You are on page 1of 179

4 5 6

Visualizes, Represents and Identifies


0 Unit Fractions 2
with Denominators
1 of 10 and Below 3
Mathematics 2
Ikatlong Markahan, Ikalimang Linggo

7 8 9
Layunin
1. Nailalarawan ang mga unit fraction na
may denominator na 10 at pababa; at
2. Nakikilala ang mga unit fraction na may
denominator na 10 at pababa. M2NS-IIId-
72.2
MATHEMATICS 2
QUARTER 3 WEEK
5 DAY 1
0 Pag-awit ng Math Song 5
1 6
2 7
3
8
9
MATHEMATICS 2
QUARTER 3 WEEK
5 DAY 1
Kopyahin ang mga sumusunod na
larawan sa sagutang papel. Hatiin
ang grupo ng mga larawan sa
dalawang bahagi sa pamamagitan ng
pagbilog.
Basahin ang mga sumusunod na
sitwasyon. Subuking sagutin ang mga
sumusunod na mga tanong at gawain.
Bumili ang kuya ni Joey na si Ruel
ng paborito nilang meryendang
bibingka espesyal. Hinati iyon ni
Ruel sa walong bahagi at binigyan
si Joey ng isang bahagi. Anong
bahagi ng bibingka ang napunta
kay Joey?
Ipakita sa pamamagitan ng pagguhit sa
sagutang papel ng iba pang drowing na
nagpapakita ng 1/8 .
Ang fraction o hating-bilang ang ginagamit
upang maipakita ang bahagi ng isang buo o
grupo. Ito ay binubuo ng numerator (bilang sa
itaas na bahagi) at denominator (bilang sa
ibabang bahagi).
Ang unit fraction ay ang fraction o
hating-bilang na may
numerator na 1 o isang bahagi ng
isang buo.
Balikan natin ang naunang problema.
Gamitin natin ang isang bilog na kakatawan
sa bibingka. Ito ay isang buo na hinati sa
walong bahagi.
Binigyan ni Ruel si Joey ng isang
bahagi. Ito ay maaaring ipakita sa
pagkukulay ng isang bahagi (1 parte)
ng walong bahagi.
Ang bahaging may kulay ay ang isang
bahagi ng walong bahagi ng
bibingka(1/8). Ito ang isang bahagi na
natanggap ni Joey.
Ang unit fraction ay maaari ring maipakita sa
pamamagitan ng number line. Ito ay sa pamamagitan
ng pagguhit ng hugis arko mula sa bilang 0 papunta
sa bilang na 1. Pagmasdan ang halimbawa.
A. Ipakita sa pamamagitan ng pagguhit at pag-
shade ang mga sumusunod na unit fractions.
B. Suriin ang mga sumusunod na number
lines. Piliin ang tamang unit fraction para dito.
Isulat ang titik ng
tamang sagot sa sagutang papel.
Gawain:
a. . Suriin ang mga larawan sa kaliwa. I-shade ang
bahagi na magpapakita ng hinihinging unit fraction.
Iguhit at ishade ang pigura sa sagutang papel
B. Suriin ang mga sumusunod na larawan.
Piliin kung alin ang nagpapakita ng unit
fraction. Isulat ang titik ng inyong sagot sa
sagutang papel.
Ano ang unit fraction?
Paano natin makikilala ang unit fraction?
Paano natin maipapakita ang unit fraction?
Isulat sa sagutang papel ang tatsulok kung
ang larawan ay nagpapakita ng unit fraction
at bilog kung ibang
fraction ang isinasaad nito.
MATHEMATICS 2
QUARTER 3 WEEK
5 DAY 2
• Ano ang unit fraction?
• Paano natin makikilala ang unit fraction?
• Paano natin maipapakita ang unit fraction?
Suriin at piliin kung alin ang unit
fraction sa bawat pangkat.
Isulat ang yunit praksyons ng
sumusunod.
Isulat sa sagutang papel ang salitang
Tama kung tama ang isinasaad ng
pangungusap at Mali kung hindi tama
ang isinasaad ng pangungusap.
________ 1. Ang unit fraction ay nagsasaad
ng isang bahagi ng isang buo.
________ 2. Ang unit fraction ay mas maliit
sa isang buo.
________ 3. Ang unit fraction ay may
numerator na 1.
________ 4. Ang 2/33 ay halimbawa ng
unit fraction.
________ 5. Ang 1/10 ay halimbawa ng
unit fraction.
Kopyahin ang number line sa inyong
sagutang papel. Lagyan ito ng arkong-guhit
para maipakita ang unit fraction sa
unahan nito.
Kopyahin ang number line sa inyong
sagutang papel. Lagyan ito ng arkong-guhit
para maipakita ang unit fraction sa
unahan nito.
1.
2.
3.
Pagtambalin ang mga unit fraction sa Hanay A sa
tamang larawang nagpapakita nito na matatagpuan sa
Hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot sa inyong
sagutang papel.
• Ano ang unit fraction?
• Paano natin makikilala ang unit
fraction?
• Paano natin maipapakita ang unit
fraction?
A. Suriin ang pangkat ng fractions. Lagyan
ng tsek(∕) kung ang pangkat ay unit fractions
at ekis(x) kung hindi. Isulat ang sagot sa
iyong sagutang papel.
B. Kopyahin ang bawat hugis sa iyong
sagutang papel. Kulayan ang isang
bahagi ng bawat hugis upang
maipakita ang unit fraction.
MATHEMATICS 2
QUARTER 3 WEEK
5 DAY 3
Pag-aralan ang mga pigura. Kopyahin and bawat
pigura sa sagutang papel. Kulayan ang isang bahagi
ng bawat pigura upang maipakita ang unit
fraction na nasa gilid nito.
Pag-aralang mabuti ang mga sumusunod
na larawan. Alamin kung ano ang
isinasaad ng bawat pigura?
Ilang parihaba ang makikita sa unang
larawan?

