You are on page 1of 11

Isabela State University

Cabagan Campus

Masusing Banghay Aralin sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan IX

Konsepto ng Palatandaan ng Pag-unlad

Inihanda nina:

Allam, Jenny
Canceran, Julie-Ann
Maña, Dave V.
Marayag, Gilmarie R.
Ulep, Leanne Cindy
I. LAYUNIN
A. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN
Ang mag-aaral ay may pag-unawa sa mga sector ng ekonomiya at mga
patakarang pang-ekonomiya nito sa harap ng mga hamon at pwersa tungo sa
pambansang pagsulong at pag-unlad.

B. PAMANTAYAN SA PAGGANAP
Ang mag-aaral ay aktibong nakikibahagi sa maayoas na pagpapatupad at
pagpapabuti ng mga sector ng ekonomiya at mga patakarang pang-ekonomiya
nito tungo sa pambansang pagsulong at pag-unlad.

C. PAMANTAYAN SA PAGKATUTO
Nasisiyasat ang mga palatandaan ng pambansang kaunlaran.

D. TIYAK NA LAYUNIN
Pagkatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Natatalakay ang mga palatandaan ng pag-unlad;
b. Napahahalagahan ang mga salik na nakakatulong sa pag-unlad at
pagsulong ng ekonomiya ng bansa;
c. Nakabubuo ng jingle o awit tungkol sa katangian na nagpapahiwatig sa
pag-angat sa ating bansa.
II. NILALAMAN
Paksang-Aralin: Mga Palatandaan ng Pag-unlad
Sanggunian: Aklat sa Ekonomiks (Pahina 345-349)
Mga Kagamitang Panturo: Powerpoint presentation, laptop, projector

III. PAMAMARAAN
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Panimulang Gawain

1. Pagbati
Magandang umaga klas!
Kamusta ang inyong araw?
-Magandang hapon, Ma’am!
-Mabuti naman po Ma’am.
Bago tayo magsimula ay nais ko na
tumayo muna ang lahat para sa
ating panalangin. Maaari mo ba
itong pangunahan Chatleen?
-Opo Ma’am
Bago kayo umupo, maaari bang
paki-ayos muna ang inyong mga
silya at pakipulot na rin ang mga
kalat sa tapat ninyo.

Miss dayag kumpleto ba ang lahat?


Walang liban sa klase?
-Wala pong liban Ma’am lahat po ay
kumpleto.
Mabuti kung ganoon.
2. Balik-aral

Bago tayo dumako sa panibagong


aralin, sino sa inyo ang
makapagbibigay sa ating nagging
talakayan noong nakaraan? -Ma’am ako po!

Sige nga, Ronalyn. -Tungkol po sa unemployment


ma’am na kung saan ay maraming
nawalan ng trabaho lalo na noong
Marso taong 2020.

Magaling! Ano kaya sa tingin niyo


ang nangyari noong Marso taong -Nagkaroon po ng malawakang
2020? Ano kaya ito, Camile. lockdown dahil sa pandemya sa sakit
na COVID-19 at maraming nawalan
ng trabaho dahil sa pagsasara ng mga
iba’t ibang negosyo at hanap-buhay.

Magaling! Ano pa Jolan? -Nagmahal po ang mga bilihin


Ma’am.

Tama ang inyong mga nagging


kasagutan. Maraming nawalan ng
kanilang hanap-buhay at tumaas
ang mga bilihin kaya bumaba ang
ekonomiya ng mga bansa. Marami
rin ang nakaranas ng gutom at
paghihirap.

Bago tayo dumako sa susunod na -Opo Ma'am! Suriin ang pagkakaiba


aralin, Klas may binigay akong ng terminong pag-unlad at pagsulong
takdang aralin tama ba? Ma’am.

Ano ito Jericho?

Tama! Maaari mo bang basahin -Ang pag-unlad po ay isang proseso


ang iyong kasagutan tungkol sa na nagsisimula sa mababa patungong
pag-unlad? mataas na antas ng pamumuhay,
samantalang ang pagsulong naman
po ay ang resulta ng proseso ng pag-
unlad.

