You are on page 1of 8

Learning Area ARALING PANLIPUNAN

Learning Delivery Modality FACE TO FACE LEARNING

BUKAL SUR NATIONAL HIGH


Paaralan Baitang BAITANG 9
SCHOOL
TALA SA Guro ANNA THERESA P. CASAPAO Asignatura AP
PAGTUTURO Petsa APRIL 19, 2024 Markahan IKA-APAT
1:45 – 2:45
Oras Bilang ng Araw ISANG ARAW
2:45 – 3:45

Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay:


 Natatalakay ang mga patakaran at programang pangkaunlaran
sa sektor ng agrikultura;
I. LAYUNIN  Nakakabuo ng Venn Diagram upang isa-isahin ang pagkakaiba at
pagkakapareho ng mga sekundaryang sektor ng Agrikultura;
 Nakapagbibigay ng isang komprehensibong pag-unawa sa mga
patakaran sa sektor ng agrikultura.

Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa mga sektor ng ekonomiya at


A. Pamantayang Pangnilalaman mga patakarang pang- ekonomiya nito sa harap ng mga hamon at
pwersa tungo sa pambansang pagsulong at pag-unlad.
Ang mga mag-aaral ay aktibong nakikibahagi sa maayos na
pagpapatupad at pagpapabuti ng mga sektor ng ekonomiya at mga
B. Pamantayan sa Pagganap
patakarang pang- ekonomiya nito tungo sa pambansang pagsulong at
pag-unlad

Nasusuri ang bahaging ginagampanan ng agrikultura, pangingisda, at


C. Pinakamahalagang Kasanayan sa
paggugubat sa ekonomiya.
Pagkatuto (MELC)

D. Pagpapaganang Kasanayan

II. NILALAMAN Sektor ng Agrikultura

III. KAGAMITANG PANTURO


A. Mga Sanggunian
a. Mga Pahina sa Gabay ng Guro MELC (p.56) Gabay ng Guro (p.408-409)
b. Mga Pahina sa Kagamitang
AP 9: Ekonomiks: Aralin 2. (p.408-409),
Pangmag-aaral
c. Mga Pahina sa Teksbuk 408-409
d. Karagdagang Kagamitan mula
sa Portal ng Learning Resource
B. Listahan ng mga Kagamitang PowerPoint Presentation, Laptop, Libro, Mga Larawan, TV, Projector,
Panturo para sa mga Gawain sa Pisara, Cartolina, Colored paper.
Pagpapaunlad at Pakikipagpalihan

IV. PAMAMARAAN GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL


A. PLANO SA
PAGKATUTO
(Panimula)
a. PAGBATI Magandang araw, Diamond/Ruby. Magandang araw rin po, Ma’am!
Ikinagagalak po naming kayong makita sa
pangkat Diamond/Ruby.
Maraming salamat.

b. PANALANGIN Bago tayo tumungo sa ating talakayan tayo


muna ay manalangin. (mananalangin ang mag-aaral na
Sino ang mananalangin ngayong araw? nakatalaga ngayong araw)

c. PAGSASA-AYOS NG Maraming, salamat!


SILID- ARALAN
Manatiling nakatayo at pakiayos ng inyong
mga upuan, kung may nakikita kayong mga
basura ay damputin at itapon ito sa tamang (isinasaayos ng mga mag-aaral ang
basurahan. kanilang mga upuan)

Kung maayos na at wala ng nakikitang mga


basura ay maaari na kayong maupo.

Pagpapaalala ng mga Alituntuning Dapat


Sundin

Ipapaalala ko lamang sa inyo ang mga


alintuntunin natin sa loob ng ating silid-
aralan.

 Bawal magselpon sa oras ng klase


maliban na lang kung kailangan sa
aktibidad at emergency.
 Kapag sasagot o may katanungan ay
itaas lamang ang kamay.
 Makinig sa guro. Lahat ng tingin at
pakikinig ay sa akin lamang.
 Panatilihin ang pagrespeto palagi.
Respeto sa sarili at sa iba. Opo.
d. PAGTATALA NG
LIBAN Naiintindihan?
(Lalapit ang monitor ng buong klase
upang ibigay ang listahan ng mga liban na
May liban ba sa klase natin ngayong araw? mag- aaral)
e. PAGLALAHAD NG
MGA LAYUNIN PARA
SA ARALIN Kung wala tayo ay magsimula na.

