You are on page 1of 19

Date: July 02, 2021

Episode: 1 (1:00-1:30)
Presenter: Rency L. Rigo / Myra Flor Salvie L. Barasbaras
School: Tudok Elementary School/ Tboli West IV
Learning Area: Araling Panlipunan 4
Subject Matter: Mga bahaging ginagampanan ng mga mamamayan sa pagtataguyod ng
kaunlaran ng sarili at bansa.
Objective/Competency:
Nasusuri ang bahaging ginagampanan ng mga mamamayan sa pagtataguyod ng
kaunlaran ng bansa. (AP4KPB-IVf-g-5)
1. Nabibigyang halaga ang bahaging ginagampanan ng mga mamamayan sa
pagtataguyod ng kaunlaran ng bansa.
2. Naiisa-isa ang mga gawain na dapat gawin ng mga mamamayan upang
mapaunlad ang sarili tungo sa pagpapaunlad ng bayan.
3. Natatalakay ang mga katangian ng produktibong mamamayan.
Technical Spiels ETA
Instructions (1800
sec)
INSERT MSC DEPED JINGLE 142
PROGRAM sec
ID

MSC UP, 20
SUSTAIN sec

OBB… MSC 25
FADE sec
UNDER
Walang makakahadlang!
Walang maiiwan!
Sama-samang ililipad
Kamtin ang pangarap!

Sa hamong kinakaharap,
Patuloy ang pangarap!
Edukasyon para sa lahat
Sulong Edukalidad!

Ito ang DEPED Radyo Eskwela, sumasahimpapawid sa


DXNR 103.3 RADYO KATRIBU.
MSC UP, 5 sec
SUSTAIN
MSC Fade Magandang araw mga ginigiliw naming mag-aaral sa Ikaapat 20
Under baitang! sec

Ito ang inyong paaralang panghimpapawid sa ARALING


PANLIPUNAN 4 ! Nagagalak kaming makasama kayo sa ating
pag-aaral sa pamamagitan ng radio.

Ako ang inyong lingkod, Teacher RENCY L. RIGO mula sa


mababang paaralan ng Tudok Elementary School .
MSC UP, 5 sec
SUSTAIN
MSC Fade Bago tayo magsimula, Siguraduhin ninyo na kayo ay nasa 35
Under isang komportableng lugar at maayos na nakakapakinig ng sec
ating broadcast. MATANONG KO LANG……. KUMAIN NA BA
KAYO? Paala lamag na sa ating panahon ngayon, dapat
ugaliing maghugas ng kamay bago at pagkatapos kumain,
panatalihing malinis ang ating pangangatawan ng sa gayon
malayo tayo sa anumang uri ng sakit. Sa mga tapos ng
kumain, mabuti kung may laman na ang inyong mga tiyan
upang maging alerto ang inyong pag-iisip at maayos na
maunawaan ang ating aralin ngayong araw.

MSC UP, 5 sec


SUSTAIN
MSC FADE Sa pagtatapos ng aralin ay, Nabibigyang halaga ang bahaging 20
UNDER ginagampanan ng mga mamamayan sa pagtataguyod ng sec
kaunlaran ng bansa

Sa puntong ito, nais kong kunin ninyo ang inyong mga


handouts sa learning Activity Sheet 1 (LAS-1), WEEK 7 upang
makapagsimula na tayo sa ating bagong leksyon.
MSC UP, 5 sec
SUSTAIN
MSC FADE Sa puntong ito, atin ng simulan ang bago nating leksiyon 15
UNDER tungkol sa “Pagpapahalaga ng Mamamayan sa Pagtataguyod sec
ng Pambansang Kaunlaran
Handa na ba kayo mga bata?

MSC UP, 5 sec


SUSTAIN
MSC FADE Pagpapahalaga ng Mamamayan sa Pagtataguyod ng 150
UNDER Pambansang Kaunlaran sec

Ang pag-unlad ng isang bansa ay nakabatay sa kaunlaran ng


mga tao na bumubuo nito. Ang isang bansa ay itinuturing na
binuo sa ilalim ng mga sumusunod na pangyayari:
1. Tratuhin ang mga tao nang pantay, at ang lipunan ay
maayos na tumatakbo;
2. Tratuhin ang lahat nang pantay, at hindi dapat abusuhin
ang mga karapatan at kapangyarihan;
3. Bilang karagdagan, walang natitirang mga isyu ng
mapagkukunan at mga benepisyo na madalas na sanhi ng
mga pangunahing hadlang sa pagbabago at pag-unlad.

