You are on page 1of 6

RADIO BASED INSTRUCTION SCRIPT IN FILIPINO 10

QUARTER 2 – MODULE 2

1. INTRO: Isang mapagpalang araw po sa ating lahat. Sa mga mag-aaral sa Barayong National High
School, mga magulang, kaibigan, lahat po ng nakikinig ngayon sa istasyon ng Radyo Kastigo,
isang magandang araw po sa inyong lahat! Sa aming kagalang-galang na punong guro ng
Barayong National High School, Ginang Sylvia A. Fernandez, magandang araw po Ma’am.
Maraming salamat po sa pagkakataong makapagbigay na naman kami ng kaalaman sa
pamamagitang ng radio.
2. MUSIC UP FOR 5 SECS AND FADE
UNDER
3. RADIO Ako si Binibining Kristel Joy Mancera, ang inyong guro sa Filipino 10. Pag-uusapan natin
TEACHER: ngayon ang mga mahahalagang aralin sa module 2 ng Filipino 10. Handa na ba kayong
makinig?
4. RADIO TEACHER: Kung gayon, Ihanda ang inyong modyul 2.
5. Kunin at buksan ang ikalawang modyul na may pamagat na Tula: Salamin at Kultura. Ang
modyul na ito ay naglalaman ng mga sumusunod na aralin:
6. MUSIC UP FOR 5 SECS AND FADE
UNDER
7. RADIO Sa unang aralin, pag-aaralan mo ang elemento ng tula. Narito rin ang mga kasanayang
TEACHER: pampagkatuto na iyong kailangang matutunan sa araling ito.
 naibibigay ang puna sa estilo ng napakinggang tula (F10PN-IIc-d-70);
 nasusuri ang mga elemento ng tula (F10PB-IIc-d-72);
 naibibigay ang kahulugan ng matatalinghagang pananalita na ginamit sa tula (F10PT-
IIc-d-70);
 naisusulat ang sariling tula na may hawig sa paksa ng tulang tinalakay (F10PU-IIc-d-
72);
 nagagamit ang matatalinghagang pananalita sa pagsulat ng tula (F10WG-IIc-d-65);
 naisusulat ang sariling tula na may hawig sa paksa ng tulang tinalakay (F10PU-IIc-d-
72); at
 nagagamit ang matatalinghagang pananalita sa pagsulat ng tula (F10WG-IIc-d-65)

8. MUSIC UP FOR 3 SECS AND UNDER


9. RADIO Bago natin sisimulan ang talakayan, sagutin mo muna ang bahaging Subukin Natin. Titik lamang
TEACHER: ng tamang sagot ang piliin. Tandaan, huwag sulatan ang modyul. Lahat ng inyong sagot ay isulat
sa papel.
10. MUSIC UP FOR 3 SECS AND UNDER
11. RADIO Tapos na ba? Kung tapos na, basahin mo ang bahaging Aralin Natin ng iyong modyul. Sa
TEACHER: bahaging ito, pag-aaralan natin ang mga elemento ng tula.
12. Ang tula ay isang akdang pampanitikang naglalarawan ng buhay, hinango sa guniguni,
pinararating sa ating damdamin, at ipinahahayag sa pananalitang may angking ali-iw.
13. MUSIC UP FOR 3 SECS AND UNDER
14. RADIO Mga elemento ng tula
TEACHER:
1. Sukat- ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na bumubuo sa isang
saknong. Ang pantig ay tumutukoy sa paraan ng pagbasa.

Halimbawa:
is-da (ito ay may dalawang pantig)
is-da ko sa Ma-ri-ve-les (ito ay may 8 pantig)

2. Saknong – ay isang pangkat sa loob ng isang tula na may dalawa o maraming linya
(taludtod ).

15. MUSIC UP FOR 3 SECS AND UNDER


16. RADIO 3. Tugma – isa itong katangian ng tula na hindi angkin ng mga akda sa tuluyan. Sinasabing
TEACHER: may tugma ang tula kapag ang huling pantig ng huling salita ng bawat taludtod ay
magkakasintunog. Lubha na itong nagpapaganda sa pagbigkas ng tula. Ito ang
nagbibigay sa tula ng angkin nitong himig o indayog.

17. RADIO
TEACHER: Mga uri ng tugma

1. Tugma sa pantig (Ganap)

halimbawa: Mahirap sumaya


Ang taong may sala

2. Tugma sa katinig (Di-ganap)

a. unang lipon – b,k,d,g,p,s,t

halimbawa: Malungkot balikan ang taong lumipas Nang siya sa sinta ay kinapos-palad

b. ikalawang lipon- l,m,n,ng,r,w,y

halimbawa: Sapupo ang noo ng kaliwang kamay Ni hindi matingnan ang sakit ng araw

18. MUSIC UP FOR 3 SECS AND


UNDER
19. RADIO 4. Kariktan - ito ay nagtataglay ng maririkit na salita na kung saan mapukaw ang
TEACHER: damdamin at kawilihan ng mambabasa.
5. Talinhaga- magandang basahin ang tulang di tiyakang tumutukoy sa bagay na
binabanggit. Ito’y isang sangkap ng tula na may kinalaman sa natatagong kahulugan ng
tula.

