You are on page 1of 21

TANKA

AT
HAIKU
KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG
TANKA AT HAIKU
 Ang Tanka at Haiku ay ilan sa mga anyo ng tula na pinahahalagahan sa
panitikang Hapon.
 Layunin nitong pagsama-samahin ang mga ideya at imahe sa
pamamagitan ng kakaunting salita lamang.
 Parehong nagpapahayag ng masidhing damdamin ang Tanka at Haiku.
 Ang mga salitang ginagamit ay maaaring sagisag ng isang kaisipan.
Halimbawa ang salitang kawazu ay “palaka” na nagpapahiwatig ng tagsibol.
Ang shigure naman ay “unang ulan sa pagsisimula ng taglamig”.
 Mahalagang maunawaan ng babasa ng Haiku at Tanka ang kultura at
paniniwala ng mga Hapon upang lubos na maintindihan ang mensaheng
nakapaloob sa tula.
 Ginawa ang Tanka noong ika-8 siglo.
Ang pinakaunang Tanka ay kasama sa
kalipunan ng mga tula na tinawag na
Manyoshu o Collection of Ten Thousand
Leaves.
►Antolohiya ito na naglalaman ng iba’t
ibang anyo ng tula na karaniwang
ipinahahayag at inaawit ng nakararami.
Ang mga unang makatang Hapon ay
sumusulat sa wikang Tsino.
Sa pagitan ng ikalima hanggang
ikawalong siglo, isang sistema ng
pagsulat ng Hapon ang nilinang mula sa
karakter ng pagsulat sa Tsina upang
ilarawan ang tunog ng Hapon. Tinawag na
Kana ang ponemikong karakter na ito na
ang ibig sabihin ay “hiram na mga
pangalan”.
Maiikling awitin ang ibig sabihin ng Tanka na puno ng
damdamin.
Karaniwang paksa naman ang pagbabago, pag-iisa, o pag-
ibig.
Tatlumpu’t isa (31) ang tiyak na kabuuang bilang ng
pantig na may limang taludtod ang tradisyunal na Tanka.
Tatlo sa mga taludtod ay may tig-7 bilang ng pantig
samantalang tig-5 pantig naman ang dalawang taludtod.
Ito ay nagiging daan upang magpahayag ng damdamin sa
isa’t isa ang nagmamahalan (lalaki at babae).
Ito ay ginagamit din sa paglalaro ng aristocrats, kung
saan lilikha ng tatlong taludtod at dudugtungan naman
ng ibang tao ng dalawang taludtod upang mabuo ang isang
Tanka.
Isinilang ang Haiku noong ika-15 siglo.
Binubuo ito ng labimpitong pantig na nahahati
sa tatlong taludturan.
Ang pinakamahalaga sa Haiku ay ang pagbigkas
ng taludtod na may wastong antala o paghinto.
Kiru ang tawag dito o sa Ingles ay “cutting”.
Ang kiru ay kahawig ng sesura sa ating
panulaan.
Ang Kireji naman ang salitang paghihintuan o
“cutting word”. Ito ay kadalasang matatagpuan
sa dulo ng isa sa huling tatlong parirala ng
bawat berso.
ESTILO NG PAGKAKASULAT NG TANKA
 Maiikling awitin ang Tanka na binubuo ng
tatlumpu’t isang (31) pantig na may
limang (5) taludtod.
 Karaniwang hati ng pantig sa mga taludtod ay: 7-7-7-5-
5, 5-7-5-7-7 o maaaring magkapalit-palit pero
mananatiling tatlumpu’t isang pantig ang kabuuan ng
pantig.
 Ang karaniwang paksa ng Tanka ay
pagbabago, pag-ibig, at pag-iisa.
ESTILO NG PAGKAKASULAT NG TANKA
HALIMBAWA:
Taghoy ng kalikasan Tag/hoy/ ng/ ka/li/ka/san/ -7
Tulong! Iyong Tu/long!/ I/yong/ -7
pakinggan pa/king/gan/ -7
Luha sana’y wakasan Lu/ha/ sa/na’y/ wa/ka/san/ -5
Upang tumahan U/pang/ tu/ma/han/ -5
Sana’y pagbigyan Sa/na’y/ pag/big/yan/ 31 pantig
sa kabuuan

PAGSUSURI
Paksa: kalikasan
Kahulugan: Kinukuha nito ang atensyon ng mga tao na tigilan na ang paninira sa kalikasan.
Hindi literal na umiiyak ang kalikasan pero ginamit ang tayutay na pagsasatao o
personipikasyon upang bigyang boses ang kalikasan upang maiparating sa mga tao ang
masamang epekto ng paninira nila.
ESTILO NG PAGKAKASULAT NG TANKA
 Ang Haiku ay mas pinaikli pa sa Tanka.
May labimpitong (17) bilang ang pantig
na may tatlong taludtod.
 Maaaring ang hati ng pantig sa mga
taludtod ay: 5-7-5 o maaaring
magkapalit-palit din basta ang kabuuang
bilang ng pantig ay labimpito pa rin.
 Ang paksang ginagamit sa Haiku ay
tungkol sa kalikasan at pag-ibig.
ESTILO NG PAGKAKASULAT NG HAIKU
HALIMBAWA:
Wala na, wala Wa/la/ na/, wa/la/ -5
Naglahong parang Nag/la/hong/ pa/rang/ -7
bula bu/la/ -5
Nasa’n ka sinta? Na/sa’n/ ka/ sin/ta?/ 17
pantig
sa
kabuuan

PAGSUSURI
Paksa: pag-ibig
Kahulugan: Ito ay tungkol sa tuluyang paglayo ng taong labis na minamahal
at ang kawalan ng pag-asa. Ang damdaming nangingibabaw ay pangungulila.
TANDAAN!
GAWAIN 1: MARAMIHANG PAMIMILIAN
Panuto: Isulat lamang ang LETRA ng iyong sagot.