Sa parehong oras, ang pag-unlad ng bansa ay ibabatay sa


kakayahang maibsan ang kahirapan sa isang malayang buhay
para sa lahat. Ang isa pang katangian ng mga maunlad na
bansa ay ang pagbibigay ng naaangkop at naaangkop na mga
serbisyong panlipunan. Bilang karagdagan sa edukasyon,
pabahay, kalusugan, seguridad, komunikasyon, at
transportasyon, maaari ring italaga ng gobyerno ang mga
institusyon na maaaring tumugon sa mga agaran at
natatanging pangangailangan ng mga mamamayan sa isang
napapanahong paraan. Kung ang mga serbisyong ito ay
ipinatupad at pinalawak sa karamihan ng mga tao, ang bansa
ay uunlad.

Halimbawa: Itinataguyod ng mamamayan ang maunlad na


lipunan sa pamamagitan ng iba-ibang gawain.

a. Paglinang ng sariling katalinuhan at kakanyahan


Nakasalalay sa mga taong bumubuo sa lipunan ang pag-unlad
nito. Dahil dito, ang bawat isa ay inaasahang paunlarinang
kanilang taglay na talent at kakayahan, hindilamang para sa
sarili kundi para din sa ikabubuti ng bansa.

b. Pagiging produktibo Ito ang pagiging maparaan upang


matugunan ang mga sariling pangangailangan at upang
tumulong sa iba. Kung alam ng lahat kung paano
maghanapbuhay, magiging mabilis ang pag-asenso ng bayan.

c. Pagmamahal sa bayan at kapwa Pilipino Ang pag-unlad ng


isang bansa ay bunga nga pagtutulungan ng mga mamamayan
nito. Ang bawat isa ay nararapat lamang na tangkilikin ang
mga produkto ng ating bansa ng sa gayon ay mabawasan ang
kahirapan at makatulong na puksain ang kawalan ng kita at
hanapbuhay ng ating mga kababayan.

d. Isang uri tumulong na itigil ang katiwalian at maling pag-


uugali sa gobyerno Pinangangasiwaan at pinamumunuan ng
mga kasapi ng gobyerno ang pampinansyal na pananalapi,
mga patakaran, at iba pang pangunahing serbisyo na
hinahatid sa mga tao. Tinitiyak na ang aming mga pinuno ay
matapat at mahusay, upang ang aming lipunan ay tumatakbo
nang maayos ay ang tanging tamang pagpipilian.

e. Sumunod sa batas Isang uri gumawa ng mga batas upang


maprotektahan ang ating kapakanan, buhay at pag-aari. Kung
hindi tayo susunod sa batas, maaabala ang kaayusan ng ating
mga tao. Kahit na ang seguridad ng isang mapayapa at ligtas
na buhay ay mapanganib. Ang ating bayan ay dapat
magkaroon ng mapayapa, maunlad at maayos na buhay.

f. Proteksyon sa kapaligiran at pamana ng etniko Ang


kalikasan ay nagbibigay ng lahat ng mga pangunahing
pangangailangan para sa kaligtasan ng tao. Dapat itong
protektahan lamang sa pamamagitan ng proteksyon, pag-iwas
sa polusyon, pag-uuri ng basura at pag-recycle. Ang ating mga
pangkat etniko ang tatak ng ating pagka-Pilipino. Ito ang
nagpapakilala ng ating lahi. Nagpapakita din ito ng sagana at
maunlad nating kasaysayan.

g. Pag-iingat sa mga pampublikong gamit at lugar Bilang


responsableng mamamayan, nararapat lamang na
pangalagaan nating ang mga imprastuktura sa ating bansa
tulad ng tulad ng mga kalsada at tulay, paliparan, at ospital.
Ang mga ito ay mula sa sipag at tiyaga ng bawat
Pilipino.Tungkulin din ng bawat isa sa atin na ingatan at
gamitin ang mga ito sa tamang paraa.
MSC UP, 5 sec
SUSTAIN
MSC FADE Sa ngayon, inyo ng natutunan ang tungkol sa Pagpapahalaga 20
UNDER ng Mamamayan sa Pagtataguyod ng Pambansang sec
Kaunlaran

Mabuti mga bata! Handa na ba kayo sa ating gawain? Kung


handa na kayo, kunin na ang inyong mga papel at ballpen at
simulant na natin.
MSC UP, 5 sec
SUSTAIN
MSC FADE Para sa ating Panuto: Basahin ko at unawain ninyo ang 90
UNDER sumusunod na mga pangungusap. Iguhit sa patlang ang hugis sec
puso kung ang pangungusap ay nagsasaad ukol sa
pagtataguyod ng mamamayan sa kaunlaran ng bansa at bilog
naman kung hindi.
Para unang bilang..

