You are on page 1of 25

Aralin 16

PAGHAHANDA SA MINIMITHING
URI NG PAMUMUHAY
Inihanda ni: ARNEL O. RIVERA
Ang GRADES pinaghihirapan HINDI
inililimos.
Balik-aral:
• Mahalaga na malaman mo ang mga “in demand” na trabaho
sa Pilipinas at sa ibang bansa na puwede mong maging
basehan sa pagpili ng kurso at magkaroon kaagad ng trabaho
pagkatapos ng iyong pag-aaral.
• Ang pagpili ng track at strand ay magsisilbing hakbang
upang makapili ng kurso na may kaugnayan sa iyong hilig,
talento o kakayahan.
• Sa pamamagitan ng paggawa ipinapakita ng tao ang kanyang
dignidad at sa pamamagitan nito nagkakaroon siya ng
malaking kontribusyon sa ibang tao at sa lipunan tungo sa
kabutihang panlahat
Panimula:
• Isang taon na lang senior
high school ka na. May
mahalagang angkop na
track o stream sa SHS.
Higit na madali dahil
nakapagtakda ka na ng
iyong mithiiin at mayroon
ka nang mga hakbang
bilang paghahanda sa
minimithing uri ng
pamumuhay.
Job Analysis
• Ang pagsusuri kung ang mga propesyon,
trabahong teknikal – bokasyonal o negosyo na
kasama sa tinatawag na Key Employment
Generators ( KEG) ay tugma sa iyong
minimithi at sa mga personal o mga pansariling
salik tulad ng mga hilig o interes,
kakayahan, pagpapahalaga at kasanayan.
Ano nga ba ang career path?
• Ang career path ay
tumutukoy sa mga
pagsasanay, pag- aaral,
posisyon o iba’t ibang
trabaho, at mga
paghahanda na ating
pinagdaraanan upang
matamo ang ating nais
na uri ng pamumuhay
o career goal.
Mga Uri ng Career Path (Michael
Driver)
•Steady State
• Linear
• Transitory
• Spiral
Mga Uri ng Career Path (Michael
Driver)
• Steady state – ito ay ang career path na
nangangailangan ng panghabambuhay na
pananatili sa isang trabaho lamang at patuloy
na paglago ng kaalaman at kasanayan sa
karerang ito. Hal. doktor, inhenyero at
abogado
Mga Uri ng Career Path (Michael
Driver)
• Linear – ito ay nangangahulugan ng patuloy
na pag-angat o pagtaas, kung saan mayroon
ding patuloy na pagtaas ng posisyon,
kapangyarihan, responsibilidad sa gawain ng
ibang manggagawa sa kumpanya at kinikita.
Hal. Managers at mga Politiko
Mga Uri ng Career Path (Michael
Driver)
• Transitory – ito ay nagpapakita ng madalas
na pagbabago. Ang mga sumusunod sa
transitory career path ay karaniwang naghahanap
ng sari-saring karanasan at hindi nagpapatali
sa isang pinapasukan lamang. Hindi rin sila
naghahangad ng pag-angat sa posisyon o ng
higit na malaking kikitain.
Mga Uri ng Career Path (Michael
Driver)
• Spiral – ito ay nangangahulugan ng regular na
pagbabago, kadalasan ay sa loob ng lima o
pitong taon. Ang direksyon nito ay madalas
nagsisimula nang pahalang o lateral o pababa.
Mga halimbawa nito ay ang isang business
executive na nagpasyang magturo, ang
abogadong naging doktor ng medisina, o ang
isang dentista na muling nag-aral para
maging nurse ay masasabing tumatahak sa
spiral career path.
Paghahanda para sa Kinabukasan
• Ayon pa kay Karl Fisch
(2004), sinisikap ng mundo
na ihanda ang mga
kabataan para sa mga
trabahong hindi pa nalilikha
at mga teknolohiyang hindi
pa naiimbento upang
solusyonan ang mga
problemang ni wala pa sa
hinagap natin.
21st Century Skills ayon sa DepEd
1. Kasanayan sa pagkatuto at paggawa ng
inobasyon (Learning and Innovative Skills)
• mapanuring pag-iisip (critical thinking)
• pakikipagtalastasan (communication)
• pakikibahagi (collaboration)
• pagkamalikhain (creativity)
21st Century Skills ayon sa DepEd
2. Kasanayan sa pagkalap at pagproseso ng
impormasyon (Information Literacy)
• Media literacy
• ICT literacy
3. Life and Career skills
• pagiging bukas (flexibility) at kakayahang
makatugon sa mga pagbabago (adaptability)
• pagkukusa at disiplina sa sarili (initiative and
self-direction)
21st Century Skills ayon sa DepEd
3. Life and Career skills (contd…)
• kasanayan sa pakikipagkapwa at
pakikibagay sa mga taong mula sa iba’t
ibang kultura (social & cross-cultural skills)
• pagiging produktibo at mapanagutan
(productivity and accountability)
• kakayahang mamuno at humawak ng
responsibilidad (leadership and
responsibility)
Salik sa paggawa ng Mabuting Pasiya
• Magkalap ng kaalaman. Ang pagiging tama o
mali ng isang pagpapasiya ay nakasalalay sa
mga katotohanan.
• Sumangguni at humingi ng opinyon sa mga
taong nakaaalam at mayroong sapat na
karanasan sa mga impormasyong kailangan na
pagbabatayan sa pagpili ng angkop na track o
stream na siya mong magiging tuntungan
patungo sa minimithing trabaho o negosyo.
Salik sa paggawa ng Mabuting Pasiya
• Magnilay sa mismong aksiyon.
• Kailangan mong suriin ang uri ng aksiyon. Ito ay dapat na
makapagpapabuti at makapagpapaunlad sa pagkatao at uri
ng iyong pamumuhay.
• Mahalagang tanungin mo rin ang iyong sarili kung ano
ba talaga ang iyong personal na hangarin sa iyong
isasagawang aksiyon.
• Mahalagang tingnan din ang mga pangyayaring may
kaugnayan sa aksiyon. suriin muna kung ano ang
magiging bunga ng iyong kilos bago ito isagawa.
Salik sa paggawa ng Mabuting Pasiya
• Hingin ang gabay ng Diyos sa isasagawang
pagpapasiya. Manalangin upang
mabibigyang ng linaw kung ano talaga ang
gusto ng Diyos na iyong gawin.
Mahalagang gawin ito upang magkaroon ng
lakas na maisakatuparan ang anumang
dapat gawin ayon sa paghuhusga ng sariling
konsensya.
Salik sa paggawa ng Mabuting Pasiya
• Tayain ang damdamin sa napiling
isasagawang pasya. Hindi lahat ng lohikal o
makatwirang pamimilian ay makabubuti sa
atin. Mahalaga isaalang-alang ang ating
magiging kasiyahan bunga ng ating ginawang
pagpili.
Salik sa paggawa ng Mabuting Pasiya
• Pag-aralang muli ang pasiya. Kung may
agam-agam, kailangan mong pag-aralan
muli ang iyong pasiya na may kalakip na
panalangin at mas ibayong pagsusuri.
Maging bukas sa posibilidad na magbago
ang pasya pagkatapos ng prosesong
pinagdaanan mo.
Pagbubuod:
• Bilang tao ang katuparan ng ating pangarap ay
nakatali sa ating pinipiling bokasyon.
Nakasalalay dito ang pagtatamo ng tunay na
kaligayahan. Ito ay kalagayan o gawain na
naayon sa plano ng Diyos sa atin. Sabi nga ng
iba, ito ang iyong “calling” sa buhay.
TAKDA
: PAGPAPAHALAGA