Halimbawa: nag-agaw buhay


nagbabalat ng buto

20. MUSIC UP FOR 3 SECS AND


UNDER
21. RADIO Maliban sa mga elemento ito ay may matalinghagang pahayag na hindi tuwirang inihahayag kung
TEACHER: ano ba ang literal na pagpapakahulugan nito. Kadalasan ay ginagamitan ito ng paghahambing ng
mga bagay na nagpapataas ng pandama ng mga mambabasa. Iniuugnay ng talinghaga ang mga
karanasan, pangyayari at bagay-bagay na alam ng taumbayan.
Sinasabing ang talinghaga ang siyang larawan ng kamalayan ng manunulat. Isa sa madalas na
ginagamit sa pagpapahayag ng talinghaga ay ang tayutay.
22. MUSIC UP FOR 3 SECS AND
UNDER
23. RADIO Ano ba ang tayutay?
TEACHER: Ang tayutay ay paggamit ng isang salita o pahayag upang bigyang- diin ang nais ipabatid na
damdamin, kaisipan at saloobin. Itinuturing na palamuti ang tayutay sa tula sapagkat ito ang
nagpapaganda sa tula.

Iba’t ibang uri ng Tayutay:


 Pagtutulad o simile – Ito ay di tiyak na paghahambing ng dalawang

bagay na magkaiba.

Ilan sa mga parirala at salitang ginagamit sa paghahambing:


Tulad ng/ katulad ng sing- Wangis ng/ kawangis ng sim-
Paris ng magkasing-
Tila magkasim-
Anaki’y animo

Halimbawa:
1. Ang pag-ibig niya ay tila ginto na hindi kumukupas.
2. Nagniningning ang kaniyang mga mata katulad ng bituin.

24. MUSIC UP FOR 3 SECS AND


UNDER
25. RADIO  Pagwawangis o metapora – Ito ay tiyakang paghahambing ng dalawang bagay ngunit
TEACHER: hindi na ito ginagamitan ng mga parirala o salita.

Halimbawa:
1. Sa aming mga magkaklase si Rose ang maamong tupa sapagkat palagi siyang sumunod s autos
ng aming guro.
2. Pagong kumilos si Luna.

 Pagmamalabis o hyperbole – Layunin nitong bigyan ng kaigtingan ang nais ipabatid


kaya ginagamitan ito ng mga pahayag na nagpapakita ng kalabisan.

Halimbawa:
1. Namuti ang buhok niya sa kakahintay sa akin.
2. Abot hanggang langit ang buhok ng aking kaibigan.

 Pagtatao o personipikasyon – Ito ay pagkakapit ng katangian o katalinuhan ng tao sa


mga bagay na walang buhay at maging sa mga hayop.

Halimbawa:
1. Nagsasayawan ang mga damo.
26. MUSIC UP FOR 3 SECS AND UNDER
27. RADIO Naintindihan niyo ba ang aralin natin sa araw na ito? Kung gayon ay may katanungan ako sa
TEACHER: inyo.
1. Ano ang tula?
2. Ano-ano ang elemento ng tula at bakit ito mahalaga?
3. Nakatutulong ba ang mga tayutay sa matalinghagang pagpapahayag?
4. Makabuluhan ba ang paggamit ng matalinghagang salita sa pagsulat ng tula?
5. Sa tingin mo, kaakit-akit pa rin bang basahin ang isang tula kahit na hindi ginagamitan ng
matalinghagang pahayag?
28. MUSIC UP FOR 3 SECS AND UNDER
29. RADIO Upang lubos na malinang ang iyong kasanayan sa araling ating tinalakay, gawin mo ang mga
TEACHER: hinihinging gawain sa bahaging GAWIN NATIN. Basahin at unawaing mabuti ang tulang liriko
ng tanyag na manunulat na si Elizabeth Barrett Browning ng Inglatera (hango sa Sonnet 43 ).
(How Do I Love Thee-Sonnet XLIII ni Elizabeth Barrett Browning Isinalin sa Filipino ni Alfonso
O. Santiago) Pagkatapos mo itong basahin, sagutin mo limang katanungan kasunod nito.
30. MUSIC UP FOR 3 SECS AND UNDER
31. RADIO Ang susunod na bahagi ay masusubukan ang inyong galing sa pagbibigay ng kahulugan sa mga
TEACHER: matatalinghagang salita. Hanapin sa Hanay B ang hinihinging kahulugan ng mga matatalinghang
salita na nasa Hanay A.
32. MUSIC UP FOR 3 SECS AND UNDER
33. RADIO Sa puntong ito, ayusin ang mga salita na nasa loob ng kahon upang mabuo ang kaisipan na nais
TEACHER: ipabatid nito. Tingnan ito sa bahaging TANDAAN NATIN ng inyong modyul.
34. MUSIC UP FOR 3 SECS AND UNDER
35. RADIO Sa pagkakataong ito, Suriin ang binasang tula (How Do I Love Thee-Sonnet XLIII ni Elizabeth
TEACHER: Barrett Browning Isinalin sa Filipino ni Alfonso O. Santiago) batay sa elemento nito. Gawin sa
sagutang papel.
36. MUSIC UP FOR 3 SECS AND UNDER
37. RADIO Para sa panghuling gawain, may tanong ako sa inyo. Naranasan niyo na bang umibig? Dahil
TEACHER: buwan ngayon ng pag-ibig, nais kong sumulat ka ng isang tula na binubuo ng dalawang saknong
para sa taong iyong iniibig. Ito ay maaring sa magulang, kaibigan, pamilya at iba pa. Huwag
kalimutang gamitin ang matalinghagang pahayag sa pagsulat ng tula. Tingnan sa bahaging
Payabungin natin ang pamantayan sa pagmamarka sa inyong isusulat na tula.
38. MUSIC UP FOR 3 SECONDS AND
UNDER
39. RADIO Sana’y naunawaan ninyo ang talakayan natin sa araw na ito. Kung may mga katanungan kayo
TEACHER: tungkol sa modyul maari niyo akong ma chat sa aking Messenger at ikagagalak kong mabigyan
ng kasagutan ang inyong mga tanong. Hanggang sa susunod nating leksyon, ako ang inyong guro
sa himpapawid, Binibining Kristel Joy C. Mancera. Laging tandaan, mag-aral nang mabuti
sapagkat ito ang susi tungo sa isang masaganang bukas! Hanggang sa muli, paalam!

