You are on page 1of 14

Department of Education

National Capital Region


SCHOOL S DIVISION OFFICE
MARIK INA CIT Y

Edukasyon sa Pagpapakatao
Ikaapat na Markahan – Modyul 1:
Ako Noon at Ngayon: Pagtuklas sa Aking
Tunguhin

May – Akda: Heidi G. Acapulco


Tagaguhit: Mary Jane B. Roldan

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Alamin
Ang modyul na ito ay inihanda upang mapalalim ang iyong pag-unawa sa araling
ito. Inaasahang maipamamalas mo ang kaalaman, kakayahan, at pang-unawa batay sa
sumusunod na kompetinsi:
● Nakikilala ang mga pagbabago sa kanyang talento, kakayahan at hilig (mula
Baitang 7) at naiuugnay ang mga ito sa pipiliing kursong akademiko, teknikal-
bokasyonal, sining at palakasan o negosyo

● Napagninilayan ang mga mahahalagang hakbang na ginawa upang mapaunlad


ang kanyang talento at kakayahan ayon sa kanyang hilig, mithiin, lokal at
global na demand

Subukin
Basahin at unawain ang tanong. Piliin ang titik ng pinakaangkop na sagot
sa kahon ng pagpipilian

a. Interes c. Pagpapahalaga e. Pangangailangan para sa kurso


b. Kakayahan d. Personalidad

_____1. Ito ay isang batayan sa pagpili ng kurso sa kolehiyo kung saan binibigyan
ng prayoridad ang sa kung ano ang mas dapat mauna o mas matimbang
gawin o piliin.
_____2. Ito ay batayan sa pagpili ng kurso sa kolehiyo kung saan ang pipiliin niya
ay batay sa kanyang abilidad o potensyal upang magampanan niya ang
mga gawaing hinihingi at kailangan sa isang hanapbuhay.
_____3. Ito ay batayan sa pagpili ng kurso sa kolehiyo kung saan ang mga bagay
na gusto niyang gawin ay may direktang kaugnayan sa propesyon na
makakabuti at makasisiya sa kanya.
_____4. Ito ay batayan sa pagpili ng kurso sa kolehiyo kung saan may mga
partikular na katangian na kailangang taglayin para sa isang
hanapbuhay o may kaangkupan sa trabahong minimithing pasukan.
_____5. Ito ay batayan sa pagpili ng kurso sa kolehiyo kung saan ang
napupusuang kurso ay hindi makapagbibigay ng tiyak na trabaho.

6-10. Magbigay ng limang hakbang upang mapaunlad mo ang iyong talento at


kakayahan ayon sa iyong hilig, mithiin, lokal at global na demand.
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

1
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Aralin Ako Noon at Ngayon, Mayroon Bang
1 Pagbabago?
Sa iyong pagtuntong sa ikapitong baitang ay nagkaroon kayo ng pagsusuring
pansarili para malaman ninyo ang inyong mga hilig, kasanayan, talento, pagpapahalaga at
mithiin. Ngayon naman na ikaw ay nasa ikasiyam na baitang na ay balikan natin ang mga
pagsusuri na ito at kung ito ay tumutugma pa din sa iyong mga resulta dalawang taon ang
nakalipas.

Sa modyul na ito ay pag-uusapan at susuriin kung mayroon nga bang pagbabago sa


mga hilig, kasanayan, talento, pagpapahalaga at mithiin mo kumpara noong ikaw ay nasa
ikapitong baiting pa lamang at kasalukuyang kinikilala pa ang iyong sarili bilang mag-aaral
sa hayskul.

Balikan

Atin munang balikan ano nga ba ang mga pagpapahalaga na dapat nating
taglayin sa paggawa upang makatulong sa pagpaplano natin sa ating kakaharaping
landas na tatahakin?

1. Nakatutulong ang katarungang panlipunan sa pagkamit natin ng ating


magandang pakikipag-ugnayan sa ating kapwa.
2. Kailangan na taglayin ng bawat isa ang wastong pamamahala sa oras.
3. Dapat nating isabuhay at unawain ang pagkakaroon o pagpapakita ng kasipagan
sa paggawa.

Tuklasin
Punan ang hinihingi ng bawat parte ng graphic organizer. Magbigay ng limang
katangian na taglay mo noong ikaw ay nasa ikapitong baitang at sa tingin mo na taglay
mo ngayon na ikaw ay nasa ikasiyam na baitang na. Maaari itong talento, kasanayan,
hilig, pagpapakita ng pagpapahalaga o mithiin sa buhay.

