You are on page 1of 8

Learning Area ARALING PANLIPUNAN

Learning Delivery Modality FACE TO FACE LEARNING

BUKAL SUR NATIONAL HIGH


Paaralan Baitang BAITANG 9
SCHOOL
TALA SA Guro ANNA THERESA P. CASAPAO Asignatura AP
PAGTUTURO Petsa APRIL 3, 2024 Markahan IKA-APAT
1:45 – 2:45
Oras Bilang ng Araw ISANG ARAW
2:45 – 3:45

Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay:


 Natutukoy ang iba’t ibang estratehiya na nakatutulong sa pambansang
kaunlaran;
I. LAYUNIN  Nakagagawa ng slogan patungkol sa “sama-samang pagkilos para
sa pambasang kaunlaran”;
 Nakapaglalahad ng sariling ideya o opinyon patungkol sa mga
estratehiya na nakatutulong sa pambansang kaunlaran.

Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa mga sektor ng ekonomiya at


A. Pamantayang Pangnilalaman mga patakarang pang- ekonomiya nito sa harap ng mga hamon at
pwersa tungo sa pambansang pagsulong at pag-unlad.
Ang mga mag-aaral ay aktibong nakikibahagi sa maayos na
pagpapatupad at pagpapabuti ng mga sektor ng ekonomiya at mga
B. Pamantayan sa Pagganap
patakarang pang- ekonomiya nito tungo sa pambansang pagsulong at
pag-unlad

Nasisiyasat ang mga palatandaan ng pambansang kaunlaran AP9MSP -


C. Pinakamahalagang Kasanayan sa
IVa - 1
Pagkatuto (MELC)

D. Pagpapaganang Kasanayan

II. NILALAMAN Konsepto ng Pag-unlad

III. KAGAMITANG PANTURO


A. Mga Sanggunian
a. Mga Pahina sa Gabay ng Guro MELC (p.55-56) Gabay ng Guro (p.393-394)
b. Mga Pahina sa Kagamitang
AP 9: Ekonomiks: Aralin 1. (p.393-394),
Pangmag-aaral
c. Mga Pahina sa Teksbuk 393-394
d. Karagdagang Kagamitan mula
sa Portal ng Learning Resource
B. Listahan ng mga Kagamitang PowerPoint Presentation, Laptop, Libro, Mga Larawan, TV, Projector,
Panturo para sa mga Gawain sa Pisara, Cartolina, Colored paper.
Pagpapaunlad at Pakikipagpalihan

IV. PAMAMARAAN GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL


A. PLANO SA
PAGKATUTO
(Panimula)
a. PAGBATI Magandang araw, Diamond/Ruby. Magandang araw rin po, Ma’am!
Ikinagagalak po naming kayong makita sa
pangkat Diamond/Ruby.
Maraming salamat.
b. PANALANGIN Bago tayo tumungo sa ating talakayan tayo
muna ay manalangin.
Ang ating pananalangin sa araw-araw ay
magsisimula sa nasa unahang hilera ng
upuan at saka sunod-sunod na ito kada araw.
(mananalangin ang naka-upo sa unahang
parte ng upuan)
Maraming, salamat!
c. PAGSASA-AYOS NG
SILID- ARALAN
Manatiling nakatayo at pakiayos ng inyong
mga upuan, kung may nakikita kayong mga
basura ay damputin at itapon ito sa tamang
basurahan. (isinasaayos ng mga mag-aaral ang
kanilang mga upuan)
Kung maayos na at wala ng nakikitang mga
basura ay maaari na kayong maupo.

d. PAGTATALA NG May liban ba sa klase natin ngayong araw?


LIBAN (Lalapit ang monitor ng buong klase
upang ibigay ang listahan ng mga liban na
mag- aaral)
e. PAGLALAHAD NG
MGA LAYUNIN PARA Ngayon tayo ay magpapatuloy sa ating
SA ARALIN aralin. makikibasa ng ating layunin ngayong
araw.
LAYUNIN:
Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay:
 Natutukoy ang iba’t ibang
estratehiya na nakatutulong sa
pambansang kaunlaran;
 Nakagagawa ng slogan patungkol
sa “sama-samang pagkilos para
sa pambasang kaunlaran”;
 Nakapaglalahad ng sariling ideya
o opinyon patungkol sa mga
estratehiya na nakatutulong sa
pambansang kaunlaran.

f. PAGBABALIK-ARAL
Maraming salamat!

