You are on page 1of 8

Masusing Banghay Aralin sa Pagtuturo ng Araling

Panlipunan Grade 9

Konsepto at Palatandaan ng Pambansang Kaunlaran

Inihanda ni:

Russelle Jane U. Marcos


Mag-aaral na Nagsasanay

Sinuri ni:

Junelle Richee P. Tagle


Tagapagturo
Masusing Banghay Aralin sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan
Grade 9
I. Layunin
Pagkatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Nakapagbibigay ng sariling pakahulugan sa pambansang kaunlaran,
b. Naipapaliwanag ang pagkakaiba ng kahulugan ng pag-unlad at pagsulong,
c. Nasisiyasat ang mga palatandaan ng pambansang kaunlaran.

II. Paksang Aralin


Paksa: Konsepto at Palatandaan ng Pambansang Kaunlaran
Kagamitan: Laptop, TV, Powerpoint Presentation, Mystery box
Mga Sanggunian: Balitao, Bernard R. et al. Ekonomiks, Konsepto at Palatandaan ng Pambansang
Kaunlaran pp.304-317
III. Pamamaraan
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral
A. Panimulang Gawain
1. Pagbati
Magandang Umaga Binibining Marcos.
Magandang umaga naman mag-aaral.

2. Pagdarasal
Bago tayo magsimula, mangyari lamang na
tumayo ang lahat para sa panalangin. Maaari (Tumayo ang mga mag-aaral para sa
mo bang pamunuan ang ating panalangin panalangin)
Jeanine?
Panginoon po naming Diyos
Salamat po nang marami
Tinipon mo kami sa araw na ito
Upang patuloy na mag-aral ng kaalaman
Una po sa lahat basbasan mo po ng matalinong
puso ang aming tagapagturo
Upang makapagturo siya ng may kahusayan
Basbasan niyo rin kami na mag-aaral
Ng matalas na pag-iisip
At higit sa lahat ng masunuring puso
Patnubayan niyo po kami sa aming pag-aaral
Magalang naming hinihiling ang lahat
Sa pangalan ni Hesus ang aming tagapagligtas.
Amen.
3. Pagsasaayos ng Silid-Aralan
Bago kayo umupo, mangyari lamang na pulutin
muna ang mga kalat sa inyong paligid at iayos (Pinulot ng mga mag-aaral ang mga kalat at
ang inyong mga upuan. isiniayos ang mga upuan)

4. Pagtatala ng liban sa klase


Klas, sino ang lumiban sa ating klase?
Wala pong lumiban sa klase ma’am.
Mabuti naman kung ganon.

B. Pagganyak.
Bago tayo magsimula sa bagong aralin ay
naghanda ako ng gawain na pinamagatang
“Suri-Larawan”, kung saan mayroon akong
inihangdang mga larawan na inyong susuriin at
bibigyang pansin ukol sa transpormasyon na
naganap mula sa una at ikalawang larawan.
Handa na ba kayo klas?
Handa na po kami ma’am.
Ang Unang Larawan:

Ano ang mapapansin niyo sa dalawang


magkaugnay na larawan?
Ang pagsasaka noon ibang-iba na sa ngayon,
noon ang mga tao ang gumagawa upang sila ay
umani ngayon gumagamit na sila ng mga
makinarya para sa mas madali ang pag-ani ng
mga palay.
Napakahusay!
Ang Pangalawang larawan:

Ano naman ang mapapansin ninyo sa


pangalawang larawan, mayroon bang
pagbabagong naganap?
Ang pangalawang larawan ay mayroong
pagbabagong naganap ma’am. Ang bahay
lamang noon ay simple, gumagamit sila ng
mga kahoy sa pagpapatayo ng bahay at ngayon
ang mga bahay ay mga malalaki at
ginagamitan ng iba’t-ibang materyales.

Magaling!
C. Paglalahad
Mula sa ginawang pagsuri sa mga larawan klas,
ano ang mahihinuha ninyo na tatalakayin natin
sa araw na ito?
Ang tatalakayin natin sa araw na ito ay tungkol
sa Konsepto at Palatandaan ng Pambansang
Kaunlaran po ma’am.
Mahusay!