Ako
noon Ako
Ngayon

2
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Bakit nga ba mahalaga na alamin natin ang pagbabago ng ating mga katangiang
taglay? Ipaliwanag.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

Suriin
Maraming bagay ang maaring makaimpluwensya sa iyo sa pagkuha ng kurso na
papasukan mo, iba’t ibang ideya at iba’t ibang pananaw. Ngunit sa huli,
mangingibabaw pa rin ang mithiin na sundin ang kakayahang kaloob sa iyo. Ang
desisyon ay nasa iyo. Maging maayos at masigasig sa bawat desisyong gagawin mo.

Mga Batayan sa Pagpili ng Kurso sa Kolehiyo


1. Interes – Dapat maging importanteng bahagi ng pagdedesisyon ukol sa kurso at
propesyon ang interes ng isang tao. Ang mga bagay na gusto niyang gawin ay may
direktang kaugnayan sa propesyon na makakabuti at makasisiya sa kanya.
2. Kakayahan – Ang propesyon na pipiliin ng isang tao ay dapat na tugma sa taglay
niyang kakayahan. Ang kakayahan ang nagbibigay sa kanyang abilidad na
magampanan ang mga gawaing hinihingi at kailangan sa isang hanapbuhay.
3. Pagpapahalaga – Isa sa pangunahing konsiderasyon sa pagpili ng propesyon ay ang
personal na pagpapahalaga sa paggawa ng isang tao. Pagbibigay prayoridad kung
ano ang mas dapat mauna o mas matimbang gawin o piliin.
4. Personalidad – Ang uri ng personalidad at mga katangian ng isang tao ay dapat ding
isaalang-alang. May mga partikular na katangian na kailangan sa isang hanapbuhay
kaya ang kaangkupan ng personalidad sa hanapbuhay na nais ay mahalagang
alamin.
5. Pangangailangan para sa kurso – Ang pangangailangan o demand para sa isang
kurso ay kailangan ding tingnan. Hindi rin magiging matalino ang pagpili kung ang
mapupusuang kurso ay hindi makapagbibigay ng tiyak na trabaho kahit pa ang
interes, pagpapahalaga, kakayahan at personalidad ng isang tao ay tugma sa
kursong kanyang pinili.

Apat na Curriculum Exits kapag nakatapos ng Senior High School


1. Higher Education - pagkuha ng kurso sa kolehiyo
2. Employment - paghahanap at pagpasok sa trabaho
3. Entrepreneurship - pagpasok o pagtatayo ng negosyo
4. Middle Level Skills Development – pagkuha ng teknikal-bokasyunal na kurso o
sertipiko

3
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Pagyamanin
Sa panahon ngayon lalo na sa panahon ng pandemya tayo ay umaasa sa ating
mga gadyet. Isa sa pinakamadalas nating gamitin at taglay bilang personal na gamit
ay ang cellphone na madaming application o website na maaaring ilagay para
makatulong sa atin sa pagkamit ng magandang hinaharap. Sa gawaing ito ay magbigay
ka ng limang website ng ahensya ng gobyerno na pwede silang makakuha ng mga
impormasyon na maaaring makatulong sa inyo sa pagkilala sa apat na curriculum exits
o mga paaralan sa kolehiyo at mga kurso na maaring kunin kapag nakatapos na ng
Senior high school?

Isaisip
1. Sa iyong palagay ano ang maitutulong ng mga application o website na ito sa
pagpili mo ng iyong track sa SHS at kurso sa kolehiyo?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
2. Sa iyong mga inilagay na application o website, ano sa tingin mo ang
pinakamalaki ang maitutulong sa iyo sa pagbuo ng desisyon para sa iyong
kinabukasan?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
3. Saan mo maaaring ikumpara ang mga application o website na ito na
katumbas ng mga katangian mo sa sarili? Ipaliwanag.
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

Isagawa
Tayo ay binubuo ng iba’t ibang katangian, kung ikaw ay maikukumpara sa isang
kahon ng krayola ano-ano ang mga kulay ng mga katangian na mangingibabaw para

4
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
matulungan ka sa mga desisyong iyong gagawin sa pagpili ng track sa SHS o kurso sa
kolehiyo. Magbigay ng limang kulay at isulat ang sagot sa larawan ng krayola sa ibaba.
Halimbawa: pula- pagpupursige dahil sa aking kagustuhan na makatapos ng pag-aaral.