Bago tayo tumungo sa ating talakayan, tayo


muna ay magbalik aral. Tungkol saan ang Ma’am tungkol po sa Human
pinag-aralan natin kahapon? Development Index

Sino ang makapagsasabi sa akin kung ano


ba ang Human Development Index, saan ito Ginagamit po itong panukat sa kalidad ng
ginagamit? ating pamumuhay na nakabase po sa
tatlong aspekto.

Ano ang tatlong aspekto na pinagbabasehan


ng HDI? Kalusagan, edukasyon at kabuhayan o
trabaho.
Tumpak! Bakit kaya importante na malaman
natin ang kalidad ng buhay na mayroon Para po alam natin kung tayo ba o ang
tayo? ating bansa ay patuloy ang pag-unlad at
ang pamumuhay ba natin ay nagbabago
kasabay ng pagbabago ng ating panahon.

Mahusay!

Dahil alam na ninyo ang HDI at malinaw na


g. PAGGANYAK sa inyo ang kahulugan nito, dadako na tayo
sa ating panibagong paksa.
( 10 minuto )
Bago tayo magsimula mayroon muna tayong
kaunting aktibidad.

Ang tawag dito ay HULARAWAN. Kung saan


huhulaan lamang ninyo ang mga larawan na
aking ipapakita gamit ang ilang klu.

_
A
K
_
_
A
_ Makabayan po.
S
_

M
_
A
L
_
_

Ma’am, maalam po.


M
_
P
_
_
A
G
_
T
_
_

Mapanagutan po.
_
A
A
_
_
L
I _
A
D

Tungkol saan kaya ang ating pag-uusapan


base sa inyong mga nakitang larawan at mga
nahulaang salita?
Maabilidad po.

Magaling! Ating aalamin ngayong araw ang


mga iba’t ibang estratehiya na maaari at
dapat nating gawin upang makatulong sa
kaunlaran ng ating bansa. Tungkol po sa mga pamamaraan na ating
pwedeng gamitin sa pagpapa-unlad ng
Dadako na tayo sa ating talakayan. Handa ating bansa.
na ba kayo?
Opo, Ma;am.
B. PAGPAPAUNLAD/ Ngayon magpatuloy na tayo sa ating
PAGLINANG talakayan. Dahil alam na ninyo ang paraan
( 20 minuto ) ng pagsukat sa pag-unlad ng isang bansa.
Aalamin naman natin ngayong araw kung
paanong ang mga mamamayan ang
nagsisilbing pangunahing susi sa pag-unlad
ng isang bansa.

Ang ating paksa ngayong araw ay ang


Sama-Samang Pagkilos para sa
Pambasang Kaunlaran.

Sa inyong palagay, paano nakatutulong ang


mga tao sa pag-unlad ng isang bansa? Ma’am, nakakatulong po tayong mga tao
sa pag-unlad dahil tayo po ang nagawa,
nag-iisip at nagpapalago ng ating
ekonomiya na nagreresulta sa sa
pambansang kaunlaran.
Magaling! Aalamin natin ngayon ang iba
pang mga estratehiya na makakatulong pa
sa pag-unlad ng ating bansa;

Sa bawat ipakikita kong mga salita ay nais


kong magbigay kayo ng inyong mga ideya
kung bakit ito ay nakatutulong sa pag-unlad
ng ating bansa.

Umpisahan natin sa pagiging


“MAPANAGUTAN”
MAPANAGUTAN
Paano ito nakakatulong sa pag-unlad ng
bansa? 1. Tamang pagbabayad ng buwis.

Sa tamang pagbabayad po ng buwis,


nakakalikha po ito ng pondo para sa mga
proyektong pang-imprastruktura,
edukasyon, kalusugan, at iba pa na
mahalaga sa pagpapaunlad ng bansa.
Mahusay! Ang pagkakaroon ng kaugalian ng
tamang pagbabayad ay makatutulong upang
magkaroon ang pamahalaan ng gagamitin sa
larangan ng edukasyon at ibang program ana
patungkol sa kalusugan.