_______1. May mga nakatapos sa pag-aaral na umaalis ng


bansa upang manilbihan sa ibang bansa.

Kung ang iyong sagot ay , hugis Puso , ikaw, ay


tama, Mahusay!

________2. Marami ang bilang ng hindi nakababasa at


nakasusulat.

Kung ang iyong sagot ay , hugis bilog , ikaw, ay


tama, Magaling!

________3. Ang mga 15 taong gulang na kabataan pababa ay


pinagtatrabaho.

Kung ang iyong sagot ay , hugis bilog , ikaw, ay


tama!

________4. Masaya ang nakararaming mamamayan na


nanunungkulan sa pamahalaan.

Kung ang iyong sagot ay , hugis puso , ikaw, ay


tama, Tumpak!

________5. Sapat at makatuwiran ang kinikita ng mga tao.

Kung ang iyong sagot ay , hugis Puso , ikaw, ay


tama!

________6. Laganap ang rebelyon at krimen sa mga lalawigan

Kung ang iyong sagot ay , hugis bilog , ikaw, ay


tama!

________7. Maraming dayuhan ang dumadalaw at


namumuhunan sa ating bansa

Kung ang iyong sagot ay , hugis Puso , ikaw, ay


tama, Mahusay!

________8. Naaabuso ang mga likas na yaman.


Kung ang iyong sagot ay , hugis bilog , ikaw, ay
tama!

________9. Hindi nakikinig sa Pangulo ng bansa at hindi


sinusunod ang mga batas.

Kung ang iyong sagot ay , hugis bilog , ikaw, ay


tama, Magaling!

________10. Walang krimen na naitala sa loob ng isang


buwan.

Kung ang iyong sagot ay , hugis Puso , ikaw, ay


tama, Mahusay!

MSC UP, 5 sec


SUSTAIN

MSC FADE Ayan! Napakahusay nyong nasagotan ang ating Gawain sa 20


UNDER Learning Activity Sheet 1 (LAS 1), week 7. Alam kung marami sec
kayong natutunan sa ating aralin ngayong araw. Nawa’y hindi
lamang ito ang inyo matutunan subalit mas marami pa dahil
mayroon pa tayong mga magagandang tatalakayin na tiyak
inyong magagamit balang araw.

MSC UP, 5 sec


SUSTAIN
MSC FADE Para sa lahat ng ikaapat na baiting, ito na po ang ating aralin 15
UNDER sa Araling Panlipunan, ikaapat na markahan week 7 LAS 1 sec
Ngayon tutulungan tayo ng ating lingkod na si Teacher MYRA
sa susunod na leksyon.

MSC UP, 5
SUSTAIN sec
MSC FADE MYRA 40
UNDER sec
Magandang hapon! mga ginigiliw naming mag-aaral ng Ikaapat
na baitang!
Ako ay inyong lingkod Teacher MYRA FLOR SALVIE L.
BARASBARAS mula sa mababang paaralan ng TUDOK
ELEMENTARY SCHOOL.
Nandito ako, para gabayan kayo habang patuloy nating
tatalakyin ang ating leksyon ngayong hapon.
HANDA NA BA KAYONG MATUTO ULIT? Kung kayoy
handa na, nais kong kunin ninyo ang inyong mga handouts sa
learning Activity sheets 2 quarter 4 week 7 , para sa ating
bagong leksiyon.
MSC UP, 5
SUSTAIN sec
MSC FADE Ang susunod nating tatalakayin ay, tungkol sa Pagpapaunlad 20
UNDER ng Sarili, Pagpapaunlad ng Bayan. sec

Pero bago yan, nais kong malaman ninyo ang ating layunin ,
pagkatapos ng aralin na ito, ikaw ay inaasahang: Naiisa-isa
ang mga gawain na dapat gawin ng mga mamamayan upang
mapaunlad ang sarili tungo sa pagpapaunlad ng bayan.
MSC UP, 5 sec
SUSTAIN
MSC FADE At sa puntong ito , nais kong buksan ninyo ang inyong 90
UNDER learning activity sheets 2 (LAS 2) quarter 4 week 7, At makinig, sec
dahil ating tatalakayin ang Pagpapaunlad ng Sarili,
Pagpapaunlad ng Bayan.

