You are on page 1of 1

ABM: Dapat Kunin ng mga Kabataan Ngayon

JEREMIAH B. CORDIAL 1
Divine Word College of Legazpicordial.jeremiah10@gmail.com
ng ABM o Accountancy, Business, and Management
ay isa sa mga strand na inaalok sa AcademicTrack ng Senior High School.
Layunin nitong mabigyan ng sapat na kaalaman ang bawat mag-aaral na
kukuha ng Accountancy, Management, at iba pang business-related na mga
kurso sa kolehiyo. Bukod sa pagkakaroon nito ng mga espesyal na mga
asignatura gaya ng Fundamentals of Accounting,Organization and
Management, Business Math at iba pa, nakatutulong din ito sa mga mag-aaral
upang malaman ang iba't ibang kakailanganin kung ipagpapatuloy pa itong
kurso pagdating ng kolehiyo. Ngunit ano nga ba ang benepisyong makukuha
mo sa strand na ito? Paano naman ito makatutulong saating sarili kumpara sa
iba pang strand sa Senior High School? At bakit nga ba dapat ito ang iyong
kunin para sa Senior High School?
Una sa lahat, ang ABM ay nakapokus sa pagnenegosyo at accounting. Alam
naman natin na ang pagnenegosyo ay isa sa mga pinakamaraming trabaho sa
Pilipinas at maging sa ibang bansa. Nakatutulong ito sa pagpapalago ng isang
bansa, lalong lalo na sa pang-ekonomikong kalagayan ng bansa. Ang
benepisyo mong makukuha sa pagpili ng ABM ay napakarami, at isa na dito
ang pagkakaroonng time management o pamamahala ng tamang oras sa bawat
bagay. Ang ideyang ito ay di-direktangnaituturo sa strand na ito. Ibig sabihin
ay likas ang pagkakaroon nito dahil kinakailangan ang timemanagement
lalong lalo na kung ikaw ay mayroon nang isang negosyo. Hindi lamang ito
makakatulong sa iyong nga gawain, ngunit pati na rin sa iyong sarili.Ayon sa
itsmorefuninabm1.blogspot.com, ang mgamag-aaral mula sa ABM ay maaaring
matutunan at malaman kung paano magpatakbo ng isang negosyo.Ito naman
ay masasabing mahalaga sapagka’t hindi lamang sa mga bagay na may
konkesyon sa negosyomagagamit ang pagpapahalaga sa oras, ngunit sa
maraming bagay din, kung sakaling ang kursong iyongkukunin sa kolehiyo ay
wala nang koneksyon sa pagnenegosyo. Naituturo rin dito ang pagiging
responsable. Ito ay isa ring katangian na dapat meron ang isangnegosyante.
Ngunit katulad ng nabanggit ay hindi lamang dito nagagamit ang pagiging
responsable. KungABM ang pipiliin ng isang mag-aaral, mas marami pa
siyang matututunan dito na magagamit hindilamang sa pagnenegosyo o
pangangasiwa, ngunit kasama na rin ang lahat ng bagay na ating ginagawa.

You might also like