• Bakit mahalaga ang tamang pagpili ng


track at stream sa senior high school
(SHS) sa paghahanda para sa minimithing
uri ng pamumuhay sa lipunan?
References:
• Edukasyon sa Pagpapakatao 9– Modyul para sa
Mag-aaral Unang Edisyon 2015 , DepEd
• esp_9_lm_draft_3.31.2014-2
• https://blueplanetalmanac.wordpress.com/page/7/
Isulat kung ano ang tinutukoy sa pangungusap.
NO ERASURES. Wrong Spelling Wrong.
1. Ang pagsusuri kung ang mga
propesyon ay tugma sa iyong minimithi
at sa mga pansariling salik
2. Tumutukoy sa mga pag-aaral at mga
paghahanda upang matamo ang ating nais
na uri ng pamumuhay.
3. Professor na nagsagawa ng pag-aaral
tungkol sa mga uri ng career path.
Isulat kung ano ang tinutukoy sa pangungusap.
NO ERASURES. Wrong Spelling Wrong.

4. Ayon kay layunin ng


mundo na ihanda ang
mga kabataan para sa mga trabahong
hindi pa nalilikha.
5. Ayon sa DepEd, may
21st Centrury Learning Skills upang
maging matagumpay sa buhay sa
hinaharap.
SAGOT:

1. Job Analysis
2. Career path
3. Michael Driver
4. Karl Fisch
5. apat (4)

You might also like