You are on page 1of 3

St.

Marks’s Institute
Filipino 9 Pagsusulit na Diagnostik

Pangalan: _______________________________ Petsa ________________


Grade 9 St. Augustine Iskor: ________

I. Multiple Choice

Panuto: Basahin, unawain at isulat ang letra ng tamang sagot sa nakalaang patlang.

_____1.Ngunit, subalit ay mga anung uri ng pangatnig?

A. Panlinaw B. Paninsay C. Panubali D. Pananhi

_____2. Siya ang tinaguriang “Ama ng Maikling Kwento” ng ating bansa.

A. Aesop B. Edgar Allan Poe C. Michael De Montaigne D. Mahatma Gandhi

_____3. Kapag, Kung at Sakali ay mga anung uri ng pangatnig?

A. Panlinaw B. Pananhi C. Paninsay D. Panubali-

_____4. Ito ay pampanitikan na likha ng guni-guni at bungang-isip na hango sa isang tunay na pangyayari sa buhay.

A. Tula B. Nobela C. Maikling Kwento D. Sanaysay

_____5. Hindi tiyak ay anung uri ng pangatnig?

A. Pananhi B. Paninsay C. Panubali D. Panlinaw

_____6. Ito ay isang uri ng akdang pampanitikan na naglalaman ng sariling opinion o pananaw ng sumulat hinggil sa isang
paksa.

A. Dula B. Sanaysay C. Kwento D. Nobela

_____7. Kung gayon, Kaya ay halimbawa ng Paninsay

A. Tama B. Mali C. Pwede D. Siguro

_____8 Sinasalungat ang unang bahagi ng pangungusap → Paninsay

A. Tama B. Mali C. Pwede D. Siguro

_____9. Salitang kasingkahulugan ng maganda.

A. Maayos B. Maamo C. Marikit D. Ako

_____10. Sa wakas, at sa lahat → Pananhi

A. Tama B. Mali C. Pwede D. Siguro

_____11. Kasingkahulugan ng pahayag na “Nagtatrabaho.”

A. Nagpapatunog ng buto B. Nagpapa-ayos ng buto


C. Nagbabanat ng buto D. Nag-aayos ng buhay

_____12. Kasing kahulugan ng pahayag na “Malapit nang mamatay”.

A. Kumukuha ng buhay B. Nag-aagaw buhay


C. Nagnanakaw ng buhay D. Malapit nang bumigay

_____13. _______ ay isang mahabang kuwentong pikson na binubuo ng iba't ibang kabanata.

A. Tula B. Nobela C. Sanaysay D. Maikling Kwento

_____14. _______ ay isang anyo ng sining o panitikan na naglalayong maipahayag ang damdamin sa malayang
pagsusulat.Binubuo ang tula ng saknong at taludtod

A. Tula B. Nobela C. Sanaysay D. Maikling Kwento

_____15. Palagay ko ay halimbawa ng ekspresyong nagpapahayag ng ________

A. Damdamin B. Opinyon C. Galit D. Pagmamahal


_____16. Nagpapakita ng uri nito ng pagbabakasali o pag-aalinlangan. Ang mga katagang ginagamit ay kung di, kundi,
kapag, sana at sakali.

A. Panubali B. Paninsay C. Pananhi D. Pamukod

_____17. “Palibhasa’y nagyayabang ka, ayan tuloy, napahiya ka.” ay anung halimbawa ng Pangatnig?

A. Paninsay B. Pananhi C. Panubali D. Pamukod

_____18. “Malakas ang ulan kaya sinuspende muna ang mga klase sa elementary at sekondarya.”

A. Panlinaw B. Pamukod C. Panubali D. Paninsay

_____19. Ginagamit ito upang linawin o magbigay-linaw sa isang sitwasyon o paliwanag. Ang mga katagang ginagamit ay:
anupa, kaya, samakatuwid, sa madaling salita at kung gayon.

A. Panlinaw B. Panimbang C. Pamukod D. Panubali

_____20. Ito ay ginagamit sa paghahayag ng karagdagang impormasyon o kaisipan. Maaari itong gamitan ng mga salitang at,
saka, pati, kaya, o anupa’t.

