You are on page 1of 11

MASUSING BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 9

(EKONOMIKS)

WESLEYAN UNIVERSITY-PHILIPPINES
Cushman Campus
Mabini Extension, Cabantuan City
Philippines 3100

HIGH SCHOOL DEPARTMENT


Junior High School Program
Petsa: May 04, 2021
DLP NO. 6 Learning Area: Quarter: 4 Duration: 1 hour
EKONOMIKS
I. LAYUNIN
Sa pagtatapos ng 60 minuto, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1.Nabibigyang-halaga ang konsepto at daloy ng kalakalang Panlabas sa Pilipinas.
2. Nailalarawan ang mga dahilan ng Pagkakaroon ng Kalakalang Panlabas
3. Natutukoy ang mga patakaran sa kalakalang panlabas
4. Nakalilikha ng samahang pandaigdigang kalakalan na nagtataglay ng kanilang layunin at logo bilang
pagkakakilanlan.

II. NILALAMAN
Paksang Aralin: Kalakalang Panlabas ng Pilipinas
Sanggunian: Makisig … Ekonomiks pp. 302-311
Kagamitan: Pictures, laptop, board, marker, box.
Pagpapahalaga: Naipapakita ang pagpapahalaga at pagtangkilik sa mga lokal na produkto na
makatutulong tungo sa pagkamit ng Pambansang Kaunlaran.
III. PAMAMARAAN

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL

A. PAGHAHANDA (3 minuto)
1. Paninulang Gawain
1.1 Pagbati
Magandang Umaga mga mag-aaral!
Magandang Umaga rin po.
1.2 Panalangin

Sa ating pagsisimula ay inaanyayahan ko


ang bawat isa na dumako sa diwa ng
pananalangin.

1.3 Pagsisiyasat sa kapaligiran (Pinangunahan ang pagdarasal ng isang mag-aaral.Iyuko natin


Bago tayo dumako sa ating talakayan, maari ang ating mga ulo at tayo’y manalangin)
bang siyasatin ninyo ang inyong
kapaligiran. Sikapin ninyo na magtungo sa
lugar na tahimik, payapa at komportable
upang maging mas maayos ang ating
talakayan at lubos ninyo itong maunawaan.
(Ang mga mag-aaral ay tutugon sa panawagan ng guro)
1.4 Paglalahad ng alituntunin sa klase
Narito ang ilan sa mga Alituntunin na dapat
nating sundin sa buo ng ating pagsasama-
sama ngayong Ika-apat na Markahan.
1. Pumasok sa ating zoom meeting bago o
sakto sa itinakdang oras.
2. Siguraduhing nakabukas ang kamera sa
tuwing oras ng talakayan.
3. Kung may mga katanungan hinggil sa
talakayan, magtaas lamang ng kamay
(raise a hand) sa ating monitor or screen.
4. Kung may mga kadahilanan sa pagliban
o hindi kaagarang pagpasok sa meeting,
siguraduhing ipagbigay alam agad sa ating
guro.
Malinaw ba sa inyo ang ating alituntunin? Malinaw po, Ma’am.
Inaasahan ko na ang bawat isa sa inyo ay
makikiisa upang magkaroon tayo ng
maayos at makabuluhan na pagsasama- Opo, ma’am.
sama. Maaasahan ko ba ang bawat isa?

Maraming salamat.

1.4 Pagtatala ng Lumiban

Muli, maaari bang batiin natin ang bawat isa


ng “Magandang Umaga !”. Sino sa bawat (Ang mga mag-aaral ay magbabatian at magmamasid kung
pangkat ang wala sa araw na ito? sino ang lumiban sa klase)

Lider ng unang pangkat, Lance. Mayroon


bang lumiban sa inyong grupo? Unang grupo: wala pong lumiban

Sa ikalawang pangkat, Lothecia?


Ikalawang grupo: wala pong lumiban
Mabuti! Lahat ay makakasali sa ating aralin.

2. Pagbabalik-aral (5 minuto)

GAWAIN 1: Post ko, react mo. PANUTO: Tukuyin kung anong gawain ang nasa larawan
saan nabibilang ang mga sumusunod ng manggagawa gamit
ang mga reaction icon sa zoom screen. Magreact ng “WOW”
kung ang manggagawa sa larawan ay Manggagawang Pisikal
“HEART” kung ito ay Manggagawang Mental, at “CLAP”
kung ito ay bahagi ng Impormal na Sektor.
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang gawaing ipinapakita sa larawan?
(Ang mga mag-aaral ay sasagot ng “WOW” react)
- Bakit siya nabibilang sa Pagmamanupaktura ma’am.
Manggagawang Pisikal?
Sapagkat gumagamit po siya ng pisikal na lakas o enerhiya sa
kanyang ginagawa.

