You are on page 1of 11

Republic of the Philippines

Department of Education
Region II
Division of ILAGAN
City of Ilagan, Isabela
Ilagan South Central School
S.Y. 2021-2022
____________________________________________________________________________________

Banghay- Aralin
sa Matematika II

I. Layunin
Sa pagtatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. nauunawaan ang mga pamamaraan sa pagbabawas ng walang pagpa – pangkat;
b. nasasabi ang kahalagahan ng pagbabawas sa pang araw-araw na pamumuhay; at
c. nakapagbabawas ng bilang na may 2-3 tambilang (digit) mula sa minuends na hanggang
999 ng walang pagpapangkat. (M2NS-Ila-32.5)

II. Paksang- Aralin


Paksa: Pagbabawas nang walang Pagpapangkat
Textbook: Grade2 Centrally Developed Self-learning Modules, MELC Based (M2NS- Ila-
32.5)
Kagamitan: Powerpoint presentation, Laptop, Internet.
Values Integration: Pagkamatulungin, pagkamatapat at pagpapahalaga sa mga numero.
Subject Integration: Filipino- Pagsagot sa tanong na sino ano at paano.
Music- Pagkanta ng Math Song
ESP- Kahalagahan ng pagbabawas sa pang araw-araw.

III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng mga Bata

A.Panimulang- Gawain

1. Panalangin
Bago tayo magsimula sa ating aralin, tayo’y
manalangin. Ipikit ang inyong mata, yumuko
at manahimik.
Ang mga bata ay mananalangin…
2. Pagbati
Magandang umaga mga bata!
Magandang umaga din po Ma’am!
Bago natin simulan ang ating aralin, lagi
nating pakatatandaan ang mga sumusunod na
gawi:

Pakibasa nga Janna?


1. Pakimute o ioff ang Mic kapag hindi
magsasalita.
Maraming salamat Janna, susunod Claudette?
2. Hayaang nakabukas ang iyong Kamera.
Tama! Ang susunod, Angelo?
3. Pakitaas lamang ang kamay kung ikaw ay
may sasabihin o gusto mong sumagot sa
tanong.
At ang panghuli? Yes Brielle?
4. Makinig sa guro o sa nagsasalita.

Tama ito ang mga panuntunan upang maging


maayos ang ating klase at kayo’y matuto sa
ating aralin. Nagkakaintindihan ba tayo mga
bata?
Opo ma’am!

B. Panlinang na Gawain

1. Pagganyak/ Balik- aral


Bago tayo dumako sa ating paksa ngayong
araw na ito ako ay naghanda ng paunang gawain para
sa inyo na mayroong kaugnayan sa ating paksang
tatalakayin.

Narito ang Panuto:


Gamit ang kalendaryo hanapin ang nawawalang
BILANG. Maaari mo itong makita ng pataas o
pababa sa kalendaryo.

Laro: “Nasaan ang Kasama ko”


(Talakayan tungkol sa Kalendaryo.)

ENERO 2022

Handa na ba kayo mga bata?


Opo Ma’am!
Kung ganon, mag sisimula na tayo. Uulitin ko atin
paring gawin ang mga pamantayan sa online class
tulad ng hayaang nakabukas ang camera, bukasan
lamang ang Mic kung kinakailngan at magtaas ng
kamay kung may nais sabihin.

Naiintindihan ba mga bata?


Yes po Ma’am!
Tayo’y magsisimula na!

29 po Ma’am!
Tama!

19 po Ma’am!

Magaling!

7 po Ma’am!

Mahusay!

20 po Ma’am!

Napakamagagaling naman ng mga bata ko!


Palakpakan nag mga sarili! Mukhang nagustuhan
niyo ang laro!

2. Paglalahad
Bago tayo dumako sa ating susunod na Gawain,
maari bang i-on ninyo ang inyong mga micropono at
tayo’y sabay-sabay na aawit!
Opo Ma’am napakasaya!
Mahuhusay, palakpakan naman ang sarili!

