You are on page 1of 7

REPUBLIC of the Philippines

Region IV-A CALABARZON

DIVISION OF RIZAL

FRANCISCO P. FELIX MEMORIAL NATIONAL HIGH SCHOOL

Cainta, Rizal
I. LAYUNIN WEEK 2 - Ikaapat na Markahan.
A. Pamantayang Pangnilalaman Ang mag -aaral ay may pag -unawa sa mga sektor ng ekonomiya
at mga patakarang pang - ekonomiya nito sa harap ng mga
hamon at pwersa tungo sa pambansang pagsulong at pag –
unlad.
B. Pamantayang Pagganap Ang mag -aaral ay aktibong nakikibahagi sa maayos na
pagpapatupad at pagpapabuti ng mga sektor ng
ekonomiya at mga patakarang pang - ekonomiya nito
tungo sa pambansang pagsulong at pag -unlad
C. Pinakamahalagang Kasanayan Nabibigyang-halaga ang mga ang mga gampanin ng sektor ng
sa Pagkatuto (MELC) paglilingkod at mga patakarang pang- ekonomiyang nakatutulong
dito. AP9MSP-IVh-17
II. NILALAMAN
Kagamitang Panturo
A. Sanggunian
a. Mga Pahina sa Gabay ng Guro
b. Mga Pahina sa Kagamitang Ekonomiks 9 LM
Pangmag-aaral
c. Mga Pahina sa Teksbuk
d. Karagdagang Kagamitan mula
sa Portal ng Learning
Resources
B. Listahan ng mga Kagamitang Powerpoint presentation, Google Classroom, mga
Panturo para sa mga Gawain sa larawan at clips
Pagpapaunlad at
Pakikipagpalihan
III. PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa nakaraang aralin Magandang araw mga Felixians, Ako ang inyong guro sa Araling
at /o pasimula ng bagong aralin. Panlipunan 9, Ekonomiks, Sir Villanueva.

Ngayong araw ay samahan ninyo ako upang pagyamanin pa ang


ating kaalaman sa pamamagitan ng pagtalakay sa mga
konseptong may kaugnayan sa usaping pang- ekonomiya.

Ngunit bago tayo magsimula ay ihanda muna ang mga


kagamitang inyong gagamitin tulad ng sulatang papel at ballpen
para sa mga katanungang sasagutan natin mamaya.

At kung bago ka lamang sa channel na ito ay huwag kalimutang i-


Like, Share at pindutin ang SUBSCRIBE BUTTON at Notification
Bell para updated ka sa mga bagong araling iaupload sa
FELIXIAN CHANEL.

Kaya ngayon ay tara na’t tumutok sa ating talakayan.

Noong nakaraan ay natalakay ang tungkol sa Sektor na


Industriya kung kaya naman ay subukin natin ang inyong mga
kaalaman sa pamamagitan ng pagtukoy sa Sektor ng Industriya
na may kaugnayan sa mga larawan na aking ipapakita.

Handa na ba kayo? Tara Simulan na natin.

(Magpapakita ng mga Larawan)

Mahusay! Ngayon naman, bago tayo dumako sa ating paksa ay


nais kong suriin at tukuyin ninyo kung anong uri ng
okupasyon/trabaho ang nasa mga larawan na ipapakita ko sa
inyo.

(Magpapakita ng mga Larawan)

Batay sa inyong obserbasyon ng mga larawang inyong


tinukoy,ano sa tingin ninyo ang pagkakatulad ng bawat isa?

Kung ang sagot ninyo ay “Ang bawat isa ay nagbibigay ng


serbisyo/paglilingkod sa tao” ay tama ka. At kaugnay nito ay ating
tatalakayin ang tungkol sa paksang Sektor ng Paglilingkod.

Halina at simulan na natin!


B. Layunin ng aralin At bilang gabay para sa pagdaloy ng ating talakayan ay
narito ang ating layunin ng aralin
Nabibigyang-halaga ang mga ang mga gampanin ng
sektor ng paglilingkod at mga patakarang pang-
ekonomiyang nakatutulong dito. AP9MSP-IVh-17
C. Pagtalakay ng bagong Pagtalakay ng Aralin:
konsepto at paglalahad ng
bagong kasanayan # 1 Ano nga ba ang Sektor ng Paglilingkod?