A. Panubali B. Panimbang C. Panlinaw D. Pamukod\

II. Panuto: Bilugan ang mga Elemento ng Tula (5 puntos).

Kariktan Banghay Sukat

Buod Saknong Indeks

Talinghaga Tugma Talaan ng Nilalaman

III. Panuto: Basahin, unawain at alamin kung ito ay Konotibo o Denotibo. Isulat ang tamang sagot sa nakalaang patlang.

__________ 26. Buwaya-Ganid, Sakim, Makasarili.

__________ 27. Kompyuter- isang pangkalahatang paggamit na kasangkapan na maaaring iprograma upang magsagawa ng
isang may hangganang hanay ng mga operasyong aritmetiko o lohiko.

__________ 28. Puso-Pag-ibig, Pamamahal, Damdamin.

__________ 29.Ibon-Kalayaan, Kapayapaan.

__________ 30. Mata-isang organong tumutugon sa liwanag para sa ilang mga layunin.

IV. Panuto: Basahin, unawain at isulat ang salitang hinahanap o tintukoy sa patlang na nakalaan.

__________ 31. Patawad po sa ginawa ko sa inyo.

__________ 32. Ang husay mo talaga.

__________ 33. Nasunugan pala sila kahapon.

__________ 34. Huh? Ano?Totoo ba 'yon?

__________ 35. Sige ka, may duwende riyan!

__________ 36. Bakit mo naman sinira ang liham ko?

__________ 37. Tigilan mo na ang pangungulit!

__________ 38. Parang awa ninyo. Tulungan ninyo ako.

__________ 39. Ano, nanalo ako sa lotto?

__________ 40. Hindi kita gusto! Umalis ka sa harapan ko!

Galit gulat pagmamakaawa lungkot pananakot paghanga

Takot pagsisisi pagmamakaawa


V. Panuto: Salungguhitan ang tamang pangatnig sa loob ng panaklong.

41. Magsipilyo nang tatlong beses sa isang araw (ngunit, upang, dahil) maiwasan masira ang mga ngipin.

42. (Dahil, Subalit, Kaya) hindi ka kumain ng almusal, wala kang enerhiya para maglaro ngayong umaga.

43. Inaantok ka pa (habang, bago, kasi) hatinggabi ka na natulog kagabi.

44. Kumakanta sila ng “Lupang Hinirang” (hanggang, habang, parang) itinataas ang watawat ng Pilipinas.

45. Magdasal muna tayo (bago, kaya, at) tayo kumain ng hapunan.

46. Matutuloy ang camping natin (at, subalit, kung) hindi masama ang panahon bukas.

47. Tumatahol ang mga aso (kapag, ngunit, hanggang) may taong kumakatok sa pinto.

48. Ano ang kulay ng sasakyan ninyo, pula (at, o, pero) puti?

49. Mahilig siya magbasa ng aklat (at, upang, sapagkat) magsulat ng maiikling kuwento.

50. Tumakbo nang tumakbo ang usa (hanggang, habang, samantalang) nakarating ito sa gitna ng gubat.

51. Naglalaro ang anak niya sa labas (pero, para, habang) may kinakausap siya sa telepono.

52. Tumigil ang pag-iyak ng bata (nang, bagama’t, subalit) bumalik ang kanyang ina.

53. Tumawag ako sa bahay ni Tess (upang, ngunit, kapag) hindi pa raw siya umuuwi galing eskuwelahan.

54. Tatawag muli si Alma (kasi, bago, para) makausap ka tungkol sa proyekto ninyo.

55. Gusto pa rin nilang maglaro ng basketbol (dahil, kahit, para) gumagabi na.

56. Alin ang mas gusto mong gawin, manoood ng sine (habang, o, kung) kumain sa labas?

57. (Sapagkat, Ngunit, Bagama’t) mahiyain siya, hindi siya sumagot sa tanong ng guro.

58. Matalinong bata si Jaime (subalit, upang, kaya) hindi mataas ang marka niya sa nakaraang pagsusulit.

59. Naghihirap magtrabaho ang mga magulang mo (kasi, hanggang, samantalang) inaaksaya mo lang ang perang bigay nila sa
iyo.

60. (Subalit, Bagama’t, Dahil) nais niyang mag-aral sa kolehiyo, naghanap siya ng trabaho upang makatulong sa pamilya.

VI. Essay

Gamit ang mga salitang nagpapahayag ng emosyon, ipaliwanag ang kasabihang “Ang kasal ay di parang kaning isusubo
kapag napaso ay iluluwa”. (10 puntos)

Sumulat ng maikling sanaysay tungkol sa kasalukuyang problema ng ating lipunan at paanu ito bibigyang solusyon? (10 puntos)

Inihanda ni Alexander Dumanon

You might also like