1. Ano ang kahalagahan ng pag-unawa mo sa mga katangiang taglay mo sa pagpaplano


mo ng iyong track o kurso pagkatapos ng Junior High School?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2. Kung nakilala mo na ang iyong mga kakayahan, paano mo ito magagamit upang
makamit ang iyong mithiin sa buhay? ________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
3. Makatutulong ba ang mga kaalaman at katangiang ito upang makasunod ka sa mga
lokal at global na demand? Ipaliwanag. _________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Ang iyong gawain ay mamarkahan ayon sa sumusunod na pamantayan:


BIGAT NG PUNTOS SA
KRAYTIRYA
PAGGAWA
1. Nasagutan ang gawain sa takdang panahon 25%
2. Kaangkupan ng nilalaman 30%
3. Nasagutan ng may kabuluhan ang mga pantulong na tanong 30%
4. Pagpapanatili ng malinis at maayos ang sagutang papel 15%
KABUUANG PUNTOS 100%

Tayahin
Basahin at unawaing mabuti ang bawat sitwasyon. Piliin ang titik ng wastong sagot sa
sagutang papel.

5
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
1. Si Isabel ay kasalukuyang nagsasanay (on the job training) bilang sekratarya sa
isang opisina sa Quezon City. Dalawang buwan siyang kinakailangang magsanay
upang matutuhan ang aktwal na gawain. Sa unang linggo ng kanyang
pamamalagi dito, iba’t ibang gawi sa pagtatrabaho ang kanyang nakita. Paano
makatutulong ang karanasang ito sa pagpapaunlad ng kakayahan ni Isabel?
a. Matututo siyang makisama sa kanyang mga kasamahan
b. Makikita niya ang kanyang kaibahan sa ibang empleyado
c. Matututo siyang gumamit ng computer sa opisina
d. Makakapulot siya ng magagandang pamamaraan sa pagtatrabaho.

2. Ang pagkakaroon ng bukas na isipan sa pagtanggap ng constructive criticism ay


mahalaga sapagkat:
a. iniiwasan nito ang alitan sa pagitan ng mga magkakatrabaho.
b. Iminumulat nito ang aking sarili na marami pa akong hindi alam sa buhay.
c. Nagkakaroon ako ng kaalaman sa mga dapat ko pang paunlarin.
d. Tinuturuan ako nito na maging mahinahon.

3. Ang teorya ukol sa Multiple Intelligences ay nagpapatunay na ang bawat tao ay:
a. may iba’t ibang talinong taglay c. may kakayahang matuto
b. may kalakasan at kahinaan d. may kalayaan at dignidad

4. Mahalagang tuklasin at paunlarin ang kakayahan sapagkat may tuwiran itong


kaugnayan sa:
a. resulta ng anumang gawaing isasakatuparan
b. kursong pag-aaralan sa kolehiyo
c. pagkakamit ng tagumpay sa hinaharap
d. antas ng pakikipagkapwa

5. Ang paglahok sa mga training at seminar ay mahalaga sapagkat:


a. magkakaroon ka ng mga bagong kakilala
b. makapakikinig ka ng mga mahuhusay na speakers.
c. madadagdagan ang iyong kaalaman.
d. makapupunta ka sa iba’t-ibang lugar

Karagdagang Gawain
May kasabihan sa wikang Ingles na “What you are is God’s gift to you, what you
make of yourself is your gift to God.” Nangangahulugan itong nasa kamay na natin kung
paano gagamitin ang mga talinong kaloob ng Diyos sa atin. Kung paano natin ito
pauunlarin tungo sa pagkakamit ng kahusayan sa paggawa ang magsisilbing handog
natin sa Diyos.
Bilang isang kabataan, paano ka makatutulong sa pagkakamit ng magandang
hinaharap sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng mga talino at kakayahang angkin mo?
Isulat mo ang mga balangkas ng iyong gagawin sa mga nakalaang espasyo.

6
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Aralin Mahahalagang Hakbang sa Pagpapaunlad
2 ng Aking Talento at Kakayahan

Balikan
Magbigay ng tatlong mahahalagang konsepto na tinalakay sa Aralin 1.