Ilang parihaba ang mayroong shade sa


unang larawan?
Ilang hugis ang makikita sa ikalawang
larawan?

Ilang hugis ang mayroong shade sa ikalawang


larawan?
Ilang tatsulok ang makikita sa ikatlong
larawan?

Ilang tatsulok ang mayroong shade sa


ikatlong larawan?
Ang fraction o hating-bilang ang ginagamit
upang maipakita ang bahagi ng isang buo. Ito ay
binubuo ng numerator (bilang sa itaas na bahagi)
at denominator (bilang sa ibabang bahagi).
Ang unit fraction ay ang fraction o hating-bilang na
may numerator na 1 o isang bahagi ng isang buo. Sa
pagbasa ng unit fractions, unang binabasa ang
numerator na sinusundan nang pagbasa sa
denominator.
Kapag ang denominator ay 2, ito ay binabasa
bilang half, kapag ito ay 3, binabasa ito bilang
third. Tandaan na ang denominator na 4 hanggang
10 ay binabasa nang may tunog /th/ sa dulo.
Sa pagsulat naman ng unit fractions, ang unang
isinusulat ay ang numerator. Ito ay isinusulat sa
taas ng fraction bar. Ang denominator naman ay
isinusulat sa ibaba ng bar line.
Balikan natin ang naunang sitwasyon.
Ang unang pigura ay binubuo ng 10 na bahagi kung
saan isang bahagi ang may shade. Ito ay kinakatawan
ng unit fraction na 1/ 10. Ito ay binabasa bilang one-
tenth.
Ang sumunod na pigura ay may kabuuang
bahagi na 8. Isa ang may shade. Ito ay ang unit
fraction na 1/8. Ito ay binabasa bilang one-
eighth.
Ang huling pigura ay binubuo ng 7
bahagi. Isa ang may shade. Ito ay unit
fraction na 1/7. Ito ay binabasa bilang
one-seventh.
Basahin nang malakas ang mga
sumusunod na unit fractions.
Tukuyin ang unit fraction na nakasulat sa
tabi ng bawat bilang. Isulat ang titik ng
inyong sagot sa sagutang papel.
a. Ibigay ang numerator ayon sa
ipinapakita ng unit fraction. Isulat
ang sagot sa sagutang papel.
B. Gamit ang numerator o denominator,
isulat sa sagutang papel ang hinihingi
ng bawat unit fraction.
Ano ang unit fraction?

