalap ng mga datos
upang malaman ang persentaston at damdamin ng mga respondente sa pagkuha ng
mga datos tungkol sa mga salik na naka-aapekto sa pagaaral ng mga estudyante at
kung anu-anong mga suliranin ang maaring makaapekto sa kanila.
Bukod dito, ay nagsagawa din kami ng pangangalap ng impormasyon sa internet
upang makakuha pa ng iba pang mahahalagang karagdagang impormasyon ukol sa iba
pang mga suliranin.
Kasabay nito, nakakakuha din ang mananaliksik ng mga impormasyon tungkol sa iba’t-
ibang kalagayan sa ibang eskwelahan.

D. MGA RESPONDENTE

Ang napiling mga respondente ng grupo ay ang mga mag – aaral ng iba’t-ibang
paaralan sa kasalakuyang taon ng 2010.
Department of Education
PHILIPPINE COLLEGE OF CRIMINOLOGY
Academic Department
High School Division

Ang mga estudyanteng napili ay ang mga taong madalas


nakakaranas ng mga nasabing suliranin. Ang mga estudyante ay nabibilang sa iba’t-
ibang antas.

Mga paaralan na pinagkuhanan ng datos:

 Flos Carmeli Institution


 Sta. Lucia High School
 Ilang estudyante sa iba’t-ibang paaralang pang Kolehiyo

E. TRITMENT NG MGA DATOS

Ang pamanahong papel ay isa lamang paglalahad ng epekto kung bakit mababa
o bagsak ang mga grado ng estudyante sa iba’t-ibang asignatura, kaya naman hindi ito
nangangailangan ng mga numerikal na datos sa paglalarawan. Nangangailangan
lamang ang pamanahong papel ng wastong pagsuri sa mga datos na nakuha mula sa
interbyu at sarbey na sinagutan ng mga respondente.
Mula sa mga sagot na makukuha sa mga respondente, pipiliin lamang ang mga
sagot na mahalaga at may kinalaman sa pananaliksik o sa ginawang pag-aaral at mula
dito ay titignan ang mga pagkakapareho at pagkakaiba ng mga sagot. Sa pamamagitan
ng pagkukumpara ng mga datos at impormasyon ay mabubuo ang konklusyon at
maaring mga maging rekomendasyon.
Department of Education
PHILIPPINE COLLEGE OF CRIMINOLOGY
Academic Department
High School Division

KABANATA IV
PRESENTASYON, PAGSUSURI AT
INTERPRETASYON NG MGA DATOS
Department of Education
PHILIPPINE COLLEGE OF CRIMINOLOGY
Academic Department
High School Division

Mga bagay na umaagaw sa atensyon ng mga estudyante

Legend:
1: Kompyuter - 20%
2: Cellphone- 20%
3: Makabagong Teknolohiya- 10%
4: Mga Kaibigan- 30%
5: Telebisyon- 10%
6: Pag-ibig- 5%
7: Problema sa pamilya- 5%
Department of Education
PHILIPPINE COLLEGE OF CRIMINOLOGY
Academic Department
High School Division

  Sa limampu(50) na estudyanteng binigyan ng sarbey, halos lahat sila ay nagsasabing


kompyuter ang madalas umagaw ng kanilang atensyon. Sa dami ng mga computer addict
at parami ng parami ang mga nagiging computer games ‘di nakapagtatakang Kompyuter
ang unang bagay na umaagaw sa atensyon ng estudyante.

Mga dahilan kung bakit nahihirapan sa pag-aaral ang ilang


estudyante
1. katamaran sa pag-aaral
  2. maraming bagay na kumukuha ng atensyon nila
3. hindi naiintindihan ang tinuturo ng mga guro
  4. (sa kolehiyo) hindi nagtuturo ang ilang propesor
5. may mga problema silang kinakaharap
  6. hindi kayang balansihen ang kanilang oras
  <
  

Ayon sa talaan na nasa itaas, makikita dito na ang nauunang dahilan ng mga
estudyante ay ang katamaran. Mas nagiging tamad dang ilang estudyante ngayon
kaysa noon. Hindi maaring maging dahilan ang katamaran sa pag-aaral.

Ilan pang mga katanungang nakapaloob sa sarbey:

BAKIT MARAMING ESTUDYANTE ANG


Tanong:
TAMAD MAG-ARAL?
 Boring approach ng educators
 Pakiramdam nila wala silang
natututunan
 Dahil may iba silang iniisip
 Absent-minded
Sagot:  Depende sa guro kung paano
magturo
 Inuuna ang mga mahal nila
 Mas masayang maglaro
 Walang makabuluhang nangyayari

BAKIT MARAMING ESTUDYANTE ANG HINDI


Tanong: NAKIKINIG SA MGA GURO NILA PAG
NAGTUTUTRO?
Department of Education
PHILIPPINE COLLEGE OF CRIMINOLOGY
Academic Department
High School Division

 Nakakatamad ang leksyon


 Hindi makontrol ng estudyante ang sarili
na magdaldal
 Hindi interesado ang mga estudyante sa
Sagot:
tinatalakay
 Nakakaantok
 Wala ring ganang magturo ang guro

Kadalasang dahilan ng mga estudyante ang mga guro pag nasa harap na sila ng
kanilang mga magulang. Pero sa opinyon ko, Walang guro ang hindi ginagawa ang
kanyang propesyon.
Department of Education
PHILIPPINE COLLEGE OF CRIMINOLOGY
Academic Department
High School Division

KABANATA V
KONKLUSYON
Department of Education
PHILIPPINE COLLEGE OF CRIMINOLOGY
Academic Department
High School Division

A. KONKLUSYON

Ipinapakita lamang dito sa pag-aaral na ito ang mga bagay o mga dahilan kung
bakit ang mga marka o ang mga grado ng mga estudyante ngayon ay mababa.
Nais lamang maipahayag ng pag-aaral na ito sa mga estudyante ang
importansya sa pag-aaral. Bilang estudyante rin na gumagawa ng ganitong pag-aaral,
nakikita ko sa aking sarili ang mga bagay na ginagawa ko na hindi dapat gawin habang
nag-aaral.
Napakahalaga ng eduksyon at pag-aaral sa ating buhay dahil kung walang
edukasyon siguro’y mangmang o walang alam ang bawat tao ngayon sa kanilang
buhay.
Ginawa ko ito para maipalabas ang tunay na kahulugan ng edukasyon bilang
isang pundayon na bumubuo sa ating buhay. Kahit ito’y isang konkreto lamang
napakalaking bagay na sa atin ang matutunan ang bawat detalye na maari nating
gamitin sa araw-araw.
Ang pag-aaral na ito ay nagtatapos sa konklusyong “Ang estudyante na mismo
ang gumagawa ng dahilan kung bakit bagsak o mababa ang kanilang mga marka.”

“Walang taong bobo…tamad lang” – Ang blag ni Sarimau


“Epekto ng ipod laptop cp at psp sa kabataang Pilipino”- mula sa mga estudyante

Ano ang pangunahing problema ng mga estudyante? - Pinoy Henyo.mht


Estudyanteng Tamad.mht

You might also like