Isa sa pinakamahirap na desisyon na gagawin ng isang nagtapos ng sekondarya ay ang
pagdesisyunan sa kung anong karera ang nais niyang tahakin o kunin sa kolehiyo. Sapagkat ang desisyon na iyon ay makakaapekto sa buhay nila pagkatapos ang kolehiyo.
Sumakatuwid, iba-iba ang batayan ng bawat indibidwal sa pagpili ng gustong kursong
aralin ng sa gayon maganda ang magiging resulta sa kanilang buhay, kaya ang layunin ng pananaliksik na ito ay matukoy kung anu ano ang mga saloobin at pananaw ng mga mag-aaral sa pagpili ng kursong kanilang kukunin.
Methodology
Inilahad sa kabanatang ito ang mga pamamaraang ginamit sa pag-aaral at paglalarawan sa
mga hakbang na isakatuparan sa pagsusuri at pagpapakahulugan ng mga dahilan kung bakit pagdesisyunang mabuti ang kukuning kurso.
Significance of the Study
Naniniwala ang mga mananaliksik na ang pag- aaral na isinagawa ay makakapaghatid ng
impormasyon na makakatulong sa mga taong nasasaklaw sa pag-aaral na ito. Mahalaga ito para sa mga mag- aaral na pipili ng kursong Business Administration, dahil malalaman natin kung ano ang mga salik na ito. Sa pag aaral na ito malalaman natin kung ano ang tumulak sa mag aaral para kumuha ng kursong Business Administration.
1. Malalaman natin kung sila ba ay nakumbinsi ng
kanilang mga magulang o kaibigan sa pagpili ng kurso. 2. Malalaman natin kung sariling interes baa ng pagpili nila ng kursong Business Adaministration. 3. Malalaman din natin kung ang taas ng sahod sa mga magiging trabaho nila ang tumulak sa kanila sa pagpili ng kursong Business Administration at kung masaya ba rito.