You are on page 1of 4

Gawain 1. Panuto: Balikan ang mga nagdaang taon.

Ano-ano ang hakbang na ginawa mo


kaugnay ng pagpili ng kurso o negosyo? Itala ang mga ito ayon sa panahon – umpisahan
sa una mong ginawa hangang sa pinakahuli.

Halimbawa;

1. Pagkilala sa mga pansariling salik sa pagpili ng kursong akademiko, teknikal –


bokasyonal, o negosyo.
2. Pagtatakda ng Mithiin.
3. Paggawa ng Action Planning at Goal Setting Chart
4. Pagbuo ng Personal na Misyon sa Buhay
5. Pagkuha ng NCAE
6. Pagsusuri ng Key Employment Generators (KEG’s) at in-demand na trabaho

Ikaw naman:

1. ________________________________________
2. ________________________________________
3. ________________________________________

Iba pa: (Isulat ang iba pang mga hakbang na ginawa mo kaugnay ng pagpilli ng kurso o
negosyo balang araw): ______________________

Sagutin ang mga tanung:

1. Nakatulong ba ang mga hakbang na ito sa iyong mga pagpapasiya kaugnay ng


pagpili sa kursong pag-aaralan o negosyong itatatag? Sa paanong paraan?
2. Sa iyong palagay, sapat na ba ang iyong mga nagging paghahanda upang
makagawa ng mabuting pasiya? Patunayan.
3. May mga Gawain bang isinasagawa ang pamunuan ng paaralan upang tulungan
ka sa iyong pagpapasiya? Kung mayroon, ano-ano ito?

Mahalaga sa pamunuan ng paaralan ang angkop na pagpili ng mga mag-


aaral ng kurso o negosyo balang araw. Isa sa mga inaasahang kalalabasan
ng K to 12 ang maipamamalas ng kabataan ang pagtapos sa Baitang 10
ang matalino, mapanuri, at malikhang pag-iisip sa pagharap sa mga
sitwasyon sa buhay, at pagpapasiya nang naaayon sa mga hakbang sa
paggawa ng moral na pasiya.
Paunang Pagtataya

A. Panuto: Isaayos ang sumusunod na hakbang sa pagpaplano ng karera o uri ng


buhay na minimithi. Lagyan ng bilang ang patlang kung saan ang 1 – ang unang
hakbang na dapat isagawa at 5- naman ang huli.
________Magsiyasat tungkol sa mga kursong akademiko, teknikal-bokasyunal, o
negosyo na naayon sa iyong natuklasan tungkol sa iyong pansariling salik sa
pagpili ng kurso o negosyo. Magtala ng isa o limang maaring pamilian.
________Kilalanin ang mga pansariling salik sas pagpii ng kurso o negosyo
________pumili ng kursong sa iyong palagay ay pinakmabuti para sa iyo
________tingnan ang ginawang talaan ng mga pamimiliang kurso o negosyo at
magkalap ng mga napapanahon at angkop na impormasyon tungkol sa mga
napiking kurso o negosyo.
________Magtakda ng mga mithiin – short-term at long-term goal.
B. Panuto: Tukuyin kung ang organisasyong inilalarawan sa bawat anekdota ay isang
“flat” o “tall” organization. Iguhit ang ( - ) sa patlang kung ito ay “flat”
organization” at (l) kung ito ay “tall organization”. Gamiting batayan o reference
ang sumusunod na larawan.

_____1. Ang Microsoft Corporation ay itinatag ni Bill Gates noong 1975. Isang
halimbawa ng bagong estruktura ng organisasyon ang Microsoft. Binibigyang-
halaga ditto ang pagiging produktibo ngmga manggagawang may natatanging
kasanayan sa teknolohiya. Hindi mahalaga ditto ang posisyon o rango. Ang mga
mangggagawa ay tinitingnan bilang mas mahalaga kaysa sa mga tagapangasiwa
at mga tagapamahala sa organisasyon.