Sunod naman ay ang makialam, papaano


nakakatulong ang pakikialam sa pag-unlad? 2. Makialam

Ang pagiging aktibo at pakikialam po sa


mga usaping pampubliko ay nagbibigay
ng pagkakataon para sa mas maraming
mamamayan na makilahok at magbigay
ng kanilang opinyon, na siyang
nagbubunga ng mas mahusay na
pamamahala at pagpaplano para sa
kaunlaran ng bansa.
Very Good! Ang mali ay labanan, ang tama
ay ipaglaban. Hindi katanggap-tanggap ang
pananahimik at pagsasawalang-kibo natin sa
mga maling nagaganap sa loob ng bahay, sa
komunidad, sa paaralan at pamahalaan.
Sa pagiging MAABILIDAD naman tayo MAABILIDAD
tumungo. Papaano nakakatulong ang
pagbuo o pagsali sa kooperatiba? 1. Bumuo o sumali sa kooperatiba

Sa pagbubuo po at pagsali sa
kooperatiba, nakakapagbigay po ito ng
pagkakataon sa mga mamamayan na
Tama! Ang kooperatiba ay ang pagsama- magkaisa at magtulungan upang
sama ng puhunan ng mga kasapi upang mapaunlad ang kanilang kabuhayan.
magtayo ng negosyo na ang makikinabang at
tatangkilik ay mga kasapi rin.

Sunod naman ay ang pagnenegosyo. Sa


papaanong paraan nakakatulong ang
pagnenegosyo sa pag-unlad ng bansa?
2. Pagnenegosyo

Ma’am, ang pagnenegosyo po ay


nagbibigay ng oportunidad sa mga
indibidwal na magbigay ng serbisyo o
produktong kinakailangan ng mga
mamamayan, na naglilikha ng trabaho at
nagpapalakas sa ekonomiya ng bansa.
Mahusay! Hindi dapat manatiling
manggagawa lamang ang Pilipino. Dapat
sikapin rin nating mag may-ari ng mga
negosyo upang upang maging kontrolado.
MAKABANSA
Dumako naman tayo sa usaping
“MAKABANSA”. 1. Pakikilahok sa pamamahala ng
bansa.

Sa pakikilahok po sa pamamahala ng
bansa, nagbibigay po ito ng pagkakataon
sa mga mamamayan na magbigay ng
kanilang mga opinyon at ideya upang
mapabuti ang mga patakaran at
Tama! Bukod sa tayo ay malayang programang pang-gobyerno.
makapagbibigay ng ating opinyon, ito rin ay
nagpapalakas sa demokrasya at
nagpapalawak sa partisipasyon ng mga
mamamayan sa pagpapatakbo ng bansa.
2. Pagtangkilik sa mga produktong
Pilipino.

Ang pagtangkilik po sa mga produktong


Pilipino ay nagbibigay ng suporta sa lokal
na industriya at mga manggagawang
Pilipino.
Tandaan ninyo rin na sa pamamagitan ng
pagtangkilik sa mga lokal na produkto ay
natutulungan natin ang pagpapalago ng
ekonomiya at pagpapalakas ng identidad at
kultura ng bansa.

Ngayon nasa huling parte na tayo ng


estratehiya ng pambansang kaunlaran. Ang
“MAALAM”. MAALAM

1. Tamang pagboto.

Sa tamang pagboto po nagkakaroon ng


tamang representasyon ang mamamayan
sa pamahalaan. Nagkakaroon sila ng
pagkakataon na iboto ang tama at iwaksi
Magaling! Sa pamamagitan ng pagbibigay ng
kanilang boses sa mga halalan, nagiging ang mali.
mas epektibo ang sistema ng demokrasya sa
bansa at mas mabigat na nararamdaman
ang katuparan ng kanilang mga karapatan at
pangangailangan.
2. Pagpapatupad at pakikilahok sa
mga proyektong pangkaunlaran
sa komunidad.

Ma’am, sa pamamagitan po ng
pagtutulungan at pagtulong-tulong,
nagkakaroon ng mas malawak na
positibong epekto ang mga proyektong ito
sa pag-unlad ng ekonomiya at
Tumpak! Sa simpleng pakikilahok lamang pagpapalakas ng komunidad.
ninyo sa mga gawain sa inyong barangay ay
nagpapakita na kayo ng pagtulong sa pag-
unlad ng ating bansa.

Naiintindihan po ba?

Opo, Ma’am!
Pamprosesong Tanong:

1. Bilang isang mag-aaral, paano mo


ginagamit ang iyong pagiging
maalam sa pagpili ng mga pinuno at
pakikilahok sa mga gawaing
pampaaralan at pampamayanan.

