You are on page 1of 13

Date: May 13,2022

Episode: 3 (3:00-4:30 pm)


Presenter: Jobert Cullo / Cherry Mae Candalia
School: Tudok Elementary School/ Tboli 6
Learning Area: Araling Panlipunan 5
Subject Matter: Ang mga Kababaihan sa Pakikibaka ng Bayan
Objective/Competency: Natataya ang partisipasyon ng iba’t-ibang rehiyon at sektor
(katutubo at kababaihan) sa pakikibaka ng bayan. (AP5PKB-IVf-4)
Technical Spiels ETA
Instructions (1800
sec)
INSERT DEPED JINGLE 142
MSC sec
PROGRAM
ID
MSC UP, 20
sec
SUSTAIN
OBB… MSC 25
FADE sec
UNDER

Walang makakahadlang!
Walang maiiwan!
Sama-samang ililipad
Kamtin ang pangarap!

Sa hamong kinakaharap,
Patuloy ang pangarap!
Edukasyon para sa lahat
Sulong Edukalidad!

Ito ang DEPED Radyo Eskwela, sumasahimpapawid sa DXNR


103.3 RADYO KATRIBU.
MSC UP, 5 sec
SUSTAIN
MSC Fade Magandang araw mga ginigiliw naming mag-aaral sa Ikalimang 20
Under baitang! sec
Ito ang inyong paaralang panghimpapawid sa ARALING
PANLIPUNAN 5 ! Nagagalak kaming makasama kayo sa ating
pag-aaral sa pamamagitan ng radio.
Ako ang inyong lingkod, Teacher JOBERT CULLO mula sa
mababang paaralan ng Tudok Elementary School .
MSC UP, 5 sec
SUSTAIN
MSC Fade Bago tayo magsimula, Siguraduhin ninyo na kayo ay nasa isang 35
Under komportableng lugar at maayos na nakakapakinig ng ating sec
broadcast. MATANONG KO LANG……. KUMAIN NA BA KAYO?
Paala lamag na sa ating panahon ngayon, dapat ugaliing
maghugas ng kamay bago at pagkatapos kumain, panatalihing
malinis ang ating pangangatawan ng sa gayon malayo tayo sa
anumang uri ng sakit. Sa mga tapos ng kumain, mabuti kung
may laman na ang inyong mga tiyan upang maging alerto ang
inyong pag-iisip at maayos na maunawaan ang ating aralin
ngayong araw.

MSC UP, 5 sec


SUSTAIN
MSC FADE Sa pagtatapos ng aralin ay, Natataya ang partisipasyon ng 20
UNDER iba’t-ibang rehiyon at sektor (katutubo at kababaihan) sa sec
pakikibaka ng bayan.

Sa puntong ito, nais kong kunin ninyo ang inyong mga


handouts sa learning Activity Sheet 1 (LAS-1), WEEK 5 upang
makapagsimula na tayo sa ating bagong leksyon.
MSC UP, 5 sec
SUSTAIN
MSC FADE Sa puntong ito, atin ng simulan ang bago nating leksiyon 15
UNDER tungkol sa “Ang Partisipasyon ng Kababaihan sa Pakikibaka sec
ng Bayan

Handa na ba kayo mga bata?


