You are on page 1of 3

Modyul 1: Tanka at Haiku ng Japan

Alam mo ba na…

Ang Tanka at Haiku ay mga tula na pinahahalagahan ng panitikang Japan? Ginawa ang Tanka noong
ika-walong siglo at ang Haiku noong ika-15 siglo. Sa mga tulang ito pinagsama-sama ang mga ideya at
imahe sa pamamagitan ng matitipid na salita lamang. Dahilan sa pagiging matipid ng mga Japanese
tinagurian ang mga tulang ito na miniature literature na tinangkilik at nagustuhan ng mga makata sa buong
mundo. Ang pinakaunang Tanka ay mababasa sa aklat na Manyoshu o Collection of Ten Thousand
Leaves, isang antolohiya na naglalaman ng iba’t ibang anyo ng tula na karaniwang ipinahahayag at inaawit
ng nakararami. Isinulat ito ni Manyoshu Basho.

Sa panahong lumabas ang Manyoshu, kumawala sa makapangyarihang impluwensiya ng sinaunang


panitikang Tsino ang mga manunulat na Japan. Ang mga unang makatang Japanese ay sumusulat sa
wikang Tsino sapagkat sa pagsasalita lamang nila ginagamit ang wikang Japanese at wala pang sistema ng
pagsulat.Sa pagitan ng ikalima hanggang ikawalo siglo, umusbong ang isang sistema ng pagsulat ng
Japanese na nilinang nila mula sa karakter ng pagsulat sa China upang ilarawan ang tunog ng Japanese.
Tinawag na Kana ang ponemikong karakter na ito na ang ibig sabihin ay “hiram na mga pangalan.” Noong
panahong nakumpleto na ang Manyoshu, nagsimulang pahalagahan ng mga makatang Japanese ang wika
nila sa pamamagitan ng madamdaming pagpapahayag. Sa kasaysayan ng Japan, ang Manyoshu ay simula
ng kanilang panitikang nakasulat na matatawag nilang orihinal sa kanila.

Ano nga ba ang Haiku? Unang ipinakilala ng mga Hapon ang tulang haiku noong ika-15 siglo. Noong
panahon ng pananakop ng mga Japanese sa Pilipinas lumaganap nang lubos ang Haiku. Ang
pinakamahalaga sa Haiku ay ang pagbigkas ng taludtod nang may wastong antala o paghinto. Ang tawag
dito ay Kiru o cutting sa Ingles. Ang kiru ay kahawig ng sesura sa panulaang Pilipino. Ang Kireji naman
ay salitang paghihintuan o “cutting word.” Ito ay kadalasang matatagpuan sa dulo ng isa sa tatlong parirala
ng bawat berso. Ang kinalalagyan ng salitang pinaghintuan ay maaaring makapagpahiwatig ng saglit na
paghinto sa daloy ng kaisipan upang makapagbigay-daan na mapag-isipan ang kaugnayan ng naunang
berso sa sinundang berso. Maaari rin namang makapagbigay - daan ito sa marangal na pagwawakas.

Para sa mga hapon, ang kagandahan ay matatagpuan sa mga bagay na di sinasabi o ipinapakita, kaya ang
pilosopiya ng kireji ay masasalamin din sa kanilang mga likhang sining kagaya ng larawan na kakikitaan
ng mga espasyong walang pinta. Mas maikli ang haiku dahil may 17 bilang ng pantig na may tatlong linya
lamang: 5-7-5 / 5-5-7 na pantig sa bawat linya. Paksa nito’y ukol sa kalikasan at pag-ibig.

Halimbawa:

Palaka

Mula sa Haiku ni Basho Isinalin sa Filipino ni Bennedick T. Viola

Ninunong sapa – 5 pantig

Tumalon ang palaka, 7 pantig

Tumitilansik. 5 pantig

Anyo ng halimbawa 1: SUKAT /Ni/nu/nong/sa/pa –/ =5 pantig

/Tu/ma/lon /ang/pa/la/ka,/ =7 pantig

/Tu/mi/ti/lan/sik./ =5 pantig

Kabuuang pantig-----17
Halimbawa ang mga ito ng Haiku, binubuo ng tatlong linya at bawat linya/taludtod ay may 5-7-5 na pantig
kaya may kabuuang 17 na pantig ang bawat saknong.

TANDAAN: Puwedeng magkapalit-palit ang bilang ng pantig sa bawat linya o taludtod, ngunit
kailangang tama ang kabuuan nito sa bawat saknong sa Haiku17 na pantig.

Halimbawa: 7-5-5 o 5-7-5 o 5-5-7

Naunang umusbong ang Tanka noong ikawalong siglo. Ito ay binubuo ng 31 na pantig na may 5 linya: 7-7-
7-5-5 / 5-7-5-7-7 na pantig sa bawat taludtod. Nagiging daan ang Tanka upang maipahayag ng mga
nagmamahalan (lalaki at babae) ang kanilang damdamin sa isa’t isa. Ginagamit din sa paglalaro ng
aristocrats ang Tanka, kung saan lilikha ng tatlong taludtod at dudugtungan naman ng ibang tao ng
dalawang taludtod upang mabuo ang isang Tanka. Paksa nito ay tungkol sa pagbabago, pag-ibig at pag-
iisa.

Halimbawa:

Sakura

Mula sa Tanka ni Ki no Tomonori Isinalin sa Filipino ni Romeo B. De Castro, Jr.

Payapang araw

Umaga ng tagsibol

Asul na langit

Napatanong kung bakit

Sakura'y nangahulog?

/Pa/ya/pang/ a/raw/ =5 pantig

/U/ma/ga/ ng/ tag/si/bol/ =7 pantig

/A/sul/ na/ la/ngit/ =5 pantig

/Na/pa/ta/nong/ kung/ ba/kit/ =7 pantig

/Sa/ku/ra'y / na/nga/hu/log?/ =7 pantig

Kabuuang pantig ------------------------31

Halimbawa naman ito ng Tanka dahil binubuo ito ng 5 linya at


bawat linya/taludtod ay may 5-7-5-7-7 na pantig kaya may
kabuuang 31 na pantig ang bawat saknong.

TANDAAN: Puwedeng magkapalit-palit ang bilang ng pantig


sa bawat linya o taludtod, ngunit kailangang tama ang
kabuuan nito sa bawat saknong sa Tanka ay 31 na pantig.
Halimbawa: 7-7-7-5-5 o 5-7-5-7-7 o 5-5-7-7-7

You might also like