You are on page 1of 8

Paaralan Carolotan High Baitang/Antas 9

DAILY LESSON LOG School


(Pang araw-araw na tala Guro Shekinah G. Asignatura Araling
sa Pagtuturo Albis Panlipunan
Petsa/Oras Markahan Ikaapat na
Markahan

Bilang ng Sesyon Petsa:


MASUSING BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 9
I. LAYUNIN Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. nakapagbibigay ng sariling pakahulugan sa pambansang kaunlaran;
b. nailalahad ang pagkakaiba ng pagsulong at pag-unlad;
c. nakapagbabahagi ng saloobin o damdamin tungkol sa pag-unlad ng bansa; at
d. nakalalahok nang buong sigla sa mga gawain sa klase.
A. Pamantayang Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa mga sektor ng ekonomiya at mga patakarang
Pangnilalaman pangekonomiya nito sa harap ng mga hamon at pwersa tungo sa pambansang
pagsulong at pag-unlad
B. Pamantayan sa Ang mga mag-aaral ay aktibong nakikibahagi sa maayos na pagpapatupad at
Pagganap pagpapabuti ng mga sektor ng ekonomiya at mga patakarang pangekonomiya nito tungo
sa pambansang pagsulong at pag-unlad
C. Mga Pamantayan sa Nakapagbibigay ng sariling pakahulugan sa pambansang kaunlaran. AP9MSP-IV-a-1
Pagkatuto
II. NILALAMAN SAMA-SAMANG PAGKILOS PARA SA PAMBANSANG KAUNLARAN
III. KAGAMITANG Powerpoint, Cartolina
PANTURO
A. Sanggunian Ekonomiks
1. Mga pahina sa
Gabay ng Guro
2. Mga pahina sa 207
Gabay
Pangkurikulum
3. Mga pahina sa 340-352
kagamitang
pang-mag-aaral
4. Mga pahina sa
Teksbuk
5. Karagdagang
kagamitan mula
sa portal ng
Learning
Resources
B. Iba pang
Kagamitang
Panturo
IV. PAMAMARAAN Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral
A. Balik-aral sa Panimulang Gawain
nakaraang at/o
pagsisimula ng  Panalangin
bagong aralin Inanayayahan ko ang lahat na tumayo
para sa isang panalangin na (Ang mga mag-aaral ay mananalangin sa
pangngunahan ni Marita. pangunguna ng naatasang mag-aaral)

 Pagbati
Magandang umaga/ hapon, klas! Magandang umaga po!
Maaari na kayong umupo. Salamat po.

 Pasalista
May lumiban ba sa araw na ito? Wala po.
Magaling! Palakpakan ang inyong mga
sarili.

 Balik-aral
Sa nakaraang aralin ay natalakay ang
tungkol sa sama-samang pagkilos. Sino
mula sa klase ang maaaring
makapagbigay ng kanyang natutunan sa
paksang natalakay? Ang patakaran po sa pananalapi ay isang
sistemang pinaiiral ng BSP upang
makontrol ang suplay ng salapi sa
sirkulasyon.

Mahusay!
B. Paghahabi sa Ituon ang inyong atensiyon sa larawang
layunin ng aralin ito. Maaari ba kayong makapagbigay ng
paglalarawan sa inyong nakikita dito?

Isang pamayanang may maginhawang uri


po ng pamumuhay, may katiwasayan at ito
po ay maunlad.

Tama. Kung kayo ang tatanungin, minsan


ba ay naghangad kayo ng ganitong uri ng
pamumuhay?
Opo dahil ang ang magandang buhay
tulad po ng nasa larawan ay mayroong uri
ng pamumuhay na gusting maabot ng
Tama. Ngunit para maabot ito, ay kahit na sino.
kailangan muna nating pagsikapan ang
bawat hakbang sa pag-abot ng pangarap
na ito.
C. Paguugnay ng Alam kong pamilyar kayong lahat sa
mga halimbawa larong 4 PICS 1 WORD. Nais kong ibigay
sa bagong aralin ninyo ang magic word na humahalili sa
apat na larawang aking ipapakita. Ang
bawat kahon sa ibaba ay may katumbas
na letrang kailangang mapunan.
Maintindihan ba? Opo.