Pagpapaunlad ng Sarili, Pagpapaunlad ng Bayan

Ang bawat Pilipino ay may responsibilid na paunlarin ang


kanyang sarili upang makatulong sa pagsulong ng kaunlaran
ng ating bansa kung saan tayo naninirahan. Sa anong paraan
mo mapapapunlad ang iyong kakayahan at kasanayan?
Paano ka makatutulong sa pagsulong at pag-unlad ng ating
bansa ang sarili mong pagpapaunlad ng mga ito? Narito ang
mga dapat mong tandaan:

1. Pangangalaga sa Kalusugan Ang bawat isa sa atin ay may


responsibilidad na alagaan ana ating pangangatawan upang
tayo ay makapag-aral, makapaghanapbuhay at mamuhay ng
maayos. Kung maayos ang ating kalusugan at pag-iisip , tiyak
na magagampanan natin ang ating bahagi sa lipunan at
makakatulong tayo sa pag-unlad ng ating bayan.

2. Tamang Saloobin sa Paggawa Isa din sa dapat taglayin ng


bawat mamamayan ay ang tamang saloobin sa paggawa.
Bilang mabuting mamamayan, nararapat na tayo ay maging
responsible sa ating mga gawain at maging matulungin sa
ating kapwa. Pangalagaan din natin ang mabuting relasyon sa
ting mga katrabaho at tiyakin na pumasok sa tamang oras
upang mapabuti ang gawain.

3. Maging Matalinong Mamimili Ang pagiging matalinong


mamimili ay dapat ding taglayin ng bawat Pilipino. Maipakikita
ito kung ang isang mamamayan ay nag-iisip ng mabuti bago
bumili ng kahit anong bagay at hindi basta-bastang
maniniwala sa mga patalastas sa telebisyon man o sa radyo.
Isa pang katangian ng mabuting mamimili ay ang pagiging
wais at mapanuri sa kanyang mga bibilhing bagay.

MSC UP, 5 sec


SUSTAIN
MSC FADE Sa ngayon, atin ng natalakay at natutuhan ang tungkol sa 10
UNDER Pagpapaunlad ng Sarili, Pagpapaunlad ng Bayan sec
MSC UP, 5 sec
SUSTAIN
MSC FADE Sa puntong ito, handa na ba kayong matutu ulit? Kung kayo’y 90
UNDER handa na, nais kong, kunin ninyo ang inyong mga papel at sec
ballpen at simulant na nating sagutin ang gawain.

Para sa ating panuto: Basahin ko at unawain ninyo ang bawat


pangungusap. Lagyan ng tsek (/) ang patlang kung ang mga
pahayag na nakatutulong sa pag-unlad ng sarili o ng bansa at
ekis (X) naman kung hindi.

Naintindihan ba? Okay ,magaling!

Para sa unang bilang,

_______ 1. . Nagsasanay nang mabuti si Mikaela sa paglangoy


upang makasali sa pambansang koponan.

Kung ang iyong sagot ay, tsek, Mahusay!

_______2. Madalang mamasyal sa parke si Lara dahil


tumutulong siya sa tindahan ng kaniyang tiyahin.
Kung ang iyong sagot ay, tsek, ikaw ay tama
_______3. Mahilig magkumpuni ng mga sirang kagamitan si
Mang Lito
Kung ang iyong sagot ay, tsek, Magaling!

_______4. Bata pa lamang si Inso ay sakitin na.


Kung ang iyong sagot ay, ekis ikaw ay tama ,
sapagkat ito ay hindi nakatutulong sa
pagunlad ng sarili o bansa

. _______5. Mahilig makipaghuntahan si Aling Selya. Pati


paghahanda ng pananghalian ay nalilimutan niya.
Kung ang iyong sagot ay,ekis ikaw ay tama
sapagkat ito ay hindi nakatutulong sa iyong pag -unlad.
_______6. . Kahit kailan di nabisita ni Jing ang silid-aklatan sa
kanilang paaralan.
Kung ang iyong sagot ay, ekis ikaw ay tama
sapagkat ito ay hindi nakatutulong sa iyong pag unlad.