LAYUNIN:
Ngayon tayo ay magpapatuloy sa ating Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay:
aralin. makikibasa ng ating layunin ngayong  Natatalakay ang mga patakaran
araw. at programang pangkaunlaran sa
sektor ng agrikultura;
 Nakakabuo ng Venn Diagram
upang isa-isahin ang pagkakaiba
at pagkakapareho ng mga
sekundaryang sektor ng
Agrikultura;
 Nakapagbibigay ng isang
komprehensibong pag-unawa sa
mga patakaran sa sektor ng
agrikultura.
f. PAGBABALIK-ARAL

Maraming salamat!
Tungkol po sa mga Suliranin ng
Bago tayo tumungo sa ating talakayan, tayo Agrikultura.
muna ay magbalik aral. Tungkol saan ang
ating nakaraang paksa? Ang mga problema at suliranin po ng
Agrikultura. Natuklasan po namin kahapon
Ano ang ating tinalakay kahapon tungkol sa na mahalaga na malaman natin ang mga
Agrikultura? problema tungkol sa agrikultura para po
makaisip agad tayo ng magagandang
solusyon tungkol dito.
g. PAGGANYAK
(10 minuto) Mahusay! Bago tayo dumako sa ating
panibagong paksa, magkaroon muna tayo ng
maiksing aktibidad.

Bilang panimulang gawain mayroon akong


inihandang larawan at akin itong pinaghiwa-
hiwalay. Upang malaman ninyo kung ano
ang nasa larawan ay kailangan ninyo itong
buoin.

B. PAGPAPAUNLAD/ Magpatuloy na tayo sa ating talakayan. Dahil


PAGLINANG alam na ninyo ang mga sektor ng agrikultura
(20 minuto) at kahalagahan nito. Dadako na tayo sa ating
panibagong paksa.

Tungkol saan nga ang ating paksa ngayong


araw? Tungkol po sa mga patakaran o batas
patungkol sa Agrikultura.
Ano ang inyong naiisip kapag naririnig ninyo
ang salitang patakaran? Mga batas po.

Mayroon ba kayong alam na mga batas


tungkol sa agrikultura? Wala po.

Kung wala, tayo ay magsimula na para


magkaroon na kayo ng ideya tungkol sa mga
batas na konektado sa ating agrikultura. MGA BATAS TUNGKOL SA SEKTOR
NG AGRIKULTURA

Land Registration Act of 1902


 Ito ay sistemang Torrens sa
panahon ng pananakop ng mga
Amerikano na kung saan ang mga
titulo ng lupa ay ipinatalang lahat.
Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng
ganitong sistema, mas pinapadali ang
proseso ng pagbili at pagbebenta ng lupa, at
nagbibigay ito ng katiyakan sa mga may-ari
ng lupa.

Ibig sabihin nito ay ginamit ito noong


panahon ng pananakop ng amerikano. Ano Ang Land Registration Act of 1902 po ay
nga ang LRA? naglalayong mapanatili ang kaayusan at
katiyakan sa pag-aari ng lupa sa Pilipinas
sa panahon ng pananakop ng mga
Amerikano.

Public Land Act of 1902


Ang sunod ay ang Public Land Act of 1902.  Nakapaloob dito ang pamamahagi
ng mga lupaing pampublilko sa
mga pamilya na nagbubungkal ng
lupa. Ang bawat pamilya ay
maaaring magmay-ari ng hindi
hihigit sa 16 na ektarya ng lupain.

Ilang ektarya daw ang ipinamamahagi sa Ma’am, 16 ektarya po.


bawat pamilya?
Batas Republika Bilang 1160
 Nakapaloob dito ang pagtatatag
sa National Resettlement and
Rehabilitation Administration
(NARRA) na pangunahing
nangangasiwa sa pamamahagi ng
mga lupain para sa mga
rebeldeng nagbalik loob sa
pamahalaan. Kasama rin sa mga
binibigyan nila ay ang mga
pamilyang walang lupa.

Sa pamamagitan ng NARRA, ang


pamahalaan ay nagbibigay ng suporta at
tulong sa mga dating rebeldeng nagbalik-
loob at sa mga pamilyang walang lupa upang
magkaroon sila ng sariling tirahan at
kabuhayan.