(Ang mga mag-aaral ay sasagot ng “HEART” react)

Ang guro po ay gumagamit ng lakas pangkaisipan sa


paghahatid ng kanyang serbisyo.
2. Bakit nabibilang ang guro sa Manggagawang
Mental?

(Ang mga mag-aaral ay sasagot ng “CLAP” react)


3. Ano ang kaibahan ng manggagawang ito sa
manggagawang pisikal?

Ma’am, ang nagtitinda po ng taho ay gumagamit rin ng lakas


paggawa ngunit ito ay kabilang sa impormal na sektor
sapagkat ang kanilang gawain ay nagbibigay kita sa mga tao
ngunit hindi nakatala o nakarehistro sa pamahalaan at hindi
sila nagbabayad ng buwis.

Magaling! Mukhang nauunawaan na


ninyong higit ang ating nakalipas na aralin.

3. PAGGANYAK (15 minuto)


Ang mabuting mag-aaral ay marunong sumunod sa
patakaran sa loob ng silid-aralan, kaya ngayon mag
tatakda ako ng patakaran sa lahat ng aktibidad, ang
bilang ng mga rewards ay bibilangin bago matapos
ang klase.

1. MYSTERIOUS Group – ang mga mag-


aaral ay igu-grupo sa 2 at kung sino mang
grupo ang mabunot sa mahiwagang box ay
siyang may tyansang ma-exempt sa quiz
MALIBAN lang kung ang grupong
mabunot ay magkakaroon ng warning mula
sa guro, ang REWARD ay mawawalang
saysay.

2. “THE GOLDEN COINS!”


Bawat grupo ay magkakaroon ng pagkakataon
makakuha ng “gintong coins” base sa kanilang
performances at pagsagot sa mga katanungan ng
guro. Ang makakakuha ng may pinakamadaming
Gold Coins ay siyang may tyansang pumili ng
kanilang reward pagkatapos ng mga Gawain.

+10 sa quiz +10 500 pesos


performance worth of
task load

Ang unag pangkat ay ang Batch. Ang Ikalawang


Pangkat ay ang Batch 2. Bawat kasagutan ng mag-
aaral ay mapupunta ang puntos sa grupong kanyang
kinabibilangan

Maliwanag ba, class?

Handa na ba kayo?
Maliwanag at handa na po!
GAWAIN 2:
Panuto: Masdan ang ilustrasyon na nasa ibaba.
Maglahad ng tatlong (3) pinakamahalagang bagay
na mayroon ka sa ilalim ng larawan ng tao. At
isang (1) bagay na nais mong makuha kapalit ng
mga bagay na mahalaga sa’yo. Matapos ito ay
sagutan ang mga sumusunod na tanong.

(Ang mga mag-aaral ay tutugon sa gawain)

Pamprosesong Tanong:
Ma’am, mayroon po na tao na pinagmumulan ng mga
1. Ano ang iyong napansin sa larawan? produktong kanyang gagamitin upang makuha ang isang
produktong kailangan o nais niyang makuha.

2. Anu-ano ang 3 mahalagang bagay na


mayroon ka na ibibigay mo kapalit ang isang
bagay na nais mong makuha? (Ang mag-aaral ay sasagot sa katanungan)

3. Ano ang bagay na nais mo makuha? Ano


ang iyong nagging pamantayan? Bakit? (Ang mag-aaral ay sasagot sa katanungan)

4. Ano ang iyong pagkakaunawa sa salitang


barter? Ma’am, ito po ay tungkol sa palitan ng mga produkto.

5. Sa iyong palagay, ano ang pinapakita ng Ma’am, sa akin pong palagay ay pinapakita po nito ang
ilustrasyon na ito? proseso o daloy ng palitan ng produkto.

Mahusay! Sa aking palagay ay handa na kayo sa


ating pag-aaralan
B. PRESENTASYON (20 minuto)
Katulad ng inilalarawan sa ilustrasyon kanina,
ipinapahayag nito ang konsepto ng kalakalan.
Ang kalakalan ay nagaganap hindi lamang sa
loob ng isang bansa kundi maging sa
pandaigdigang pamilihan. Sa inyong palagay,
bakit nagkakaroon ng kalakalang panlabas?