-Halimbawa na lamang po nito ay


Magaling! Maari ka bang ang mga makabagong teknolohiya na
magbigay ng halimbawa ng pag- ating gingamit sa kahit saang aspeto
unlad Mary Jane? ng pamumuhay sa kasalukuyan
Ma’am.

Mahusay Mary Jane!

3. Pagganyak -Opo Ma’am!


Bago tayo pormal na magpatuloy,
may inihanda akong gawain sa
inyo. Handa na ba kayo?

Nais kong ilabas niyo ang mga


cellphone niyo dahil may inihanda
ako ritong gawain. Ang gagawin
niyo lang klas ay i-scan niyo ang
QR Code at buuin niyo ang mga
jumbled words na nakapaloob dito.
Maliwanag ba?
-Opo ma’am!

-TEKNOLOHIYA
-LIKAS NA YAMAN
-KAPITAL
-YAMANG TAO

-Magaling! Maari niyo ng makuha ang


mga papremyo niyo.

Ngayon, handa na ba kayong making?


-Handa na po ma’am!

Hindi ko marinig, HEP-HEP?

-HOORAY!!

Ayan! Handang-handa na nga kayo!


B. Panlinang na Gawain

1. Paglalahad
Base sa mga salita na inyong
naibigay, ano sa tingin ninyo ang
ating tatalakayin ngayong hapon?
Sige nga, Lenie. -Ang mga salita pong ‘yan ay may
kinalaman po sa pag-unlad Ma’am.

Magaling! At ito ay may kinalaman


sa terminolohiyang “palatandaan”

May ideya ba kayo kung anong ibig


sabihin ng salitang palatandaan?
Sige nga, Ronnalyn.
-Ang ibig sabihin po ba nito ay
sinyales Ma’am
Mahusay! Ang tatalakayin nga
natin sa umagang ito ay mga
palatandaan ng pag-unlad.

2. Pagtatalakay
May tanong ako Klas, sa tingin
niyo magkakaroon ba ng pagsulong
kahit walang pag-unlad?
Michael, maaari mo bang ibigay
ang iyong katuwiran? -Para sa akin po ay hindi dahil nga po
sa pagkakahulugan, hindi ka
magkakaroon ng resulta kung di ka
dadaan sa proseso, ganun din po sa
pagitan ng pag-unlad, wala pong
magiging pagsulong.
Mahusay! Maraming salamat sa
iyong pagbabahagi ng iyong
opinyon.

Marami ang bansa sa kasalukuyang


panahon ang hindi maitatangging
progresibo at maunlad, maraming
modernong gusali ang naitatayo at
gayundin marami ang korporasyon
na malaki ang kinikita subalit ito ay
pagmamay-ari ng mga dayuhang
namumuhunan. Maliban sa mga
namumuhunan ay malaki rin ang
naitutulong ng mga salik sa pag-
unlad at pagsulong. Una na rito ang
mga likas na yaman sa pagsulong
ng ekonomiya ng bansa.
May ideya kaba kung bakit ito
nakakatulong Donna? -Nakakatulong po sa pag-unlad ng
ekonomiya ang likas na yaman
Ma’am dahil pinagkukunan natin ito
ng mga pangangailangan natin sa
pangaraw-araw, katulad po ng mga
yamang mineral, yamang dagat at iba
pa po.

Mahusay! Ngunit hindi


kasiguraduhan ang mga likas na
yaman dahil sa mga iba’t ibang
mga bansa ay hindi nila ito
mabisang napapakinabangan dahil
sa kadahilanang:
1. Kasalatan sa kalinisan
2. Pagsira ng mga kabundukan
3. Paggamit ng mga
ipinagbabawal na kagamitan
sa pangingisda at iba pa.

Ilan lamang iyan sa mga dahilan


kung bakit walang kasiguraduhan
ang likas na yaman. Bukod dito,
ano pa kaya ang ilan sa mga salik
na makakatulong sa pag-sulong ng
bansa? Sige nga Justine.
-Yamang Tao po Ma'am!

Bakit kasama ang Yamang tao?