1. Ang haiku at tanka ay maiikling mga tula mula sa


____________.
A. Japan C. Thailand
B. Pilipinas D. Indonesia

2. Naunang umusbong ang tanka noong


______ siglo.
A. ika-8 C. ika-7
GAWAIN 1: MARAMIHANG PAMIMILIAN
Panuto: Isulat lamang ang LETRA ng iyong sagot.

3. Ang tanka ay maikling tula na puno ng ___________.


A. damdamin C. kahulugan
B. buhay D. nilalaman

4. Ang mga naunang tanka ay naisama sa


kalipunan ng mga tula na ________.
A. Basho C.
Manyoshu
GAWAIN 1: MARAMIHANG PAMIMILIAN
Panuto: Isulat lamang ang LETRA ng iyong sagot.

5. Ang tanka ay binubuo ng ____ taludtod.


A. 5 C. 6
B. 4 D. 3

6. Alin sa ibaba ang tamang estilo ng


pagkakasulat ng tanka?
A. 5-7-5-7-7 C. 5-5-5-7-7
B. 5-7-5-7-5 D. 7-7-5-7-7
GAWAIN 1: MARAMIHANG PAMIMILIAN
Panuto: Isulat lamang ang LETRA ng iyong sagot.

7. Ang haiku ay binubuo ng _____ taludtod.


A. 5 C. 6
B. 4 D. 3

8. Alin sa ibaba ang tamang estilo ng


pagkakasulat ng haiku?
A. 5-7-7 C. 5-5-5
B. 7-7-5 D. 5-7-5
GAWAIN 1: MARAMIHANG PAMIMILIAN
Panuto: Isulat lamang ang LETRA ng iyong sagot.

9. Ang mga Hapon ay walang sistema ng pagsusulat


noon kaya ginagamit nila ang wikang ________.
A. Amerikano C. Malayo
B. Tsino D. Indio
10. Pero noong nalinang ang _________ batay sa mga
hiram na pangalan, ito na ang ginamit nila.
A. Khana C. bana

B. Ghana D. Kana
GAWAIN 1: MARAMIHANG PAMIMILIAN
Panuto: Isulat lamang ang LETRA ng iyong sagot.

1. Ang haiku at tanka ay maiikling mga tula mula sa


____________. A. Japan
A. Japan C. Thailand
B. Pilipinas D. Indonesia

2. Naunang umusbong ang tanka noong


A. ika-8 siglo.
______
A. ika-8 C. ika-7
GAWAIN 1: MARAMIHANG PAMIMILIAN
Panuto: Isulat lamang ang LETRA ng iyong sagot.

3. Ang tanka ay maikling tula na puno ng ___________.


A.A. damdamin
damdamin C. kahulugan
B. buhay D. nilalaman

4. Ang mga naunang tanka ay naisama sa


kalipunan ng mga tula na ________.
C. Manyoshu

A. Basho C.
Manyoshu
GAWAIN 1: MARAMIHANG PAMIMILIAN
Panuto: Isulat lamang ang LETRA ng iyong sagot.

A. 5 taludtod.
5. Ang tanka ay binubuo ng ____
A. 5 C. 6
B. 4 D. 3

6. Alin sa ibaba ang tamang estilo ng


pagkakasulat ng tanka? A. 5-7-5-7-7
A. 5-7-5-7-7 C. 5-5-5-7-7
B. 5-7-5-7-5 D. 7-7-5-7-7
GAWAIN 1: MARAMIHANG PAMIMILIAN
Panuto: Isulat lamang ang LETRA ng iyong sagot.

D. 3 taludtod.
7. Ang haiku ay binubuo ng _____
A. 5 C. 6
B. 4 D. 3

8. Alin sa ibaba ang tamang estilo ng


pagkakasulat ng haiku? D. 5-7-5

A. 5-7-7 C. 5-5-5
B. 7-7-5 D. 5-7-5
GAWAIN 1: MARAMIHANG PAMIMILIAN
Panuto: Isulat lamang ang LETRA ng iyong sagot.

9. Ang mga Hapon ay walang sistema ng pagsusulat


B. Tsino
noon kaya ginagamit nila ang wikang ________.
A. Amerikano C. Malayo
B. Tsino D. Indio
D. Kana
10. Pero noong nalinang ang _________ batay sa mga
hiram na pangalan, ito na ang ginamit nila.
A. Khana C. bana

B. Ghana D. Kana

You might also like