Sapagkat hindi matatagpuan sa isang bansa ang lahat ng


pangangailangan nito kung kaya’t nakikipag-ugnayan ang
isang bansa sa mga karatig-bansa upang makakuha ng
Magaling. produkto o serbisyo kailangan ng isang bansa.
Ngayon ay tingnan natin muli ang nasa larawan

Pamprosesong Tanong:
Ano ang inyong mahihinuha sa larawang ito?
Ma’am, mula sa larawan po ay ipinapakita na ang Pilipinas
ang siyang nagkakaloob ng mga hilaw na materyales na
kinakailangan para sa produksyon ng ibang bansa. Gayundin
naman, ang Pilipinas ay bumibili ng mga dayuhang produkto
mula sa pandaigdigang pamilihan.
Mahusay.
Ang dalawang daloy na ito ay ang tinatawag na
import at export.
Pamprosesong Tanong:
Ano kaya ang pagkakaiba ng dalawang ito?
Ma’am, ang import po ay tumutukoy sa pagkuha o pagbili ng
mga kalakal galling ibang bansa. Amg eksport naman po ay
ang pagluluwas ng mga produkto at serbisyo sa ibang bansa.
Tama!
Magbigay nga kayo ng mga halimbawa ng
produktong iniluluwas ng Pilipinas?
Palay, mais, isda, ginto, at pilak ma’am.

Magaling!
Ano naman ang mga dayuhang produktong
inaangkat natin galling ibang bansa?
Ma’am, langis at produktong petrolyo, mga gadgets katulad ng
iPhone, mga bahagi ng sasakyan.
Mahusay.
Ang bawat bansa ay may pamantayan sa pagpili
ng mga produkto na kanilang bibilhin.

Pamprosesong Tanong:
Kung kayo ay bibili ng mga kagamitan, ano ang
inyong magiging pamantayan? Ma’am, kalidad po ng isang produkto.

Okay, Salamat.
Pamprosesong Tanong:
Sa inyong palagay, bakit nagkakaroon ng
mataas o magandang kalidad ang isang
produkto o kagamitan? Ma’am, dahil po sa teknolohiya.

Tama!
Dahil sa pagkakaiba-iba sa antas ng teknolohiya
ng bawat bansa. Ito ay isa sa dahilan sa patuloy
na Kalakalang panlabas.

Isa pa sa dahilan ng pagkakaroon ng


Kalakalang Panlabas ay ang pagkakaiba sa mga
pinagkukunan ng kagamitang kailangan sa
produksiyon.
Pamprosesong Tanong:
Sa inyong palagay, bakit nagiging salik sa
pagpapatuloy ng kalakalan ang pagkakaiba-iba sa
teknolohiya? Ma’am, sapagkat ang bawat bansa po ay may kanya-kanyang
likas na yaman na siyang ginagamit sa produksiyon.
Mahusay.
Ang bawat bansa ay may sariling pinagkukunan
na likas na yaman. Ihalimbawa natin ang
Pilipinas at mga bansa sa Middle East.
Ano ba ang pangunahing produkto na
makukuha sa Pilipinas? Mga produktong agrikultural po, mga isda, at mga yamang
mineral.
Magaling.
Saan naman mayaman ang mga bansa sa
Middle East? Mayaman po sila sa langis.
Tama. Dahil ang ang Pilipinas ay hindi mapalad
sa produktong petrolyo at langis, nag-aangkat
ito sa Middle East. Gayundin ang mga bansang
ito, bumibili sila ng mga produktong wala sa
kanilang bansa.

Dahil sa panlasa, nagkakaroon din ng kalakalan


sa pagitan ng mga bansa.
Pamprosesong Tanong:
Sa iyong palagay, bakit nagiging dahilan ang
pagkakaiba sa panlasa sa pagkakaroon ng
kalakalan? Ma’am, sapagkat ang bawat tao po ay magkakaiba ang gusto
at panlasa. May iba po na mas gusto ang mga maanghang, ang
iba naman po ay mahilig sa matamis. Mayroong gusto sa
malamig, mayroon naman din mas gusto sa mainit.