_____2. Ang kumpanyang Starbucks ay kabilang sa top 100 mga industriya sa


daigdig. Isa sa sekreto sa kanilang tagumpay ang kanilang pagbibigay ng higit
mataas na pasahod para sa kanilanh mga manggagawa. Binibigyan din sila ng
pagkakataong magmay-ari ng shares o stocks. Tila kasosyo kung ituring ang mga
manggagawa dito.

____3. Ang Kagawaran ng Edukasyon ay isang uri ng organisasyon kung saan


dahil sa napakalaking bilang ng mga kasapi dito ay nangangailangan ng higit na
maramin namamahala at tagapangasiwa sa iba’t ibang rehiyon sa lungsod.
.
____4. Ang Trumphet Marketing Firm ay isang pagawaan ng mga instrument para
sa mga banda. Ang kumpanya ay may iba’t ibang sangay at units. Bawat isa ay
may division heads. Ang mga unit head ay nasa ilalim ng mga division head.
Bawat division at unit ay may kaniya-kanyang Gawain at tungkulin.
Pinangangasiwaan naman ng isang supervisor ang bawat grupo ng division sa
ilalim ng isang area.
a. Steady State – ito ay ang career path na nangangailangan ng
panghabangbuhay na pananatili sa isang trabaho lamang at patuloy na
paglago ng kaalaman at kasanayan sa karerang ito. Ang larangan ng medisina,
dental, pang-inhinyero, at pag-aabogado ay madalas na matukoy bilang mga
“steady state” na career path.
b. Linear- ay nangangahuugan ng patuloy na pag-angat o pagtaas, kung saan
mayroon ding patuloy na pagtass ng posisyon, kapangyarihan, responsibilidad
sa Gawain ng ibang manggagawa sa kumpanya at kinikita. Ang mga managers
at mga politico ay karaniwang tumatahak sa linear na career path.
c. Transitory – ay nagpapakita ng madalas na pagbabago. Ang sumusunod sa
transitory career path ay karaniwang naghahanap ng sari-saring karanasan at
hindi nagpapatali sa isang pinapasukan lamang. Hindi rin sila naghahangad ng
pag-angat sa posisyon o ng higit na malaking kikitain.
d. Spiral - ito ay nangangahulugan ng regular na pagbabago, kadalasan ay sa
loob ng lima o pitong taon. Ang direksiyon nito ay madalas nagsisimula nang
pahalang o lateral o pababa. Ang isang business executive na nagpasiyang
magturo, ang abogadong nagging duktor ng medisina, o ang isang dentista na
muling nag-aral para maging nurse ay masasabing tumatahk sa Spiral career
path.
C. Panuto: basahin ang paglalarawan sa iba’t ibang uri ng career path sa kahon sa
itaas. Punan ang mga patlang ng titik ng angkop na uri ng career path na
isinalarawan o iginuhit sa bawat bilang.

1. 3.
Gawain 2: Ang Kahulugan ng Tagumpay

Panuto: Tapusin ang mga sinimulang pangungusap:

1. Ipinapalagay ko na ako ay magtatagumpay …….


2. Ang aking pinapangarap na trabaho ay ……
3. Sapagkat………
Sagutin:

1. Sa dalawang naunang di tapos na mga pangungusap, alin ang mas mabilis mong
nasagutan? Bakit?
2. Sa iyong palagay, may sapat ka na bang kaalaman upang matukoy kung ikaw ay
magtatagumpay sa kurso o negosyong pipiliin mo baling araw?

Matapos ang mga Gawain sa mga naunang modyul, may sapat ka


nang kaalaman tungkol sa iyong mga kasanayan, kakayahan, hilig;
alam mo na rin kung tugma ang mga pansariling salik na ito sa
iyong minimithing kurso o negosyo baling araw; nakasukat ka na
rin ng iyong Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay. Alam mo na
kung ano ang mga bagay na nakatutulong upang maging
produktibo at mahusay ang iyong mga Gawain.

You might also like