You are on page 1of 2

Sitwasyon: Reflection sa Pagpili ng Kurso sa Kolehiyo (Essay)

Sa darating na kolehiyo, napa-pasyahan kong paghandaan ito sapagkat matatapos na ang


aking highschool life. Mayroon akong dalawang kursong pinagpipilian at pinag-iisipang
kunin, ito ay ang Accounting at ang Hotel and Restaurant Management o ang larangan sa
pamamahala ng hotel at restawran. Sa pamamagitan ng malawakang pag-iisip (Holistic
Thinking), sinuri ko at kinilatis ko ng mabuti ang mga ito, inalam ko muna kung ano ang
maaring maging benipisyo nito at mababago nito sa aking buhay. Ang isa ba sa dalawang
kurso na ito ay maii-aangat ang aking buhay?. Una ay ang kursong Accounting, nais koi
tong kunin sapagkat ang kursong ito ay mahuhubog ang aking kakayahan sa pamamahala
ng pera, at ayon naman sa aking nakalap na impormasyon ang kursong ito ay hindi
lamang mahuhubog ang iyong pamamahala sa pera, sa kursong ito mo rin malalaman ang
mga paraan at mga stratehiya na maari mong magamit kung ikaw man ay mag tatayo ng
sariling negosyo. Sa kursong ito madalian at maraming opportunity ang nag-iintay sayo,
sa madaling salita ito ay kursong hindi ka pahihirapan pagdating sa paghahanap ng
trabaho.

At dumako naman tayo sa pangalawang kurso na siya ring pinag iisipan kong kunin, at
ito ay ang kursong Hotel and Restaurant Management (HRM). Ang kursong Hotel
Restaurant and Management ay isang kursong napaka ganda at napaka lawak. Sa kursong
ito mahuhubog ang iyong kakayahan sa pamamahala ng restawran at even mga hotel.
Ang kursong BS HRM ay isang kurso na may apat na taong pag-aaral sa kolehiyo. Ito ay
nagbibigay sa aming mga mag-aaral ng kaalaman at kasanayan na kinakailangan upang
maging matagumpay sa larangan ng pakikitungo. Sa ilalim rin ng kursong ito
matatalakay mo ang iba’ng tungkulin ng mga hoteliers at restaurateurs, tulad na lamang
ng front office procedures na siyang kakailanganin mo sa pakikitungo mo sa iyong mga
guest, isa na rin dito ang marketing.

Ngayong alam ko na ang mga saklaw ng dalawang panig, napag-pasyahan ko na kunin


ang kursong Hotel and Restaurant Management, hindi dahil lamang sa pangarap kong
maging isang steward sa isang barko, sapagkat ang kursong ito ay mahuhubog ang aking
mga kakayanan sa mabuting pakikitungo at kakayahan sa mahusay na pamamahala ng
mga bagay bagay, sa kursong ito ko rin magagamit ang aking mga natututunan ngayon sa
aking strand na tinatahak. Hindi lamang yan dahil, ang kursong ito ay makakatulong din
sa pag lago ng business ng aking magulang, dahil dito sa kursong ito mahuhubog ang
aking kasanayan sa pag mamarket ng mga produktong binebenta ng magulang ko. In
short mahuhubog nito ang aking marketing strategies na syang tiyak na mag-aangat sa
negosyo ng aking magulang.

You might also like