1. TUNGKULIN –Ang tungkulin naman ay nangangahulugang mga bagay o gawain na
inaasahang matapos o maisakatuparan para sa pansariling kapakanan. Ito ang mga bagay na makakapagpaunlad ng ating sarili at pagkatao. Tungkulin nating mahalin, alagaan, paunlarin at mapabuti ang ating sarili upang mahubog ang ating mga pansariling kakayahan at pagkatao.
KARAPATAN- Ang karapatan ay mga bagay o gawaing ipinagkaloob sa isang tao na
maaari niyang gawin habang siya ay nabubuhay. Ito ay tumutukoy sa mga karapatang taglay ng bawat tao kahit hindi ito ipinagkakaloob ng estado o ng pamahalaan. Ito rin ay ang kakayahan ng isang indibiduwal sa isang bansa na gumawa ng bagay ng may kalayaan.