Sa inyong palagay nararapat ba na bigyan ng Opo, sa ilalim ng ilang mga kundisyon,


mga lupa ang mga dating rebelde? maaaring maging makatarungan ang
pagbibigay ng lupa sa mga dating rebelde
upang mabigyan sila ng pagkakataong
magsimula muli at maging produktibong
miyembro ng lipunan. Subalit, kailangan
ding tiyakin na ang proseso ng
pamamahagi ng lupa ay may sapat na
transparansiya at pagtutok sa
pangangailangan ng lahat ng sektor ng
lipunan.

Mahusay! Dahil lahat ay may pagkakataon


na magkaroon ng bagong buhay at bagong Batas Republika Blg 6657 ng 1988
simula. Kilala sa tawag na Comprehensive
Agrarian Reform Law (CARL) na
inaprobahan ni dating Pangulong Corazon
Aquino noong ika-10 ng Hunyo, 1988.
Ipinasailalim ng batas na ito ang lahat ng
publiko at pribadong lupang agrikultural.
Ito ay nakapaloob sa Comprehensive
Agrarian Reform Program (CARP).

Ipinamamahagi ng batas ang lahat ng


lupang agrikultural anoman ang tanim nito
sa mga walang lupang magsasaka. May
hangganan ang matitirang lupa sa mga
may-ari ng lupa. Sila ay makapagtitira ng
di hihigit sa limang ektarya ng lupa. Ang
bawat anak ng may-ari ay bibigyan ng
tatlong ektarya ng lupa kung sila mismo
ang magsasaka nito

Sa madaling salita, ipinamamahagi ng batas


ang mga lupang agrikultural sa mga walang
lupa o magsasakang walang sariling lupain.
Ang mga may-ari ng lupa ay may hangganan
sa laki ng lupa na kanilang maaaring
pagmamay-ari, na hindi hihigit sa limang
ektarya. Bukod dito, ang bawat anak ng may-
ari ay maaaring bibigyan ng tatlong ektarya
ng lupa kung sila mismo ay magsasaka nito.
Dumako naman tayo sa usapin patungkol sa
patakaran at programang pangkaunlaran sa MGA PATAKARAN AT PROGRAMANG
sektor ng agrikultura. PANGKAUNLARAN SA SEKTOR NG
AGRIKULTURA

PAGSASAKA/PAGTATANIM
Batay sa CARP 2003, patuloy na
isinasagawa ang sumusunod upang
maikatuparan ang nais ng pamahalaan na
maiangat ang kalagayang pangkabuhayan
ng mga magsasaka:

✓ Pagtatayo ng bahay-ugnayan para sa


mga magsasaka upang masigurong
mayroon suportang maibibigay sa kanila;
✔Pagtatayo ng gulayan para sa mga
magsasaka;
✓ Pagsisiguro na ang mga anak ng mga
magsasaka ay makapag-aaral kaya
itinayo ang Pangulong Diosdado
Macapagal Agrarian Reform
Scholarship Program
Sa mga nasabing patakaran sa inyong
palagay marami kayang mga anak ng
magsasaka ang nakatatanggap ng
scholarship program? Opo, maaaring marami po ang
nakakatanggap subalit maraming iba't
ibang mga kadahilanan ang maaaring
makaimpluwensya sa pagtanggap ng
scholarship program, kabilang na ang
ekonomikong kalagayan ng pamilya,
lokasyon, at iba pang mga personal na
salik.

Mahusay! Pag-usapan naman natin ang


patakaran sa pangingisda. PANGINGISDA
Philippine Fisheries Code of 1998. Ito ang
itinadhana ng pamahalaan na naglilimita
at naglalayon ng wastong paggamit sa
yamang pangisdaan ng Pilipinas.
Isa sa mga halimbawa ng batas na ito ay ang
pagtatakda ng mga zone o lugar kung saan
maaaring mangingisda at kung saan
ipinagbabawal ang pangingisda upang
mapanatili ang likas na yaman ng dagat.
PAGTOTROSO
Sustainable Forest Management Strategy
- ito ay pamaraan upang matakdaan ang
permanente at sukat ng kagubatan. Ito ay
estratehiya ng pamahalaan upang
maiwasan ang suliranin ng squatting,
huwad at ilegal na pagpapatitulo ng lupa
at pagpapalit ng gamit sa lupa.
Halimbawa ng Sustainable Forest
Management Strategy ay ang pagtatakda ng
mga regulasyon sa paggamit ng kagubatan
upang mapanatili ang tamang
paghahalaman, pagpaparami ng puno, at
pagprotekta sa biodiversity.