Tama. Halimbawa nito ay ang bansang Arabia


at Pakistan. Ang dalawang bansang ito ay may
parehong bilang ng produksyon pagdating sa
karne at isda. Ang mga Arabian ay mas gusto
ang isda kaysa karne, samantalang ang mga
Pakistani ay mas mahilig sa karne kaysa isda.
Ano ang maaari nilang gawin?
Ma’am, siguro po ay maaaring iluwas ng mga Arabe ang mga
karne sa Pakistan at iluwas ng Pakistani ang mga isda sa
Mahusay. Arabe.
Ang panghuling dahilan ng kalakalang panlabas
ay ang pagkakaiba ng halaga sa produksiyon.
Sa ganitong sitwasyon, maaaring bumaba ang
halaga ng produksiyon ng isang bansa dahil sa
economies of scale, subsidy at tax.
Pamprosesong Tanong:
Sa inyong palagay, ano ang kaugnayan ng
halagsa sa produksiyon sa pagpapatuloy ng
kalakalang panlabas?
Ang mga bansang may mababang halaga sa produksiyon ay
nakapag-luluwas ng mga produkto at serbisyo sa mga bansang
may mataas ang halaga ng produksyon.
Magaling! Nauunawaan na ba ninyo ang mga
dahilan ng pagkakaroon ng kalakalang
panlabas?
Opo, Ma’am.
Ngayon naman ay alamin natin ang mga
patakaran sa kalakalang panlabas sa
pamamagitan ng gawaing ito.

Gawain 3
Pamagat: Guess the Word
Panuto: Tukuyin ang mga sumusunod na patakaran
sa kalakalang panlabas gamit ang mga sumusunod
na larawan:
Ma’am, tariff po.

Tumpak!
Maari mo bang basahin ang kahulugan?

Ang taripa o tariff ay isang buwis na ipinapataw sa mga


produktong inaangkat.
Maraming Salamat.
Ano naman ang susunod na larawan?

Ma’am, quota or kota po.

Mahusay.
Pakibasa mo nga ang kahulugan ng kota.

Ang kota ay tumutukoy sa limitasyon o hangganan. Maaaring


kotahan ng pamahalaan ang pagpasok ng dauhang produktong
Maraming Salamat. kalaban ng ating lokal na produkto.
At ang panghuling larawan?

Subsidy po, ma’am.

Tama.
Maari mo bang basahin ang kahulugan nito?

Ang sabdidi ay isang tulong pinansyal na ibinibigay ng


Salamat. gobyerno upang bumaba ang halaga ng produksiyon sa local
Isang paraan din ng pagkakaloob ng sabsidi ay ang na produkto.
pagpapababa ng buwis sa mga lokal na produkto.
Anu-ano na nga ang tatlong patakaran sa
kalakalang panlabas?
Taripa, kota, at sabsidi po, Ma’am.
Pamprosesong Tanong:
Sa inyong palagay, bakit mahalaga ang
pagkakaroon ng patakaran sa kalakalang panlabas?
Ma’am, siguro po ay para protektahan ang mga lokal na
negosyo at matulungan lalong umusbong, lumaki at umunlad
Mahusay! ang mga hanap-buhay sa ating bansa.
Bukod sa mga patakaran sa kalakalang panlabas ay
mayroon ding mga pandaigdigang samahan na
siyang tumutulong upang magkaroon ng kaayusan
sa larangan ng pakikipagkalakalan. Masdan ninyo
ang dalawang larawang ito:
Pamprosesong Tanong:
Sa inyong palagay, ano ang kanilang gampanin sa
kalakalang panlabas?

Ma’am, siguro po ay sila ang nagtatakda at namamahala sa


Magaling. kalakalan sa pagitan ng mga bansa upang magkaroon na
Unahin natin suriin ang Association of South East maayos at matiwasay na pakikipagkalakalan.
Nation o ang tinatawag na ASEAN. Bakit ito tinawag na
ASEAN?

Tama. Ang bawat samahan o organisasyon ay may Ma’am, sapagkat ang bumubuo po sa samahan na ito ay ang mga
layunin kung kaya’t nabuo ang kanilang samahan. bansa na matatagpuan sa Timog-Silangang Asya.
Maaring mo bang ilahad ang kanilang layunin?

