You are on page 1of 3

MODYUL 16: PAGHAHANDA SA MINIMITHING URI NG PAMUMUHAY

Sa modyul na ito, inaasahang malilinang sa iyo ang mga sumusunod na kaalaman, kakayahan, at pag-
unawa:

16.1 Naipaliliwanag ang mga konsepto ng mabuting pagpapasya, career exploration, mga pagbabago sa
mundo ng paggawa at career path

16.2 Nasusuri ang pagkakatugma ng pamimiliang track at streams sa senior high school sa kanyang mga
pansariling salik, sa ninanais na negosyo o hanapbuhay, at sa inaasahang local at global demand sa
hinaharap.

16.3 Napangangatwiranan ang Batayang Konsepto

16.4 Nakapipili ng track at stream na kukunin sa senior high school, kursong akademiko o teknikal
bokasyonal at mga posisyon, trabaho at pagsasanay na maaring daanan upang makarating sa
minimithing uri ng pamumuhay

a. Ang steady state – ito ay ang career path na nangangailangan ng panghabangbuhay na pananatili sa
isang trabaho lamang at patuloy na paglago ng kaalaman at kasanayan sa karerang ito. Ang larangan ng
medisina, dental, pag-iinhinyero, at pag-aabogado ay madalas na matukoy bilang mga “steady state” na
career path.

b. Ang linear – ito ay nangangahulugan ng patuloy na pag-angat o pagtaas, kung saan mayroon ding
patuloy na pagtaas ng posisyon, kapangyarihan, responsibilidad sa gawain ng ibang manggagawa sa
kumpanya at kinikita. Ang mga managers at mga politiko ay karaniwang tumatahak sa linear na career
path.

c. Ang transitory – ito ay nagpapakita ng madalas na pagbabago. Ang mga sumusunod sa transitory
career path ay karaniwang naghahanap ng sari-saring karanasan at hindi nagpapatali sa isang
pinapasukan lamang. Hindi rin sila naghahangad ng pag-angat sa posisyon o ng higit na malaking kikitain.

d. Ang spiral – ito ay nangangahulugan ng regular na pagbabago, kadalasan ay sa loob ng lima o pitong
taon. Ang direksyon nito ay madalas nagsisimula nang pahalang o lateral o pababa. Ang isang business
executive na nagpasyang magturo, ang abogadong naging duktor ng medisina, o ang isang dentista na
muling nag-aral para maging nurse ay masasabing tumatahak sa spiral career path.

Isa sa mahalagang pagbabago sa mundo ng paggawa ay ang pagkakaroon ng tinatawag na “lean and
mean” o “flat” na istruktura ng organisasyon. Sa ganitong istruktura ng organisasyon, nababawasan ang
bilang ng mga namamahala at nadaragdagan naman ang bilang ng mga manggagawa. Isa sa mahalagang
implikasyon nito ang pagkakaroon ng mas mataas na pangangailangan sa mga manggagawang may
mataas na kasanayan. Ang kinakailangang skilled workers o manggagawa sa ngayon ay hinahanapan ng
mga sumusunod na kasanayahan: pangunahin o batayang kasanayan (Basic Skills), kasanayan sa
teknolohiya, Organizational Skills, at mga tinatawag na Company Specific Skills.

Basic Skills: Kabilang dito ang mga pangunahing akademikong kasanayan tulad ng pagbasa, pagsulat at
pagtutuos. Mahalaga ang kasanayan sa pagbasa dahil sa ang mga manggagawa sa ngayon ay
kinakailangang gumamit ng impormasyon sa computer terminals, forms, charts, instructions, manuals at
iba pang impormasyong nakalathala o naka-display. Mahalaga ang kasanayan sa pagtutuos o
computational skills sa pagsasaayos at paghahanda ng mga datos para sa pagsusuri at paglutas ng mga
suliranin. Ang pagsulat ay mahalagang bahagi ng pakikipagtalastasan o komunikasyon sa loob at labas ng
organisasyon. Higit sa lahat mahalaga ang kasanayang ito sa pagbubuo ng isang maaasahan at
permanenteng data base.