Maaari mo bang ibigay ang iyong
saloobin?
-Dahil ang susi po sa pag-unlad ay
ang mga tao, bagkus ang
mamamayan po ang siyang makina
upang gumana ang buong lipunan.
Kung wala pong yamang tao, walang
gagawa ng produkto at serbisyo, wala
rin pong pagkonsumo at lalo pong
walang pag-unlad sa lipunan.
Magaling! Tayo ang tinutukoy dito
Klas, kung kayo ay mag-aaral ng
maigi, sa hinaharap ay makakamit
ninyo ang inyong mga pangarap sa
buhay, at gayundin magkakaroon
kayo ng desenteng trabaho at bukod
pa roon ay ang inaasam-asam
nating kaunlaran ng ating bansa ay
matutupad.
Papaano naman ang kapital? May
ideya kaba Ailyn? -Ito po ang mga makinaryang
ginagamit sa paggawa ng produkto at
serbisyo.

Magaling! Ano ang gagamitin natin


kung wala tayong makinarya sa
paggawa ng mga produkto at
serbisyong ating ikukonsumo,
malamang sa malamang ay hindi
natin maaabot ang pinakaaasam-
asam nating kaunlaran, bagkus ay
nasa pamamaraan pa rin tayo na
kung saan ay kulang sa
produktibidad ang mga tao.

Panghuli, ang teknolohiya.


Sa papaanong paraan naman ito -Sa tulong po ng teknolohiya Ma’am
nakakatulong Joan? ay mas napapabilis ang pakikipag-
kalakaran sa ibang bansa.

Mahusay! Sa pag-unlad ng ating


teknolohiya kasabay rin nito ay ang
pag-unlad ng ating ekonomiya dahil
sa teknolohiya mas napapabilis ang
pakikipag-kalakaran sa ibang
bansa. Subalit sa bawat pag-unlad
ng teknolohiya, may dala rin itong
pagbabago sa atin mapasama man o
mapabuti.

Dumako naman tayo sa konsepto


ng pag-unlad, sinasabi nga na ang
pagsulong ay parte lamang ng pag-
unlad, dahil sinsukat ang kabuuang
GNP, GDP, GNP per capita at real
GNP. Sa makatuwid ay hindi sapat
ang numero, makabagong
teknolohiya, at nagtataassang gusali
na siyang basehan natin sa pag-
unlad.

Ayon kay Fajardo, ang pagsulong


ng ekonomiya ay dulot ng mga
dayuhang namumuhunan ngunit ito
rin ay walang bias kung hindi rin
nararamdaman ng mga
pangkaraniwang tao. Ano kaya ang
nais iparating sa atin ni Fajardo
rito? May ideya kaba Arthuro? -Maaari po na marami ang
namumuhunan dito sa ating bansa at
marami ang kumikita ng hindi naman
naaapektuhan ang mga ordinaryong
tao. Para sa akin po, ang kaniyang
tinutumbok ay hindi pa rin natin
matatawag na maunlad ang ating
bansa kung magpahanggang ngayon
ay marami pa rin ang naghihirap na
walang makain at marami pa rin ang
mga kababayan nating walang
matinong trabaho.

Magaling! Tama ang iyong


sinambit, dagdag pa rito ayon
naman kina Todaro at Smith sa
kanilang Economic Development,
ayon sa kanila, ang pag-unlad ay
isang multidimensiyonal.
Ano kaya ang ipinapahiwatig nila -Ang tinutukoy po nilang
rito, may ideya ka ba Raiza? multidimensiyonal rito Ma’am ay
tumutukoy po sa maraming aspeto,
una na po ang pagbabago sa
istruktura ng lipunan, gawi ng tao,
mga pambansang institusiyon,
pagbilis ng pagsulong ng ekonomiya,
pag-alis sa kahirapan at di
pagkapantay-pantay ng mga
mamamayan.

Magaling! Tama ang iyong sinabi,


makakamit natin ang pag-unlad
kung aalisin natin ang iba’t-ibang
balakid na maaaring makasagabal
dito. Gaya nga ng sinabi ko kanina,
hindi sapat ang numero, mga
sasakyan at nagtataasang gusali -Opo Ma’am
upang masabi na ang bansa ay
maunlad. Maliwanag ba?

