You are on page 1of 3

RADIO-BASED INSTRUCTION FILIPINO 9

MODYUL 1

RADIO TEACHER: Magandang araw mga mag-aaral at mga magulang na nakikinig ngayon sa istasyon Radyo Kastigo! Ako
si Ma'am Ma Teresa Curayag, ang inyong guro sa Filipino 9. Pag-uusapan natin ngayon ang mga mahahalagang aralin sa
module 1 ng Filipino 9. Handa na ba kayong makinig?

MUSIC UP FOR 3 SECS AND UNDER


RADIO TEACHER: Kung gayon, Ihanda ang inyong modyul 1.

MUSIC UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER


RADIO TEACHER: Kunin at buksan ang unang modyul na may pamagat na Tula ng Silangang Asya. Ang modyul na ito ay
naglalaman ng mga sumusunod na aralin:

Sa unang aralin, lilinangin ang iyong pag-unawa at pagpapahalaga sa Tanka at Haiku ng Japan. Alam mo ba na ang Tanka at
Haiku ay may malaking bahagi sa kasaysayan at panitikan ng Pilipinas? Ang mga tulang ito ay may kaniya-kaniyang ganda na
mas nagpalalim pa sa pagmamahal ng mga Pilipino sa panitikang panulaan.

Narito ang mga kasanayang pampagkatuto na iyong kailangang matutunan sa araling ito.
 Nasusuri ang tono ng pagbigkas ng napakinggang tanka at haiku
 Nabibigyang kahulugan ang matatalinghagang mahahalagang salitang ginamit sa tanka at haiku
 Nagagamit ang suprasegmental na antala/hinto, diin at tono sa pagbigkas ng tanka at haiku

MUSIC UP FOR 3 SECS AND UNDER


RADIO TEACHER: Bago natin sisimulan ang talakayan, sagutin mo muna ang bahaging Subukin Natin. Titik lamang ng
tamang sagot ang piliin. Tandaan, huwag sulatan ang modyul. Lahat ng inyong sagot ay isulat sa papel.

MUSIC UP FOR 3 SECS AND UNDER


RADIO TEACHER: Tapos na ba? Kung tapos na, basahin mo ang bahaging Aralin Natin ng iyong modyul. Sa bahaging ito,
makikilala at matutuklasan mo ang bagong aralin na kinapapalooban ng tulang pampanitikan ng Japan.
Ang Tanka at Haiku ay iilang anyo ng tula na pinahahalagahan ng panitikang Hapon. Ano nga ba ang Tanka? Ang Tanka ay
nangangahulugang maikling awitin, ibig sabihin ay puno ng damdamin. May tatlumpu’t isang (31) bilang ng pantig at may
limang taludtod ang tradisyonal na Tanka. Ang unang tatlong taludtod ay may tigpipitong bilang ng pantig samantalang ang
huling dalawang taludtod ay may tiglilimang pantig. Samantala, ang Haiku naman ay nabuo at lumaganap sa panahon ng
pananakop ng mga Hapon sa Pilipinas. Binubuo ng labimpitong pantig na nahahati sa tatlong taludtod.

Mabibigyan ng malalim at magandang kahulugan ang mga tulang nabanggit kung ito ay bibigkasin nang may tamang diin,
hinto, at antala ang mga salitang nakapaloob dito. Sa tulong ng ponemang suprasegmental, naipahahayag nang mabuti at
malinaw ang paksa ng tula.

Ano nga ba ang Ponemang Suprasegmental?

Ang Suprasegmental ay ang pagbibigay ng diin (stress), tono (tone), haba (lengthening) at hinto o antala (juncture) sa pagbigkas
sa pantig
Sa madaling sabi, mas madaling matutukoy ang kahulugan, layunin o intesiyon ng pahayag o ng nagsasalita sa pamamagitan ng
mga ponemang suprasegmental gaya ng mga sumusunod:

1. Haba
2. Diin
3. Tono
4. Hinto/Antala

Basahin mo ang depinisyon at halimbawa ng bawat isa. Ito ay nasa pahina 7 ng iyong modyul. Unawain mo ang mga ito nang
mabuti para may maisagot ka sa mga gawain na sa mga susunod pang bahagi ng modyul na iyong sasagutin.
MUSIC UP FOR 3 SECS AND UNDER
RADIO TEACHER: Ngayon, tingnan ang bahaging Gawin Natin ng iyong modyul. Basahin ang halimbawa ng tanka at haiku
na may wastong pagbigkas sa bawat salita na nakapaloob sa tula. Sagutin ang tanong pagkatapos ng tula. Isulat ang iyong sagot
sa papel.

MUSIC UP FOR 3 SECS AND UNDER


RADIO TEACHER: Upang lubos na malinang ang iyong kasanayan sa araling ating tinalakay, gawin mo ang mga
hinihinging gawain sa bahaging SANAYIN NATIN. Basahin ang Tanka ni Ki No Tomonori at sagutin ang katanungan na
nakapaloob sa hugis bilog sa pamamagitan ng pagbigay ng kahulugan sa mga matatalinghagang salita o mga salitang may
konotasyong pagpapakahulugan.

MUSIC UP FOR 3 SECS AND UNDER


RADIO TEACHER: Ang susunod na bahagi ay magpapatibay ng iyong pag-unawa at mga kasanayan sa mga tulang Tanka at
Haiku. Basahin at unawain ang bawat katanungan sa bahaging TANDAAN NATIN. Isulat sa papel ang letra ng tamang sagot.