MSC UP, 5 sec
SUSTAIN
MSC FADE Ang Partisipasyon ng Kababaihan sa Pakikibaka ng Bayan 150
UNDER
Nagbago rin ng katayuan at pamumuhay ng mga sec
kababaihan sa pagdating ng mga Kastila sapagkat, mas
binigyan ng pagkakataon lamang na makapag-aral ay mga
kalalakihan.
Marahil ang pangyayaring ito ang dahilan kung bakit mas
maraming mga lalaki ang nagkaroon ng papel sa kasaysayan.
Sa ating aralin ngayon, muli nating balikan ang kasaysayan
upang mabigyang pagpapahalaga naman ang iba’t ibang sektor
sa lipunan kasama at ang mga kababaihan na naging bahagi
ng pakikibaka laban sa kolonyalismo o pananakop ng mga
kastila.
Narito ang mga kababaihang may partisipasyon sa pakikibaka
ng bayan. Halimbawa:
 Gabriela Silang – Nong ika-19 ng Marso, 1731 ay
ipinanganak si Gabriela Silang sa Caniogan, Santa, Ilocos Sur.
Siya ang asawa ni Diego Silang na siyang. Si Diego Silang ang
nagpalaya ng Ilocos mula sa pagmamalupit ng mga Kastila.
Napatay si Diego Silang noong 1763. Dito na nagsimula ang
pamumuno ni Gabriela Silang bilang kahalili ng kaniyang
asawa. Siya ay ang kaisa-isang Pilipina na naging pinuno ng
mga kawal. Sa kaniyang likas na tapang at lakas ay tinuloy
niya ang laban sa Ilocos at kaagapay nito ang kabayong
sinasakyan sa pakikipaglaban. Noong 1763, nahuli at pinatay
siya ng mga Kastila at ang mga kasamahan niya. Naging
halimbawa si Gabriela ng katapangan ng loob ng mga babae sa
Pilipinas.
 Gregoria de Jesus - Isinilang si Gregoria de Jesus o kilala
bilang si Oriang sa Caloocan. Panganay siya sa magkakapatid
at masasabing naging maayos naman ang kanilang buhay.
Nakilala niya si Andres Bonifacio bago pa lamang maitatag ang
Katipunan. Bago sila maikasal, sumapi na sa Katipunan si
Gregoria de Jesus. Sa isang pagpupulong ng mga Katipunero,
nabuo ang isang sektor na pambabae sa samahan. Siya ang
inihalal na pangalawang pangulo. Mahirap ang naging
kalagayan ni Oriang lalo na nang matuklasan ang Katipunan.
Si Oriang ang tagapagtago ng lihim na dokumento ng
Katipunan bilang siya ang Lakambini ng samahan at asawa ng
Supremo.
MSC UP, 5 sec
SUSTAIN
MSC FADE Sa ngayon, inyo ng natutunan ang tungkol sa Ang 20
UNDER Partisipasyon ng Kababaihan sa Pakikibaka ng Bayan sec

Mabuti mga bata! Handa na ba kayo sa ating gawain? Kung


handa na kayo, kunin na ang inyong mga papel at ballpen at
simulant na natin.
MSC UP, 5 sec
SUSTAIN
MSC FADE Para sa ating Panuto: Gawain A. Iguhit ang bituin kung ang 90
UNDER salaysay ang tumutukoy kay Gabriela Silang at buwan naman sec
kung tumutukoy kay Gregoria de Jesus.
Para unang bilang..

_________ 1. Isinilang siya sa Caloocan

Kung ang iyong sagot ay , hugis Buwan , ikaw,


ay tama, Mahusay!

_________ 2. Siya ang kaisa-isang Pilipina na naging pinuno ng


mga kawal.

Kung ang iyong sagot ay , hugis bituin , ikaw, ay


tama, Magaling!
_________ 3. Itinuloy niya ang laban sa Ilocos pagkatapos
mamatay ng kanyang asawa.

Kung ang iyong sagot ay , hugis bituin , ikaw, ay


tama!
_________ 4. Nakilala niya si Andres Bonifacio ng maitatag ang
Katipunan.

Kung ang iyong sagot ay , hugis buwan , ikaw,


ay tama, Tumpak!

_________ 5. Siya ang naging halimbawa ng katapangan ng mga


babae sa Pilipinas

Kung ang iyong sagot ay , hugis bituin , ikaw, ay tama!

Para sa ating Gawain B.


Sagutin ang tanong. Isulat ang sagot sa nakalaang patlang.
Ano-ano ang naging partisipasyon nina Gabriela Silang at
Gregoria deJesus sa pakikipaglaban sa mga Kastila? (5 puntos)

Pero bago yan nais kung malaman ninyo ang ating rubrik para
sa Gawain B.

Rubrik sa Pagbibigay ng Puntos


Kraytirya Puntos
Pagkakabuo 2
(organisasyon ng
ideya )
Nilalaman 2
Kalinisan 1 1
Kabuuan 5
Bibigyan ko lamang kayo ng sampung Segundo sa pagsulat ng
inyong mga sagot.

Naintindihan ba? Okay magaling!