Mula sa mga larawang ito, ano ang


maaaring mabuong salita na angkop para
sa lahat? Mam, ang salitang may kaugnayan po sa
apat na larawan ay pag-unlad.
Sang-ayon ba kayo sa kanyang naging
sagot? Opo.

Tumpak! Palakpakan natin sya. Ang


hinihinging salita ng larawan ay pag-
unlad.
Base na rin sa mga larawan, ano sa inyong
palagay ang magiging talakayan natin sa
araw na ito?
Pag-unlad ng ekonomiya ng bansa po.
Mahusay! Pag-unlad ng ekonomiya ng
bansa o Pambansang Kaunlaran.
Palakpakan ang inyong mga sarili.
D.Pagtalakay ng Para sa inyong sariling
bagong konsepto pagpapakahulugan, ano ang depenisyon
at paglalahad ng ng salitang pag-unlad? Para sa akin, ang pag-unlad ay
bagong nangangahulugang pag-usad sa partikular
kasanayan #1 na antas tungo sa mas nakaaangat na
kalagayan.
Sa kasalukuyan, ang pag-unlad ba na ito
ay nakikita nyo sa ating bansa? Opo dahil may nakikita po namin ang
pagpapatayo ng iba’t ibang establisyimento
na palatandaan ng pag-unlad. Pati na rin
po ang paglikha ng maraming gadgets.
Tama ang inyong mungkahi ngunit hindi
lamang ang mga bagay na inyong
nabanggit ang mga dahilan upang masabi
natin na may nangyayari nga talagang
pag-unlad. Kinakailangang isa-alang-alang
ang ilang mga bagay upang masabi na
mayroon nga talagang pag-unlad na
nagaganap sa ating bansa na ating
matatalakay sa ilang sandali.

Sa inyong nabanggit na
pagpapakahulugan, ano ang maaaring
maging kasinkahulugan ng salitang pag- Maaring maging kasingkahulugan po ng
unlad? salitang pag-unlad ang pagsulong.

Ang pag-unlad at pagsulong kaya ay may


iisang kahulugan? Malalaman natin ang
pagkakaiba ayon sa pagpapakahulugan ni
Fajardo (1994) sa pamamagitan ng Venn
Diagram na ito. Suriin kung isinasaad ng
bawat bullet ay kabilang ba sa pagsulong o
pag-unlad.

Ayon kay Fajardo (1994), ang pag-unlad ay


isang progresibo at aktibong proseso. Ang
pagsulong ay ang bunga ng prosesong ito.
Kung gayon, ang pagsulong para sa kaniya
ay produkto ng pag-unlad.

Mula sa pagkakaiba sa kahulugan ng


pagsulong at pag-unlad atin namang
bigyang pansin ang dalawang konsepto ng
pag-unlad ayon kina Todaro at Smith.

Para kina Todaro at Smith, mayroong


dalawang konsepto ng pag-unlad: ang
Tradisyonal at Makabagong Pananaw.
pagtaas ng
Tradiyonal na income per
capita
Pananaw

Ano ang nais ipahiwatig ng “pagtaas ng


income per capita”? Maari nyo bang
ipaliwanag?
Nangangahulugan po na may mataas na
GDP at GNP ang isang bansa para
Tama. Ano naman kaya ang ibig sabihin masabing maunlad nga ito.
ng “pagbabago sa buong sistema ng
lipunan”?
Sa palagay ko po ay ang mga salik na
nakaaapekto sa kalagayan ng mga tao
gaya ng kalusugan, edukasyon at antas ng
pamumuhay.
Magaling! Ayon nga kay Amartya Sen
(2008), ang kaunlaran ay matatamo
lamang kung mapauunlad ang yaman ng
buhay ng mga tao kaysa sa yaman ng
ekonomiya nito. At ito ay masusukat sa
pamamagitan ng isang panukat ng pag-
unlad. Ito ang Human Development Index.

Ang Human Development Index ay


ginagamit bilang panukat sa antas ng pag-
unlad ng isang bansa. Ito ay tumutukoy sa
pangkalahatang sukat ng kakayahan ng
isang bansa na matugunan ang
mahahalagang aspekto ng kaunlarang
pantao. Ang mga aspektong ito ay
kalusugan, edukasyon at antas ng
pamumuhay na ating nabanggit kanina.
May katanungan ba klas? Wala po.