MUSIC UP FOR 3 SECS AND UNDER


RADIO TEACHER: Sa puntong ito, susukatin natin ang iyong kasanayan sa araling ating tinalakay sa pamamagitan ng
pagsagot sa mga tanong sa bahaging SURIIN NATIN at PAGYABUNGIN NATIN.

MUSIC UP FOR 3 SECS AND UNDER


RADIO TEACHER: Nakilala mo na at natunghayan ang kagandahan ng tulang Tanka at Haiku mula sa bansang Japan. Ang
mga tulang ito ay naging bahagi na ng ating kasaysayan at nakatulong nang malaki upang mahalin pa nang lubos ng mga
Pilipino ang panitikan ng ating bansa.

Nasuri mo na rin ang tono ng pagbigkas ng Tanka at Haiku na kung saan malaki ang katungkulan ng ponemang suprasegmental
upang maipahayag nang tama at labis na maintindihan ang mensahe at damdamin ng tula. Sa pamamagitan ng ponemang
suprasegmental, mas nabibigyang- linaw ang bawat salita at naiiwasan ang maling pagpapakahulugan sa tula.

MUSIC UP FOR 3 SECS AND UNDER


RADIO TEACHER: Sa pagkakataong ito, pag-aralan naman natin ang susunod na aralin. Sa araling ito ay lilinangin ang iyong
pag-unawa at pagpapahalaga sa Tanka at Haiku ng Japan. Alam mo ba na may paraan at estilo ng pagkakasulat ang Tanka at
Haiku? Sa araling ito, matutuklasan mo ang estilo, paraan, pagkakaiba, at pagkakatulad ng mga tulang ito. Alamin at tunghayan
mo naman ang kagandahan ng pagkakasulat ng Tanka at Haiku.

Narito ang mga kasanayang pampagkatuto sa araling ito:


 Nasusuri ang pagkakaiba at pagkakatulad ng estilo ng pagbuo ng tanka at haiku.
 Naisusulat ang payak na tanka at haiku sa tamang anyo at sukat.

MUSIC UP FOR 3 SECS AND UNDER


RADIO TEACHER: Bago natin sisimulan ang talakayan, sagutin mo muna ang bahaging Subukin Natin. Titik lamang ng
tamang sagot ang piliin.

MUSIC UP FOR 3 SECS AND UNDER


RADIO TEACHER: Natalakay sa nakaraang aralin ang tungkol sa tulang Tanka at Haiku. Nakilala mo nang lubos ang mga
tulang ito sa pamamagitan ng pagsuri at pagbigkas nang maayos ng mga salita na nakapaloob sa tula. Natalakay din na may
malaking gampanin ang ponemang suprasegmental sa pag-unawa ng mensahe ng tulang tanka at haiku. Sa ngayon, pag-aaralan
mo naman ang Estilo ng Pagkakasulat ng Tanka at Haiku.

Maikling awitin ang tanka na binubuo ng tatlumpu’t isang pantig na may limang taludtod. Ang karaniwang hati sa mga taludtod
ay 7-7-7-5-5, 5-7-5-7-7 o maaaring magkapalit-palit din na ang kabuoan ng pantig ay tatlumpu’t isang pantig pa rin.

Samantala, ang haiku ay tulang mas pinaikli pa sa tanka. May labimpitong bilang na pantig na may tatlong taludtod. Maaaring
ang hati ng pantig sa mga taludtod ay 5-7-5 o maaaaring magkapalit-palit din na ang kabuoan ng pantig ay labimpito pa rin.

Tingnan sa bahaging ARALIN NATIN ang halimbawa ng tanka at haiku. Pagkatapos, sagutin mo ang mga katanungan hinggil
ditto.

MUSIC UP FOR 3 SECS AND UNDER


RADIO TEACHER: Tapos na ba? Magaling! Sa puntong ito, Isa-isahin ang pagkakaiba at pagkakatulad ng Tanka at Haiku
batay sa kayarian nito. Isulat ang iyong sagot sa papel, gawing gabay ang diagram na nasa bahaging GAWIN NATIN ng iyong
modyul.

MUSIC UP FOR 3 SECS AND UNDER


RADIO TEACHER: Ngayon naman, tingnan mo ang bahaging SANAYIN NATIN. Itala sa loob ng kahon ang mahahalagang
impormasyon na nabasa at naunawaan mula sa estilo ng pagkakasulat ng tulang Tanka at Haiku.

MUSIC UP FOR 3 SECS AND UNDER


RADIO TEACHER: Para sa panghuling gawain, Sumulat ng sariling Tanka at Haiku. Sundin ang wastong bilang ng pantig sa
bawat taludtod. Isulat ito sa isang buong papel. Tingnan sa bahaging PAGYABUNGIN NATIN ang rubric sa pagbuo ng haiku
at tanka upang magsilbing gabay mo sa paggawa ng nasabing tula.

MUSIC UP FOR 3 SECONDS AND UNDER


RADIO TEACHER: Sana’y naunawaan ninyo ang talakayan natin sa araw na ito. Kung may mga katanungan kayo tungkol sa
modyul maari niyo akong ma chat sa aking Messenger at ikagagalak kong mabigyan ng kasagutan ang inyong mga tanong.
Hanggang sa susunod nating leksyon, ako ang inyong guro sa himpapawid, Ma’am Ma. Teresa Curayag. Laging tandaan, mag-
aral nang mabuti sapagkat ito ang susi tungo sa isang masaganang bukas! Hanggang sa muli, paalam!

You might also like