MSC UP, 5 sec


SUSTAIN

MSC FADE Ayan! Napakahusay nyong nasagutan ang ating Gawain sa 20


UNDER Learning Activity Sheet 1 (LAS 1), week 5.
sec
Alam kung marami kayong natutunan sa ating aralin ngayong
araw.
Nawa’y hindi lamang ito ang inyo matutunan subalit mas
marami pa dahil mayroon pa tayong mga magagandang
tatalakayin na tiyak inyong magagamit balang araw.
MSC UP, 5 sec
SUSTAIN
MSC FADE Para sa lahat ng ikalimang baiting, ito na po ang ating aralin 15
UNDER sa Araling Panlipunan, ikaapat na markahan week 5 LAS 1 sec

Ngayon tutulungan tayo ng ating lingkod na si Teacher Cherry


sa susunod na leksyon.
MSC UP, 5
SUSTAIN
sec
MSC FADE TEACHER CHERRY 40
UNDER
Magandang hapon! mga ginigiliw naming mag-aaral ng sec
Ikalimang baitang!
Ako ay inyong lingkod Teacher CHERRY MAE CANDALIA
mula sa mababang paaralan ng TUDOK ELEMENTARY
SCHOOL.
Nandito ako, para gabayan kayo habang patuloy nating
tatalakyin ang ating leksyon ngayong hapon.
HANDA NA BA KAYONG MATUTO ULIT? Kung kayoy
handa na, nais kong kunin ninyo ang inyong mga handouts sa
learning Activity sheets 2 (LAS 2) quarter 4 week 5 , para sa
ating bagong leksiyon.
MSC UP, 5
SUSTAIN
sec
MSC FADE Ang susunod nating tatalakayin ay, tungkol sa Pagpapaunlad 20
UNDER ng Sarili, Pagpapaunlad ng Bayan.
sec
Pero bago yan, nais kong malaman ninyo ang ating layunin ,
pagkatapos ng aralin na ito, ikaw ay inaasahang: Natataya ang
partisipasyon ng iba’t-ibang rehiyon at sektor (katutubo at
kababaihan) sa pakikibaka ng bayan.

MSC UP, 5 sec


SUSTAIN
MSC FADE At sa puntong ito , nais kong buksan ninyo ang inyong
UNDER learning activity sheets 2 (LAS -2) quarter 4 week 5, At makinig,
dahil ating tatalakayin Ang Partisipasyon ng Iba pang
Kababaihan sa Pakikibaka ng Bayan

Ang Partisipasyon ng Iba pang Kababaihan sa Pakikibaka ng


Bayan

Ang mga Pilipina noon pa man sa panahon ng barangay at


sultanato ay binigyang pagpapahalaga na ng lipunan.
Hindi maikakaila ang maraming papel na ginampanan ng mga
kababaihan , bilang mandirigma,babaylan at punong
tagapangasiwa sa loob ng tahanan.
May ilan pang kababaihang nagpakita ng kanilang tapang.
Halimbawa:
 Gliceria Marella de Villavicencio - bagaman marami ang
kumampi sa mga dayuhan, may mga miyembro rin ng mga
mayayamang angkan ang matapat na sumuporta sa layunin ng
rebolusyon. Isa sa kanila si Gliceria Mmarella de Villavicencio
ng Taal, Batangas. Maaga siyang nagpakasal kay Eulalio
Villavicencio sa gulang na 19. Dahil parehong nagmula sa
mayamang angkan at mahusay sa pagnenegosyo, mas napalago
nila ang kanilang mga ari-arian. Nang mapatay noong 1872 ang
mga paring GOMBURZA, nagsimula na si Gliceria at ang
kanyang asawa sa pagiging aktibo sa Propaganda.
 Melchora Aquino - kilala si Melchora Aquino sa twag na “Ina
ng Katipunan”. Sa edad na 84, hindi siya nag-atubiling
magbigay ng tulong sa mga nasugatang Katipunero sa tuwing
napapasabak ang mga ito sa labanan. Dahil mayroon siyang
palayan, naging mainam na kanlungan ng mga rebolusyonaryo
ang kanyang lugar. Hindi rin siya naging maramot na magbigay
ng palay o kalakal niya sa kanyang tindahan. Dito madalas
niyang makausap si Andres. Siya ay hinuli at ikinulong dahil sa
kaniyang pagtulong sa mga Katipunero. Siya ay ipinatapon sa
Guam kung saan tinanggap siya ng mag-asawang Pilipino.
Pinili niyang magtrabaho sakanila kaysa tumanggap ng libreng
tulong.
MSC UP, 5 sec
SUSTAIN
MSC FADE Sa ngayon, atin ng natalakay at natutuhan ang tungkol sa Ang 10
UNDER Partisipasyon ng Iba pang Kababaihan sa Pakikibaka ng
sec
Bayan
MSC UP, 5 sec
SUSTAIN
MSC FADE Sa puntong ito, handa na ba kayong mat ulit? Kung kayo’y 90
UNDER handa na, nais kong, kunin ninyo ang inyong mga papel at
sec
ballpen at simulant na nating sagutin ang gawain.