_______7. Laging huli sa pulong si Cristina


Kung ang iyong sagot ay, ekis ikaw ay tama ,
sapagkat ito ay hindi nakatutulong sa iyong pag- unlad.
_______8. Mahilig sumabad si Liza sa usapan at hindi sinusuri
ang binibitawan niyang mga salita.
Kung ang iyong sagot ay, ekis, Mahusay!

_______9. Binibili agad ni Raymond kung ano ang maibigan


niya
Kung ang iyong sagot ay, ekis, ikaw ay tama

_______10. Mahilig si Lucia sa imported na mga gamit.


Kung ang iyong sagot ay, ekis, ikaw ay tama!
MSC UP, 5
SUSTAIN sec
MSC .Unang gawain pa lamang iyon , ngunit, mahusay niyong 15
FADE nasagutan . sec
UNDER
Tiyak , na lahat kayo ay nakakuha ng tamang sagot .

MSC UP, 5
SUSTAIN sec
MSC FADE Ayan! Napakahusay nyong nasagutan ang ating 30
UNDER Gawain.Ngayon naman ating tatalakayin ang panghuling sec
leksyon ngayong hapon.

Bago tayo magsimula nais kong kunin ninyo ang inyong mga
handouts sa learning Activity Sheet 3 para sa ating huling
leksiyon sa Araling Panlipunan, ikaapat na Markahan, week 7
at tutulungan tayo ng ating likod Guro na si Teacher Rency!
MSC UP, 5
SUSTAIN sec
MSC FADE RENCY 90
UNDER sec
Ang ating tatalakayin ngayong hapon ay

Pero bago yan, nais kong malaman ninyo ang ating layunin ,
pagkatapos ng aralin na ito, ikaw ?ay inaasahang:
Natatalakay ang mga katangian ng produktibong
mamamayan .

Bilang panimula , buksan ang inyong learning activity sheets 3


,quarter 4 week 7 At makinig dahil ating tatalakayin ang Mga
Katangian ng Produktibong Mamamayan

Handa na ba kayo mga bata?... MABUTI!

Mga Katangian ng Produktibong Mamamayan


Ang pinakamahalagang pag-aari ng isang bansa ay ang mga
taong naririrahan dito. Napaka-importante na mayroon silang
mga katangian ng pagiging produktibong mamamayan,
sapagkat ang pag-unlad ng bansa ay tungkulin ng bawat
mamamayan. Ang mga sumusunod ay mga katangian ng
produktibong mamamayan:

1. May tamang saloobin sa paggawa Ang bawat mamamayan,


simula pagkabata ay dapat na may wastong pag-uugali sa
pagtatrabaho. Hindi dapat ikahiya ang anuman ang
hanapbuhay o trabaho bagkus dapat itong ipagmalaki.
Maipapamalas ito sa pamamagitan ng pagkakaroon ng
kumpyansa sa sariling kakayahan, pagkamalikhain,
kaayusan, katapatan, pagpasok sa tamang oras, at pakikiisa
at pakikipagkapuwa-tao.

2. May pinag-aralan at kasanayan sa paggawa Ang edukasyon


ay may mahalagang papel sa pag-asenso ng buhay ng bawat
mamamayan. Importante ring patuloy na hasain ang ating
mga sarili upang lalo pang mapahusay ang ating angking
kakayahan. Sa pamamagitan nito, ay mapagbubuti natin ang
ating kabuhayan at makatutulong tayo sa pagasenso ng ating
pinagtatrabahuhan.

3. Pagiging malusog Ang ating kalusugan ay dapat nating


pahalagahan at pangalagaan, sapagkat ito ang ating puhunan
upang umasenso sa buhay. Kung tayo ay malusog, magiging
kapaki-pakinabang tayong mamamayan ng ating bansa.
Kaakibat ng pagiging malusog ang maayos na pag-iisip, ito ay
magdudulot ng positibong pananaw natin sa pag-iisip ng mga
solusyon sa anumang suliralin na ating haharapin.