Ngayon naman ay dumako na tayo sa mga


Palatandaan ng Pag-unlad. Mayroon ba
kayong ideya nais ibahagi hinggil dito? Sa tingin ko po kabilang sa mga
palatandaan ang pagkawala ng kahirapan
Maraming salamat sa iyong ideyang sa buhay ng mamamayan.
ibinahagi. Bukod pa riyan narito ang
listahan ng Palatandaan ng Pag-unlad.

Ngayon, sapat na bang dahilan ng pag-


unlad kung may nangyayaring pagtaas ng
ekonomiya ng bansa? Hindi po sapagkat higit pa riyan ang
kahulugan ng pag-unlad. Kailangang
isaalang-alang muna ang mga nabanggit
na palataandaan upang masabi natin na
may pag-unlad nga talagang nagaganap.
Sapagkat kasama rito ang mga pagbabago
sa lipunan at paraan ng pamumuhay ng
mga tao. Ang patuloy na pagtaas ng
ekonomiya ay walang kahulugan sa masa
kung ang mga ito ay hindi nararamdaman
ng mga pangkaraniwang tao.
Mahusay! Batid kong naunawaan nyo
nang lubusan ang nais ipahiwatig nito.

Ngayon ay ating nang talakayin ang mga


salik na maaaring makatulong sa
pagsulong ng ating ekonomiya.

Ngunit bago ang lahat, isang naihandang


gawain ang ibibigay ko sa inyo upang
inyong matuklasan ang mga salik na aking
nabanggit narito ang Picture Puzzle.
E. Pagtalakay ng Sa pagkakataong ito, mapapangkat ang .
bagong konsepto klase sa apat. Ang count off ay 1 hanggang
at paglalahad ng 4. Ang mga may magkakaparehong
bagong numero ay magsama-sama at pumunta na
kasanayan #2 sa naitakdang puwesto.

Handa na ba ang lahat? Opo.

Picture Puzzle
Mayroong mga naparte-parteng larawan
na nakapaloob sa bawat sobre. Nais kong
buuin ninyo ito sa loob lamang ng 3
minuto. Ang grupong unang makatapos at
makapagpaskil sa ating pisara ang siyang
panalo at mabibigyan ng gantimpala.
Naintidihan ba ang lahat? Opo mam.

pangkalahatang tawag
sa yamang-lupa, tubig,
kagubatan at mineral.

salik na tumutukoy sa
lakas-paggawa.
mas maraming
manggagawa, mas
maraming output.

mahalaga sa
pagpapalago ng
ekonomiya ng bansa.
hal. makina, lupa

nagagamit nang mas


episyente ang iba pang
pinagkukunang-yaman
upang mas maparami
pa ang nalilikhang
produkto.

Palakpakan ang inyong sarili para sa isang


matagumpay na gawain.

Batay sa mga salik na ito, bakit


mahalagang pagtuunan ng pansin ng
pamahalaan ang mga ito?

Dahil sa mga salik na ito nakasalalay ang


pag-unlad ng ekonomiya ng bansa. Kung
walang matalinong pangangasiwa ang
pamahalaan sa mga ito ay tiyak na walang
Isang masigabong palakpakan para sa paglagong magaganap sa antas ng
kanya! Magaling. Kung hindi pamumuhay sa bansa.
mapapakinabangan ng bansa ang mga
angking taglay na kayamanan nito para
umunlad, ay mawawala rin ang pag-asa ng
sama-samang pag-unlad ng mamamayang
Pilipino.

Ngayon ay ituon ang inyong pansin sa


tsart na ito. Dito makikita ang estado ng
mga bansa batay sa panukat ng pag-
unlad. Suriing mabuti ang nilalaman ng
tsart.

(Human Development Report 2014)

Aling limang mga bansa ang itinuturing na


maunlad sa taong 2014?

Ang limang mga bansang maunlad sa


Saang kontinente matatagpuan ang taong 2014 ay ang Norway, Australia,
karamihan sa mga bansang maunlad? Switzerland, Netherlands at United States.

Bakit kaya?
Karamihan sa mga bansang maunlad ay
matatagpuan sa kontinente ng Europe.
Marahil ay mayroon silang mas angkop na
pamamaraan sa pangangasiwa sa mga
Sa palagay nyo ba ay makakamit din natin salik na makatutulong sa pag-unlad ng
ang kaunlarang taglay nila kung magiging kanilang ekonomiya.
mabusisi lamang tayo sa pangangasiwa ng
ating mga kayamanan?

