You are on page 1of 4

Manuel I.

Santos Memorial National High School


Sitio Lambak Brgy. San Juan Taytay Rizal

Ikalawang Markahang Maikling Pagtataya sa Filipino 9

I. Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot sa bawat pahayag.


1. Tulang hapon na ginagamitan ang sagisag o simbolo.
A.Tanaga B. Tanka C. Ambahan D.Haiku

2. Siya ang itinuturing na “ Ama ng mga Sinaunang Pabula” dahil sa


napabantog niyang aklat.
A. Aristotle B.Plato C.Socrates D.Aesop

3. Ang tulang hapong ito ay may sukat na 5-7-5.


A. Tanka B.Haiku C.Parabula D.Pabula

4.Ito ay uri ng panitikan na ang pangunahing tauhan o karakter ay mga hayop.


A.Tanka B.Elihiya C. Parabula D. Pabula

5. Ang tulang ito ay may sukat na 7-7-7-5-5 at may kabuuang bilang ng pantig
na 31.
A. Tanaga B.Tanka C.Haiku D. Ambahan

6. Alin ang hindi nabibilang na katangian ng isang tanka.


A. pag-iisa B.pag-aaklas C. pag-ibig D. pagbabago

7. Ang karaniwang paksa ng Haiku ay _________________________.


A. pagsasaka B. paghihirap C. kalikasan D.pag-aaklas

8. Upang makuha ang aral ng isang pabula mahalaga na __________.


A. nauunawaan ang daloy ng kuwento
B. nakikilala ang tauhan
C. nalalaman ang pangaral
D.nalalaman ang tono nito

9. Isa sa mahalagang katangian ng pabula ay ______________________.


A. magbigay ng pangaral
B.magsermon
C. Nagpaalala
D. maggabay

10. Ang tulang Haiku ay nagmula sa bansang ______________________.


A. Korea B. Malaysia C. Hapon D. Taiwan

II. Panuto: Tukuyin kung tama o mali ang pahayag. Isulat ang salitang “tama”
kung wasto ang pahayag at kung mali ay iwasto ang salitang nagpamali dito.
______11. Ang haiku ay mas maikli kaysa tanka.
______12. Ang tanka ay may anim na taludturan.
______13. Ang pabula ay kuwento tungkol sa mga hayop.
______14. Ang haiku ay bumibilang ng labimpitong pantig.
______15. Ang tulang haiku ay mas mahaba kaysa sa tulang tanka.
III.Panuto: Suriin ang mga pahayag na hinango sa pabulang binasa . Piliin
ang salitang tumutukoy sa damdamin ng nagsasalita.
A. Pag-aalala B. Pagbibilin C. Paghanga D.Pagkalungkot E. Pagsisisi
______16. “ Ano kaya ang mangyayari sa kanya kapag ako’y nawala?”
_______17. “Kapag namatay na ako, ilibing mo ako sa sapa,huwag mo akong
ilibing sa bundok.”
_______18. “Patawad na, patawad! Dahil sa pagiging suwail ko,nagkasakit ka
at maagang namatay.”
_______19.Naupo ito sa ilalaim ng malakas na ulan at doon walang humpay
na umiiyak.
________20.”Bakit kaya hindi siya tulad ng ibang palaka na magalang at
masunurin.
IV.Panuto: Pag-aralan ang Tanka at Haiku.Punan ng wastong sagot.
A. TANKA
Gabing tag-araw
Maaga pa ang gabi
Araw,lubog na
Saan ang mga ulap
Ang taguan ng buwan?
KATANGIAN
Bilang ng pantig_____________________
Bilang ng taludtod___________________
Sukat ng taludtod____________________
Tema o paksa_______________________
B.HAIKU
Buhos pa,ulan
Ikaw ang magpatighaw
Puso kong lumbay
KATANGIAN
Bilang ng pantig___________________
Bilang ng taludtod_________________
Sukat ng taludtod__________________
Tema o paksa_____________________
V. Panuto: Sumulat ng isang payak na tanka at haiku gamit ang mga sumusunod
na paksa. (10 puntos).
1. PAG-IBIG (TANKA)

2.KALIKASAN (HAIKU)
INIHANDA NINA: BINIGYANG PANSIN NI:
GNG.ANTONIA A.OUANO
JOHANNA S.SALDANA Tagapangulo, Filipino
ELLIZ MARIE E. ALOG
JANE-VER B.RIVERA
MARIA FLOR IAN N.SEBASTIAN Pinagtibay ni:
BONILISA C.BOHOL G.ABSALON C.FERNANDEZ
MARIA MYRMA R.MANALANG Punong- Guro IV
JENELYN M.MANALANG

You might also like