Bilang isang mag-aaral po, ginagamit ko


ang aking pagiging maalam sa
pamamagitan ng pagsasaliksik at
pakikilahok sa mga talakayan at debate
upang masuri ang mga plataporma ng
mga kandidato at makapili ng mga pinuno
Magaling, maraming salamat sa inyong na tunay na makakatulong sa
kasagutan. Dumako na tayo sa ating pagpapaunlad ng paaralan at pamayanan.
aktibidad.

C. PAKIKIPAGPALIHAN GAWAIN 1: SLOGAN!


( 10 minuto )
Panuto: Gumawa ng sariling slogan
patungkol sa paksang “sama-samang
pagkilos para sa pambasang kaunlaran”.
Gawin itong maiksi ngunit makabuluhan.

Naririto ang rubriks sa paggawa ng slogan.

RUBRIKS SA PAGGAWA NG SLOGAN

Pamantayan % Puntos
Pagkaka- 30
ugnay sa
Tema
Orihinalidad 30
Kalinisan ng 20
gawa
Nilalaman 20
Kabuuan 100

Pamprosesong Tanong:

Ano ang nais mong ipahiwatig sa iyong


slogan?
“Sa bawat hakbang tungo sa pambansang
kaunlaran, ang pagtulong ay nagbibigay
ng lakas at pag-asa sa ating bayan. Sa
pagkakaisa at pagkakawanggawa,
makakamit natin ang mas maunlad na
kinabukasan para sa bawat Pilipino.”

D. PAGLALAPAT Gawain 2: SHARE MO LANG!


( 10 minuto )
Panuto: Ilahad ang iyong sariling ideya o
opinyon patungkol sa ating paksang
tinalakay. Gawin ito ng maiksi pero eksakto
sa ating paksa. Isulat mo ito sa loob ng
status box sa ibaba.

(maaaring kasagutan ng mga mag-aaral)

Magandang Buhay mga ka-FB

“Ang sama-sama pagkamit ng


pambansang kaunlaran ay isang
mahalagang layunin na dapat pasukin
ng bawat mamamayan. Sa pagkakaisa
at pagtutulungan, maaari nating
lampasan ang mga hamon at labanang
hinaharap ng ating bansa. “

#BayanihanParaSaKaunlaran
#SulongPilipinas
Matapos ninyong magawa ang inyong aktibiti #PagkakaisaParaSaPagUnlad
ay bibigyan ko kayo ng limang (5) minuto na
upang balikan at suriin ang ating mga
tinalakay mula noong Lunes hanggang
ngayong araw dahil magkakaroon tayo ng
pagsusulit.

MAIKSING PAGSUSULIT ( 5 minuto )

Panuto: Basahing mabuti at alamin ang


tinutukoy ng bawat pahayag.

________1. Ayon dito ang pag-unlad ay


pagbabago mula sa mababa tungo sa
mataas
1. Diksyunaryo/Merriam Webster
________2. Binibigyaang diin nito na ang
pag-unlad bilang pagtamo ng patuloy na
2. Tradisyunal na pananaw
pagtaas ng income per capita.
________3-5 Ibigay ang tatlong pangunahing 3. Kalusugan,
aspekto ng pag-unlad ng mamamayan.
4. Edukasyon
________6. Ito ay nakikita at nasusukat tulad
ng daan, sasakyan, kabahayan, gusali, 5. Kabuhayan
bangko, paaralan at marami pang iba.
________7. Ayon sa kanya ang pag-unlad ay 6. Pagsulong
isang progresibo at aktibong proseso.
7. Feliciano R. Fajardo
________8. Ano ang ibig sabihin ng acronym
na HDI? 8. Human development index
________9-10. Magbigay ng dalawang
estratehiya na nakatutulong sa pag-unlad ng 9. – 10. Mapanagutan,
isang bansa. maabillidad, makabansa,
maalam

E. PAGNINILAY Ano-ano ang inyong mga naging


reyalisasyon matapos ang ating paksa
ngayong araw. Sagutin ito gamit ang mga
sumusunod na prompt.

Nauunawaan ko na……

Nabatid ko na….

F. TAKDANG ARALIN Basahin at unawain ang Aralin 2 Sektor ng


Agrikultura.

Prepared by: Attested/ Observed:


ANNA THERESA P. CASAPAO ESPERANZA P. OBLEFIAS
Practice Teacher Cooperating Teacher

You might also like