Mahahalagang Konsepto sa Aralin


1

Tuklasin
Sa iyong pagninilay, sa pagtatakda mo ng iyong tunguhin sa hinaharap, maaari
ka bang magbigay ng mga paraan upang makamit ito? Magtala ng tatlong mahalagang
hakbang para sa iyo upang makamit mo ang iyong pangarap o ambisyon sa buhay sa
larangan ayon sa apat na curriculum exits na nabanggit sa unang aralin.
1. ________________________________________________________________________
2. ________________________________________________________________________
3. ________________________________________________________________________

Suriin
Sa pagninilay mo ng iyong kukunin sa SHS o kolehiyo ay may mga ilang hakbang
na maari mong sundin upang mas madaling mapaunlad ang mga kinakailangang
pangunahing salik na dapat mong taglayin.

Isa ka lamang sa libu-libong batang kasinggulang mo ang nag-iisip kung ano ang
nais nilang kuning hanapbuhay. Napakahirap mag-isip ngunit marahil, sa mga
panahong ito ay natatanaw mo na kung ano ka sa paglaki mo, kung ano ang mangyayari
sa kinabukasan mo. Mahirap mag-isip ngunit may nabubuong plano sa isipan mo,
marahil iyan sa interes at potensyal mo. Ano ba ang interes?

Makatutulong sa iyo ang mga kasunod na mga hakbang:


1. Pagnilayan ang iyong mga hilig na libangan (hobby) at paboritong gawain.

7
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Ang Ibang Hilig ay Maaaring:
a. Natututuhan mula sa mga karanasan
b. Minamana
c. Galing sa ating mga pagpapahalaga at kakayahan

2. Siyasatin ang mga gawaing nakapagpapasigla sa iyo.


3. Suriin ang mga gawaing iyong iniiwasang gawain.

Sa mga lokal at global na demand ay makatutulong sa atin ang pagkilala sa KEG


o Key Employment Generators na mula sa listahan ng DOLE. Ang DOLE o Department
of Labor and Employment ay ahensyang nagbibigay oportunidad o tumutulong sa mga
mamamayan na makahanap ng trabaho. Nagpapatupad sila ng mga programang
maaaring makatulong sa mga manggagawa at mamamayan na makahanap ng angkop
na trabaho. (https://brainly.ph/question/2124957)

Anim na Key Employment Generators para sa New Normal sa National Capital Region
(https://brainly.ph/question/12176426)
1. Industriya ng Cyberservices (Internet Technology and Business Process
Management)
2. Industriya ng Wholesale and Retail Trade
3. Industriya ng Manufacturing
4. Industriya ng Banking and Finance
5. Industriya ng Construction
6. Industriya ng Transport and Logistic

Sa panahon ng new normal ang NCR ay nagtalaga ng bagong Key Employment


Generators (KEG) dahil maraming industriya ang nagsara at ito ang bagong itinalaga
ng DOLE. Ito ang mga pangunahing industriya na makapagbibigay ng trabaho sa ating
mga mamamayan. Ngunit marami pa rin ang walang trabaho dahil sa kinakaharap
nating pandemya kahit na ginagawan ng gobyerno ng paraan na makapagtrabaho ang
bawat mamamayan at may mapagkakitaan o mapagkunan ng kabuhayan ang bawat
pamilya. Sa panahon na pabago-bago ang kalagayang pangkalusugan at pagkalat ng
sakit, nababago din ang pagkakaroon ng trabaho o mapagkakakitaan ng bawat pamilya.
Mahalaga ring tandaan na ayon sa Laborem Exercens ni Pope John Paul II, sa
pamamagitan ng paggawa ipinapakita ng tao ang kanyang dignidad at sa pamamagitan
nito nagkakaroon siya ng malaking kontribusyon sa ibang tao at sa lipunan tungo sa
kabutihang panlahat.

Pagyamanin
Ayon sa iyong pagkakatanda sa pagkilala mo ng iyong mga hilig, talento,
kakayahan (skills), pagpapahalaga at mithiing inaasam, maari mo bang itala ang
pagkakaiba nito noong ikaw ay nasa ikapitong baitang at ngayong ikaw ay nasa
ikasiyam ng baitang. Magbigay ng tatlong pagkakaiba o pagbabago.

1. ________________________________________________________________________
2. ________________________________________________________________________
3. ________________________________________________________________________

8
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Isaisip
Sa mapanghamong panahon na ating kinakaharap sa kasalukuyan, magtala ng
limang paraan upang maipakita ang patuloy na pagpapaunlad mo ng iyong mga hilig,
kakayahan, talento, pagpapahalaga at paraan ng pagkamit ng mithiin sa scroll sa ibaba.