D. Pagtatalakay
Anu-ano nga ba ang mga konsepto at
palatandaan ng pambansang kaunlaran? Bago
nating malaman, atin munang bigyang
kahulugan ang salitang pag-unlad at pagsulong.
Ano ang kahulugan ng pag-unlad?
Ang pag-unlad ay pagbabago mula mababa
tungo sa mataas na antas ng pamumuhay
ma’am.
Tama, ang pag-unlad ay may kaugnayan din sa
salitang pagsulong ngunit malaki ang
pagkakaiba ng dalawang salita na ito.
Ano naman ang kahulugan ng salitang
pagsulong, Hannah?
Ang pagsulong ay pisikal na pagbabago na
nakikita at nararamdaman ng mga
mamamayan.
Mahusay!
Ang pagsulong ay bunga ng pag-unlad.
Ano ang pagkakaiba ng pagsulong at pag-unlad
batay sa aklat ni Feliciano R. Fajardo na
Economic Development (1994)?
Ayon kay Feliciano R. Fajardo na Economic
Development (1994), ang pag-unlad ay isang
progresibo at aktibong proseso at ang
pagsulong ay ang bunga ng prosesong ito.
Magaling!
Pagmasdan ninyo ang larawan.
Ano ang ipinapahayag ng larawang ito?

Ipinapakita ng mga larawan na mula sa unang


pamamaraan ng pag-aani ay nakakagamit na
ngayong ng bagong teknolohiya upang mas
mabilis ang pag-aani at nagdudulot ng mas
maraming ani.
Napakahusay!
Alin kaya sa mga larawan ang nagpapakita ng
pag-unlad?
Mula sa larawan ang pag-unlad ay ang
paggamit ng makabagong teknolohiya ma’am.
Magaling!
Alin naman sa mga larawan ang nagpapakita ng
pagsulong, King?
Mula sa larawan ang pagsulong ay ay mabilis
at mas madaming ani na dulot ng paggamit ng
teknolohiya po ma’am.
Tama!
Ang mga ito ay ilan sa mga salik upang
matamasa ang Pambansang Kaunlaran. Ano nga
baa ng Pambansang Kaunlaran, Jeanine?
Ang Pambansang Kaunlaran ay tumutukoy sa
kakayahan ng isang bansa na masuportahan
ang lahat ng panganagilangan ng tao sa iba’t-
ibang aspeto para sa matiwasay na pamumuhay
at takbo ng ekonomiya ng isang bansa.
Magaling!
Nagagampanan ang kabutihan para sa
panlipunang kapakanan, tulad ng edukasyon,
kalusugan, imprastraktura at iba pang
serbisyong panlipunan. Ngayon naman ay
aalamin natin ang palatandaan ng pambansang
kaunlaran, kung saan inyong tutukuyinang mga
palatandaan gamit ang larawan na aking
inihanda.
Handa na ba kayong lahat?
Handang-handa na po kami ma’am.
Ang isang bansa ay maunlad kapag:

Unang larawan:

Pagamit ng makabagong teknolohiya po


ma’am.
Pangalawang larawan:

Mataas na antas ng edukasyon po ma’am.


Pangatlong larawan:

Ang paggamit ng mga iba’t-ibang makina


upang makagawa ng mga produkto.
Pang-apat na larawan:

Ang pagdami ng bilang ng mga nagtratrabaho


Panglimang larawan: po ma’am.

May malaking kita ang mga nagtratrabaho po


Mahuhusay! Maaari ba nating bigyan ng ma’am.
palakpak ang bawat mag-aaral na nakiisa.
Sa kabuuan, paano ninyo matutukoy ang
pambansang kaunlaran ng isang bansa?

Matutukoy ang pambansang kaunlaran kung


may mataas na pagbabago sa antas ng
agrikultura, industriya, paglilingkod at maging
Napakagaling! sa panlabas na kalakalan po ma’am
Anu-ano ang mga apat na salik na nakakaapekto
sa pagsulong mula sa aklat na Ekonomics
Concept and Choices (2008) nina Sally Meek,
John Morton at Mark Schug?