Ang unit fraction ay hating-bilang na may


numerator na (1) ______.

Paano natin binabasa ang unit fraction?

Sa pagbasa ng unit fractions, unang binabasa ang (2)


_________ na sinusundan nang pagbasa sa
(3)_________.
Paano natin isinusulat ang unit fraction?

Sa pagsulat ng unit fractions, ang unang


isinusulat ay ang (4) _________. Ito ay isinusulat sa
itaas ng fraction bar. Ang (5)__________ naman ay
isinusulat
sa ibaba ng fraction bar.
A. Ibigay ang unit fraction na katumbas
ng bawat larawan. Isulat ang iyong sagot
sa sagutang papel.
B. Piliin ang tamang sagot mula sa
dalawang pagpipilian.
Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
1. Ang unit fraction ay parating may numerator na
anong numero? (Isa o dalawa)
2. Saang bahagi ng unit fraction makikita ang
denominator? (Sa itaas o ibaba)
3. Ano ang tawag sa guhit na inilalagay sa pagitan
ng numerator at denominator? (Ang bar line o line
graph)

4. Sa pagsusulat ng unit fractions, ano ang unang


isinusulat? (Ang numerator o denominator)
5. Saang bahagi ng unit fraction makikita
ang numerator? (Sa itaas o ibaba)
MATHEMATICS 2
QUARTER 3 WEEK
5 DAY 4
Suriin ang mga larawan . Kulayan ang isang
bahagi upang maipakita ang unit fraction na
nasa gilid nito. Gawin ito sa iyong papel.
Paghambingin ang mga pares ng unit fraction na

isinasaad ng mga larawan. Isulat ang tamang

relation symbol na =, <, at > sa iyong sagutang

papel.
Nakakain ka na ba ng ganito?
Alam mo ba na may lugar dito sa
ating bansa ang kilala sa paggawa
ng mga bibingka?
Basahin natin ang kwentong makikita sa susunod na slide.

Makatutulong ito upang iyong matutunan angpaghahambing sa


pares ng unit fraction gamit ang relation symbols at maiayos
din ang mga ito sa papataas o papababang ayos.
Kilala ang ilang bayan sa Bulacan, katulad sa
Baliuag, na gumagawa ng masasarap na bibingka.
Kahit may pandemya, tuloy lang ang paggawa ni
Mang Kadyo sa masasarap na bibingka.
Inilalako nila ito sa pamamagitang ng online at
dinedeliber nalang sa malapit na lugar. Isang araw,
inutusan ni Mang Kadyo ang anak para hatiin ang
ilang piraso ng bibingka para sa mga order.
“Anak, hatiin mo sa dalawang bahagi ang isa, hatiin mo
naman sa 4 na bahagi ang isa pa, at walong bahagi ang
pinakamalaki.” “Opo itay, pero paano po gawin yun”,
ang tanong ng anak. Tinuruan ng ama si Robin para
mahati nang tama ang mga bibingka.
Isinilid nila sa lalagyan at itinawag na sa nag-order.
Kapag isinulat sa unit fraction ang paghati sa 3
bibingka ay ½ para sa paghati sa dalawa, ¼ para sa
paghati sa apat, at 1/8 para sa paghati sa walo. Alin sa
mga ito ang pinakamataas at pinakamababang unit
fraction?
Sa paghambing ng unit fraction, kailangan ang
paggamit ng mga relation symbols. Ito ay ang = (equal
sign), < (less than), at > (greater than). Inilalagay ang
mga ito sa pagitan ng 2 pinagkukumparang unit
fraction.
Para malaman sa 2 unit fraction ang mas mataas o
mas mababa, kailangang suriin ang denominators
ng bawat isa. Ang fraction na may mas mataas na
denominator ay may mas mababang value.
Kapag mas mababa naman ang denominator, mas
mataas naman
ang value nito. Samantala, kapag parehas lang ang
kanilang denominator, ang value nito ay equal.
Balikan natin ang kwento.