Ang Sektor ng Paglilingkod ay ang pagbibigay ng serbisyo sa


halip na bumuo ng produkto.

Mayroong iba’t ibang industriyang bumubuo sa sektor ng


paglilingkod. At upang mas Magana pa ang ating talakayan ay
subukin ninyong buuin ang mga salitang ating ifaflash sa screen
para tukuyin ang mga kategorya ng industriyang bumubuo sa
sector ng paglilingkod.

Handa na ba kayo?

Simulan na natin!!

1.
TAMA!!! Ang Transportasyon, komunikasyon, at mga
Imbakan ay binubuo ng mga paglilingkod na nagmumula sa
pagbibigay ng publikong sakayan, mga paglilingkod ng telepono,
at mga pinapaupahang bodega.

2.
MAHUSAY!! Ang Kalakalan ay mga gawaing may kaugnayan sa
pagpapalitan ng iba’t-ibang produkto at paglilingkod.
3.
MAGALING!! Ang Pananalapi ay kabilang sa mga paglilingkod na
binibigay ng iba’t ibang institusyong pampinansiyal tulad ng mga
bangko, bahay-sanglaan, remittance agency, foreign exchange
dealers at iba pa.

4.
TAMA!! Ang Paupahang bahay at Real Estate ay kinabibilangan
ng mga paupahan tulad ng mga apartment, mga developer ng
subdivision, town house, at condominium.

5.
TAMA!!! Ang Paglilingkod na Pampribado ay kinabibilangan ng
lahat ng mga paglilingkod na nagmumula sa pribadong sektor.

6.
MAHUSAY!! Ang Paglilingkod na Pampubliko ay kinabibilangan
ng lahat ng paglilingkod na ipinagkakaloob ng pamahalaan

Formative: Nakatutulong ba ang mga nabanggit na


industriyang bumubuo sa sector ng Paglilingkod
upang umunlad ang ekonomiya ng ating bansa?
Tingan nga natin, magpakita ng MASAYANG MUKHA
kung sumasangayon ka na ito ay nakakatulong at
MALUNGKOT NA MUKHA kung hindi.
Isang MASAYANG MUKHA! Mahusay.Magpatuloy tayo.

Sa inyong palagay, mahalaga ba ang sektor ng paglilingkod


sa ekonomiya?

Napakahalaga, Tama ka.

At dahil itinuturing na napakahalaga ng sektor ng


paglilingkod, ano kaya sa tingin ninyo ang maaaring maging
epekto sa ating ekonomiya kung ito ay hindi mapapagtuunan
ng pansin? Magbubunga kaya ito ng positibo o negatibong
epekto?

TAMA! Magkakaroon ito ng malaking negatibong epekto sa


inaasahang paglago ng ekonomiya ng bansa kung kaya naman
upang maiwasan ang ganitong pangyayari ay mayroong mga
ahensya at mga batas na nangangalaga sa sektor ng paglilingkod
at nangangalaga sa karapatan ng mga manggagawa. Kaya sa
ating pagpapatuloy ng talakayan ay tatalakayin natin ang tungkol
sa mga ito.

Mga Ahensyang Tumutulong sa Sektor ng Paglilingkod

Department of Labor & Employment (DOLE)

nagsusulong ng malaking pagkakataon para sa pagtatrabaho,


humuhubog sa kakayahan ng mga manggagawa, nangangalaga
sa kapakanan ng mga manggagawa, at nagpapanatili sa
kaayusan at kapayapaan sa industriya n g paggawa sa bansa.

Overseas Workers Welfare Administration (OWWA)

ahensiya ng pamahalaan na tumitingin sa kapakanan ng mga


Overseas Filipino Workers

Philippine Overseas Employment Administration (POEA

itinatag sa bisa ng Executive Order 797 noong 1982 na may


layuning isulong at paunlarin ang mga programa ukol sa
paghahanapbuhay sa ibayong-dagat at pangalagaan ang
kapakanan ng mga Overseas Filipino Workers.

