You are on page 1of 9

WESLEYAN UNIVERSITY-PHILIPPINES

Cushman Campus
Mabini Extension, Cabantuan City
Philippines 3100

HIGH SCHOOL DEPARTMENT


Junior High School Program

MASUSING BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 9


(EKONOMIKS)

I. LAYUNIN:
Sa pagtatapos ng aralin, ang mag aaral ay inaasahang:
a, Natutukoy ang mga palatandaan ng pambansang kaunlaran
b. Nakapagbibigay ng sariling ideya ukol sa pambansang kaunlaran
c. Nakapaglalahad ng mga kaparaan upang makatulong sa pambansang kaunlaran
II. PAKSA: Araling Panlipunan 9 (Ekonomiks)
a. Paksang Aralin: Konsepto at Palatandaan ng Pambansang Kaunlaran
b. Sanggunian:
i. Makisig…Ekonomiks Pahina 237-245
ii. https://www.slideshare.net/katangian-ng-isang-bansang-maunlad
iii. https://www.slideshare.net/ekonomiks-learning-module-yunit-4
c. Kagamitan: aklat, learning modules, aptop, pictures, video presentation,
powerpoint presentation
PAGPAPAHALAGA:
Napapadama ang damdaming nasyonalismo sa pamamagitan ng pakikilahok
sa mga gawaing makatutulong sa Kaunlaran ng bansang Pilipinas.

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL

III. PAMAMARAAN
a. Paunang Gawain
i. Pagbati
“Magandang Araw, mga mag-aaral”
ii. Panalangin “Magandang umaga din po, Ma’am”

“Inaanyayahan ko ang bawat isa na


yumuko at pumikit para sa ating
Panalangin”
(Mananalangin ang guro)
iii. Pagtatala ng liban sa klase (Sasabay sa panalangin ang bawat mag-
aaral)
Tatawagin ko ang bawat isa sa inyo
upang maitala ang lumiban at hindi
lumiban sa klase. Kapag narinig ninyo
ang inyong pangalan ay pwedeng bang
mag-open ng mic at magsabi ng present o
kaya naman ay magtaas ng kamay sa
ating screen.Malinaw po ba?
“Opo, Ma’am”

(Tatawagin isa-isa ang bawat mag-


aaral)
(Tutugon sa panawagan ng guro)
iv. Pagsisiyasat ng Kapaligiran
“Bago tayo dumako sa ating talakayan,
maari bang sinupin ninyo ang mga gamit
sa inyong kapaligiran. Siguraduhing nasa
tabi ninyo ang mga kagamitan katuald ng
mga aklat, papel at ballpen, at iba pa.
Sikapin din ninyo na magtungo sa lugar
na tahimik at komportable upang maging
mas maayos ang ating talakayan at lubos (Tutugon ang mga mag-aaral)
ninyo itong maunawaan”.
v. Paglalahad ng mga
Alituntunin sa Klase
Narito ang ilan sa mga Alituntunin na
dapat nating sundin sa buo ng ating
pagsasama-sama ngayong Ika-apat na
Markahan.
1. Pumasok sa ating zoom meeting
bago o sakto sa itinakdang oras.
2. Siguraduhing nakabukas ang
kamera sa tuwing oras ng talakayan.
3. Kung may mga katanungan
hinggil sa talakayan, magtaas lamang
ng kamay (raise a hand) sa ating
monitor or screen.
4. Kung may mga kadahilanan sa
pagliban o hindi kaagarang pagpasok
sa meeting, siguraduhing ipagbigay
alam agad sa ating guro.
Inaasahan ko na ang bawat isa sa inyo ay
makikiisa upang magkaroon tayo ng
maayos at makabuluhan na pagsasama-
sama. Nauunawaan ba ninyo? “Opo, Ma’am.

b. Pagganyak
Ang bawat isang mamamayan ay may
kanya-kanyang pananaw tungkol sa
KAUNLARAN. Kung ikaw ay magiging
isang lider ng baranggay, bayan, lunsod,
lalawigan o bansa, anu-ano ang iyong
gagawin upang mapaunlad ang iyong (Ang mga mag-aaral ay magbibigay ng
nasasakupan? Ilahad ang iyong mga kanilang mga plano tungo sa pagkamit
kaisipan gamit ang Concept Map. ng Kaunlaran)
ANG AKING
PLANO TUNGO
SA
KAUNLARAN