Sa ginawang paghati ni Robin sa tatlong


bibingka, may 3 nabuong unit fraction.
Ito ay ang 1/2,1/4, at 1/8.
Kung iyong paghahambingin ang mga unit
fraction na nabuo mula sa paghati, suriin mo muna
ang denominator ng bawat isa. Parehas lang ba
ang mga
denominator nila o mas mataas ang iba?
Malamang ay hindi dahil magkakaiba ang
denominator ng bawat isa. Pero alin kaya ang
may pinakamataas o pinakamababang value
sa 3 unit fraction?
Ang unit fraction na may mas mataas na
denominator ay mas mababa ang value. Ang unit
fraction naman na may mas mababang
denominator ay mas mataas ang value nito.
Subukang sagutin sa papel ang mga
sumusunod:

Para sa bilang 1-2, lagyan ng tamang


relation symbol.
Para sa bilang 3-5, Isaayos sa pababa
at pataas ang
mga unit fraction.
Bilugan ang isang bagay na nasa set
para maipakita ang yunit praksyon
sa tabi nito.
Gawain:
A. Gawin sa iyong sagutang papel ang mga
sumusunod. Para sa bilang 1-2, isulat ang Tama
kung wasto ang relation symbol na nakalagay at
Mali kung hindi wasto.
Para sa bilang 3-5, suriin ang mga set ng
unit fractions kung tama ang pagkakaayos
nito. Isulat ang
Tama kung wasto at Mali kung hindi
wasto.
B. Unawain at sagutin sa iyong papel ang mga
sumusunod na bilang. Para sa bilang 1-2, lagyan
ng angkop na relation symbol na =, <, at > sa
patlang para paghambingin ang pares ng unit
fraction.
Para sa bilang 3-5, iayos nang tama
ang bawat unit fraction batay sa
hinihinging pagkakasunud-sunod.
Paano pinaghahambing ang mga pares ng unit
fraction?
 
Paano ayusin ang mga unit fractions mula sa
pinakamaliit hanggang sa pinakamalaki o vice-
versa?
Unawain at gawin ang mga sumusunod sa iyong sagutang

papel.

Para sa bilang 1-2, paghambingin ang mga pares ng unit


fraction sa ibaba gamit ang relation symbol na =, <, at >.
Para sa bilang 3-5, sundin ang isinasaad
ng bawat bilang.

3. Ayusin mula pinakamataas hanggang


sa pinakamababa ang
4. Ayusin mula pinakamataas hanggang sa
pinakamababa ang
5. Ayusin mula pinakamababa hanggang sa
pinakamataas ang
MATHEMATICS 2
QUARTER 3 WEEK
5 DAY 5
Gawin ito sa iyong sagutang papel.
Halimbawa:
Isang puto na hinati sa dalawang bahagi – ½
1. Isang bilog na hinati sa tatlong bahagi. _______
2. Isang bilaong pansit na hinati sa lima. _______
Para sa bilang 3-5: Isulat sa tamang bigkas ang mga
sumusunod na unit fraction.
Sundan ang halimbawa.
Halimbawa:
1/4- one-fourth
3. 1/5- ____________
4. 1/7- ____________
5. 1/ 9- ____________
• Mahilig ka ba kumain ng gulay?

• Ano-anong gulay ang lagi mong kinakain?

• Mahalaga ba ang kumain ng gulay?