Maari niyo ng i-off ulit ang inyong mga Micropono Yehey!


dahil tayo ay dadako na sa ating talakayan.
(Uulitin ang mga pamantayan sa online class)

Naiintindihan ba mga bata?

Mabuti! Ngayong araw ating kikilalanin kung sino si Opo Ma’am!


Popoy!

Pakibasa nga ang paksa ng talata, Adhy!

Napakagaling naman bumasa ni Adhy! Si Popoy ang batang nagtitinda ng Penoy.

Si Popoy ang batang nagtitinda ng Penoy.

Sino na sa inyo ang nakakita o nakatikim ng Penoy?

Sino na sa inyo ang nakarating sa Perya? Ako po Maam!

Paghahawan ng balakid: Ako po Maam!

Penoy: nilagang itlog ng itik na hindi nagsisiw.


Perya: karnabal, tanghalan.

Si Popoy, ang batang nagtitinda ng Penoy


Si Popoy ay isang masipag na bata, siya ay
nagtitinda ng penoy sa peryahan sa kanilang
lugar. Ito ay upang makatulong sa kanyang
magulang. Noong Biyernes ng gabi, si Popoy
ay may dalang 117 penoy. Laking tuwa ni
Popoy dahil siya ay nakabenta ng 106 at 11 na
lamang ang natira sa mga ito.

Suriin ang mga bilang sa talata:


117 penoy –
106 penoy – Dala po ni Popoy Maam!
11- Nabenta ni Popoy Maam!
Naiwan sa tinda ni Popoy Maam!

Ngayon dumako na tayo sa pagsagot sa mga tanong


tungkol sa Talata.

Sagutin ang mga tanong:


a. Sino ang batang nagtitinda ng penoy? Popoy po Ma’am!
b. Ano ang katangian ni Popoy na dapat
mong tularan? Matulungin po Ma’am!
c. Paano nalaman ni Popoy na 11 na lamang
ang natira sa tinda niyang mga penoy? Tinanggal po niya ang 106 sa 117 po Maam!
d. Ano ang operasyong ginamit?
Ang pagbabawas po Maam!

Tama napakahusay!

3. Pagtatalakay:
Ang pag-aaralan natin ngayong araw ay ang
pagbabawas ng bilang na may 2-3 tambilang
(digit).

Pakibasa nga ang kahulugan ng pagbabawas o


sa Ingles ay Subtraction.

Yes Yana? Ang Pagbabawas (Subtraction)


ay isang operasyon o pamamaraan ng pagkuha
ng bilang mula sa isang mas malaking bilang.

Magaling maraming salamat Yana!

Ang pagbabawas ay maaaring gawin sa dalawang


pamamaraan:
1. Mayroong Pagpapangkat
2. Walang Pagpapangkat

Ang tatalakayin natin ngayong araw ay ang


pagbabawas ng walang pagpapangkat.

Pakibasa nga ang kahulugan nito.


Pagbabawas nang Walang Pagpapangkat
- Ang pagbabawas nang walang pagpapangkat
Salamat! ay ang pagbawas nang hindi naghihiram.

Narito ang pamamaraan sa pagbabawas nang walang


pagpapangkat sa mga bilang na may 2-3 tambilang o
digits.

a. Pagtapatin ang isahan, ang sampuan, at ang


daanan sa minuend at subtrahend pagkatapos
ay maaari nang magbawas
b. Mag-umpisa sa isahan, isunod ang sampuan at
ihuli naming ibawas ang daanan.

( Pagbigay ng mga halimbawa)


May tanong ba kayo tungkol sa pagbabawas?
Naiintindihan na ba ninyo kung ano ang pmga paraan
ng pagbabawas?

Kung ganoon ay magtatawag ako isa-isa inyo at kayo


ay Magsasagot sa aking inihandang gawain. Una
ihanda ang lapis at papel para sa gawaing ito.

Handa na ba kayo? Opo Maam!