Para sa ating panuto: Gawain A: Itala sa loob ng bilog ang mga


impormasyon tungkol kay Gliceria Marella de Villavicencio at sa
loob ng kahon naman ang mga impormasyon tungkol kay
Melchora Aquino.
Naintindihan ba? Okay ,magaling!

At ngayon bibigyan ko lamang kayo ng tatlongpung segundo sa


pagguhit at pagsulat ng sagot.

At sa puntong ito halinan’t sabay-sabay natin iwasto ang


inyong mga sagot.
Ang tamang impormasyon tungkol kay

Gliceria Marella de Villavicencio

1. Siya ay mula sa Taal, Batangas

2. Maaga siyang nagpakasal kay Eulalio Villavicencio sa gulang na 19.

3. mahusay sa pagnenegosyo,

4. aktibo sa Propaganda.

5. nagmula sa mayamang angkan

Melchora Aquino
1. Siya ay tinaguriang “Ina ng Katipunan”

2. Hindi rin siya naging maramot na magbigay ng palay o kalakal niya sa kanyang
tindahan

3 Siya ay hinuli at ikinulong dahil sa kaniyang pagtulong sa mga Katipunero.


Ang tamang impormasyon tungkol kay
4 Siya ay ipinatapon sa Guam kung saan tinanggap siya ng mag-asawang Pilipino
. 5. Sa edad na 84, hindi siya nag-atubiling magbigay ng tulong sa mga nasugatang
Katipunero sa tuwing napapasabak ang mga ito sa labanan.
Unang gawain pa lamang iyon , ngunit, mahusay niyong
nasagutan .
Tiyak , na lahat kayo ay nakakuha ng tamang sagot .

Para sa Gawain B: Sagutin ang tanong. Isulat ang sagot sa


nakalaang patlang. Paano ipinakita nina Gliceria Marella de
Villavicencio at Melchora Aquino ang pagmamahal sa bayan? (5
puntos)
Pero bago yan nais kung malaman Ninyo ang ating rubrik para
sa Gawain B.
Rubrik sa Pagbibigay ng Puntos
Kraytirya Puntos
Pagkakabuo 2
(organisasyon ng
ideya )
Nilalaman 2
Kalinisan 1
Kabuuan 5
MSC UP, 5
SUSTAIN
sec
MSC Magaling mga bata! Tiyak, lahat kayo nakakuha ng tamang 15
sagot. sec
FADE
UNDER
MSC UP, 5
SUSTAIN
sec
MSC FADE Ayan! Napakahusay nyong nasagutan ang ating 30
UNDER Gawain.Ngayon naman ating tatalakayin ang panghuling
sec
leksyon ngayong hapon.

Bago tayo magsimula nais kong kunin ninyo ang inyong mga
handouts sa learning Activity Sheet 3 (LAS-3) para sa ating
huling leksiyon sa Araling Panlipunan, ikaapat na Markahan,
week 5 at tutulungan tayo ng ating likod Guro na si Teacher
Jobert!
MSC UP, 5
SUSTAIN
sec
MSC FADE TEACHER JOBERT 90
UNDER
Ang ating tatalakayin ngayong hapon ay Ang Pakikibaka ni sec
Teresa Magbanua
Pero bago yan, nais kong malaman ninyo ang ating layunin ,
pagkatapos ng aralin na ito, ikaw ?ay inaasahang: Natataya
ang partisipasyon ng iba’t-ibang rehiyon at sektor (katutubo
at kababaihan) sa pakikibaka ng bayan.