Technical Skills: Ang computer skills ay maaring maging isang pangunahing kailangan o baseline
requirements sa maraming trabaho sa hinaharap. Ang mga manggagawa sa ngayon ay gumagamit ng
patuloy na nagbabagong teknolohiya sa pakikipagtalastasan, pagkuha at paggamit ng impormasyon at sa
industriya o produksiyon. Bunga ito ng pagpili ng industriya na gamitin ang makabagong teknolohiya
upang pataasin ang kahusayan at pabilisin ang produksiyon at pagandahin ang kalidad ng produkto.
Hangad din ng maraming industriya sa ngayon na makaangat sa mga karibal na industriya sa
pamamagitan ng kakaiba at mas makabagong paraan ng pagbibigay ng serbisyo. Dahil nga tumataas ang
kasanayang kailangan habang patuloy na nagbabago at nagiging mas mataas ang teknolohiya, kailangan
din ang patuloy na pagsasanay ng mga manggagawa. Kaya nga sa bawat upgrade ng mga teknolohiya
kailangan din ang upgrade sa kasanayan ng mga manggagawa. Karaniwang tinutustusan ang mga
pagsasanay na ito ng mga industriya, ngunit ang bagong pananaw sa paggawa ay nagdidikta na tungkulin
ng bawat mangagawa ang patuloy na paglago ng kanyang kasanayan.

Organizational Skills: Ang mga pagbabago sa estruktura at pamamahala ng mga organisasyon gayon din
ang mga pagbabago sa ugnayan sa pagitan ng manggagawa at mga tagatangkilik o customer, ay
nangangailangan din ng mga karagdagang kasanayan sa mga manggagawa. Kabilang na dito ang
kasanayan sa pakikipagtalastasan, pagsusuri at pagsisiyasat, paglutas ng mga suliranin at
pagkamalikhain. Kailangan din ang kakayahan sa pakikipagkasundo at panghihikayat at pamamahala ng
sarili. Sa nagbabagong estruktura ng organisasyon ang mga manggagawa o mga empleyado na wala sa
posisyong namamahala o nangangasiwa ay nakikibahagi sa mga pagpupulong upang pag-usapan ang
mga suliranin kaugnay ng gawain kung kaya’t mahalaga ang mga kasanayan at kakayahang nabanggit.
Company Specific Skills: Dahil sa patuloy na tumataas at nagbabagong teknolohiya, nagbabagong
merkado at dumaraming katunggali, ang mga kumpanya o industriya ay napipilitang gumawa ng sariling
mga inobasyon, pagbutihin at gawing napapanahon ang mga produkto at serbisyo, at magbigay ng tuon
sa patuloy na pagpapaunlad ng proseso ng paggawa. Bunga nito ay patuloy din ang pagsasanay ng mga
empleyado at manggawa upang matugunan ang mga hinihinging kasanayan na angkop at partikular
lamang sa mga inobasyon na ginagawa ng kompanya o industriya.

Pinag-aralan ni Professor Michael Driver ng Graduate School for Business ng University of Southern
California ang career development ng mga mamamayan doon. Sa kanyang naging pag-aaral natukoy niya
at nailawaran ang iba’t ibang uri ng career paths. Nagkakaiba-iba ang mga career paths na ito ayon sa
mga sumusunod na kraytirya: bilang ng naging trabaho, posisyon o pagbabago sa buhay; direksyon na
tinatahak ng karera; at ang pagitan ng panahon ng mga pagpapalit o pagbabago sa karera. Ang mga
career paths na natukoy ay ang steady state, linear, transitory, at spiral.

Ang steady state – ito ay ang career path na nangangailangan ng panghabambuhay na pananatili sa
isang trabaho lamang at patuloy na paglago ng kaalaman at kasanayan sa karerang ito. Ang larangan ng
medisina, pagdedentista, pag-iinhinyero, at pag-aabogado ay madalas na matukoy bilang mga “steady
state” na career path.

Ang linear – ito ay nangangahulugan ng patuloy na pag-angat o pagtaas, kung saan mayroon ding
patuloy na pagtaas ng posisyon, kapangyarihan, responsibilidad sa gawain ng ibang manggagawa sa
kumpanya at kinikita. Ang mga managers at mga politiko ay karaniwang tumatahak sa linear na career
path.

Ang transitory – ito ay nagpapakita ng madalas na pagbabago. Ang mga sumusunod sa transitory career
path ay karaniwang naghahanap ng sari-saring karanasan at hindi nagpapatali sa isang pinapasukan
lamang. Hindi rin sila naghahangad ng pag-angat sa posisyon o ng higit na malaking kikitain.

Ang spiral – ito ay nangangahulugan ng regular na pagbabago, kadalasan ay sa loob ng lima o pitong
taon. Ang direksyon nito ay madalas nagsisimula nang pahalang o lateral o pababa. Ang isang business
executive na nagpasyang magturo, ang abogadong naging doktor ng medisina, o ang isang dentista na
muling nag-aral para maging nurse ay masasabing tumatahak sa spiral career path.

You might also like