Mahusay! Bigyan natin ang bawat isa ng (Ang mga mag-aaral ay


isang masigabong palakpakan. magsisipagpalakpakan)
c. Talakayan
Ang ating tatalakayin sa araw na ito ay
may kaugnayan sa mga salitang
nabanggit ninyo. Ano kaya sa tingin
ninyo ang ating pag-aaralan?
Ma’am, tungkol po sa pag-unlad at
Mahusay. Ito ay tungkol sa Konsepto at paraan upang makamit ito.
Palatandaan ng Pambansang Kaunlaran.
Pag-usapan muna natin kung ano ang
kahulugan ng salitang pag-unlad o
kaunlaran.
Ano nga ba ang pag-unlad?
Ang pag-unlad ay ang pagbabago mula
sa mababa tungo sa mataas na antas ng
pamumuhay.
Tama.
Samantala, ang kaunlaran naman ay
tumutukoy sa paggamit ng makabagong
teknolohiya at kagamitan,
pangkalahatang pagbuti ng antas o lebel
ng pamumuhay sa lipunan, at pagbabago
ng pangkabuhayang gawain mula
agrikultura patungo sa sektor ng
insudtriya.
Ang mga salitang pag-unlad at pagsulong
ay magkaugnay ngunit may malaking
kaibihan rin sa isa’t isa. Sa tingin ninyo,
ano ang pagkakaiba ng pagsulong at pag-
unlad?
Ma’am, ang pagsulong ay ang unang
hakbang tungo sa pagbabago sa lipunan
na siyang nagiging dahilan sa pagtamo
pag-unlad ng isang bansa.
Magaling!
Ang pagsulong ay madaling makita o
masukat. Ano naman ang pag-unlad?
Ma’am, ang pag-unlad po ay isang
aktibong proseso ng pagpapabuti sa
kondisyon o kalagayan ng tao sa iba’t
ibang aspeto ng ating pamumuhay.
Mahusay. Kasama dito ang seguridad,
kalusugan, dignidad at maging ang
pagkakapantay-pantay ng tao.
Masdan ninyo ang mga larawan sa
diagram.

Ano ang ipinapahayag ng mga larawang


ito?
Ma’am, ipinapakita po sa mga larawan na
mula sa sinaunang paraan ng pag-aani ay
nakakagamit na ngayon ng teknolohiya
upang mas mabilis ang pag-aani na
nagdudulot ng mas maraming ani.
Magaling.
Alin kaya sa mga larawan ang
nagpapakita ng pag-unlad? Ang paggamit po ng bagong teknolohiya
sa pag-aani.

Mahusay. Ang paggamit ng Harvester


Machine ay nagpapakita ng pag-unlad sa
larangan ng agrikultura.
Paano naman natin matutukoy ang
pagsulong?
Ang mabilis at mas madaming ani na
dulot ng paggamit ng teknolohiya ay
siyang nagpapakita ng pagsulong.
Tama. Ang mga ito ay ilan sa mga salik
upang matamasa ang Pambansang
Kaunlaran. Ano nga ba ang pambansang
kaunlaran? Maari ba ninyong basahin ang
kahulugan?
Ang pambansang kaunlaran ay
tumutukoy sa kakayahan ng isang bansa
na masuportahan ang lahat ng
pangangailangan ng tao sa iba’t ibang
aspeto para sa matiwasay na pamumuhay
at takbo ng ekonomiya ng isang bansa.
Ito rin ang nagsasabi kung ang isang
lipunan ay nagagampanan ang kabutihan
para sa panlipuanang kapakanan, tulad ng
edukasyon, kalusugan, imprastraktura, at
ibang serbisyong panlipunan. Ngayon
naman ay aalamin natin ang mga
palatandaan ng pambansang kaunlaran.
Tukuyin ang mga palatandaan gamit ang
mga larawan. Nauunawaan niyo ba?
Opo, Ma’am

Umpisahan na natin.
Ang isang bansa ay maunlad kapag:
1.

Ma’am, kapag po ito ay gumagamit ng


makabagong teknolohiya
2.

Mataas na antas ng Edukasyon po,


Ma’am.
3.

Ma’am, tinutukoy po sa larawan ang


kalayaan sa pagpapahayag at sa paghalal.

4.

Ma’am, pamilya po na sagana sa pagkain.

5.

Isang tao po na may malaking kita,


Ma’am.

6.

Ma’am, ito po ay mga makina na


nagagamit upang mabilisang makagawa
ng mga producktong sa larangan ng
agrikultura at industriya.
7.

Ma’am, mabuting pangangalaga sa


kalusugan po.
8.

Ito naman po ay ang pagdami ng bilang


ng mga taong may hanap-buhay
9.
May pagkontrol po sa pagdami ng bilang
ng populasyon, Ma’am.

10.

Ma’am, ito po ay tumutukoy sa mga


pampublikong lingkod na may maayos na
pangangalaga sa nasasakupan.

Mahuhusay! Maari ba nating bigyan ng


palakpak ang bawat mag-aaral na nakiisa.

(Magpapalakpakan ang mga mag-aaral)


Sa kabuuan, matutukoy ang pambansang
kaunlaran kung may mataas na
pagbabago sa antas ng agrikultura,
industriya, paglilingkod, impormal na
sektor at maging panlabas na kalakalan.

Mayroong panukat na ay ginagamit


upang sukatin ang kabuuang pantaong
kaunlaran ng isang bansa.Ang tawag dito
ay Human Development Index.Maari
bang pakibas kung ano ang kahulugan
nito? Ito ay ginagamit upang sukatin o iranggo
ang mga bansa ayon sa antas ng
kaunlaranag panlipunan at ekonomiya ng
isang bansa.