Isagawa
Dahil tayo ay nasa panahon ng pagninilay at pagpaplano sa mga maaari nating
pasukin o kukuning track sa SHS o maaaring isa sa mga career exits sa hinaharap,
maaaring mayroon ka ng nabuong plano para dito. Maaari ka bang magtala ng iyong
mga hakbang na maaring na ginagawa mo upang mapaunlad mo ang mga personal
mong salik (talento, kakayahan, at iba pa).

MGA HAKBANG AT PLANO KO SA AKING PAG-UNLAD PARA


SA PAG-ABOT NG KINABUKASAN

9
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Tayahin

Basahin ang mga sumusunod na tanong. Lagyan ng tsek () kung ang pahayag ay
TAMA at lagyan ng ekis (X) kung ang pahayag ay mali.

_____1. Ang Key Employment Generators ay nagtatalaga ng mga trabaho na in-demand


sa loob at labas ng bansa.

_____2. Makatutulong sa iyo ang pagnilayan ang iyong mga hilig na libangan (hobby) at
paboritong gawain sa pagpili ng kurso.

_____3. Dapat na siyasatin mo ang mga gawaing nakapagpapasigla sa iyo kapag ikaw
ay nagninilay sa iyong inaasam gawin pagkatapos ng SHS.

_____4. Hindi namamana ang hilig ng tao.

_____5. Ayon sa Laborem Exercens ni Pope John Paul II, sa pamamagitan ng paggawa
ipinapakita ng tao ang kanyang dignidad at sa pamamagitan nito nagkakaroon
siya ng pagpapakita ng pag-unlad para sa sarili.

Karagdagang Gawain
Magtala ng halimbawa ng mga impluwensya ng pamilya, kaibigan o barkada at paaralan
o school counselor sa pagpili mo ng kurso sa Senior high school at kolehiyo.

Pamilya Kaibigan o Barkada Paaralan o School Counselor


SENIOR
HIGH
SCHOOL

KOLEHIYO

Maikling Pagsusulit – Modyul 1


Basahin ang mga sumusunod na tanong. Piliin at bilugan ang titik ng wastong sagot.

1. Ngayon na nasa baitang 9 ay mas malinaw na ang iyong pagpaplano sa iyong


kinabukasan dahil __________.
a. may gumagabay na Guidance Counselor at resulta ng NCAE.
b. may kakayahan ka ng magisip at may malayang pagkilos.
c. malaya ka ng magdesisyon sa buhay na gusto mong tahakin.
d. may kakayahan ka ng magdesisyon batay sa iyong hilig, kasanayan at
pagpapahalaga

10
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
2. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng mga kabataang may hilig at talento. Sino
sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagkilala at pagpapaunlad ng kanyang
talento at hilig?
a. Magaling tumugtog si Yeol at siya ay masunuring anak. Ang pinili niyang kurso
ay ayon sa kagustuhan ng kanyang magulang na engineering at pagsasantabi ng
kanyang gitara.
b. Masipag mag-aral si Minmin at hilig niya ang sining. Sa tuwing siya ay nag-aaral
ay ibinibigay niya ang lahat ng kanyang panahon sa pag-aaral lamang.
c. Si Hunnie ay nagpapakita ng hilig sa pag-arte. Siya ay humanap ng mga libreng
acting workshop para mahasa at malinang ang kanyang kakayahan sa pag-arte.
d. Si Han ay mahilig mag-rap at sumulat ng kanta. Sumali siya sa audition para
sa song writing at nang hindi matanggap ay kinalimutan na ang pagsali muli.

3. Si Dae ay magaling sa pagkanta, mahilig din siyang mag-aral ng mga salita ng ibang
bansa at pangarap niyang maging isang idolo sa South Korea. Ang hilig niyang ito ay
madali niyang matutuhan kaya ginamit niya ito sa pagtuturo online ng salitang
Ingles sa mga Koreano. Ang kurso namang gusto ng mga magulang niya para sa
kanya ay Engineering o kaya ay Architecture kaya pinatitigil siya sa kanyang pagsali
sa mga kompetisyon sa pag-awit at sa pagtuturo online para matutukan niya ang
kanyang pag-aaral. Kung ikaw si Dae, ano gagawin mo?
a. Gagawin ko ang gusto ko para sa aking pangarap at lalayas ako ng bahay para
hindi nila ako madiktahan.
b. Kakalimutan ko na ang aking pangarap at susundin ko ang aking mga magulang.
c. Kakausapin ko ang aking mga magulang na gagawa ako ng schedule para hindi
makasira sa aking pag-aaral.
d. Sasang-ayon ako sa aking mga magulang sa gusto nila at itatago ko ang aking
pagsali sa mga kompetisyon.