Ngayon, mahalaga ba na malaman natin ang


mga patakaran sa sektor ng agrikultura? Opo.
Bakit? Sa paanong paraan ito mahalaga?
Mahalaga na malaman natin ang mga
patakaran sa sektor ng agrikultura dahil
ang sektor na ito ay may malaking epekto
sa seguridad ng pagkain, ekonomiya, at
kalikasan. Ang pagkakaroon ng kaalaman
sa mga patakaran ay makatutulong sa
pagpaplano at pagpapasya sa mga
hakbang na dapat gawin upang mapanatili
ang sapat na suplay ng pagkain,
protektahan ang kalikasan, at suportahan
ang mga magsasaka at manggagawang
Magaling! Dahil alam na ninyo ang mga agraryo.
patakaran maaari na tayong magpatuloy sa
ating aktibidad.

C. PAKIKIPAGPALIHA GAWAIN 1: I-VENN DIAGRAM NATIN YAN!


N
(10 minuto) Panuto: Matapos ang talakayan tungkol sa
teksto sa patakaran at programa bilang
paraan sa pagpapatatag ng sektor ng
agrikultura, isa-isahin ang pagkakaiba at
pagkakapareho ng mga sekundaryang sektor
ng agrikultura gamit ang estratehiyang Venn
Diagram. (maaaring sagot ng mga mag-aaral)

Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang pagkakapareho at


pagkakaiba sa mga nagging
patakaran ng pamahalaan sa iba’t-
ibang aspeto ng agrikultura? Pagkakapareho:
Ang mga patakaran ng pamahalaan sa
iba't-ibang aspeto ng agrikultura ay
naglalayong mapanatili ang seguridad ng
pagkain, pangalagaan ang kalikasan, at
suportahan ang mga magsasaka at
manggagawang agraryo.
Pagkakaiba:
Ang patakaran para sa pangisda ay
nakatuon sa pamamahala ng mga likas na
yaman sa karagatan at iba pang
katubigan, habang ang patakaran sa
pagsasaka ay nagtuon sa lupaing
agrikultural.
May mga patakaran na espesipiko para sa
bawat sektor, tulad ng quotas para sa
pangisda o subsidyong pang-agrikultura
para sa mga magsasaka.
D. PAGLALAPAT Gawain 2: IDEYA-KONEK!
( 10 minuto )
Panuto: Ipagpatuloy ang gawaing ito bilang
pagpapahalaga at pagpapakita ng mga
kaalaman mula sa impormasyon na tinalakay
natin sa araling ito. Sagutin ang tanong sa
ibaba.

(mga maaaring sagot ng mag-aaral)

Ang sektor ng agrikultura ay may


mahalagang papel sa ating lipunan at
ekonomiya. Sa pamamagitan ng mga
patakaran at regulasyon, maaari itong
maging mapanatili at patuloy na
magtagumpay. Ang mga patakaran sa
agrikultura ay hindi lamang naglalayong
mapanatili ang sapat na suplay ng
pagkain para sa ating populasyon, kundi
pati na rin ang pagpapabuti sa kalidad ng
mga agrikultural na produkto.

Isa sa mga pangunahing layunin ng mga


patakaran sa agrikultura ay ang
pagpapalakas ng produksyon ng pagkain.
Sa pamamagitan ng mga regulasyon na
nagtataguyod ng modernisasyon at
paggamit ng makabagong teknolohiya,
maaari nating matiyak ang sapat na
suplay ng pagkain para sa ating bansa.

E. PAGNINILAY Ano-ano ang inyong mga naging


reyalisasyon matapos ang ating paksa
ngayong araw. Sagutin ito gamit ang mga
sumusunod na prompt.

Nauunawaan ko na……

Nabatid ko na….

F. TAKDANG ARALIN Basahin at unawain ang Suliranin ng


Agrikutura.

Prepared by: Attested/ Observed:


ANNA THERESA P. CASAPAO ESPERANZA P. OBLEFIAS
Practice Teacher Cooperating Teacher

You might also like