You are on page 1of 13

YUNIT II ARALIN 7

Ang mga Suprasegmental


page 123
Ang mga Hapones ay kilala sa kanilang
pagiging pagkamalikhain. Katunayan,
maraming ambag ang mga Hapones hindi
lamang sa agham at teknolohiya kundi
maging sa sining. Kilala ang bansang Hapon
sa iba’t ibang anyo ng sining tulad ng manga
at anime. Ngunit, bago pa man ang mga ito,
nakilala na ang mga Hapones sa kanilang
maiikling tulang tanka at haiku.
Ang tanka ay isa sa mga pinakamatandang anyo
ng panitikan ng mga Hapones. Ito ay nagmula sa
waka na nangangahulugang tula ng mga
Hapones. Ang karaniwang tema nito ay pag-ibig.
Bukod sa pag-ibig, binibigyan din ng pansin ang
paglalarawan sa pang-araw-araw na
pamumuhay, isyung panlipunan tulad ng
kahalagahan ng pagkakaisa, pagbabago, at iba
pa.
Ang tanka ay binubuo lamang ng limang taludtod
at may kabuong 31 pantig. Ito ay nahahati sa
pamamagitan ng limang pantig sa unang
taludtod, pitong pantig sa ikalawang taludtod,
limang pantig sa ikatlong taludtod, at ang
dalawang huling taludtod ay may pitong pantig
bawat isa.
TANKA
Salin sa Filipino ni Marga B. Carreon

Naiisip ka Nakilala ka
Pagtulong nakita ka Hindi lubos maisip
Sa panaginip. Buhay may saysay.

Kung nalalaman ko lang Di na ako At ngayo’y umaaasa


gumising pa. Buhay ko’y lumawig pa. ni Fujiwara Yoshitaka

(954-74)
ni Ono no Komachi (825-00)
page 123

Panahong Heian (mula 794 hanggang (1185)


-nakilala ang tulang tanka sa bansang
Hapon. Ang pagbigkas ng tanka ay isa sa
mga paboritong libangan ng mga taong kilala
sa lipunan na tinatawag na maharlika o
aristokrat.

Panahong Medieval (mula 1185 hanggang


1603)- unti-unting lumamlam ang tanka at
naging popular ang haiku.

Ang haiku ay pinaikling tanka. Ito ay binubuo lamang ng tatlong maiikling


taludtod at may kabuoang 17 pantig. Ang unang taludtod ay may limang
pantig, ang ikalawang taludtod ay may pitong pantig, at ang ikatlong taludtod
ay may limang pantig.

Matsuo Basho (1644-1694)


-manunulat ng haiku, pinakasikat at pinakaimpluwensiyal. Dahil sa kanyang mga
akda, nagkaroon ng mas malalim na pagtigin ang pagsulat ng haiku sapagkat
binigyan niya ng pansin ang mga malilit na ganap at katotohanan sa ating pang-
araw-araw na buhay na kasasalaminan ng malalim na damdamin o emosyon.

HAIKU
Salin sa Filipino ni Marga B. Carreon
Sa lumang lawa Sa isang sanga
Ang palaka’y lumundag Tubig nag- Ang uwak nagpahinga Gabing
ingay taglagas

ni Matsuo Basho (1644-1694) ni Matsuo Basho (1644-1694)

Bagama’t payak o simple ang mga salitang gamit sa tanka at haiku,


mayaman ang mga ito sa imahen at talinhaga. Nakatauon ang mga ito sa
mga karanasan ng manunulat at sa mga nakikita niya sa paligid na
bagama’t maaaring walang saysay sa iba ay may hugot naman sa kanya.

Bukod dito, sa mga tauhang tanka at haiku masasalamin ang iba


pang mga katangian ng mga Hapones tulad ng kanilang pagiging
mapagmasid at pagmamahal sa kapwa at kalikasan.

Ang bawat tula at iba

pang mga akdang pampanitikan ay kasasalaminan ng mga matalinghagang salita o pahayag tulad ng mga
idyomatikong pahayag at mga tayutay.

Narito ang ilang halimbawa ng idyomatikong pahayag:

• balat-sibuyas- sensitibo
• ilista sa tubig- kalimutan
• nagdilang-anghel- nagkatotoo ang sinabi

Narito naman ang mga tayutay na laging ginagamit:


• Pagtutulad o Simile- paghahambing ito ng dalawang tao, bagay,
hayop, at iba pa at ginagamit ang mga salitang tulad ng, kagaya
ng, tila, parang, at iba pa.
• Pagwawangis at Metapora- ito ay tuwirang paghahambing at hindi
ginagamitan ng mga salitang tulad ng, kagaya ng, tila, parang, at
iba pa.

3. Pagsasatao o Personipikayson- ang mga katangiang


pantao ay isinasalin sa bagay.

4. Pagmamalabis o Eksaherasyon- labis o kulang ang


inihahayag na katayuan o sitwasyon ng tao o bagay.

Ponemang Suprasegmental- ay tumutukoy sa makahulugang


yunit ng tunog na walang katumbas na letra sa pagsulat. Ito ay
ang sumusunod: tono o intonasyon, haba, diin, at antala o
hinto.

Tono o Intonasyon- ay ang paraan ng pagbigkas ng mga


salita. Tumutukoy ito sa pagtaas at pagbaba ng boses upang
ipahiwatig ang damdaming namamayani ng tagapagsalita.
Halimbawa:

Sa probinsiya tayo magbakasyon upang madalaw na rin natin


sina lolo at lola.

Talaga? Yehey! Makikita ko na ulit sila!

Sa haba ay binibigyang-pansin ang haba o ikli ng pagbigkas ng pantig o


ng salita. Samantala, sa diin o lexical stress ay binibigyang-pansin ang
paglakas o paghina ng bigkas ng pantig.

Halimbawa:
/ka.i.BI.gan/- sa salitang kaibigan, nasa pantig
na -bi- ang haba ng bigkas.

/ka.i.bi.GA.nin/- sa salitang kaibiganin, nasa pantig


na -ga- ang haba ng bigkas.

Ang antala o hinto ay tumutukoy sa saglit na pagtigil sa pagsasalita. Ang


mga bantas tulad ng kuwit (,), tuldok-kuwit (;), o tutuldok (:) ay mga hudyat
ng paghinto o pagtigil sa anyong pasulat.
Halimbawa:
Hindi, ako ang magpapabakuna.
Hindi ako ang magpapabakuna.
Sa unang pangungusap, dahil sa bantas na kuwit (,) ay nagkaroon ng antala o
hinto sa pagsasalita. Dahil dito, nangangahulugang may pag-amin o pagsang-
ayon sa tagapagsalita. Samantala, sa
ikalawang pangungusap ay walang antala kaya mahihinuhang
tumatanggi ang tagapagsalita.
@reallygreatsite

You might also like