Technical Education and Skills Development Authority


(TESDA)

itinatag sa bisa ng Republic Act 7796 noong 1994. Isinusulong ng


batas na ito na hikayatin ang buong partisipasyon ng industriya,
paggawa, mga lokal na pamahalaan, at mga institusyong teknikal
at bokasyonal upang sanayin at paunlarin ang kasanayan ng mga
manggagawa sa bansa.)

Professional Regulation Commission (PRC)

nangangasiwa at sumusubaybay sa gawain ng mga


manggagawang propesyonal upang matiyak ang kahusayan sa
paghahatid ng mga serbisyong propesyunal sa bansa.

Commission on Higher Education (CHED)

nangangasiwa sa gawain ng mga pamantasan at kolehiyo sa


bansa upang maitaas ang kalidad ng edukasyon sa mataas na
antas.

Mga Batas na Nangangalaga sa mga Karapatan ng


Manggagawa

1. ARTIKULO XIII KATARUNGANG PANLIPUNAN AT MGA


KARAPATANG PANTAO PAGGAWA Sek. 3. ng 1987
Philippine Constitution

Dapat magkaloob ang Estado ng lubos na proteksyon sa


paggawa, sa lokal at sa ibayong dagat, organisado at di
organisado, at dapat itaguyod ang puspusang employment at
pantay na mga pagkakataon sa trabaho/empleyo para sa lahat.

2. Republic Act No. 6727 (Wage Rationalization Act)


nagsasaad ng mga mandato para sa pagsasaayos ng
pinakamababang pasahod o minimum wage na naaangkop sa
iba’t ibang pang-industriyang sektor.

Narito rin ang ilan sa mga patakaran na nakasulat sa labor


Code of the Philippines na may kaugnayan sa mga
kabayarang dapat matanggap ng ng mga manggagawa.

3. Artikulo 94-Holiday Pay o Dagdag na Bayad tuwing Pista


Opisyal

4. Artikulo 91-93 – Premium Pay o Dagdag na Bayad tuwing


Araw ng Pahinga o Special day

5. Artikulo 87 – Overtime Pay o Dagdag na Bayad para sa


trabaho na lampas sa walong oras

6. Artikulo 86 – Night Shift Differential Dagdag na Bayad sa


Pagtatrabaho sa Gabi

7. Artikulo 96 – Kung saan ang lahat ng manggagawa sa


establisiyemento na nangongolekta ng Service Charge ay may
pantay na karapatan sa 85% ng kabuuang koleksiyon nito.

Maliban pa sa mga ito ay mayroon ding mga prebilehiyo ang


ipinagkakaloob sa mga manggagawa katulad ng mga
sumusunod.

8. RA11210 – 105 Day Expanded Maternity Leave Law na


ipinagkakaloob sa mga buntis at bagong panganak na mga
babae ganun din ay ipinagkakaloob ang 100% na benepisyo na
katumbas ng arawang sahod nito.

9. RA 8187 - PATERNITY LEAVE - maaaring magamit ng


empleyadong lalaki sa unang apat (4) na araw mula ng
manganak ang legal na asawa na kaniyang kapisan;

10. RA 8972 - PARENTAL LEAVE PARA SA SOLONG


MAGULANG

11. RA 9262 – na nagkakaloob ng LEAVE PARA SA MGA


BIKTIMA NG PANG-AABUSO LABAN SA KABABAIHAN AT
KANILANG MGA ANAK (Leave for Victims of Violence
Against Women and their Children

12. RA 9710 - batas na nagkakaloob ng Special Leave sa mga


empleyadong kababaihan na mayroong gynecological disorder
na sinertipikahan ng isang competent physician.

Mayroon ding mga espesyal na benepisyo ang


ipinagkakaloob sa mga manggagawa sangayon sa batas.

13. P.D. 851 – Pagkakaloob ng 13th Month Pay ng mga empleyo


sa mga empleyado nito.

14. Artikulo 297 at 298 ng Labor Code of the Phil.- Separation


Pay o bayad na ipinagkakaloob sa mga manggagawa na
nahiwalay sa trabaho sangayon sa mga dahilan na nakapaloob
dito.

