You are on page 1of 8

DAHON NG MGA GAWAING PAMPAGKATUTO

FILIPINO GRADE 9
Ikalawang Markahan
I- MINI LESSON

Hi! Maganadang umaga! Ako ay si Teacher Ivy


na maging maging guro mo sa oras na ito.Nawa’y
maging handa ka sa bagong paraan ng pagtuturo
upang kayo ay manatiling ligtas sa mga panahong ito.
Basahin at unawaing mabuti ang ating
magiging paksa at ang bawat Gawain na aking
inihanda na magiging gabay mo para matutunan mo
ang ating leksiyon.Maging handa at masaya sa
pagsasagawa ng iyong mga gawain. Isang masayang
pagbati!

Panuto: Mula sa larawang ipapakita isusulat mo kung ano ang mga


ideyang naisip mo tungkol sa larawan.

Ang larawan ay tungkol sa babaeng Hapones.

Panuto:Sa pamamagitan ng mga ipapakita halimbawa alin ang napabilang


sa Tanka at aling halimbawa ang napabilang sa Haiku.Halimbawa 1
Halimbawa 2

Katapusan ng Aking Paglalakbay Tutubi


ni Oshikochi Mitsune ni Gonzalo K. Flores
Isinalin sa Filipino ni M.O. Jocson
Hila mo’y tabak
Napakalayo pa nga Ang bulaklak nanginig
Wakas ng paglalakbay Sa paglapit mo.
Sa ilalim ng puno,Tag-init noo
Sagot:

II- Pinatnubayang Gawain:


Gawain 1- Bulaklak ng Kaalaman(Ibigay ang kahulugan ng
mga salitang nasa loob ng bulaklak at isulat ang kahulugan nito
sa loob ng kahon.

Bago natin simulan ang iba pang mga gawain atin


mo nang bigyang kahulugan ang mga salitang may
kahirapang unawain mula sa akda.Sasagutin mo ang
gawaing tinatawag na “Bulaklak ng Kaalaman.

TANKA HAIKU KIREJI

KANA KIRU SHIGURE

TANKA: HAIKU: KIREJI:

KANA: KIRU: SHIGURE:

Mga Pagpipiliang kahulugan:


- Ito ay unang ulan sa pagsisimula ng taglamig.
- Ito ay parehong angyo ng tula at ito ay maikling awitin na binubuo
ng tatlumpo’t isang pantig.
- Ito ay pinakamahalaga sa pagbigkas ng taludtod na may wastong
antong antala o paghinto,ito ay kahawig sa sesura sa ating
panulaan.
- Ito ay tinatawag na ponemikong karakter na ang ibig sabihin ay
hiram na mga salita
-Ito ay salitang paghihintuan na kadalasang matatagpuan sa dulo
ng isa sa huling taludtod. -Ito ay binubuo ng labimpitong bilang ng
pantig na may tatlon taludtod
Sagot:

TANKA: HAIKU: KIREJI:

KANA: KIRU: SHIGURE:

Isang maligayang pagbati dahil nasagot mo ang nasabing


gawain.Ngayon naman ang susunod na iyong gagawin ay
basahin at unawaing mabuti ang tungkol sa akdang tanka at
Haiku,at sasagutin ang gawain na tinatawag nating “Kahon ng
Kaalaman”.
Tanka at Haiku
Para lubos mong maunawaan ang ating paksa halika’t pag-
usapan nating ang tungkol sa paksa.Ito ay tungkol sa tanka at
haiku mula sa bansang Japan ito ay pinahahalagahan ng
panitikang Hapon.Ginawa ang tanka noong ikawalong siglo at ang
haiku Noong ika-15 siglo.Sa mga tulang ito layong pagsama-
samahin ang mga ideya at imahe sa pamamagitan ng kakaunting
salita lamang.Para lubos mong maunawaan an gating paksa
halika’t pag-usapan nating ang tungkol sa paksa.Ito ay tungkol sa
tanka at haiku mula sa bansang Japan ito ay pinahahalagahan ng
panitikang Hapon.Ginawa ang tanka noong ikawalong siglo at ang
haiku Noong ika-15 siglo.Sa mga tulang ito layong pagsama-
samahin ang mga ideya at imahe sa pamamagitan ng kakaunting
salita lamang.
Ang pinakaunang tanka ay kasama sa kalipunan ng mga tula
na tinatawag na Manyusho o Collection of Ten Thousand
LeavesNaglalaman ng iba’t ibang anyo ng tula.
Ang mga unang makatang Hapon ay sumulat sa wikang Tsino
sapagkat ekslusibo lamang ang wikang Hapon sa pagsasalita at
wala pang sistema ng pagsulat..Sa pagitan ng ikalima hanggang
ikawalong siglo,isang sitema ng pagsulat ng Hapon ang nilinang
na mula sa karakter ng pasulat ng China upang ilarawan ang
tunog ng Hapon.Tinatawag na Kana ang ponemikong karakter na
ang ibig sabihin ay “hiram na pangalan “.
Maikling awitin ang ibig sabihin ng tankan a puno ng ng
damdamin.Bawat tanka ay nagpapahayag emosyon o kaisipan
at ang karaniwang paksa naman ang pagbabagp,pag-iisa o pag-
ibig.Tatlumpu’t isa ang tiyak na bilang ng pantig na may limang
taludtod ang tradisyunal na tanka.Karaniwang hati ng pantig ng
tanka ay:7-7-7-5-5 o 5-7-5-7-7maaring magkapalit –palit din ang
kabuuang pantig.
Isinilang ang bagong anyo ng pagbuo ng tula ng mga
Hapon.Ang bagong anyo ng tula ay tinatawag na Haiku.Binubuo
ng labimpitong pantig na nahahati sa tatlong taludturan.Ang
karaniwang hati ng pantig ay: 5-7-5 o maaring magkapalit- palit
din
Ang pinakamahalaga sa haiku ay ang pagbigkas ng
taludtod na wastong antala o paghinto.Kiru ang tawag dito o sa
Ingles ay cutting.Ang Kiru ang kahawig ng sesura sa ating
panulaan.Ang Kireji naman ang salitang paghihintuan o cutting
word.Ito ay kadalasang matatagpuan sa dulo ng isa sa huling
tatlong parirala sa bawat berso.
Ang mga salita na ginamit at maaring sagisag sa
kaisipan.Halimbawa ang salitang Kawazu ay “palaka “ na
nagpapahiwatig ng tagsibol.Ang Shigure naman ay “unang ulan
sa pagsisimula ng taglamig.”Mahalagng maunawaan ng babasa
ng haiku at tanka at kultura at paniniwala nmg mga Hapon upang
lubos na mahalaw ang mensaheng nakapaloob.
.