Prepared by:

KRISTEL JOY C. MANCERA


Guro sa Filipino 10

Noted:

JUANA S. AMORO
MT-I/Filipino Coordinator

Republic of the Philippines


DEPARTMENT OF EDUCATION
Region XI
Division of Davao del Sur
BARAYONG NATIONAL HIGH SCHOOL
Barayong, Magsaysay, Davao del Sur

WEEKLY HOME LEARNING PLAN


FILIPINO 10
Quarter 2, Module 2
Day & Learning Learning Learning Tasks Mode of Delivery
Time Area Competency
1:00- Babasahin ang modyul 2 sa baitang 10 “ Tula: Salamin ng Kultura .” Sagutin ang mga katanungan.
4:30
Filipino Dalhin ng magulang
ang output at modyul
1. naibibigay ang puna I. Sagutin ang katanungan sa Subukin. sa paaralan at ibigay sa
sa estilo ng II. Basahin at unawain ang bahaging Aralin guro.
napakinggang tula Natin na nasa pahina 6 ng modyul.
(F10PN-IIc-d-70); Nakapaloob dito ang Tula, Elemento nito
2. nasusuri ang mga ang mga uri ng tugma.
elemento ng tula III. Basahin at unawaing mabuti ang tulang liriko
(F10PB-IIc-d-72); ng tanyag na manunulat na si Elizabeth
3. naibibigay ang
Barrett Browning ng Inglatera (hango sa
kahulugan ng
Sonnet 43). Pagkatapos, sagutin mo ang
matatalinghagang
mga tanong na nasa pahina 12.
pananalita na ginamit IV. Sagutin mo ang mga sumusunod na
sa tula (F10PT-IIc-d- gawain.
70); A. Sa bahaging Sanaying Natin, hanapin mo
4. naisusulat ang sariling sa Hanay B ang hinihinging kahulugan ng mga
tula na may hawig sa matatalinghang salita na nasa Hanay A.
paksa ng tulang B. Sa bahaging Tandaan Natin, ayusin ang
tinalakay (F10PU-IIc- mga salita na nasa loob ng kahon upang mabuo
d-72);
ang kaisipan na nais ipabatid nito.
5. nagagamit ang
C. Sa bahaging Suriin Natin, suriin ang
matatalinghagang
pananalita sa pagsulat binasang tula (How Do I Love Thee-Sonnet XLIII
ng tula (F10WG-IIc-d- ni Elizabeth Barrett Browning Isinalin sa Filipino
65); ni Alfonso O. Santiago) batay sa elemento nito.
6. naisusulat ang sariling D. Sa bahaging Payabungin Natin, sumulat ka
tula na may hawig sa ng isang tula na binubuo ng dalawang saknong
paksa ng tulang para sa taong iyong iniibig. Ito ay maaring sa
tinalakay (F10PU-IIc- magulang, kaibigan, pamilya at iba pa. Huwag
d-72); at kalimutang gamitin ang matalinghagang
7. nagagamit ang pahayag sa pagsulat ng tula.
matatalinghagang E. Basahin at unawain ang nakasulat sa
pananalita sa pagsulat bahaging Pagnilayan Natin.
ng tula (F10WG-IIc-d-
65)

Prepared by:

KRISTEL JOY C. MANCERA


Filipino 8 & 10 Teacher

Submitted to:

JUANA S. AMORO
MT- I/Filipino Coordinator

Approved:
SYLVIA A. FERNANDEZ
Principal II
RADIO BASED INSTRUCTION SCRIPT IN FILIPINO 10
QUARTER 2 – MODULE 2
MOVs
This radio-based instruction in Filipino was conducted last March 3, 2021 at Radyo Kastigo station of Magsaysay,
Davao del Sur.

You might also like