You are on page 1of 4

Haiku at Tanka

mula sa Japan
Kaligirang Pangkasaysayan ng Tanka at Haiku
Isinalin sa Filipino na M.O. Jocson

TANKA
 Ginawa noong ikawalong siglo
 Ang tiyak na bilang ng pantig ay 31 at ang bilang ng taludtod ay lima sa
tradisyonal na tanka. Tatlo sa mga taludtod ay may tigpipitong pantig
samantalang ang natitirang dalawa ay binubuo ng tiglimang pantig.
 Maiikling awitin ang ibig sabihin ng tanka na puno ng damdamin.
 Bawat tanka ay nagpapahayag ng emosyon o kaisipan.
 Karaniwang paksa naman ang pagbabago, pag-iisa, o pag-ibig.
 Ang pinakaunang tanka ay kasama sa kalipunan ng mga tula na
tinawag na Manyoshu o Collection of Ten Thousand Leaves.
 Manyoshu o Collection of Ten Thousand Leaves
 Ito ay antolohiya na naglalaman ng iba’t ibang anyo ng tula na
karaniwang ipinapahayag at inaawit ng nakararami.
 Sa panahong lumabas ang Manyoshu, kumawala sa
makapangyarihang impluwensya ng sinaunang panitikang Tsino
ang mga manunulat na Hapon.
 Ang mga unang makatang Hapon ay sumusulat sa wikang Tsino
sapagkat ekslusibo lamang ang wikang Hapon sa pagsasalita at
wala pang sistema ng pagsulat.
 Noong panahon na nakumpleto na ang Manyoshu, nagsimulang
pahalagahan ng mga makatang Hapon ang wika nila sa
pamamagitan ng madamdaming pagpapahayag.
 Kung historikal ang pagbabatayan, ipinapahayag ng mga Hapon
na ang Manyoshu ang simula ng panitikan nilang nakasulat na
matatawag nilang sariling-sarili nila.
 Kana
 Ito ay umusbong sa pagitan ng ikalima hanggang ikawalong siglo
 Ito ay isang sistema ng pagsulat ng Hapon na nilinang na mula sa
karakter ng pagsulat sa China upang ilarawan ang tunog ng
Hapon.
 Ponemang karakter, ang ibig sabihin ay “hiram na pangalan.”

 Nagiging daan ang tanka upang magpahayag ng damdamin sa isa’t isa


ang
nagmamahalan.
 Ginagamit din sa paglalaro ng aristocrats ang tanka, kung saan lilikha
ng tatlong taludtod at dudugtungan naman ng ibang tao ng dalawang
taludtod upang mabuo ang isang tanka.

HAIKU
 Ginawa noong ika-15 siglo.
 binubuo lamang ng 17 pantig ay may tatlong taludtod.
 Ang pinakamahalaga sa haiku ay ang pagbigkas ng talutod na wasto ang
antala o hinto.

 Sa mga tulang ito, layong pagsama-samahin ang mga ideya at imahe sa


pamamagitan ng kakaunting salita lamang.
PAGKAKAIBA NG TANKA AT HAIKU
TANKA HAIKU
Bilang ng pantig 31 na pantig 17 pantig
Bilang ng talutod 5 3
Hati ng pantig sa taludtod 7-7-7-5-5/ 5-7-5-7-7 o 5-7-5 o 7-5-5 o maaaring
maaaring magkapalit-palit magkapalit-palit basta
basta makabuo ng 31 pantig makabuo
ng 17 pantig
Paksa pagbabago, pag-ibig at pag- Tungkol sa kalikasan at pag-
iisa ibig
Laging may salitang
nagsasaad ng panahon ng
pagkakasulat (literal man o
nakapaloob sa tula)
Ang tanka at haiku ay parehong nagpapahayag ng masidhing damdamin.

Kasaysayan ng Haiku at Tanka sa Pilipinas

 Ang Haiku at Tanka ay nakilala sa bansang Pilipinas noong pananakop


ng mga Hapon sa taong 1941-1945.
 Malaki ang inihatid na pagbabago ng mga Hapon sa panitikang Pilipino
sapagkat umusbong ang mga panitikang nasusulat sa mga diyalekto lalo
na ang wikang Tagalog dahil na rin sa ipinagbawal ng mga Hapon ang
paggamit ng wikang Ingles sa bansa.
 Ang pinakaunang Pilipino na sumulat ng haiku ay si Gonzalo K. Flores
na kilala rin bilang si Severino Gerundio.
 Ang kanyang nagawa ay inilathala sa Liwayway noong Hunyo 5, 1943.
 Ang ibang nagawa na mga Haiku sa panahon noon ay naisulat sa wikang
Ingles at isinalin din sa wikang Tagalog.
 Pinaniniwalaan na ilan sa mga naisulat noon na Haiku ay may
kinalaman sa klase ng pananakop ng mga Hapon sa bansang Pilipinas.