4. Matalinong mamimili Ang isang matalinong mamimili ay


may mahalagang gampanin sa pag-asenso ng ating bansa. Isa
sa katangian ng matalinong mamimili ay ang paggawa ng
listahan ng mga kailangan bilhin upang maiwasan ang pag-
aaksaya ng panahon. Kasama rin dito ang kakayahang
magtipid ng salapi o pagbabadyet sa mga kinakailangan bilhin.
Isa pang katangian ay ang pagiging mapanuri sa wastong
pagtimbang ng mga bilihin. Patunay din dito ang pagiging
mapagmatyag sa kalidad ng produktong bibilhin at hindi agad-
agad nagpapaimpluwensya sa mga sinasabi ng iba, bagkus ay
sinusuri ng mabuti kung masustansiya ba o hindi ang bilihin

. 5. Tinatangkilik ang sariling produkto Isa rin sa katangian ng


mabuting mamamayan ay ang pagsuporta sa mga gawang
Pilipino. Malaki ang magagawa nito sa pag-asenso ng ating
bansa at pag-unlad ng kabuhayan nga ating mgakapwa
Pilipino.

6. Ginagamit nang wasto ang mga kalakal at paglilingkod


Bilang mabuting mamamayan, responsibilidad ng bawat isa sa
atin na gamitin ng tama ang mga bagay at serbisyong inilaan
sa atin ng ating pamahalaan upang ang mga ito ay magamit sa
mahabang panahon at maipamamana natin sa mga susunod
pang henerasyon.

7. Nagtitipid sa enerhiya Ang pagiging matipid ay isa rin sa


mga katangian ng produktibong mamamayan. Isa sa mga
gawain upang makatipid ay ang pagsigurado na ang mga
dekuryenteng kagamitan tulad ng ilaw ay laging nakapatay
kung hindi kinakailangan. Malaki rin ang maitutulong kung
maramihan ang pamamalantsa nga mga damit. Isa pang
paraan ng pagtitipid ay ang paggamit ng palanggana sa
paghuhugas ng mga pinagkainan. Ang paggamit ng timba at
tabo sa pagdidilig imbis na hose ay makakatulong din sa
pagtitipid ng tubig. Gumamit din ng baso sa pagsisipilyo at
siguraduhin nakasara ng maayos ang gripo kung hindi ito
ginagamit.

8. Muling ginagamit ang mga patapong bagay Isa rin sa


katangian ng produktibong mamamayan ang kakayahang
gamitin muli ang mga patapong bagay. Ang tawag sa paarang
ito ay pagrerecycle. Malaki ang pakinabang ng pagrerecycle
upang mabawasan ang pagdami ng basura sa ating
kapaligiran.

MSC UP, 5 sec


SUSTAIN
MSC FADE MYRA 20
UNDER Sa ngayon, inyo ng natutunan ang tungkol sa sec
Mga Katangian ng Produktibong Mamamayan

At ngayon, dumapo naman tayo sa pang huling gawain sa


aralin na ito.

Pero bago yan,nais kong malaman, Handa na ba kayo? Kung


handa na kayo, kunin na ang inyo mga papel at ballpen at
sisimulan na natin.
MSC UP, 5
SUSTAIN sec
MSC FADE Para sa ating Panuto: Tukuyin kung anong katangian ng 100
UNDER produktibong mamamayan ang tinutukoy sa bawat
bilang.Piliin sa loob ng kahon ang titik tamang sagot at isulat sec
ito sa patlang.

Pero bago yan ,nais kong basahin muna ang mga sagot na
nakapa loob sa kahon na pagpipilian.

aa. May tamang saloobin sa paggawa

b. May kasanayan sa paggawa

c. Pagiging malusog.

d. Pagiging matalinong mamimili

e. Tinatangkilik ang mga produktong yari sa bansa

f. Wastong paggamit ng mga kalakal at paglilingkod

g. Wasto ang paggamit ng enerhiya

h. Pagpapaunlad ng kasanayan sa paggawa

i. Pagre-recycle ng mga bagay na patapon na

Naintindihan ba? Okay magaling!

Para sa unang bilang,,,,,

______1. Laging nasa takdang oras si Nelson sa pagpasok sa


trabaho para matapos niya ang lahat ng gawain.

Ang tamang sagot ay, titik A, Tumpak!

_____ 2. Si Well ay nag-eehersisyo araw-araw


Ang tamang sagot ay , titik C Magaling!

_____ 3. Nagpatala si Marie sa Technical Education and Skills


Development Authority upang mapabuti pa ang kaniyang
kaalaman sa pagguhit.