15. Artikulo 302 ng Labor Code of the Phil. – nagsasaad ng


pagkakaloob ng bayad sa mga manggagawang magreretiro
iretiro sa sandaling umabot siya sa edad na animnapung (60)
taon hanggang animnapu’t limang (65) taong gulang at
nakapagpaglilingkod na ng hindi kukulangin sa limang (5) taon.
Nariyan din ang mga benepisyo ng insurance mula sa mga
pampublikong ahensya na ipinagkakaloob ng mga empleyo sa
mga manggagawa.

16. RA 7875, as amended by RA 9241 – National Health


Insurance Act of 1995

Ang nagtatag ng Philippine Health Insurance Corporation o


PhilHealth na nagbibigay ng benepisyong pangkalusugan sa mga
empleyado o manggagawa at kanilang mga dependents sa oras
ng pangangailangang medical.

17. RA 1161, as amended by RA 8282 – Social Security Act of


1997

nagbibigay ng isang pakete ng mga benepisyo sa pagkakataon


ng kamatayan, kapansanan, pagkakasakit, pagiging ina, at
katandaan ng empleyado

18. RA 9679 – Home Development Fund Law of 2009 o Pag-


IBIG (Pagtutulungan sa Kinabukasan: Ikaw, Bangko,
Industriya, at Gobyerno)

isang a mutual na sistema nang pag-iimpok at pagtitipid para sa


mga nakaempleyo sa pribado at pamahalaan at sa iba pang
grupo na kumikita, na suportado sa pamamagitan ng parehas na
ipinag-uutos na mga kontribusyon ng kani-kanilang mga may-
pagawa na ang pangunahing investment ay pabahay.

D. Paglalahat ng Aralin Mahalaga ba ang bahaging ginagampanan ng


Sektor ng Paglilingkod at ang mga batas na may
kaugnayan dito sa pag-unlad ng ating ekonomiya?
Sagot: Mahusay. Napakahalaga ng Sektor ng
Paglilingkod kabilang na rin ang mga empleyado at
manggagawa na nagbibigay ng kanilang serbisyo sa
halip na produkto upang mapaunlad ang ekonomiya ng
bansa. Gayundin ay napakahalaga ng mga batas na
may kaugnayan dito dahil nagbibigay ito ng proteksiyon,
suporta, at tulong sa mga manggagawa at mga
empleyado na nagkakaloob ng serbisyo sa mga tao
upang maipagpatuloy nila ang kanilang tungkulin
mapapribado man o pampublikong paglilingkod.
E. Paglalapat ng Aralin At bilang isang mag-aaral, sa paanong paraan mo
mapahahalagahan ang serbisyong ipinagkakaloob ng mga
manggagawa bilang bahagi ng sector ng paglilingkod sa
tao?

Sagot:

Magaling! Maaari mong mapahalagahan ang mga nagkakaloob


ng paglilingkod at serbisyo sa pamamagitan ng simpleng
pagpapasalamat sa kanila at pagrespeto bilang pagkilala sa
kanilang mga nagawang paglilingkod hindi lamang para sa
ekonomiya kundi para na rin sa tao.
F. Karagdagang gawain Para naman sa karagdagang gawain ay ipahayag ang inyong
opinyon ukol sa usapin ng Kontraktwalisasyon na
nararanasan ng maraming empleyado o manggagawa sa
ating bansa.

Ang Kontraktwalisasyon ay isang instrumento na ginagamit ng


mga kapitalista upang ipagkait sa mga manggagawa ang mas
mataas na sahod, mga benepisyo, at ang seguridad sa trabaho
dahil sa hindi pagkakaloob ng regular na estado bilang
manggagawa na karaniwang humahantong sa “end of contract” o
mas kilala sa tawag na “endo”.
Maaari mong ilagay ang iyong opinyon sa ating comment
section ng video na ito.
Maraming Salamat sa inyong panonood, nawa ay
marami kayong nakuha at natutunan sa ating aralin.
Hanggang sa muli, Ako si Sir Villanueva ang inyong
guro sa araw na ito. Wag kalimutang iclick Like at
Subscribe button sa ating Felixian YoutubeChanel ! at
ang notification bell para updated ka sa mga bago pa
nating video lessons na iaupload.
Paalam..

Inihanda ni:

Jorael Glenn R. Villanueva


Guro sa Araling Panlipunan 9

You might also like