You are on page 1of 3

GRADE 9- HESTIA (ESP 9 MODULE 1)

Kailangang kakayahan sa magandang kinabukasan


• Ang paggawa sa pamamagitan ng hanapbuhay na iyong pipiliin ang siyang magiging
daan upang makuha mo ang iyong minimithi sa buhay.
Talento
• ay ang mga kakayahan na natural sa iyo o nagagawa mo nang hindi mo kailangan ng
pagsasanay.
Kasanayan
• ay ang mga kakayahan na natutuhan mo o nagagawa mo bunga ng pagsasanay o pag-
aaral.
• Ang pagpili ng hanapbuhay ay isang malaking desisyon na kailangang gawin.
• Kailangang tama ito sapagkat ito ang gagawin mo sa mahabang panahon.
Ang Pansariling Salik sa Paggawa
1. Ano ang iyong hilig?
-bagay na nais mong gawin?
-libangan?
2. Ano-ano ang iyong mga talento at kasanayan?
-ito ang nagiging sukatan kung magagawa mo o hindi ang isang gawain.
3. Ano-ano ng iyong pinahahalagahan
-hal.pinahahalagahan ang direktang pagtulong sa kapwa, pinansiyal na seguridad, at
katanyagan.
4.Ano ang iyong katayuang pinansiyal?
-Mahalagang isaalang-alang sa pagpili ng hanapbuhay.
Tamang kurso at hanapbuhay para sa matagumpay na buhay
• Ang pagpapasiya ukol sa kurso at hanapbuhay ay isa sa mga malalaking desisyon na
gagawin mo sa iyong buhay.
• Hindi ito biglaan o kaya ay ayon sa kasalukuyang pakiramdam.
• Hindi ito batay sa uso o impluwensiya ng mga tao sa iyong paligid.
• Mahalagang makapagpasiya nang matalino sa bagay na ito upang maging kapaki-
pakinabang para sa iyo ang paglalaan ng salapi, panahon, at talento sa kursong pipiliin.
• Ang pagpapasiya ukol sa kurso at hanapbuhay ay isa sa mga malalaking desisyon na
gagawin mo sa iyong buhay.
• Hindi ito biglaan o kaya ay ayon sa kasalukuyang pakiramdam.
• Hindi ito batay sa uso o impluwensiya ng mga tao sa iyong paligid.
• Mahalagang makapagpasiya nang matalino sa bagay na ito upang maging kapaki-
pakinabang para sa iyo ang paglalaan ng salapi, panahon, at talento sa kursong pipiliin.
Mga hakbang sa pagpili ng tamang kurso at hanapbuhay

1.Kilalanin ang sarili


• Kailangang maging importanteng bahagi sa pagpapasiya ang iyong potensiyal sapagkat
ito ang gagamitin mo sa pagpili ng kurso at hanapbuhay na papasukin upang maayos na
magampanan ang mga gawain at tungkuling inaasahan dito.
• Ang iyong interes o hilig ay dapat na may direktang kaugnayan sa kurso at hanapbuhay
na pipiliin upang magkaroon ka ng motibasyon na gawin ang mga tungkuling kaakibat
nito kahit pa mahirap o maraming hadlang.
2.Alamin ang iyong mga oportunidad
• Ito ay tumutukoy sa mga okupasyon na may tiyak na pangangailangan para sa mga
manggagawa sa kasalukuyan at hinaharap.
• a.Magtanong sa iyong guro o guidance counselor.
• b.Humanap sa internet ng mga websites na maaaring magbigay sa iyo ng impormasyon.
• c.Humanap ng mga tao na katulad mo ng pagpapahalaga, interes, at kakayahan upang
alamin ang kanilang kursong tinapos na pinili.
• “Ang job shadowing ay ang pagmamasid sa pang-araw-araw na gawain ng isang
propesyunal o manggagawa sa lugar ng kanilang pinagtatrabahuhan.
3. Limitahan ang opsiyon at bumuo ng pasiya
a. Ano ang kurso na kailangan mong kunin.
-akademiko, teknikal-bokasyunal, sining o sports.
b. Ano-anong pamantasan ang mayroon ng kursong iyon.
-hal.kung ang pamantasan ay malayo sa inyong tirahan, handa ka bang
manirahan ng malayo sa iyong pamilya?
c.Ano-ano ang kailangan upang makapasok sa pamantasan?
-hal. average grade requirement at entrance exam na kailangang maipasa.
d. Magkano ang halagang kailangan upang matustusan ang pag-aaral?
-tuition fee,kagamitan, libro , at allowance mo.

You might also like