Bakit?
Basahin at unawain ang mga tanong .
Piliin ang iyong sagot sa loob ng kahon.
Isulat ang iyong sagot sa sagutang
papel.
1. Alin sa mga gulay ang pinakamagaan?
2. Aling gulay naman ang pinakamabigat?
3. Aling gulay ang mas mabigat sa talong?
4. Anong mga gulay ang mas magaan sa
kamatis?
5. Anong mga gulay naman ang mas mabigat
sa kamatis?
Para makumpara ang 3 unit
fractions, isa-isahin na ikumpara
ang bawat isa.
Ang ½ ay mas mataas kung ihahambing
sa ¼ . Isusulat sa mathematical sentence
na: 1/2> 1/4.
Ang ½ ay mas mataas din sa 1/8
, kaya isusulat din ito sa mathematical
sentence na 1/2 > 1/8.
Ang ¼ naman ay mas mataas kaysa sa
1/8 at isusulat ito na: 1/4> 1/8.
Samakatuwid, ang ½ ang may
pinakamataas na value habang ang 1/8
naman ang pinakamababa.
Ang ¼ naman ang nasa gitna ng 2
fraction. Isusulat ito sa mathematical
sentence gamit ang relation symbol sa
paraang ito: 1/2> 1/4 > 1/8.
Babasahin ito na “one-half is greater than
one fourth” at “one-fourth is greater than
one-eighth”.
Ganyan na ang itsura ng 3 unit fraction sa pababang
ayos. Para sa pataas na ayos naman, isusulat naman
natin nang ganito :

1/8< 1/4< 1/2.

Babasahin ito na “one-eighth is less than one-fourth” at


“one-fourth is less than one-half”.
Sundin ang hinihingi ng bawat bilang. Gawin ito
sa iyong sagutang papel.
Para sa bilang 1-2, tukuyin ang wastong relation
symbol para sa bawat bilang.
Para sa bilang 3-5, tukuyin ang tamang unit
fraction ayon sa hinihingi ng number
sentence. Piliin sa kabilang kahon ang
tamang sagot.
Punan ang nawawalang unit fraction sa bawat
kahon. Sagutin batay sa pagkakaayos na hinihingi
kung
papataas o pababang ayos. Isulat ang iyong sagot
sa sagutang papel.
Gawain:
Gawin sa iyong sagutang papel ang mga
sumusunod. Para sa bilang 1-2, basahin at sagutin
ang mga sumusunod na pangyayari.
1. Sa umaga, uminom si Ana ng 1/3 litro ng tubig at

½ litro naman sa tanghali. Kailan siya uminom nang

mas madami?
2. Kumain ng 1/8 na bibingka si Arnel
habang 1/6 naman ang kinain ni
Ronald. Sino ang may mas maraming
nakain?
Para sa bilang 3-5, basahin ang
sumusunod na talata. Suriin at
sagutin ang mga tanong batay sa
mga
ilustrasyon.
Nanguha ng kawayan ang tatay ni Mabel. Malapit
lang sa kanilang bahay ang mga mayayabong nilang
kawayang buho.
Sinukat ni Mang Tomas ang mga kawayan at kanya
itong pinutol kada 1 metro.
Mga Tanong
3. Anong unit fraction ang may pinakamahabang putol?
4. Ayusin ang mga unit fractions sa pataas na ayos.
5. Ayusin naman ang mga unit fractions sa pababang ayos.
Para sa bilang 3-5, ayusin ang
mga sumusunod na
set ng unit fractions. Sundin ang
hinihinging ayos.
Paano pinaghahambing ang mga pares ng unit
fraction?
 
Paano ayusin ang mga unit fractions mula sa
pinakamaliit hanggang sa pinakamalaki o vice-
versa?
Gawin ang hinihingi sa bawat bilang sa iyong
sagutang papel. Para sa bilang 1-2, isulat ang
angkop na relation symbol para mapaghambing
ang pares ng unit fraction.
1. Ang 1/5 kilong mais ay (=, <,
>) sa ¼ kilo ng talong.
2. Ang 1/5 na ektarya ng bukid na may tanim na
palay ay (=, <, >) sa 1/7
ektarya ng bukid na may tanim na sitaw.
Para sa bilang 3-5, pagsunud-sunurin ang mga unit
fraction mula pinakamalaki hanggang sa
pinakamaliit.

You might also like