“ KAHON NG KAALAMAN “
Ano ang ibig sabihin
ng tanka?
Sagot:
Kailan isinulat Ano ang paksa Ano ang karaniwang
ang tanka? ng tanka ? hati o sukat ng tanka?
Sagot: Sagot: Sagot:

Ano ang ibig sabihin ng


haiku?
Sagot:

Kailan isinulat Ano ang paksa ng Ano ang


karaniwang
ang haiku? haiku? hati o sukat ng
haiku?
Sagot: Sagot: Sagot:
Activity 2- (We Do)
Kahon ng Kaalaman(Isulat ang mga mahahalagang impormasyon mula
sa akda at isulat sa loob ng kahon.

“ KAHON NG KAALAMAN “
Ano ang ibig sabihin
ng tanka?
Sagot:
Kailan isinulat Ano ang paksa Ano ang karaniwang
ang tanka? ng tanka ? hati o sukat ng tanka?
Sagot: Sagot: Sagot:

Ano ang ibig sabihin ng


haiku?
Sagot:

Kailan isinulat Ano ang paksa ng Ano ang


karaniwang
ang haiku? haiku? hati o sukat ng
haiku?
Sagot: Sagot: Sagot:

Activity 3 – Paghambingin Mo (Mula sa binasang Tanka at Haiku,Isa-


isahin ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mga ito sa
pamamagitan ng Graphic Organizer.

Tanka Tanka at Haiku


Haiku
Pagkakaiba

Pagkakaiba

Pagkakatulad
III- Di Pinatnubayang Gawain

Sa gawaing ito ay kailangan mong panuorin at


pakinggan ang Video tungkol sa paraan ng
pagbigkas ng Tanka at Haiku.Bisitahin lamang ang
link

Activity 1
A. Panuto: Suriin MoPanonood/Pakikinig: Panoorin o manood ng video ng
pagbigkas ng tanka at haiku. Suriin ang paraan ng pagbigkas nito.
Puntahan ang link na

Paraan ng Pagbigkas Tanka Haiku


Tono
Himig
Pagbigkas ng salita

B. Paunto: Sumulat ng isang halimbawa ng tanka at haiku at ipadala mo sa


aking e mail account na ivyann.ochate@deped.gov.ph.
Ito ang iyong gabay o pamatayan sa pagsulat ng tanka at haiku.
Pamantayan 5 4 3 2 1
PAKSA:
Nasusunod
ang
karaniwang
paksa ng
haiku at tanka
NILALAMAN:
Angkop ang
nilalaman sa
paksa
ESTRUKTURA:
Nasusunod
ang mga
bilang ng
pantig at
taludtod ng
haiku at tanka
Kabuuan
IV. EVALUATION

Alam kong masaya at panatag parin ang


iyong kalooban matapos mong nasagot ang mga
iba’t ibang gawain.Handa ka nang sagutin ang
ating ebalwasyon upang masukat at iyong
natutunan mula sa unang gawain hanggang sa
huling mga Gawain.
Panuto: Basahin at unawain ang bawat katanungan at isulat ang titik ng
tamang sagot
1. Bakit na tinatawag na ponemikong karakter ang Kana?
a.Dahil ang Kana ay hiram na mga salita.
b.Dahil ang Kana ay hiram na mga pantig.
c.Dahil ang Kana ay hiram na mga letrang alpabeto.
d.Dahil ang Kana ay hiram na mga pangalan.
2. Sa pagbigkas ng taludtod ng tanka at haiku ay may wastong antala o
paghinto,Ano ang tawag sa antala o paghinto sa wikang hapon?
a. Kireji b.Kiru c.Kawazu
d.Shigure
3. Aling kahulugan ng Tanka ang hindi kabilang sa pangkat?
a.Pagbabago b.Pag-ibig c.Pag-iisa d.Kalikasan
4. Aling kahulugan ng Haiku ang kabilang sa pangkat?
a.Pagbabago at Pag-ibig
b.Pag-ibig at Pag-iisa
c.Pag-ibig at Kalikasan
d. Pababago at Kalikasan
Haiku ni Basho
Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat
Matandang Sapa
Ang palaka’y tumalon
Lumalagaslas

5.Ibigay ang kahulugan ng salitang may salungguhit sa taludtod.


a.Pagsisimula ng tag-init
b.Pagsisismula ng tag-ulan
c. Pagsisimula ng taglamig
d. Pagsisimula ng taglagas

You might also like