Bilang panimula, buksan ang inyong learning activity sheets 3


o (LAS- 3) ,quarter 4 week 5 At makinig dahil ating tatalakayin
ang Ang Pakikibaka ni Teresa Magbanua

Handa na ba kayo mga bata?... MABUTI!

Ang Pakikibaka ni Teresa Magbanua


Isa sa mga matatapang na babae si Teresa Magbanua.
Nagmula siya sa mayamang angkan. Tubong Pototan, Iloilo siya
at pinag-aral sa mahusay na paaralan. Nagtapos siya ng
pagkaguro at sandaling nakapagturo. Nang siya ay mag-asawa,
ginugol niya ang panahon sa pag-aasikaso sa kanilang asyenda.
Nahasa pa niya ng lalo ang kanyang galing sa pangangabayo.
Narito ang ilan sa mga naging partisipasyon ni Teresa
Magbanua sa pakikibaka laban sa mga Kastila.
Halimbawa
 Nakilala siya sa kaniyang husay sa pamumuno at tinawag na
Nay Isa. Nang sumiklab ang rebolusyon, sumanib siya sa
Katipunan sa kabila ng pagtutol ng kaniyang asawa. Naunang
sumapi sa Katipunan ang kaniyang dalawang kapatid na lalaki
na pawang may mataas na katungkulan sa Katipunan.
Pinamunuan niya ang isang pangkat ng mga kalalakihan.
Tumulong siya sa pakikipaglaban. Maraming labanan ang
kanilang naipanalo. Sa kabila ng gutom at kakulangan sa
armas, unti-unting naagaw nila ang mga bayan ng Panay
hanggang masakop ng mga puwersang rebolusyonaryo ang
buong isla.
 Ipinagpatuloy niya ang pakikipaglaban sa panahon ng mga
Amerikano. Ang kaniyang kapatid na si Heneral Pascual ay isa
rin sa nagtanggol sa Jaro. Aktibo rin sa pakikipaglaban ang
kanyang kapatid na si Elias. Nang bumagsak ang Sta. Barbara,
Iloilo sa mga kamay ng mga Amerikano, naging gerilya sila.
Napatay ang kaniyang kapatid na si Elias sa isang labanan,
samantalang patraydor namang pinatay si Pascual.
 Nagluksa siya sa pagkamatay ng kaniyang mga kapatid. Nang
magsimulang magsisuko ang mga Heneral, nilansag niya ang
kanyang pangkat sa halip na sumuko. Lumipat siya sa bayan
ng kaniyang asawa at namuhay nang tahimik. Itinigil niya ang
pakikipaglaban nang makita niyang walang mangyayari sa
pagtutol nila sa pananakop ng mga Amerikano. Nagbalik siya
sa kanyang asawa nang sumiklab ang digmaan. Ipinagbili niya
ang kanilang mga ari-arian sapagkat patay na ang kaniyang
asawa at wala naman silang naging anak. Nakitira na lamang
siya sa kaniyang kapatid sa Mindanao. Namatay siya noong
1947.

MSC UP, 5 sec


SUSTAIN
MSC FADE TEACHER CHERRY 20
UNDER
Sa ngayon, inyo ng natutunan ang tungkol sa sec
Ang Pakikibaka ni Teresa Magbanua

At ngayon, dumapo naman tayo sa pang huling gawain sa


aralin na ito.

Pero bago yan,nais kong malaman, Handa na ba kayo? Kung


handa na kayo, kunin na ang inyo mga papel at ballpen at
sisimulan na natin.
MSC UP, 5
SUSTAIN
sec
MSC FADE Para sa ating Panuto: 100
UNDER
Gawain A. Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay angkop sec
na impormasyon tungkol kay Teresa Magbanua at MALI naman
kung hindi angkop. Isulat ang inyong sagot sa patlang.

Naintindihan ba? Okay magaling!