Layunin ng ASEAN ay ang mga sumusnod:


 Pabilisin ang paglago sa aspeto ng ekonomiya
 Pagsulong ng lipunan
Maraming Salamat.  Pagtaguyod ng Kultura at Rehiyon
Isunod naman natin ang APEC. Ano ang buong  Pagtagyod ng Kapayapaan
pangalan nito?  Pagsulong ng Kabuuan ng Asya

Tama. Ang samahang ito ay binubuo ng mahigit 21


opisyal na bansa kabilang ang Pilipinas at ilan pang Ma’am, Asia-Pacific Economic Cooperation po.
bansang bahagi ng Asya. Ano naman ang pangunahing
layunin nito?

Layunin po ng APEC Ma’am na mapabuti ang relasyon ng bawat


Mahusay. kasaping bansa pagdating sa kalakalan ng bawat bansang kasapi
Maari ba tayong mag-clap react sa ating screen para nito.
kilalanin ang inyong talion at galing sa ating talakayan.

C. Aplikasyon (2 minuto)
Panuto: Suriin ang mga sumusunod na produkto
kung ito ay iniluluwas ng Pilipinas o inaangkat
mula sa ibang bansa. Pindutin ang “wow” reaction
kung ito ay ini-import at “heart” reaction kung ito
ay ini-eksport ng Pilipinas.

a.
b.

c.

d.

e.

D. Pagpapahalaga (3 minuto)

Sa pamilihan, ano ang mas pipiliin mong Para po sa akin ay mas pipilliin ko ang lokal na produkto.
bilhin, ang lokal na produkto na may Para po matulungang umunlad ang lokal na negosyo at ang
kita na kanilang makukuha ay magamit nila upang makabili
mababang presyo o ang produktong mula sa ng mga teknolohiyang kailangan para sa paglilikha ng mga
ibang bansa na mas mataas ang presyo? produktong may mataas na kalidad

Bilang isang mag-aaral, ano ang maaari Sa akin pong palagay, ang akin pong magagawa upang
mong gawin upang panatilihing matatatag mapanatili ang kasiguraduhan ng mga lokal na negosyo ay
ang mga lokal na negosyo sa Pilipinas sa tangkilikin at suportahan po ang mga produktong ito. Kung
bibili man po ng mga dayuhang produkto ay ‘yong
kabila ng patuloy na pakikipag-kalalakan sa
kailangan lamang.
ibang bansa?

Mahusay!

E. Paglalahat (2 minuto)
Ngayon ay lagumin natin muli ang mga
impormasyong ating tinalakay. Unawaing
mabuti ang aking mga bibigkasin at tukuyin
kung ano ang ipinapahayag. Maaring
gamitin ang mga letrang aking ipapahayag
upang maging gabay.

KP na tumutukoy sa palitan ng produkto at


serbisyo ng bawat bansa. Kalakalang Panlabas

I ay tumutukoy sa pagbili ng mga kalakal mula Import


ibang bansa.

E naman ang pagluluwas ng produkto at serbisyo sa


karatig bansa. Export
Ang T ay ang buwis na pinapataw sa dayuhang
produkto. Tariff o Taripa

Ang tulong pinansyal na ibinibigay ng gobyerno


para sa lokal na negosyo ay S. Sabsidi o Subsidy

Kapag ang mga produktong dayuhan ay may


limitasyo o hangganan, ito ay K. Kota

Magagaling! Mukhang marami na nga kayong


naunawaan sa ating aralin.
IV. EVALUATION (10 minuto)

Panuto: Ang samahang pandaigdigan ay may mahalagang gampanin sa pagpapanatili ng maayos at at mabungang
kalakalan. Bumuo ng isang samahang pandaigdigan para sa kalakalang panlabas. Isaad ang pangalan ng samahan,
layunin, at logo bilang pagkakakilanlan ng samahang iyong gagawin. Ang gawaing ito ay mamarkahan ayon sa
sumusunod na pamantayan:

RUBRICS:
LAYUNIN (Total of 60%)
- Kahalagahan (20 pts)
- Kaayusan at Orihinalidad (20pts)
- Kalinawan (20 pts)
PANGALAN AT LOGO (40%)
- Kaayusan at ganda ng gawa (20 pts)
- Kaugnayan sa layunin (20 pts)
TOTAL OF 100%

V. ASSIGNMENT (2 minuto)

Basahin ang aklat at sagutan ang mga gawaing matatagpuan sa pahina 309-311.

Inihanda ni:

Marjorie V. Padolina
Student-Teacher, Araling Panlipunan

Sa kaalaman ni:

Susan B. Quilang, LPT


Cooperating Teacher

You might also like