4. Ang pagkakaroon ng bukas na isipan sa pagtanggap ng constructive criticism ay


mahalaga sapagkat:
a. iniiwasan nito ang alitan sa pagitan ng mga magkakatrabaho.
b. Iminumulat nito ang aking sarili na marami pa akong hindi alam sa buhay.
c. Nagkakaroon ako ng kaalaman sa mga dapat ko pang paunlarin.
d. Tinuturuan ako nito na maging mahinahon.

5. Kailangan ito upang malaman kung may pangangailangan sa kursong napili.


a. Key Employment Generators c. Lokal at global na demand
b. Laborem Exercens d. Strand at track

6. Ang Cyberservices, Banking and Finance, Manufacturing at Construction ay ilan sa


mga nakatala dito.
a. Key Employment Generators c. Lokal at global na demand
b. Laborem Exercens d. Strand at track

7. Nasasaad dito na sa pamamagitan ng paggawa, ipinapakita ng tao ang kanyang


dignidad at sa pamamagitan nito nagkakaroon siya ng malaking kontribusyon
sa ibang tao at sa lipunan tungo sa kabutihang panlahat.
a. Key Employment Generators c. Guidance Advocate
b. Laborem Exercens d. Labor Code

11
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
8. Ito ay maituturing rin na mahalagang salik sa paghahanda sa iyong pipiliing track
o kurso dahil ito ay tumutukoy sa mga bagay na tayo ay magaling.
a. Hilig c. Pagpapahalaga
b. Kasanayan (Skills) d. Talento

9. Paboritong gawin ni Jinnie ay magluto. Nakakapagluto siya ng iba’t-ibang


putahe. Masaya siya kapag siya ay gumagawa sa kusina at pinaghahanda ng
masarap na pagkain ang kanyang pamilya. Ginagawa niya ito ng buong husay
at sigla kumpara sa iba pang gawain tulad ng paglalaba, paglilinis ng bahay o
pag-aayos ng mga gamit sa kanilang bahay. Anong pansariling salik ang
tinatalakay sa maigsing pahayag na ito?
a. Hilig c. Pagpapahalaga
b. Kasanayan (Skills) d. Talento

10. Bata pa lang si Kris ay may interes na siya sa pagbabasa, pagguhit at


pagsusulat. Lalo niya napaunlad ito ng siya ay sumali sa mga paligsahan at
mga samahan patungkol dito sa loob at labas ng paaralan. Sa pagtungtong niya
ng kolehiyo ay Arts and Letters ang kanyang kinuhang kurso. Anong
pansariling salik ang tinatalakay sa maigsing pahayag na ito.
a. Hilig c. Pagpapahalaga
b. Kasanayan (Skills) d. Talento

SUBUKIN TAYAHIN (ARALIN 2)


1. C 6-10. depende 1. 
2. B sa sagot ng 2. 
3. A mag-aaral 3. 
4. D 4. X
5. E 5. X
TAYAHIN (ARALIN 1)
1. D
2. C
3. A
4. C
5. C

Kagawaran ng Edukasyon. Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 9 Modyul para sa


Mag-aaral. Pasig City: Kagawaran ng Edukasyon, 2015.

Project EASE, Edukasyon sa Pagpapahalaga III.

DOLE. https://brainly.ph/question/2124957

Key Employment Generators. https://brainly.ph/question/12176426

Anim na Key Employment Generators para sa New Normal sa NCR.


https://brainly.ph/question/12176426

12
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Mga Manunulat: Heidi G. Acapulco (Guro, Sta. Elena High School)


Mga Tagasuri: Jessica Y. Santos (HT, Parang High School)
Leilani N. Villanueva (Superbisor sa Edukasyon sa Pagpapakatao)

Tagaguhit at Tagalapat: Mary Jane B. Roldan (JDPNHS)


Tagapamahala:
Sheryll T. Gayola
Pangalawang Tagapamanihala
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala

Elisa O. Cerveza
Hepe – Curriculum Implementation Division
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang Tagapamanihala

Leilani N. Villanueva
Superbisor sa Edukasyon sa Pagpapakatao

Ivy Coney A. Gamatero


Superbisor sa Learning Resource Management Section

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Schools Division Office- Marikina City


Email Address: sdo.marikina@deped.gov.ph

191 Shoe Ave., Sta. Elena, Marikina City, 1800, Philippines

Telefax: (02) 682-2472 / 682-3989

13
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE

You might also like