Para sa unang bilang


___________ 1. Si Teresa Magbanua ay tubong Janiuay, Iloilo
. ___________ 2. Nakapagtapos si Teresa bilang isang guro.
___________ 3. Suportado si Teresa ng kaniyang asawa na
sumanib sa Katipunan.
___________ 4. Nahinto ang pakikipaglaban ni Teresa Magnabua
sa panahon ng mga Amerikano.
___________ 5. Pinamunuan ni Teresa ang isang pangkat ng
kalalakihan sa Katipunan.
At sa puntong ito halinan’t sabay-sabay natin iwasto ang
inyong mga sagot.
Para sa unang bilang ang tamang sagot ay,
1. Mali
2. Tama
3. Tama
4. Tama
5. Tama

Unang gawain pa lamang iyon, ngunit, mahusay niyong


nasagutan. Tiyak , na lahat kayo ay nakakuha ng tamang
sagot.
MSC UP, 5
SUSTAIN
sec
MSC FADE Para sa ating pangalawang gawain, 20
UNDER
sec
Panuto: Gawain B. Sagutin ang tanong. Isulat ang sagot sa
nakalaang patlang.

Sa puntong ito , dito natin malalaman kung naunawaan ninyo


an gating tinalakay.
Handa na ba kayo mga bata? ….MABUTI!
MSC UP, 5
SUSTAIN
sec
MSC FADE Pero bago yan nais kung malaman ninyo ang ating rubrik para 90
UNDER sa Gawain B.
sec
Rubrik sa Pagbibigay ng Puntos
Kraytirya Puntos
Pagkakabuo 2
(organisasyon ng
ideya )
Nilalaman 2
Kalinisan 1 1
Kabuuan 5

Bibigyan ko lamang kayo ng sampung Segundo sa pagsulat ng


inyong mga sagot.

Naintindihan ba? Okay magaling!

Ang tanong ay : Paano ipinakita ni Teresa Magbanua ang


kaniyang katapangan sa pakikibaka? (5 puntos)
_____________________________________________________________________
MSC UP, 5
SUSTAIN
sec
MSC FADE Ayan! Napakahusay nyong nasagotan ang ating panghuling 30
UNDER Gawain.
sec
Binabati ko kayo at matagumpay nyung natapos ang Araling
ito.

Dito na nagtatapos ang ating lekson sa hapong ito.Sana’y


naunawaan nyu ang ating aralin. Sa muli ako ang inyong guro
sa himpapawid Teacher CHERRY MAE CANDALIA mula sa
mababang paaralan ng Tudok Elementary School para sa
ikaapat na baiting ,Araling Panlipunan ,ikaapat na
markahan ,week 5 na nagsasabing: Ang wastong edukasyon
ay pahalagahan , ito susi sa iyong kinabukasan.
Hanggang sa muli paalam !!!
MSC UP, 5
SUSTAIN
sec
CBB..MSC TEACHER JOBERT 50
FADE
Isang leksyon na naman ang natapos, nawa’y may napulot sec
UNDER
kayong aral sa ating aralin .Nais kong pasalamatan ang mga
taong naging bahagi ng ating talakayan sa araw na ito, sa
ating mga magulang na walang sawang sumusuporta sa kabila
ng pagsubok na ating kinakaharap.Sa 103.3 Radyo Katribo
Community Radio na naging tulay upang makapaghatid tayo
ng tamang impormasyon ,Sa ating technical side Jonathan
Legal ,Station Manager Rose Dane Santa Maria, Sa Division
of South Cotabato sa pamumuno ni Doc.Ruth
L.Estacio,Division superintendent, Tboli 6 District
Supervisor, Gil M.Tongcaling, Sa aming school head Rene G.
Datulayta.
Sa muli ito ang inyong lingkod Teacher JOBERT CULLO mula
sa mababang paaralan ng Tudok Elementary School na nag-
iiwan ng kasabihang “ANG KAALAMAN AY KAPANGYARIHAN.
ANG IMPORMASYON AY NAGPAPALAYA. ANG EDUKASYON
ANG PANGUNAHING SALIN NG PAG –UNLAD, SA BAWAT
LIPUNAN, SA BAWAT PAMILYA” Kofi Annan
PAALAM!!!

MSC UP, 5 sec


SUSTAIN
INSERT DEPED JINGLE 142
MSC sec
PROGRAM
ID
TOTAL AIRING TIME 1105
sec

Prepared by:

JOBERT CULLO
Teacher 1

Noted by:

RENE G. DATULAYTA
Teacher In-Charge

Approved by:

GIL M. TONGCALING
Principal III/Principal In-Charge

You might also like