Opo. Dahil sa di mabilang-bilang na


kayamanang taglay ng Pilipinas, hindi
malabo na maabot natin ang kaunlarang
Mahusay! taglay nila kung pagsisikapan nating
tuparin ito.
F. Paglinang sa Bilang isang Pilipino, ano ang maaaring Suportahan ang ating pamahalaan.
kabihasaan gawin ng bawat mamamayan upang Sundin at igalang ang batas upang
tungo sa matamo ang pambansang kaunlaran? magkaroon ng katiwasayan sa lipunan.
formative Alagaan ang ating kapaligiran. Tumulong
assessment sa pagpuksa sa korupsiyon at katiwalian
(Pangwakas) sa pamahalaan.
Maging produktibo. Linangin at gamitin
ang sariling kakayahan at talent sa mga
makabuluhang bagay.
Makilahok sa mga gawaing pansibiko
Mahusay!
G. Paglalapat ng Bilang isang mag-aaral paano ka
aralin sa pang- makatutulong sa pag-unlad ng ating Sa pamamagitan po ng pakikilahok sa
araw-araw na bansa? pagpapatupad sa mga proyektong
buhay
pangkaunlaran sa paaralan at sa
komunidad.
Tama.

H. Paglalahat ng Ngayon naman ay atin nang lagumin ang


Aralin ating mga napag-aralan sa araw na ito.
Ano ang pag-unlad para sa iyong sariling
pagpapakahulugan?
Ang pag-unlad ay pagbabago mula sa
mababa tungo sa mataas na antas ng
pamumuhay. Isa itong kaisipang maaaring
may kaugnayan sa salitang pagsulong.
May mga palatandaan ba na ginagamit
upang matukoy kung may naganap nga
bang pag-unlad sa isang bansa? Ginagamit bilang isang panukat ng pag-
unlad ang Human Development Index na
kinapapalooban ng tatlong aspekto ang:
kalusugan, edukasyon, at antas ng
pamumuhay.
Tama. Anu-ano naman ang mga salik na
maaaring makatulong sa pag-unlad ng
isang bansa? Ang likas na yaman, yamang-tao, kapital
at teknolohiya o inobasyon ang mga salik
na ito.
Mahusay! May katanungan pa ba klas?
Wala na po.
Naintindihan ba ninyo ang ating talakayan
sa araw na ito? Opo.

I. Pagtataya ng Upang aking matiyak kung talagang


aralin naintindihan nyo ang ating aralin
magkakaroon tayo ng maiksing pagsusulit.

Panuto: Tukuyin kung tama o mali ang


isinasaad ng bawat bilang. Isulat sa isang
kapat na papel ang inyong sagot.

______1. Ang pag-unlad ay isang


progresibo at aktibing proseso.
______2. Ang halimbawa ng pag-sulong ay
ang makabagong pamamaraan ng
pagtatanim ng palay.
______3. Ang HDI ay isang uri ng
tradisyonal na pananaw na nauukol sa
pag-unlad.
______4. Karamihan sa mga bansang nasa
Asya ang nasa maunlad na mga bansa.
______5. Ang mga tao ang itinuturing na
yaman ng isang bansa.
J. Karagdagang Bakit mahalaga ang sama-samang
gawain para sa pagkilos ng mamamayan upang umunlad
takdang-aralin ang isang bansa?

Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod:

1. mapanagutan
2. maabilidad
3. makabansa
4. maalam
V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mga
mag-aaral na
nakakuha ng 80%
sa pagtataya
B. Bilang ng mga
mag-aaral na
nangangailangan
ng iba pang
Gawain para sa
remediation
C. Nakatulong ba ng
remedial? Bilang
ng magaaral na
nakaunawa ng
aralin.
D. Bilang ng mga
mag-aaral na
magpapatuloy sa
remediation?
E. Alin sa mga
istratehyang
pagtuturo ang
nakatulong ng
lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin
ang aking
naranasan na
nasolususyonan
sa tulong nng
aking punung
guro at superior?

G. Anong kagamitang
panturo ang aking
nadibuho na nais
kong ibahagi sa
aking kapwa
guro?
Binigyang Pansin:

inihanda ni:
Shekinah G. Albis

You might also like