You are on page 1of 4

PASULAT NA ULAT

PANGKATANG PRESENTASYON #1

SEKSYON 1E11 PANGKAT


MGA KASAPI
1. SKYLA CASTILLO
2. THERESE CERTEZA
3. CHELSEA COLOBONG Commented [Office1]:

4. JOHN LUIS CENSON


5. JOSEPH CHUASON

PAGPAPAKILALA NG MGA PROPESYON SA ILALIM NG PROGRAMANG


BUSINESS ECONOMICS
TITULO NG Banggitin sa bahaging ito ang job title o ang katawagang ginagamit para sa
posisyong ito. Maari rin banggitin sa bahaging ito ang iba pang katawagang maaari
POSISYON ring tumukoy rito.

Financial Consultant

DESKRIPSYON NG Ilarawan sa bahaging ito ang mga tiyak na gawaing sinasaklaw ng posisyong ito
batay sa pamantayan ng inyong propesyon. Maaari ring banggitin sa bahaging ito
POSISYON ang mga tiyak na paglalarawan ng posisyong ito ayon sa mga kompanyang
sinangguni.

Ako ay isang “Financial Consultant na tumutulong sa mga pamilyang Pilipino na


mag plano para sa kanilang pinansiyal na kinabukasan. Ako rin ay isang “Unit
Manager” na nagangasiwa ng aking kapwa “financial Consultant” sa pag asa na
madoble ang aking serbisyo para mas maturuan ang mas maraming Pilipino
pagdating sa kanilang pinansiyal na pagpaplano. Kami ay nag aalok ng mga “life
Insurances”, crititcal illness coverages, accidental coverages at investments”.
ialok sa mga posibleng kliyente ang produkto para sa mga pinansiyal na
pangangailangan. Gumawa at panatilihin ang mabuting relasyon sa pagitan ng
kliyente at ng kumpanya

KWALIPIKASYON Ilarawan sa bahaging ito ang mga tiyak na kakayahan at kasanayan na


kinakailangan sa gawaing ito. Maaaring magbanggit ng mga tiyak na kwalipikasyon
mula sa mga tiyak na kompanya.

Walang espesipikong programa ang kinakailangan para ang isang tao ay maging
“Financial Consultant”. Ngunit, mayroong mga kurso na sumasaklaw sa pananalapi
o “finance” na maaring magbigay sa isang indibidwal ng higit na kaalaman. Ang
kursong Business Economics ay tiyak na may malaking tulong sa ganitong klaseng
trabaho sapagkat nalalaman nila ang lagay ng ekonomiya at masasakto nila ito sa
bawat pinansiyal na pangangailangan ng bawat kliyente.
KITA Talakayin sa bahaging ito ang humigit-kumulang na kinikita para sa propesyong ito.
Maaari ring banggitin sa bahaging ito ang mga karagdagan pang kita o benepisyon
ng mga nasa posisyong ito (hindi limitado sa mga pinansyal na kita)

Ang sahod ng isang “Financial Consultant ay naka base sa komisyon. Kumikita ng


komisyon sa mga produkto na binebenta. Ang bawat produkto na binebenta ay
mayroong kakaibang balangkas ng komisyon. Bagamat walang pirmi na buwanang
sahod, ang pagkakaroon pabagu-bagong sahod ay naka depende sa halaga ng
trabaho na gagawin.

IBA PANG Maliban sa mga pangunahing iniaatas sa posisyong ito, ilahad kung mayroon pang
ibang maaaaring gawin (sa loob man o labas ng kompanya) ang nasa posisyong
GAWAIN ito.

Nararapat na ang isang Financial Advisor ay patuloy na nakamasid sa mga tao na


maari naming matulungan at nakakakitaan ng potensiyal na paglago para sa mga
produktong binebenta. Kailangan maging propesyunal at makasiguro na makapag
bigay ng naayong payo sa bawat kliyente anuman ang kikitain.

POTENSYAL NA Maaari mag trabaho ang isang Financial Advisor sa ibang bansa ngunit
kinakailangan ang karagdagan pang pag aaral sa loob ng naturingang bansa. Ito ay
TRABAHO SA dahil sa iba iba ang polisiya at batas na kinapapalooban ng mga Financial
IBANG BANSA Institutions.

KONGKLUSYON (Para sa bahaging ito, sagutin ang sumusunod.)


A. Mula sa mga nakalap na impormasyon, ano ang inyong napagtanto? Higit bang
napagtibay nito ang inyong hangarin na isulong ang kursong inyong kinukuha
ngayon?
B. Sa inyong palagay, maliban sa digri na kasalukuyan ninyong kinukuha, mayroon
ba kayong kakayahang umaangkop sa mga katangiang hinihingi ng trabahong
ito?
C. Sa paanong paraan na ang ganitong klase ng trabaho ay makatutulong sa pag-
angat ng mga Filipino at pagpapabuti ng kalagayan ng Pilipinas?
A. Mula sa mga nakalap na impormasyon, ano ang inyong napagtanto? Higit bang
napagtibay nito ang inyong hangarin na isulong ang kursong inyong kinukuha ngayon?

- Mula sa nakalap naming impormasyon kami ay nagkaroon ng kaalaman kung ano ang
maaring maging trabaho ng isang graduweyt mula sa kursong Business economics.
Aming napagtanto na ang kursong aming tinatahak ay sadyang malawak ang saklaw
sapagkat napakaraming oportunidad para sa trabaho at isa na rito ay ang pagiging
isang Finacial Consultant. Ang pagiging Financial Consultant ay isang oportunidad
upang hindi lamang manatili sa isang office environment ang mga taong nag tatrabaho
nito. Napagtibay ng impormasying aming nakalap ang aming hangarin na isulong ang
aming kursong kinukuha sapagkat tila pabor sa kursong aming kinukuha ang pagiging
Financial Advisor bagamat ito ay hindi lamang para sa mga taong nakapag tapos ng
Business Economics dahil kinapapalooban rin ng asignaturang Finance ang propesyon
na ito.

B. Sa inyong palagay, maliban sa digri na kasalukuyan ninyong kinukuha, mayroon ba


kayong kakayahang umaangkop sa mga katangiang hinihingi ng trabahong ito?

Sa aming palagay mayroon kaming angkop na kayangiang hinihingi ng trabahong ito


sapagkat isa sa mga kwalipikasyon ng isang financial Consultant ang maging
mapagmasid at aming masasabi na kaming mga kuhukuha ng kursong business
economics ay tinuturuan maging mapagmasid sa kalagayan ng ating bansa at
economiya sa mas malawakang perspektiba.

C. Sa paanong paraan na ang ganitong klase ng trabaho ay makatutulong sa pag-angat


ng mga Filipino at pagpapabuti ng kalagayan ng Pilipinas?

-Ang trabahong ito ay hindi lamang para makapag ipon ang mga Pilipino, ito rin ay
nakatutulong sa pamamagitan ng pag babahagi ng kaalamang intelektuwal lalo na sa
aspektong pinansiyal. Ang pagiging matalino sa pera ay hindi lamang ikauunlad ng
sarili, ito rin ay makakapag paunlad ng bayan.
MGA SANGGUNIANG GINAMIT

You might also like