C. Pangwakas na gawain

1. Paglalahat
Bago tayo matapos ay muli nating
titingnan kung talaga nga na may
natutunan kayo.
Sino ang makapagsasabi sa akin  Likas na yaman
kung ano-ano ang mga salik sa  Yamang-Tao
pagsulong ng ating bansa?  Kapital
 Teknolohiya at Inobasyon

2. Pagpapahalaga
Mahusay! Papaano naman natin -Sa pamamagitan po ng tamang
mapapangalagaan ang mga salik na paggamit at di pag-abuso sa mga ito
ito? nang sa gayon ay magamit natin ito
nang maayos di lang sa kasalukuyan
pati na rin sa hinaharap at sa wakas
ay makamit na natin ang inaasam
nating pag-unlad.

-Mapapangalagaan po natin ang mga


Magaling! Sino pa ang gustong salik na ito sa pamamagitan ng
magbahagi ng kaniyang ideya? pagsunod sa mga patakaran at
May ideya kaba Ronalyn? alituntunin ng pamahalaan Ma’am.

Mahusay! Mukhang naintindihan


niyo ng mabuti ang ating pag-aaral
sa oras na ito.

Ngayon klas, may inihanda akong


isang laro at ito ay tatawagin kong
“POSITIVE, NEGATIVE”.

Handa na baa ng lahat?


-HOORAY!!

HEP-HEP?

IV. PAGTATAYA
Positive, Negative!
Panuto: Ang mga mag-aaral ay
pagpapasahan ang bola na naglalaman ng
mga katanungan habang may naka-play na
tugtugin. Bumunot ng isang tanong at
tukuyin kung ano ito.

Mga Tanong:
1. Ito ay tumutukoy sa makinarya sa Mga Sagot:
paggawa ng mga produkto at 1. Kapital
serbisyong ating ikukonsumo. 2. Yamang - Tao
2. Isang mahalagang salik na titingnan sa 3. Pag-unlad
pagsulong ng ekonomiya ang lakas- 4. Teknolohiya
paggawa. Kung maalam at may 5. Pagsulong
kakayahan ang mga mangggawa ay 6. Fajardo
mas maraming output ang nalilikha. 7. Likas na yaman
3. Tumutukoy sa isang proseso na 8. Todaro at Smith
nagsisimula sa mababa patungong
mataas na antas ng pamumuhay.
4. Sa pamamagitan nito ay nagagamit ng
mas episyente ang iba pang
pinagkukunang-yaman upang mas
mapabilis ang paglikha ng produkto at
serbisyo.
5. Ito ang resulta ng proseso ng pag-
unlad.
6. Ayon kay _______, ang pagsulong ng
ekonomiya ay dulot ng mga dayuhang
namumuhunan ngunit ito rin ay
walang bias kung hindi rin
nararamdaman ng mga
pangkaraniwang tao.
7. Anong salik ang walang
kasiguraduhan sa kadahilanang
kasalatan sa kalinisan, pagsira ng mga
kabundukan, gaggamit ng mga
ipinagbabawal na kagamitan sa
pangingisda at iba pa.
8. Ayon sa kanila, ang pag-unlad ay
isang multidimensiyonal.

A. Pangkatang Gawain: Buo mo,


Kanta mo”

Panuto: Hahatiin ko ang klase sa


tatlong grupo. Bawat grupo ay
lilikha ng jingle o maikling awit na
nagpapakita ng pag-angat sa ating
bansa. Gawing gabay ang rubriks sa
ibaba.
Pamantayan Puntos
Nilalaman 10
V.
Pagkamalikhain 5 Ta
Orihinalidad 5
Kabuuan 20
kdang-Aralin

Para sa inyong takdang-aralin,


bisitahin ang youtube app at
panuorin ang tungkol sa Human
Development Index at ibigay ang
kahalagahan nito para sa susunod
nating talakayan. Maaaring i-click
lamang ang link na ito.

https://youtu.be/oknylQtcGWU

Nauunawan ba Klas?

Kung ganun dito na nagtatapos ang Opo Ma’am


ating pag-aaral sa umagang ito.
Maraming salamat sa inyong
pakikinig at kooperasyon.
Maraming salamat din po Ma’am.

You might also like