Napakahusay!
Ano naman ang tawag sa panukat na ginagamit
upang sukatin ang kabuuang pantaong
kaunlaran ng isang bansa?
Ang panukat na ginagamit upang sukatin ang
kabuuang pantaong kaunlaran ng isang bansa
Tama! ay tinatawag na Human Development Index.
Ang Human Development Index ay ginagamit
na batayan sa pagbibigay ranggo ng isang bansa
ay maaaring maunlad (developed), umuunlad
(developing) o kulang sa pag-unlad
(underdeveloped).
Paano ba natin matutukoy kung ang isang bansa
ay maunlad, umuunlad o kulang sa pag-unlad?
Ating alamin. Suriin at pansinin ang
talahanayan.

Human Development Index


Maunlad (developed) .800 up
Umuunlad (Developing) .500-.799
Kulang sa Pag-unlad .500 down
(Underdeveloped)

Sa inyong palagay, anong antas kabilang ang


ating bansa?
Pansinin ang larawan yukuyin kung anong antas
nabibilang ang Pilipinas.
Ang antas ng pamumuhay sa ating bansa ay
umuunlad o developing po ma’am.
Magaling!

E. Paglalahat
Upang mataya ko kung handa na kayo na
gamitin ang mga kaalaman na inyong natutunan
sa ating paksa, mayroon akong inihandang laro
na GIVE ME YOUR BIRTDATE, kung saan
ibibigay ninyo ang araw kung kalian kayo
ipinanganak, yung numero kung kailang ang
birthdate ninyo ang siyang gagamitin ko sa
pagbibilang sa inyo, kung sino ang natapat sa
nasabing numero ang siyang sasagot sa aking
mahahalagang katanungan mula sa ating aralin?

Ano ang kahulugan ng pag-unlad?


Ang pag-unlad ay ang pagbabango mula sa
mababa tungo sa mataas na antas ng
pamumuhay po ma’am.
Ano naman ang kahulugan ng pagsulong?
Ang pagsulong ay bunga ng pag-unlad po
ma’am.
Magaling!

F. Paglalapat
Pumili ng isa sa mga palatandaan ng
pambansang kaunlaran, ipaliwanag kung bakit
mahalaga ito upang matamo ang kaunlaran ng
ating bansa.
Ang pipiliin ko pong palatandaan ng
pambansang kaunlaran ay ang paggamit ng
iba’t-ibang makinarya sa paggawa ng mga
produkto, mahalaga ito dahil mas napapadali
nito ang paggawa at mas marami ang
nagagawa nitong produkto sa loob ng isang
araw po ma’am.
Napakahusay klas!

G. Pagpapahalaga
Bilang isang mag-aaral, ano ang maaari mong
gawin upang maipakita na ikaw ay isang
mabuting Pilipino na nais makatulong sa pag-
unlad ng bansa?
Bilang isang mag-aaral, ang maaari kung
maitulong sap ag-unlad ng ating bansa ay mag-
aral ng mabuti para sa kinabukasan at maging
sa pagtamo ng maunlad na bansa.

Napakagaling!
Batid ko na naintindihan ninyo ang ating
paksang aralin.

H. Pagtataya
Upang mataya ko ang inyong natutunan sa ating
talakayan, naghanda ako ng isang maikling
pagsusulit na inyong sasagutan sa loob ng
sampung minuto.
Panuto: Suriin ang mga palatandaan, isulat ang
U kung ang palatandaan ay Pag-unlad at S
naman kung ang palatandaan ay pagsulong.
1. Nagtaasang gusali
2. Mga flyover
3. Nabawasan ang krimen
4. Dumami ang trabaho
5. Pagtaas ng GNP at GDP
6. Mga konkretong daanan/kalsada
7. Pagbaba ng antas ng kahirapan
8. Mataas na kapital
9. Makapabagong pamamaraan ng
pagsasaka
10. Magagarang sasakyan Inaasahang sagot:
1. S
2. S
3. U
4. U
5. S
6. S
7. U
8. S
9. U
10. S

I.Kasunduan
Basahin ang Sektor ng Agrikultura sa
pahina 334-355.

You might also like