Panuto:
Ibigay lamang ang sagot o difference para sa mga
bilang na nasa bulaklak. Hanapin ang tamang sagot
na nasa kahon sa ibaba. Gamitin ang pagbabawas
nang may pagpapangkat at walang pagpapangkat.

255
-132
327
- 215 112
158
235
-121 126
- 32

55
148 116
- 32
123 -32
23
Magagaling palakpakan naman ninyo ang inyong
mga sarili!

4. Pagsasanay:

Upang lubos ninyong maunawaan pa ang ang ating


ara aralin ilabas niyo ang dalawang bilog na ginawa
niyo kahapon at atin itong gagamitin sa susunod na
gawain.
Itaas ang dilaw na bilog kung tama ang difference,
pula naman kung mali.
128-16=112
156-122=34

135-22=123 133-21=110
5. Paglalahat
Ano ang pagbabawas o Subtraction?
Ang Subtraction o pagbabawas ay ang proseso
ng pag-aalis o pagtatanggal mula sa pangkat ng
mga bagay.
Ano ang Minuend?
Ang minuend ay ang tawag sa bilang na
binabawasan.
Ano ang Subtrahend?
Ang subtrahend naman ay ang bilang na
ibabawas sa minuend.
Ano ang Difference ?
Difference naman ang tawag sa sagot na
nakukuha sa pagbabawas.
Ano ang paraan ng pagbabawas?
Sa pagbabawas ng 2-to-3 digit numbers,
unahinng ibawas ang isahan (ones), isunod ang
sampuan(tens), at panghuli ang sandaanan
(hundreds).

Bakit mahalaga na matutunan ang Pagbabawas o


Mahalaga na matutunan ang Pagbabawas o
Subtraction?
Subtraction dahil ito ay kasanayan na iyong
magagamit sa paglutas ng mga suliraning
pangmatematika na may kaugnayan sa iyong
IV. Pagtataya pang ara-araw na pamumuhay
Sa inyong sagutang papel sagutan ang mga
sumusunod na tanong, sagot na lamang ang
inyong ilalagay sa inyong papel okay? Meron
kayong 15 minuto para sagutan ito.
Panuto: Piliin ang tamang pangungusap na
may angkop na pang-abay batay sa isinasaad
ng larawan.
1. Ano ang difference kung Ibabawas ang 713
sa 824?
a. 111
b. 127
c. 89
d. 79
2. Ano ang sagot kung ang 643 ay ibabawas sa
776?
a. 233
b. 133
c. 85
d. 73
6. Ibawas ang 59 sa 189.
a. 130
b. 120
c. 310
d. 119
4. Ibawas ang 80 sa 189.
a. 129
b. 109
c. 89
d. 9
5. Bawasan ng 520 ang 620.
a. 120
b. 110
c. 100
d. 90

V. Takdang- Aralin
Basahin at unawain ang mga sumusunod na suliranin.
Sagutin ang mga tanong sa iyong sagutang papel.

1. Ano ang difference kung ibabawas ang 256 sa 577?

2. Ano ang magiging sagot kung ang 575 ay ibabawas


sa 979?

3. Si Anton ay may 160 na rubberband. Ang 60 ay


kanyang binigay sa kanyang pinsan. Ilang rubberband
ang natira?

Tapos niyo na bang kopiyahin mga bata? Opo Ma’am!

Kung ganon, muli magandang umaga at maraming


salamat sa pakikig. Goodbye class! Goodbye Maam!

Prepared by:
FLORY ROZ CLAIRE M. PAR
TEACHER I

Checked by:
ROBINA B. ACERA
Master Teacher - II
Noted by:
NIDA D. ARANDA
PRINCIPAL III
Prepared by:
FLORY ROZ CLAIRE M. PAR
TEACHER I

Checked by:
ROBINA B. ACERA
Master Teacher - II
Noted by:
NIDA D. ARANDA
PRINCIPAL III

You might also like