TANAGA
 Ang katangian ay may pitong pantig sa bawat talutod.
 Ito ay maaaring hindi nilalagyan ng pamagat. Ang mga paksa ng tanaga
ay karaniwang hinggil sa pakikipagkapuwa, lipunan, pagbabago at
kapaligiran.

WIKA
Ponemang Suprasegmental
 Ito ay makahulugang yunit ng tunog na karaniwang hindi tinutumbasan
ng mga letra sa pagsulat. Sa halip, sinisimbolo ito ng mga notasyong
ponemiko upang
matukoy ang paraan ng pagbigkas.
 Sa paggamit ng suprasegmental, malinaw na naipahahayag ang
damdamin, saloobin, at kaisipang nais ipahayag ng nagsasalita. Sa
pakikipagtalastasan, matutukoy natin ang kahulugan, layunin o
intensyon ng pahayag o ng nagsasalita sa pamamagitan ng haba o diin,
tono o intonasyon, at antala o hinto sa pagbibigkas at pagsasalita.
Mga Uri ng Ponemang Suprasegmental
1. Diin/ Haba
 Ang lakas, bigat, o bahagyang pagtaas ng tinig sa pagbigkas ng isang
pantig sa salita. Ang diin ay isang ponema sapagkat sa mga salitang may
iisang tunog o baybay, ang pagbabago ng diin ay nakapagpapabago ng
kahulugan nito.
 Maaring gamitin sa pagkilala ng pantig na may diin ang malaking titik.

Mga halimbawa:
1. Sa salitang /pa:SO/ (Taniman ng halaman)
Ang diin ay nasa huling pantig na /SO/. Ngunit kapag inilipat natin ang
diin sa unang pantig na /pa/, mababago ang kahulugan nito.
Magiging /PAso/ (Bahagi ng katawan na nadikitan ng mainit na bagay).
2. Hiram lamang ang /BU:hay/ ng tao. (Kapalaran ng tao)
Masaya si Khali ng malamang /bu:HAY/ ang kanyang kaibigan.
(Humihinga pa)

2. Tono/Intonasyon
Ang pagtaas at pagbaba ng tinig na maaaring makapagpasigla,
makapagpahayag ng iba’t ibang damdamin, makapagbigay-kahulugan, at
makapagpahina ng usapan upang higit na maging mabisa n gating pakikipag-
usap sa
kapwa.
Tatlong (3) Antas ng tono ng pagsasalita:
Mataas 3
Normal 2
Mababa 1

Mga halimbawa:
1. Pagsasalaysay o paglalarawan
Dumating sila kanina.
2. Patanong na sasagot ng OO o HINDI
Sila iyon, di ba?
3. Pagpapahayag ng matinding damdamin o padamdam
Naku, may sunog!
4. Pakiusap
Pakibuksan ang bintana.

3. Hinto/Antala
 Nangangahulugan ito ng pagtigil sa pagsasalita. Maaring huminto nang
panandalian habang sinasabi ang isang pangungusap at maaari rin
namang sa katapusan na ng pangungusap ang paghinto. Sa pagsulat,
sinisimbolo ng kuwit (,) ang panandaliang paghinto at ng tuldok (.) ang
katapusan ng pangungusap.
 Sa mga pangungusap sa ibaba, nilalagyan ng isang bar ( / ) ang isang
saglit na paghinto. At ng dobleng bar ( // ) ang katapusan ng pahayag.
Mapapansing naiiba ang kahulugan ng pangungusap sa pag-iiba ng
hinto sa pangungusap.

1. Tita Shahida Lim ang pangalan niya.//


(Sinasabi ang buong pangalan ng ipinakikilala)
2. Tita/ Shahida Lim ang pangalan niya.//
(Kinakausap ang tita/tiya at ipinakikilala si Shahida Lim)
3. Tita Shahida/ Lim ang pangalan niya.//
(Kausap ang isang tiya na Shahida ang pangalan at ipinakikilala si Lim)

You might also like