Ang ranggo ng isang bansa ay maaaring


maunlad (developed), umuunlad
(developing), o kulang sa pag-unlad
(under developed) Ma’am, paano po matutukoy kung ang
isang bansa ay maunlad, umuunlad o
kulang sa pag-unlad?
Ang bansa ng may kaunlarang pantao ay
may HDI value na .800 pataas. Ang lugar
naman na umuunlad ay nasa pagitan ng .
500-.799 HDI value. Samantala, ang
bansa na may mababang kaunlarang
pantao ay may HDI value na mas mababa
sa 0.500.
Pansinin niyo ang Talaan ng
Pandaigdigang HDI.
Pang-ilan ang ranggo ng Pilipinas? Ma’am, pang-107 po sa buong mundo.
Ano ang kanyang HDI Value? Ma’am, ang HDI Value po ng Pilipinas
ay 0.718.

Nangangahulugan na ang Pilipinas ay


kasama sa anong antas? Ma’am, umuunlad or developing country
po.
Magaling.
Ngayon ay alam na natin kung ano ang
kasalukuyang estado ng ating bansa ukol
sa pambansang kaunlaran. Nauunawaan
na ba ninyo? Opo, Ma’am.

Alam ba ninyo na bilang mga


mamamayan ay may mga kaparaan upang
makatulong sa pambansang kaunlaran.
Paano po, Ma’am?
Alamin natin sa pamamagitan ng
panonood ng isang video na may
kauganayan sa mga gawaing
makatutulong sa pambansang kaunlaran.
(Ang mga mag-aaral ay manonood ng
video presentation)
Naunawaan ba ninyo ang ipinakita sa
Video?
Opo, Ma’am.

d. Pangwakas na Gawain
i. Paglalagom
Sige, ngayon ay dumako tayo sa ilang
mga katanungan.
Ano na nga ang kahulugan ng pag-unlad?
Ma’am, ang pag-unlad ay ang pagbabago
mula sa mababa tungo sa mataas na antas
ng pamumuhay.
Mahusay.
Ano naman ang pagsulong?
Ma’am, ang pagsulong naman po ay ang
unang hakbang sa pagkakaroon ng
pagbabago sa lipunan upang matamo ang
pag-unlad ng isang bansa. Ito po ay
madaling makita at nasusukat.
Magaling.
Anu-ano ang mga aspetong panlipunan
na kailangan ng mataas na pagbabago
upang matamo ang Pambansang
Kaunlaran?
Ma’am, agrikultura, industriya,
paglilingkod, impormal na sektor at
kalakalang panlabas po.

Ano naman ang ginagamit upang sukatin


ang kabuuang pantaong kaunlaran ng
isang bansa?
Human Development Index po, Ma’am.

Ang Pilipinas ay may ilang HDI Value at


nabibilang sa anong antas?
Ma’am, ang Pilipinas po ay may 0.718 na
HDI value at developing country po.
Magbigay nga kayo ng mga kaparaanan
upang makatulong pag-unlad ng ating
bansa? Ma’am, pagsunod sa Batas at
pagkakaroon ng disiplina

Mahusay.
Ano pa?
Ma’am, pagsusumikap upang
mapabuti ang kalagayan ng buhay
Magaling, ano pa?

Pagboto sa mga karapat-dapat na


Tama, ano pa? kandidato, Ma’am.

Tumpak. Pagbabayad ng tamang buwis

Mukhang handa na ang bawat isa sa ating


gawain.
ii. Paglalapat
Pumili ng isa (1) palatandaan ng
pambansang kaunlaran o gampanin sa
pagtamo ng pambansang kaunlarn at
ipaliwanag ang kahalagaan nito sa
pagtamo ng kaunlaran sa ating bansa. (Ang mga mag-aaral ay pipili ng
kanilang ipapaliwanag)

iii. Pagpapahalaga
Mula sa video presentation, ano ang
maaari mong gawing upang maipakaita
na ikaw ay isang mabuting Pilipino na
nais makatulong sa pag-unlad ng bansa?
(inaasahang sagot)
Bilang isang Pilipino, ang aking
gagawin upang makatulong sa
pag-unlad ng bansa ay panatilihin
ang disiplina sa sarili at ang
pagsunod sa mga alituntunin at
batas. Sisikapin ko rin na maging
mabuting mamamayan na
handang tumulong at makisama sa
aking kapwa upang sama-samang
matamo ang pag-unlad.

IV. TAKDANG ARALIN

Magsaliksik ng isang programang pangkabuhayan ng mga naging Pangulo ng Pilipinas.


Ipaliwanag kung paano ito nakatulong sa pag-unlad ng bansa. Ipahayag ang kasagutan sa
sa pamamagitan ng paglikha ng maikling sanaysay.

Inihanda ni:

Marjorie V. Padolina
Student-Teacher, Araling Panlipunan

You might also like