Ang tamang sagot ay, titik H, Mahusay!

_____ 4. Laging nililinis ni Elzon ang mga nabili niyang mga


gadget para hindi agad masira.
Ang tamang sagot ay, titik F, Mahusay!

_____ 5. Tuwing umaalis ng bahay, tinitiyak ni Manuel na


natanggal ang mga saksakan ng mga de-koryenteng
kagamitan.
Ang tamang sagot ay titik G, tama!
MSC UP, 5
SUSTAIN sec
MSC FADE Unang gawain pa lamang iyon , ngunit, mahusay niyong 20
UNDER nsagutan. Tiyak , na lahat kayo ay nakakuha ng tamang sagot. sec

Para sa ating pangalawang gawain,

Panuto: Punan ng wastong titik ang sumusunod na salita


upang mabuo ito. Isulat ang sagot sa mga patlang

Sa puntong ito , dito natin malalaman kung naunawaan ninyo


an gating tinalakay.
Handa na ba kayo mga bata? ….MABUTI!
MSC UP, 5
SUSTAIN sec
MSC FADE Halimbawa: mamamayan 90
UNDER sec
Para sa unang bilang ang salita ay

1. pag__e-rec___cle
2. pr__d__kto
3. m__lu__og
4. mat__lin___
5. s__l__obin

Halinat sabay -sabay nating iwasto ang inyong mga ginawa.


Para sa unang bilang ang tamang sagot ay PAGRE-RECYCLE

Para sa pangalawang bilang ang tamang sagot ay PRODUKTO


Para sa pangatlong bilang ang tamang sagot ay MALUSOG

Para sa pang –apat na bilang ang tamang sagot ay MATALINO

Para sa panghuling bilang ang tamang sagot ay SALOOBIN.

MSC UP, 5
SUSTAIN sec
MSC FADE Ayan! Napakahusay nyong nasagotan ang ating panghuling 30
UNDER Gawain. sec
Binabati ko kayo at matagumpay nyung natapos ang Araling
ito.

Dito na nagtatapos ang ating lekson sa hapong ito.Sana’y


naunawaan nyu ang ating aralin. Sa muli ako ang inyong guro
sa himpapawid Teacher MYRA FLOR SALVIE L. BARASBARAS
mula sa mababang paaralan ng Tudok Elementary School para
sa ikaapat na baiting ,Araling Panlipunan ,ikaapat na
markahan ,week 5 na nagsasabing: Ang wastong edukasyon
ay pahalagahan , ito susi sa iyong kinabukasan.
Hanggang sa muli paalam !!!

MSC UP, 5
SUSTAIN sec
CBB..MSC RENCY 50
FADE sec
UNDER Isang leksyon na naman ang natapos nawa’y may napulot
kayong aral sa ating aralin .Nais kong pasalamatan ang mga
taong naging bahagi ng ating talakayan sa araw na ito, sa
ating mga magulang na walang sawang sumusuporta sa kabila
ng pagsubok na ating kinakaharap.Sa 103.3 Radyo Katribo
Community Radio na naging tulay upang makapaghatid tayo
ng tamang impormasyon ,Sa ating technical side Jonathan
Legal ,Station Manager Rose Dane Santa Maria, Sa Division
of South Cotabato sa pamumuno ni Doc.Ruth
L.Estacio,Division superintendent, Tboli West IV District
Supervisor, Gil M.Tongcaling, Sa aming schoolhead Ifor Vann
e. Rampola.
Sa muli ito ang inyong lingkod Teacher RENCY L. RIGO mula
sa mababang paaralan ng Tudok Elementary School na nag-
iiwan ng kasabihang “ANG KAALAMAN AY
KAPANGYARIHAN. ANG IMPORMASYON AY NAGPAPALAYA.
ANG EDUKASYON ANG PANGUNAHING SALIN NG PAG –
UNLAD, SA BAWAT LIPUNAN, SA BAWAT PAMILYA” Kofi
Annan
PAALAM!!!

MSC UP, 5 sec


SUSTAIN
INSERT MSC DEPED JINGLE 142
PROGRAM sec
ID
TOTAL AIRING TIME 1105
sec

Prepared by:

RENCY L. RIGO

Teacher 1

Noted by:

IFOR VANN E. RAMPOLA

Teacher In-Charge

Approved by:
GIL M. TONGCALING

Principal III/Principal In-Charge

You might also like